Chapter 9 : Nang dahil sa Apron

1273 Words
Juniper’s POV “What are we going to do here?” tanong niya nang dalhin ko siya sa kusina. “No english, Dax. Hindi ba’t nakalagay sa contract ‘yun?” “Bobo ka ba sa english at ayaw mo akong mag-english?” “Hindi ‘no! Huwag mo akong subukan, Dax. ” “Eh, bakit ayaw mong nag-e-english ako?” “Maiintindihan mo rin ako soon,” sagot ko na lang at saka ko na nilabas ang ilang pirasong itlog galing sa frigde. “So, ano nga ba ang gagawin natin dito?” tanong ulit niya. “Natin? Hey, walang natin dahil ikaw lang ang may gagawin dito,” sabi ko at saka ko na inabot ang apron at spatula sa kaniya. “Ano ito?” tanong pa niya kaya sumibangot ako. “Seryoso ka ba? Hindi mo ba alam ang apron, spatula at itlog?” “Alam ko naman. Ang tanong ko ay ano ang gagawin dito?” Baliw ata ito eh. Kakasabi niya lang na ano ito…tapos biglang iibahin ang tanong. Nakakaloka. Ngayon pa lang ay na-stress na ako sa kaniya. “Magluluto ka ng itlog dahil gusto kong pinapalaman ang fried egg sa bread,” sabi ko sa kaniya kaya nakita kong namilog ang mga mata niya. “What the f*ck! A-ako?! Paglulutuin mo ng itlog? Totoo ba ito, Miss Juniper?” Ito ang unang beses na makita kong nagulat siya. Oh, God! Bakit naman ganito ka-perfect ang isang ito. Kadalasan sa mga nakikita kong lalaki na nagugulat ay sumasama ang itsura ng mukha, pero bakit itong si Dax ay guwapo pa rin? “Yes, ikaw nga at wala ng iba pa. Madali lang naman ‘yan. Ipipirito mo lang ang itlog. Ito ang una kong utos sa ‘yo ngayon. Toy boy na kita ‘di ba? Kaya kahit anong gusto kong iutos ay gagawin mo na ngayon. Aba, madali na nga lang itong una kong inuutos sa iyo eh.” Hindi mawala-wala ang kunot ng noo niya. Tila labag sa loob niya ang utusan ko siyang magluto ng itlog. Aba-aba, nag-uumpisa pa lang kami. Wala pa ang mga nakakatuwang iuutos ko sa kaniya kaya dapat sa mga ganitong simpleng mga utos pa lang ay masanay na siya. “Shibal!” sabi na lang niya kaya napakunot ang noo ko. “Anong shibal?” tanong ko sa kaniya. “Wala! Hindi kasi ako sanay magluto ng kahit anong pagkain. Alam mo naman na buhay prinsipe ako, tapos paglulutuin mo lang ako ng piniritong itlog? My God! Pinagloloko mo ata ako eh!” umirap siya pero sinasabit na niya sa leeg niya ang apron. Imbis na magalit ako sa pagrereklamo niya ay natawa pa tuloy ako. Halatang wala ngang alam ang isang ito sa kahit na anong gawain kaya natatawa na lang ako. Lumapit ako sa kaniya at saka ko pinigil ang pagtatalin niya ng apron sa leeg nita. “Hindi ‘yan para sa leeg, Mr Walton! Hindi ka naman gugupitan ng buhok para diyan mo ‘yan ilagay. Dito kasi ‘yan nilalagay sa baywang mo,” sabi ko at saka ko na tinali sa baywang niya ang apron. Siyempre, sinamantala ko ang pagkakataon na mayakap ang katawan niya kaya nilaban ko na ito. Habang ginagawa ko ito ay dinidikit kong mabuti ang mukha ko sa tiyan niya na alam kong puro abs. Dalawang bukol ang nadama kong dumikit sa pisngi ko. Ang sarap-sarap niyang yakapin. Amoy expensive. Lalaking-lalaki talaga. “Teka, talaga bang may kasama itong yakap kapag tinatalian ng apron? Pakiramdam ko ay sinasadya mo na lang gawin ito para yakapin ako,” tanong niya kaya kahit tapos ko na siyang talian ng apron ay bumaklas na ako ng yakap sa kaniya. Sayang, gusto ko pa naman tagalan ang pagyakap sa katawan niya. Ang sarap pa namang madikit ang mukha ko sa matigas niyang katawan. “Ayan, maaari ka nang magluto,” sabi ko na lang. Iiwanan ko na dapat siya nang bigla niyang hatakin ang suot kong dress. Nahinto tuloy ako. “Sandali.” “Oh, ano na naman?” “Paano ba lutuin itong itlog? Fried ang gagawin kaya dapat bang lagyan ng oil?” tanong niya. Lahat ba ng bilyonaryo ay ganito? Nakakaloka naman. “Non stick pan naman ang lutuan ko rito kaya ‘di na need ng oil, pero kung gusto mong gumamit ng ganoon ay okay lang naman. Lagyan mo rin ng salt and pepper para may lasa.” “Okay.” Nang malinaw na ang lahat sa kaniya ay tuluyan ko na nga siyang iniwan sa kusina. Naglakad lang ako paalis doon ng normal at nang alam kong malayo na ako sa kaniya ay nagtatakbo na ako sa living area para panuorin siya sa phone ko. May cctv kasi doon kaya mapapanuod ko ang gagawin niya. Pagkakita ko sa kaniya sa screen ng phone ko ay tila nahihirapan siyang magbukas ng kalan. Doon pa lang ay na-stock na agad siya. Kawawa naman ang taong ito kapa naghirap. Tiyak na mamamatay siya sa gutom dahil halos lahat ata ng mga simpleng gawain ay hindi manlang niya alam. Nakakaloka talaga! “Ay, hello! Anong kailangan mo?” Ay buwisit! Bakit naman nagpunta doon si Manang Charity? Hindi ba’t sinabi kong huwag pakekelaman ang toy boy kapag narito na siya. Kainis naman oh! Nakalimutan na naman siguro niya ka agad ang sinabi ko. Ang bobita talaga. Sorry po ulit, Lord. Kainis eh, talagang may pagkashunga palagi itong si Manang Charity. “Hello po. Hindi kasi ako sanay magbukas nitong lutuan dito kaya puwede ho bang turuan niyo ako?” sabi ni Dax sa kaniya. Narinig kong tumawa si Manang Charity kaya napakunot lalo ang noo ko. “Ano ka ba? ‘Yan lang hindi ka sanay? Hala, napaka-basic niyan sa akin,” pagmamayabang pa nito kay Dax kaya napangisi na ako. Bigla siyang naging henyo sa harap ni Dax. Hay, naku Dax, kung ako sa iyo ay umiwas ka na diyan kay Manang Charity kung ayaw mong mahawa ka ng mga kapalpakan. Ganoon pa man ay tinuruan na nga nito sa pagbubukas ng kalan si Dax. Mailang beses pa niyang pinakita rito kung paano bukas at ganoon na rin sa pagpatay. Pagkatapos ay umalis na ito nang marinig kong sinigawan siya ni Manang Pasing. Ganoon pa man ay good job ngayon si Manang Charity dahil natulungan niya si Dax na tila bukas pa matatapos magluto kung hindi niya ito tinulungan sa pagbubukas ng kalan. Kinurot ko ang balat ko. Totoo ba talaga ito? Toy boy ko na ba talaga ang sikat na sikat at napakayamang si Dax Walton? Ang gara lang talaga. Bakit nga kaya napapatol siya sa ganitong pakulo? Pakiramdam ko tuloy ay may dahilan siya. Sa nakikita ko ay parehong may benefits sa amin ang pagiging toy boy niya. Matututo kasi siya sa akin ng mga gawaing bahay, habang ako naman ay sumasaya dahil araw-araw kaming nagkakasama. Habang kasama ko siya ay uumpisahan ko na kung paano ko siya maaakit. Sa ngayon kasi ay kailangan ko muna siyang kilitasin. Kailangan kong alamin kung anong klase nga ba siya ng lalaki. Kailangan ko alamin ang hilig, kahinaan niya at ganoon na rin ang mga sikreto niya. Pero gustong mag-focus sa sikreto at kahinaan niya. Pakiramdam ko kasi ay magagamit ko ‘yun sa kaniya para mapilit ko siya sa mga iuutos ko sa kanya na matindi. Ngayon pa lang ay marami nang tumatakbo sa isip ko na gusto kong ipagawa sa kaniya. Ang saya lang dahil alam kong mag-e-enjoy ako nitong buong buwan dahil sa kaniya. Hay naku, Dax. Ano nga kaya ang mangyayari sa atin? May mangyayari nga kaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD