Welcome to Laiya!

453 Words
"Lumayo ka sa'kin! Huwag na huwag kang lalapit!" "Halimaw kaaa!" "Huwagggggg!" Balita: "Isang bangkay ng babae ang natagpuan ng mga otoridad sa isang masukal na parte ng lugar sa Laiya, Batangas. Ang biktima ay nasa edad 25 anyos pataas, morena at may maliit na pangangatawan . Nagtamo ito ng limang saksak sa iba't ibang bahagi ng kaniyang katawan. Basag na basag pa ang mukha. Sa loob ng tatlong dekada, sa tahimik na lugar dito sa Laiya ay ngayon lamang nangyari ang karumal-dumal na krimeng ito. Sino ang nasa likod ng pagpaslang? Malulutas kaya ang kauna-unahang misteryong ito sa isa sa pinakasikat na lugar ng bayan ng Batangas - Ang Laiya?" "Rahima Madlangbayan po, nag-uulat para sa NewsChannel10." ...... Makalipas ang tatlong taon... "Guys, welcome to Laiya, Batangas!" masayang sinalubong ni Maricar ang kanyang matalik na kaibigan at iba pa nitong kasamahan. "Friend, na-miss kita. Antagal mong hindi nagparamdam. Siguro nakapag-asawa ka na ng mayaman dito," sabik na tanong ni Abigail. "Naku, ikaw talaga friend. Kaka-chat lang natin kahapon para siguraduhing tuloy ang lakad ninyo tapos sasabihin mong na-miss mo na ako? Agad-agad? Grabe ka talaga friend. I miss you too," sabay yakap naman ni Maricar sa kaibigan. "Iba talaga kapag personal. Tatlong taon din kaya tayong hindi nagkita. Iba talaga kapag personal mong nakakasalamuha ang isang tao, 'di ba? Mukhang marami akong pandesal na matitikman dito, friend," sabi naman ni Abigail. "Hay naku, hanggang ngayon pa rin ba? Hindi ka pa rin nagbabago. Malandi ka pa rin. Ha-ha. By the way, mamaya ipapakilala kita sa future husband ko. Okay? In the meantime, ipakilala mo muna ako sa mga kasamahan mo bago ka maglandi riyan," pakindat na turan ni Maricar. "Ay oo nga pala. Sa sobrang excited ko kasi, nakalimutan ko tuloy na may mga kasama ako. O, siya, ipapakilala na kita ha?" nakahandang pagpapakilala ni Abigail. Isa-isang binanggit ni Abigail ang pangalan ng kanyang katrabaho sa kanyang kaibigan. Malugod namang tinanggap at kinamayan ni Maricar ang bawat kamay ng mga ito. Pagkatapos ng pagpapakilanlan ay agad namang sinamahan ni Maricar ang mga bisita. Tatlong taon na ring naninilbihan bilang tagapangasiwa ng resort si Maricar sa Laiya. Dito na rin niya nakilala ang kanyang boyfriend soon to be husband. Sa resort na kung tawagin ay Laiya, niligawan siya ni CJ o Carl Joseph sa tunay na buhay. Mangiyak-ngiyak pa siya noon nang mag-propose ito sa kanya. Alam rin ni Maricar ang tungkol sa kumalat na balita noon dahil malapit lang sa resort ang pinangyarihan ng krimen. Wala man siyang kinalaman ay nabagabag naman siya sa posibleng kahihinatnan nito dahil ni isa ay walang tumayong testigo o nagpaunlak man lamang sa NewsChannel10 sa nakaraang tatlong taon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD