Rahima's POV Isang napakaaliwalas na panahon ang bumungad sa akin ng huli akong makarating sa resort dito sa Laiya, Batangas. Nahuli kasi ako dahil tinapos ko pa ang asaynment ko bilang news reporter sa isang sikat na telebisyon program - ang NewsChannel10. Kahit tirik na tirik ang araw ng hapong iyon, napansin kong parang kakaiba ang resort na ito. Kakaiba in the sense na pagdating ko ay halos nagsisiuwian na ang mga bakasyonista sa lugar na iyon. Hindi naman sa nanghihinala ako pero dahil bilang reporter, likas na sa akin ang magsiyasat kapag nararamdaman kong may kakaiba talaga sa lugar. Oh well, since bakasyon ito ay kailangan ko munang iitsapwera ang trabaho. It's time for me to relax. To unwind! To feel the breeze of the place! Hindi muna ako dumiretso sa cottage. Nagliwaliw mun