Nang magising siya ay isang may edad na babae naman ang kanyang namulatan. Pamilyar ito sa kanya ngunit di niya matandaan kung saan niya ito nakita. "S-sino ho kayo?" Tanong niya dito. "I'm Gina, tita Gina nalang. Kapatid ako ng Mommy ni Kristan. Ako muna ang kasama mo dito, umuwe saglit si Kristan maliligo at kukuha ng mga gamit mo. Kain kana." Sabi nito. Nahiya siya bigla, pati ba naman ang tita nitong walang kamalay malay ay nadamay pa. Marahil naisip ng nobyo na pag ang driver lang ang pinagbantay niya ay magiging madali lang sa kanya ang mapasunod. Samantalang pag kaanak nito o kaibigan ay tiyak ma mangingimi siyang utos utosan. "Baka po may gagawin pa po kayo, nakakahiya po na pinagbantay niya kayo sa akin." Nakangiwi niyang sabi dito. "Naku, kain na. Wag kang mahiya hiya sa aki