Halata ang pagkagulat sa mukha ng nobyo ng makita siya matapos na maayosan, maging siya man ay nagulat din sa kanyang naging transformation. Tila ibang tao siya ngayon, mas lalong lumaki ang naging hawig niya sa kanyang ate Yvonne. "Wow, beautiful!" Bulalas nito ng hawakan siya sa braso. Nakasuot siya ng navy blue spaghetti strap long fishtail dress na hapit sa kanyang katawan. Itinaas din ang kanyang buhok na lalong nagpalutang daw sa kanyang ganda. Sabi ng bakla na kamukha niya ang model na si Yvonne, pero tanging ngiti lang ang kanyang naging tugon. "Wag ka ngang puri ng puri diyan, nakakailang kaya." Nakangusong sabi niya dito pero kumapit naman sa braso ng katipan. "Hehe dapat masanay kana, lalo at mapapadalas na ang pagsama sama mo sa akin sa mga ganitong events." Sabi nito sa kan