HYACINTH'S POV
"Hyacinth, pakikuha nga ng bag! Ayon oh." sabay turo ni Hyun ng bag. Kinuha ko naman saka binigay sa kanya.
"Hyacinth, kunin mo nga 'yong iPad ko sa mesa." utos ni Victor kaya kinuha ko rin.
"Hyacinth, 'yong mineral water nga." Ariell
"Hyacinth, 'yong pocket wifi nga" Gelo
"Hyacinth, 'yong baso nga." Rence
"Hya-"
"PANGALAN KO NALANG BA LAGI ANG MARIRINIG KO?" inis na sigaw ko sa kanila. Dahilan para mapahinto silang lahat at mapatingin sa akin.
"He-He-he-he. Sorry" sabay-sabay nilang sabi. I rolled my eyes. Saka ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga gamit ko.
We're moving na kasi sa Philippines. O diba ang galing? Dati rati kasi pabalik-balik lang kami doon. Pero ngayon? Doon na talaga kami titira. Pero mauuna muna kami sa mga parents namin kasi sila may mahalagang bagay pa na ginagawa dito.
At ngayon nag-aayos kami ng mga gamit namin. Well, oo nasa iisang bahay kaming lahat. Malaki naman 'yong bahay kaya nagkasya kaming lahat. At masaya rin naman na magkakasama kami sa iisang bahay eh.
Nababantayan pa namin ang isa't-isa.
Mahigit ilang oras din kaming nag-ayos ng mga gamit namin hanggang sa matapos.
"Hindi pa ba tayo kakain?" inip na tanong ni Toffer. Mainipin kasi talaga yan. Ako kasi ang nagluluto. At talagang SINADYA kong patagalin ang pagluluto nang tulungan na nila ako. Hello? Pare-pareho lang kaming may ginawa kanina.
At kung makaupo naman sila agad sa harap ng mesa 'e akala mo kung sinong mga boss. Bahala sila.
"Hyacinth? Matagal pa ba yan?" pagtatanong sakin ni Hyun.
"Oo. Matagal na matagal pa." pinagdiinan ko yung bawat salita nang maintindihan nilang sinasadya ko na patagalin ang pagluluto.
"Tulungan na kita." biglang sabi ni Rence. Ito lang ata sa kanila ang pinakamatino at gentleman.
"Hyacinth, sa tingin mo ba magiging okay ang buhay natin sa Pilipinas?" tanong sa'kin ni Rence.
"Hmm, maybe. Hindi natin alam." nakangiting sagot ko sa kanya.
Napaisip tuloy ako. Magiging okay kaya ang buhay namin sa Pilipinas?
Pagkatapos naming magluto ay nilapag na agad namin ang pagkain sa mesa. At parang magic nalang na naubos agad ang ulam. Napalunok tuloy kami ni Rence. DI MAN LANG KAMI INIWANAN?!
Kaya sa bandang huli, nagbukas nalang kami ng noodles in Cup. Tsk. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga na rin kami agad dahil bukas ay mamamaalam na kami sa mga kaibigan namin dito sa France.
*Next Day*
"Good morning~" bati ko sa kanila. Pero...
"*yawn* ano ba Hyacinth. Natutulog pa kami eh." ang bungad sa'kin nina Gelo, Rence, Hyun at Cristan.
Nasa kabilang kwarto kasi sina Victor, Ariell at Toffer.
Kumuha ako ng mga unan saka tinapon sa kanila nang magising sila.
"Bumangon na kayo dyan at pupunta pa tayo sa bahay ni Grandma." sabi ko sa kanila. Napatayo naman sila agad at saka nag-unahan sa banyo.
Kapag kasi si Grandma na ang pupuntahan namin kelangan na nilang magmadali. Kasi si Grandma 'e mainipin at ayaw niyang naghihintay siya ng matagal. Kasi kapag pinaghintay mo siya. Isang palo ng pamaypay niya ang bubungad sa ulo mo.
Sunod kong pinuntahan ang kwarto ng tatlo.
Mabuti naman at nag-aayos na sila. Bumaba na ako at saka chineck yung mga gamit namin kung wala na bang dapat pang ilagay sa bagahe. At okay naman. Bukas na rin kasi ang alis namin kaya ganoon nalang ang pag-aayos namin kahapon.
Di pa umuwi yung mga parents namin. Tsk tsk. Lagi naman ganun eh. Hay!
*poink*
"Aww." daing ko. Bigla-bigla ba naman kasi akong binatukan.
"Ano pang tinatanga-tanga mo dyan? Kung makapagmadali ka samin kanina eh kulang nalang wag na kaming maligo eh tapos ngayon ikaw na naman tong tatayo pa-aray Hyacinth-a-arayy-Oo na,kami na-Aww-ang mali. Sige na." binitawan ko na yung tenga niya. Hinila ko kasi. Kung makapanermon naman kasi sakin si Cristan eh.
Agad na kaming pumunta ng kotse at pumunta patungong bahay ni Grandma.
Nang makarating kami ay agad kaming pinapasok ng katulong niya. Alam niyo bang masyadong sosyal si Grandma? Sobra pa sa mga teenagers kung makapag-shopping eh.
"Grandma!" sigaw namin nang makababa siya. Agad namin siya binigyan ng isang yakap.
Umupo kami sa sala. Nagpalabas din si Grandma ng chocolate cake at juices.
"Kelan ba ang alis ninyo?" tanong ni Grandma.
"Bukas na po, Granny." sagot ni Rence.
"Bukas na agad? Nasan na ba ang mga magulang ninyo? Si Shawn? Sina Clark, Rence?" pagtatanong ni Granny.
"Actually, Granny, di sila umuwi kagabi eh. At saka busy pa raw sila ng mga works sa company." parang batang sumbong ni Hyun.
Kinuha ni Grandma ang phone niya at saka may tinawagan.
"Hello Zylen. Pumunta kayo ngayon din sa bahay ko..wala nang bakit-bakit." saka ni Grandma pinatay ang tawag.
At makaraan ang ilang minuto ay dumating na sina Mom.
We greeted each other at umupo na kami ulit.
Si Grandma naman sinermunan na sina Dad. Di naman sila makasagot kasi tama rin 'yong mga sinasabi ni Grandma.
Kung sino si Grandma sa buhay namin? Well, siya lang naman ang tumulong samin na makaahon ulit sa hirap nung muntik nang bumagsak ang kompanya namin dati kaya sobrang malapit kami sa kanya. Siya na rin ang tumayong Lola namin, Nanay, Tita at Ate.
At kami naman ang tinuring niyang pamilya.
"Kaya kayo Shawn dahil kayo ang lalaki, ihatid niyo bukas na bukas sina Hyacinth sa airport kung ayaw ninyong pati kayo e bukas na bukas bumalik ng Pilipinas." sermon ni Grandma.
"Opo, Grandma." sagot nina Dad.
"Kayo naman Hyacinth. Kapag nandoon na kayo sa Pilipinas hintayin niyo sina Tyler at Hyun doon ha. Wag na wag kayong aalis ng Airport at baka kung mapano pa kayo doon. Walang may magdadala ng babae sa bahay ninyo sa Pilipinas ha? At Hyacinth, wala munang boyfriend-boyfriend." tumango-tango naman kami sa sinabi ni Grandma.
Sa bahay na rin kami ni Grandma kumain ng pananghalian. At pagkatapos nun ay umuwi na rin kami. We spend our day with our parents.
*kinabukasan*
Maaga kaming nagising upang makapagready sa pag-alis namin.
"Hyacinth?" napatingin ako kay Mom na kakagising lang din.
I smiled.
"Goodmorning Mom." sagot ko saka ko siya niyakap.
"Magpapakabait kayo doon ha? Wag na wag kayong gagala-gala nalang nang basta-basta. Di niyo pa naman masyadong alam ang mga pasikot-sikot doon. At saka naayos na rin namin 'yong mga papers ninyo sa Royale Academy. Kayo na munang bahala doon ha? Susunod naman kami agad ng Daddy mo kapag naayos na namin lahat ng problema ngayon sa Company." pagpapaliwanag sakin ni Mom.
"Opo. Alam ko namang para din sakin 'yang ginagawa niyo eh. Naiintindihan ko po." nakangiting sagot ko.
Pagkatapos naming mag-usap ni Mommy ay dumating na rin 'yong iba saka kami sabay-sabay nagbreakfast at agad kaming dumiretso ng Airport.
Bago kami nagkahiwalay-hiwalay ay niyakap namin ang mga sarili naming magulang. Kahit papano ay mamimiss ko pa rin sila.
"Sumunod kayo agad samin ha?" bulong ko sa kina Mom and Dad.
"Yes, Anak. We Promise." sabi ni Dad then he kissed me in my forehead.
Nag-wave pa kami sa kanila bago sila nawala sa mga paningin namin.