“What was that, Sabina?” Dumagundong ang boses ni Tito Rafael sa apat na sulok ng kanyang opisina. Kanina pa ako kinakabahan. Ngayon lang kasi s’ya nagtaas ng boses at ito rin lang ang unang beses na nagalit s’ya sa akin. Ni kahit minsan ay hindi pa n’ya ako sinermunan. Nagtatanong s’ya ng mga bagay-bagay, oo, ngunit hanggang doon lang iyon. Ni hindi rin n’ya ako binibigyan ng utos, lagi na lang ay nagtitiwala s’ya sa kakayahan kong magdesisyon. Iba nga lang ngayon. Alam kong makakarating kaagad sa kanya ang tungkol sa nakita ng parents ni Gian noong nakaraang araw. Akala ko nga ay hindi lilipas ang araw na iyon na hindi malalaman ni Tito Rafael ngunit tatlong araw pa ang lumipas bago n’ya ako ipinatawag dito sa kanyang opisina. Hindi ko alam kung ngayon lang ba n’ya nalaman o baka hi