"Sigurado ka bang okay ka lang talaga?" Nilingon ko si Reymond. Nakalilis na hanggang siko ang sleeves ng suot n'yang Americana. Loose na rin ang necktie n'ya at sigurado akong maya-maya lang ay tatanggalin na n'ya iyon dahil sa iritasyon. "Okay lang ako. Hindi naman ako na-harass." Muli akong pumikit habang nakasanda sa katawan ng sofa. Sa halip na sa main building ng RF kami dumiretso, mas pinili ni Kian na rito na lang sa RF Network pumunta lalo na at may mga naglipana na mga reporter sa entrada ng building ng RF. Siguradong ngayon pa lang ay namomroblema na ang mga tao roon kung paano makakapasok at makakalabas mula sa building. Makakaya naman ni Tito Rafael na gawan iyon ng paraan lalo na at wala namang magagawa ang mga reporter sa oras na magseryoso na si Tito Raf. Sa oras na