Mataas na lugar na ang Antipolo pero mas mataas pa ang bahaging pinili ni Gian para pag-park-an ng kanyang sasakyan. Pa-oval ang lugar na kinalalagyan namin, hindi rin ganoon kalayo mula sa main road. May ilang restaurant sa paligid at may nadaanan din kami kanina na isang camp site. Malapit lang iyon dito at makakarating kami roon kahit lakarin namin, iyon ay kung gusto naming doon magpalipas ng gabi. At siyempre, kung nagke-cater sila ng mga walk-in guests kahit na late na. Alas onse na ng gabi. Hindi naman kami nagugutom dahil nag-drive thru kami sa isang fast food na naraanan namin kanina kaya kumain na rin kami sa daan. Ngunit siyempre pa, hindi pa rin naman sapat iyon, kailangan pa rin naming kumain ng proper meal. Nakakatawa nga ang pagro-road trip naming dalawa. Parang nang-