CHAS- Chapter 49

3267 Words

Pakanta-kanta pa ako habang naghuhugas ng plato. Ako na ang nag-insist na maghugas ng pinagkainan namin dahil si Gian naman ang nagluto. Sanay din naman akong maghugas dahil madalas ko namang ginagawa ito sa France. Hindi naman kasi ako madalas na kumukuha ng taga-linis sa condo ko sa France. Minsan ko lang gawin iyon kapag wala talaga akong oras at kapag puno ang schedule ko. Kaya nga sobra akong nanibago nang noong unang buwan ko rito sa Pilipinas. May mga katulong kasi sa mansyon kaya hindi rin ako makagalaw. Ayaw ko namang agawan pa sila ng trabaho. Iilan lang ang mga ginamit naming utensils kaya mabilis akong natapos sa paghuhugas. Ang mga natirang pagkain naman ang pinagtuunan ko ng pansin. Madami kasi ang niluto ni Gian at puwede ko pa iyong kainin para sa dinner mamaya. Iiniti

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD