Chapter 8

1630 Words

"Apo." Halos maiyak ako nang marinig ang boses ni Lolo mula sa kabilang linya. "Lo." garalgal ang boses kong sagot. Araw iyon ng linggo at walang pasok kaya naman sinusulit ko ito at ang tinutukoy kong pagsusulit ay ang paghiga lamang sa kama maghapon. Ang productive, 'di ba? "Kumusta ka naman diyan, Meek? Kumakain ka ba, ha? Baka naman nagpupuyat ka pa rin araw-araw para manuod ng porn." Napatakip ako sa noo ko dahil sa sinabi ni Lolo. Si Lolo talaga, kahit kailan ay napatabil ng dila. "Lo, hindi p**n ang pinapanuod ko. Movies or drama lang." Siguro nga'y hindi ako ganoon ka-inosente sa ganoong bagay salamat sa mga kaklase ko noong high school na hinihila ako para manuod kami ng ganoon pero salamat na rin siguro a kanila dahil na-realize kong bakla ako at hindi mahilig sa mani.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD