Chapter 15: Instinct

1696 Words
"Ang sabi niya sa akin, Sir, pinapakuha niyo raw, nagsend ka raw po ng message na nagsasabing inutusan mo siya. At hindi lang 'yon, Sir, tinawagan pa kayo, mukhang kayo naman 'yong kausap kaya ibinigay ko na." Halos mamura ko ng malutong ang staff ng bar habang ikinukwento ang pangyayari kahapon kung saan ibinigay niya sa hindi ko kilalang tao iyong kopya nong CCTV footage. Pinili kong kumalma dahil nakakahiya kung pagbubuntunan ko ng galit itong lalaki na kausap ko. Sinubukan kong kumalma kahit sa loob-loob ko ay sasabog na talaga ako sa galit. Pasimple kong iginalaw ang panga ko sa inis. "Kuya, wala akong inutusan, okay? Tsaka, sinabi ko naman sa'yo na hwag mong ibibigay 'yon kahit kanino bukod sa akin o sa mga kaibigan ko, diba?" I try my very best to calm down. Napakamot ito ng ulo. "E, Sir, iyon din po ang sinabi ko e kaso nagpumilit at sinabing kaibigan niyo rin daw siya e." Napakunot ako ng noo. "My friends are busy, manong, wala silang panahon para kunin iyon." "Makulit po talaga 'yon, Sir kaya napilitan po akong ibigay e. Pasensya na po." Paghingi nito ng sorry. "Huwag po kayong mag-alala, gagawa nalang po ulit ako ng bagong kopya pero kinakailangan niyo pong maghintay ulit ng ilang linggo." What the f**k? "Look, manong, I badly need it. Wait, namukhaan niyo ba yong kumuha nong kopya kahapon?" Napansin ko na nag-iisip siya, pilit inaalala ang mga nangyari kahapon. Siguro naman, madali ko lang malalaman ang pagkatao non kung may detalye lamang siyang maibibigay sa akin. "Naku! Sir, hindi e. Balot na balot kasi ang mukha non, nakasumbrero po iyon ng itim saka nakamask, nakasuot pa po ng eyeglasses na black e." Damn! Nagsisisigaw ako sa loob ng kotse ko at pinaghahampas iyong manibela dala ng inis. Gigil na gigil ako dahil kung kailan maayos ko na ang isang problema ay naudlot pa. Pakiramdam ko tuloy may tumatraydor sa akin at kung sino man iyon ay hindi ko na alam. "Paanong ako ang kumuha non? Pre, nasa probinsiya ako, kahit utusan mo 'ko, wala akong panahon para lumuwas ng Manila para lang don." Kating-kati ako na malaman kung sino ang kumuha nong CCTV footage kaya kaagad kong tinawagan ang mga kaibigan ko thru videocall kahit hatinggabi na. Tulog na si Mahana, ganitong oras lang ako na malaya na makakapag rant about sa annulment. Malaya akong makakasigaw incase na sumabog ako sa galit. "Labas ako diyan ah, out of the country kami ni Jaime my labs ko kaya imposible na ako." Pagsuko rin ni Chris, napansin ko na humigop siya ng kape dahil malamang malamig don sa Japan ngayon kung saan nila naisipan pumunta ni Jaime. Nagsalita naman si Rhaiven na kumuha ng atensyon ko. Mukhang nasa opisina pa ito ayon sa background niya at sa damit nito na nakablack suite pa rin. "I'm busy with a lot of meetings, wala akong alam dyan. At kahit utusan mo 'ko na kunin 'yon, hindi ko gagawin. Hell! Ako ang boss dito sa kompanya ko tapos uutusan mo lang ako? Tsk!" Shit! Napamura ako sa loob-loob ko. Napahilot ako sa aking sentido habang napapikit. Inis na inis ako sa kadahilanang wala akong ideya kung sino ang taong may gawa nito sa akin. Wala akong masisisi na ibang tao dahil wala naman akong kagalit. "Baka naman may inutusan ka talaga pero hindi mo lang maalala?" Komento ni Ken. "Ken, wala! Sa inyo lang ako nagtitiwala. At kung may uutusan man ako, ikaw at ikaw lang kaya paano na may kumuha non without my permission?" "Baka naman si Mahana?" Sabat ni Chris. "Kasama ko siya buong araw kahapon kaya imposible. Ni hindi kami mapaghiwalay dahil nakabantay si Lola sa amin. Tsk." Padabog akong uminom nong alak na nasa lata. Nasa harap ko naman iyong pulutan ko na mani. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Rhaiven. "Luis, hindi na maganda ang kutob ko sa mga nangyayari sa'yo. Kinakailangan mo ng humingi ng tulong sa pulis o sa parents mo." Suhestiyon ni Rhaiven na halata sa boses nito ang pag-aalala. "Rhai, hindi pwede. Hindi pwedeng malaman nina Mama ang tungkol dito sa annulment namin ni Mahana. Think about my reward, bro, my reward that I'ved waiting for." Depensa ko. Hindi pwede na malaman nina Mama ang tungkol dito hanggat hindi ko nakukuha ang reward. Kinakailangan kong siguraduhin na makukuha ko iyon bago ko ito ipagtapat sa kanila. At darating din ako sa araw na iyom na masasabi ko sa kanila ang totoo. Ang importante ngayon ay makuha ko iyong reward na inaasam-asam ko. "Luis, it is just a reward, ni wala ka ngang idea kung ano ang ibibigay ng Lola mo. O baka inuuto ka lang non para magtino ka na. Alam mo na sagrado ang kasal para sa kanya kaya ginagawa niya ang lahat para umayos ang married life niyo ni Mahana which is accidentally wife mo lang naman. I'm being serious here, Luis, hindi mo kayang basahin ang utak ng Lola mo. Hindi lahat ng sinabi miya ay totoo."Kalmado ngunit pasinghal na tugon ni Rhaiven. Napailing ako dahil hindi ako sang-ayon sa sinabi niya. "Bigtime ang Lola ko, Rhai, kaya niyang ibigay ang gusto ko kahit hindi ko sabihin kung ano iyon." "Tsk! Mas stress pa 'ko sa problema mo kaysa dito sa kompanya niyo e." Natawa ako. "I know you're concern pero malakas ang instinct ko na hindi ako inuuto ng Lola ko." "Okay! Fine.." pagsuko ni Rhaiven. "Ano ng balak mo? Mahihirapan ka na naman sa annulment niyo nyan." Pagbabalik ni Kenneth sa topic namin. "Ano pa ba? Edi hahanapin ko 'yong potanginang epal sa problema ko." Gigil na tugon ko at hindi ko napigilan na mapayukom sa kamao dahil sa inis. "Tangina! Malakas ang kutob ko na baka si Jade 'yon. He stole the copy para pagtakpan kung sino man 'yong nag-utos sa kanila na ikasal kami ni Mahana." "Possible naman 'yan dahil according sa mga investigator na inutusan ko, mukhang nakakahalata na ito na pinaghahanap mo siya." Ani Kenneth. "Mukhang bigating tao 'yang pinagtatakpan ni Jade." Tugon ni Chris na napapatulala na rin sa kawalan. "Ang tanong, sino naman kaya 'yon? Anong atraso ko naman don kung sakali? Ni wala akong inaagaw na lupa, kompanya, o 'di kaya sandamakmak na pera para gantihan ako. Kaya malaking pagtataka ko kung sino ang taong may gawa sa akin nito." Mag-aalas tres na ng madaling araw ay gising pa rin ako kakaoverthink kung sino ang tao na nasa likod ng mga pangyayaring ito. Sinusubukan kong alalahanin lahat ng nakaaway ko pero ni isa ay wala akong mapangalanan. Kung may kaaway man ako, nakikipagbati naman ako kaagad. Ultimo sa bar kapag napapasabak ako sa gulo ay kinabukasan ay humihingi naman ako ng sorry. "Goodmorning po, Sir." Alas onse na ng umaga ako nagising at sobrang sakit ng ulo ko dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaoverthink. Pagbaba ko pa lamang ng hagdanan ay binati na ako ng ilang kasambahay na abalang naglilinis sa mawalak na sala ng mansyon ni Lola. Inilinga ko ang paligid, wala ni anino ni Mahana o ni Lola ang nakita ko hanggang sa makarating ako sa kusina. Ultimo imik nila ay hindi ko narinig. "Manang, nasaan si Mahana?" "Lumabas po, Ser." "E si Lola?" "Nasa kwarto niya po, nagpapahinga, galing po kasi siya sa labas." Tumango na lamang ako at inutusan na ipaghanda ako ng makakain ko. Kumuha ako ng fresh milk sa fridge at iyon muna ang iinumin ko. Napatigil ako sa pag-inom nong gatas nang tumunog ang selpon ko. "What's up, Luis." Nabuhayan ang pagkatao ko nong marinig ang tinig na iyon ni Misty sa kabilang linya. "Hi, Misty, how are you?" "I'm fine, namiss ko lang 'yong presensya mo. Lately kasi hindi ka nagpaparamdam e. Is there any problem?" "Wa-wala. No worries, busy lang ako sa... sa pagplaplano sa gusto kong ipatayo na restaurant. Yeah.." palusot ko. "Wow! Nice to hear that. I'm happy for you." Nagtagal ang pag-uusap namin ni Misty ng ilang oras dahil matagal nong huli kaming nagkausap dahil na rin sa pagiging busy namin. She's busy in her career at New York samantalang ako, namamatay na sa annulment process namin ni Mahana. May guilt akong nararamdaman dahil hindi ko kayang sabihin kay Misty ang tungkol sa aksidenteng kasal namin ni Mahana. I know, wala pa kaming label pero she's important person to me, dapat lang na alam niya ang nangyayari sa buhay ko but I failed to share it to her. Ayokong maglihim sa kanya pero ito ang ginagawa ko ngayon to keep my reputation on her. Saka ko na siguro sasabihin sa kanya kapag naayos ko na ang sa amin ni Mahana. "Apo, pakisundo si Mahana sa work niya. May dinner tayo kasama iyong mga kasosyo ko sa negosyo. Sunduin mo na siya ng maaga para makapagbihis na." Syempre, si Lola iyon kaya wala akong nagawa kundi ang sunduin si Mahana sa coffee shop na pinagtratrabahuan nito. Kahit magdabog ang ay wala pa rin akong laban. Nakita ko na lang ang sarili ko na nagmamaneho papunta sa working place ni Mahana. Pakagat na ang dilim at sa takot na maabutan ko ang rush hour ay minadali ko na ang pagmamaneho. Nang makarating ako sa parking lot ay tumingin ako sa wrist watch ko, may fifteent minutes pa bago sila mag out kaya lumabas ako at nagmuni-muni. Gusto ko rin mag-isip ng paraan para sa annulment namin ni Mahana na nagiging challenging na para sa akin. "s**t! Ang tagal naman niya." Naglakad ako patungo sa coffee shop para sunduin na siya dahil baka inaantay na kami ni Lola. Nakakaapat na hakbang pa lamang ako ay may natanaw na ako sa left side ng shop. May kausap si Mahana na hindi ko mawari kung babae ba ito o lalaki dahil medyo madilim ang kinaroroonan nitong pwesto. Nagtaka ako kung ano ang pinag-uusapan nila dahil kung tutuusin, mukhang problemado si Mahana ayon sa itsura nito. At nang tuluyan nang humampas ng kauting liwanag sa mukha ng kausap nito ay doon ko lamang napagtanto kung sino. "Mama?" Anong ginagawa ni Mama dito? Kung tutuusin, nasa abroad dapat siya para sa business meeting, bakit sa nandito? Anong pinag-uusapan nila ni Mahana?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD