"f**k! Hindi ko na siya macontact. Argh!"
Naihagis ko sa ere ang hawak kong selpon dahil hindi ko na macontact ang cellphone number ni Jade na tumawag sa akin kanina. Nakailang dial na ako sa number nito ay wala pa rin. Hindi ko pa naalaman kung sino ang may pakanan lahat ng ito.
Nagulat si Mahana sa paghagis na ginawa ko sa selpon na hawak ko kanina. Sa inis ko ay napamura ako ng malutong saka pinagpupukpok ang ulo ko gamit ang kamay ko.
"Kumalma ka nga." Malumanay na usisa nito, nararamdaman ko sa boses nito ang kaba at takot dahil sa inaasta ko pero hindi ko siya magawang pakinggan.
Matalim ang tingin na itinapon ko sa kanya. Siya ang tanging dahilan kung bakit naputol ang pag-uusap namin ni Jade. Ang pag-uusap namin na makakapagbigay sa akin ng kasagutan sa lahat ng katanungan na gumugulo sa isipan ko.
"Tsk! This is your f*****g faul!" Paninisi ko sa kanya, naiduro ko pa siya ng bahagya dahilan upanh mapahawak ito sa kanyang dibdib na animoy nagtataka kung bakit siya ang sinisisi ko.
"Ba't naninisi ka dyan? Wala naman akong ginawa ah."
"Ah talaga?" Nakapameywang ako na naglakad palapit sa kanya at kita ko kung paano siya mapalunok sa takot. "Kung hindi ka tumili, hindi sana ako nataranta kanina. Dahil diyan sa kaartehan mo, naudlot yong kasagutan dapat sa problema natin."
"E may ipis kasi don kanina e, takot ako sa ipis." Depensa nito na paiyak na pero wala akong maramdaman na awa sa kanya.
"Tsk! Ang dami mong arte!" Singhal ko rito na animoy nawawalan na ako mg respeto sa kanya. "Mahana, si Jade 'yong kausap ko kanina. Si Jade na matagal na nating hinahanap para may makapagpatunay sa korte na hindi natin ginusto yong kasal, na aksidente lamang 'yon."
"E hindi ko naman alam na siya ang kausap mo e. Malay ko ba kasi." Takot na tugon nito.
"Tangina!" Napahilot ako sa aking sentido dahil sa inis. " Palagi ka namang ganyan e. Ano pa nga bang aasahan ko sayo? Isa ka lang pabigat at peste sa buhay ko. Dapat lang talaga na hindi ko magustuhan ang babaeng kagaya mo." Masasakit na salitang usal ko sa kanya pagkatapos ay nilayasan na siya't hindi manlang inisip ang kanyang mararamdaman.
Sa guest room ako natulog dahil mainit pa rin ang ulo ko kay Mahana dahil sa nangyari. Mabuti na lamang at tulog na sina Lola at Mama kaya malaya ako natulog sa guest room. Kinabukasan, nagising ako dahil may tumapik sa pisngi ko at pagmulat ko ay bumungad sa akin ang bulto ni Lola.
Napabalikwas ako ng bangon at bahagyang kinusot ang mata ko.
"La, ba't narito kayo?"
"Hindi ba dapat ako ang magtanong nyan sa'yo, Apo? Ikaw, bakit ka nandito? Bakit dito ka natulog at hindi sa kwarto niyo ng asawa mo?" Nakakrus na braso na tanong ni Lola sa akin. At iyon na naman ang tingin na kinatatakutan ko sa lahat mula sa kanya.
"Ahh..kasi, La..."
"I'm not stupid, Luis.." makahulugang tugon ni Lola na animoy alam nito ang dahilan ng hindi ko pagtabi kay Mahana sa kwarto namin. "Ayusin mo 'yan or else, you may lose everything.."
Natulala ako sa sinabi nito paglabas niya sa guest room na kinaroroonan ko. She's right. Im going to lose everything kapag hindi ko inayos ang sa amin ni Mahana. I dont know kung tungkol sa marriage namin ni Mahana ang tinutukoy ni Lola na mawawala sa akin o 'yong reward na inaasam ko.
Napasabunot ko na lamang ang sarili ko at nagmumura ng malulutong. Sa dami ng iniisip ko at nagkasabay-sabay na, hindi ko na halos alam kung alin doon ang uunahin kong solusyunan.
"May point ka naman, pre, pero sana, kinausap mo siya ng maayos hindi ganon." Panenermon ni Rhaiven sa akin, pumaroon ako sa opisina niya upang may makausap. Siya lang ang available ngayon dahil sina Chris at Kenneth ay busy sa kanilang lovelife.
"Pocha! Siya na nga 'tong nakapermisyo, siya pa magmumukhang biktima?"
"But the way na sinisi mo siya, you're below the belt, pre. Sana kahit konti, nag-ingat ka sa mga sinabi mo. Tao rin 'yon na nasasaktan. At feel ko naman guilty siya for interrupting you and yon nagsorry naman, di ba?"
Napabuntong-hininga ako ng malalim habang nakasandal sa malambot na sofa ni Rhaiven sa opisina nito.
"Aanhin ko 'yong sorry niya? Kaya ba non na ibalik 'yong segundo na nasayang habang kinakausap ko si Jade? f**k! Hindi!" Nanggigigil na tugon ko, nakayukom pa ang kamao ko sa inis at handang-handa ito na sumuntok dala ng galit.
"Fine! Unahin mo 'yang pride mo, tignan natin kung may mapala ka." Pagsuko nito. Ibinalik na niya ang atensyon sa kanyang laptop.
Wala akong nagawa kundi ang magmukmok sa sofa habang abala na nilalamutak iyong isang bote ng alak na sinerve ng sekretarya nito sa akin. Hinayaan ako ni Rhaiven na magmunimuni roon ng ilang oras bago tuluyang umalis dahil naisipan ko na pumunta sa bar.
"Ginagawa na namin lahat, Sir, para mapadali 'yong proseso. Huwag po kayong mag-alala." Tugon ng staff sa akin.
"I badly need it, Kuya. Please, gawan niyo ng paraan. Magbabayad ako ng kahit magkano, basta gawan niyo ng paraan."
Tumango ang staff sa akin.
"And please, hwag na hwag niyo na itong ibibigay kahit na sino bukod sa akin."
"Makakaasa kayo, Sir."
Kinakailangan kong kausapin si Attorney ngayon regarding sa napag-usapan namin ni Jade kagabi. Nang makapagsettle na kami ng meeting sa labas ay kaagad na akong gumayak. Kinakailangan niyang malaman ang mga confession ni Jade sa akin kagabi baka sakaling makatulong iyon sa kaso namin.
"You need to be extra careful, Luis, lalo na sinabi ni Jade sayo na hindi lahat ng nasa paligid mo ay kakampi mo." Paalala ni Attorney sa akin.
"Iyon nga ang ikinakabahala ko, Attorney, sa gantong sitwasyon, kinakailangan ko ng kakampi pero nakakatakot. Hindi ko alam kung sino ang totoong kakampi ko. Nakakatakot magtiwala."
"Ang maipapayo ko sayo, piliin mo ng mabuti kung kanino mo ipinagkakatiwala yong mga plano mo lalo na dito sa annulment niyo ni Mahana. And let her know this para aware din siya. Very alarming na 'tong sitwasyon niyo, Luis."
Dahil sa payo ni Attorney, may kakaibang hangin ang nagtulak sa akin upang sunduin si Mahana sa pinagtratrabahuan nito. Aaminin ko, bigla akong nakaramdam ng pag-aalala sa kanya kahit nakakainis ito. Tama si Attorney, kinakailangan naming piliin ang mga taong pagkakatiwalaan namin. Hindi lahat kakampi namin. Hindi lahat totoo sa amin. Nakakatakot.
"Hey! Luis right? Asawa ni Mahana?" Sulpot ng isang babae sa harapan ko habang nakasandal sa may pintuan mg sasakyan ko. Inaantay ko si Mahana na lumabas at tiniis ko tumambay roon ng ilang oras kahit nakakabagot na. Nakailang chat na ako sa kanya pero wala pa rin siyang reply kahit nakaseen na. Pakagat na rin ang dilim pero nandito pa rin ako, nag-aantay sa kanya.
"Yes.."
"Sinusundo mo ba sya?"
"Yap, palabas na ba sya?"
"Sinusundo? Kanina pa siya lumabas e, baka nga nakauwi na."
"What?"
Iyong concern ko sa kanya ay napalitan ng inis. Hindi manlang siya nag-abala ng segundo para replyan yong chat ko na nakauwi na siya. Hindi manlang niya ako ininform kahit naseen niya yong chat ko. Nagmukha tuloy akong tanga dito kakahintay sa wala. Tsk!
"Ang peymus mo ah! Hindi ka manlang nagreply sa chat ko."
Galit na galit ko siyang sinugod sa kwarto nong malaman ko sa mga maid namin na nakauwi na siya. Dalawang hakbang pa ginawa ko sa hagdanan namin para lang makarating na agad sa kwarto namin. Kating-kati akong talakan siya.
Naroon siya sa vanity table, abala sa panonood sa youtube ng makeup tutorial. Para akong hangin sa paningin niya na hindi niya maramdam. Nilapitan ko siya sa side nito pero wala pa rin siyang imik.
"Alam mo bang nagmukha akong tanga don kakahintay sa wala?"
"Bakit, sinabi ko bang maghintay ka?"
"Pocha! Ikaw na nga 'tong sinusundo!"
"Inutos ko ba 'yon sayo?"
Salubong ang kilay ko sa sinagot niyang iyon. Gustong-gusto ko siyang batukan sa pambabara nito sa akin. Mabuti na lamang ay napigilan ko ang sarili ko.
"Mahana, napansin ni Lola 'yong pag-iinarte mo." Singhal ko sa kanya, sinundan ko siya ng tingin nang tumayo ito sa pagkakaupo.
"Ah, kaya pala sinundo mo ko para kunwari sinusuyo mo ko. Para bawiin ko sa Lola mo na ako ang may kasalanan sa away natin at hindi ikaw, ganon ba? Talino mo din ah." Sarkastimong depensa nito.
"Bakit, kasalanan mo naman talaga ah."
"E nagsorry naman ako, ano pang kulang? Gusto mo ba lumuha ako ng dugo para lang mapatawad mo ko? Hindi ko naman yon sinasadya e. Kung alam ko lang na si Jade ang kausap mo, akala mo ba hindi ako gagawa kaagad ng paraan para matapos na 'tong problema natin? Palaging pabigat at sakit sa ulo ang tingin mo sa akin. Kahit naman gumawa ako ng tama, puro mga mali ko pa rin ang napapansin mo. Palibhasa kasi, hindi ka marunong umunawa."
"Umunawa? Saang parte dapat kita unawain? Ako nga dapat yong bigyan mo ng pag-unawa dahil sa ating dalawa, ako palagi ang pagod. Ginagawa ko na nga lahat para maalis tayo kaagad sa kasalan na parehas nating hindi ginusto. Sinasakripisyo ko na lahat para lang don. Binubuwis ko na pati buhay ko. Ayon na 'yong kasagutan sa problema natin, Mahana, importante satin yon."
"Psh! So ngayon, nagbibilang ka naman ng ambag? O edi ikaw na ang maraming ginawa! Alam mo sa ugali mo hindi na ako magtataka kung bakit may mga taong gustong maghiganti sayo. Immature ka at walang pakiramdam." Bulyaw nito sa galit dahilan para matigilan ako. Nadala ako sa sinabi niya. Baka nga may point siya pero hindi ko tanggap ang huli nitong mga sinabi.
Humakbang ako palapit sa kanya habang nakikipaglaban ng titig.
"Sa laban na 'to, Mahana, totoo ka ba? Kakampi ba talaga kita? O isa ka sa mga taong ginagawa lang ang lahat para matalo ako sa laban na 'to?