"Prinank ka lang, nagalit ka na agad."
Narinig ko ang sunod-sunod na pagtawa ni Mahana matapos niya akong maabutan na hawak-hawak iyong pregnancy test na positive. At mas lalo pa akong naguluhan sa mga sinabi niya.
Napakunot ako ng noo. "Anong prank?"
Kinuha niya iyong pregnancy test na hawak ko. Sinundan ko siya ng tingin na maupo sa dulo ng kama. Kung gaano kakabado ang puso ko siya naman ang ikinakalma niya.
"Aamin na ako. Sige na." Tugon niya, nakaabang ang buong sistema ko sa mga susunod niyang sasabihin.
"Bu-buntis ka?" Dire-diretsong tanong ko dahil nilalamon na ako ng kaba.
"Hahaha!" Ayon na naman ang pagtawa niya na ikinaiinis ng teinga ko na marinig.
"Bakit ka ba tumatawa? Anong aamin mo? Wala ka ng aaminin dahil nahuli na kita. Buntis ka ' diba?" Iritableng tugon ko. Konti nalang din ay sabunutan ko siya dahil sa pagiging kalmado niya. Pinagtatawanan pa ako ng babae.
"Shunga! Hindi ako buntis." Sagot niya na ikinagulat ko.
"Anong hindi? Positive 'yang resulta dyan sa pregnancy test mo oh. Hindi ka naman siguro bulag no?" Depensan ko, medyo tumataas na ang boses ko sa kanya dala ng inis.
"Oo, hindi ako bulag." Pagdidiin niya. "Sino ba kasi maysabi sa'yo na akin 'to?" Itinaas niya ang hawak nito na pregnancy test.
Mas lalo akong naguluhan sa mga sinabi niya. Kung hindi sa kanya iyong Pregnancy test, e kanino?
"Kung hindi sa'yo 'yan, e kanino? Tsaka, ano 'yong mga signs na napansin ko sa'yo? Hana, tumama lahat ng signs na sinabi ni Rhaiven sa akin kaya paano mo nagagawang magdeny ngayon?" Pakikipaglaban ko, ni halos hindi ako kumukurap sa pagiging desperada ko ng kasagutan.
Nakita ko kung paano siya napabuntong-hininga ng malalim. "Kay Kayejell 'to, 'yong kaibigan ko sa apartment." Tugon niya. "Mangingialam ka na nga lang sa mga gamit ko, namali ka pa ng akala."
Umalis siya sa pagkakaupo sa dulo ng kama at inihagis sa loob ng kanyang shoulder bag iyong pregnancy test, saktong nashoot naman ito sa loob.
"What? Paanong hindi sa'yo? How about those f*****g pregnancy signs na napansin ko sa'yo?"
Hinarap niya ako at narinig ko ang pagtawa niyang maikli. "Hindi ba obvious na sinet-up lang kita?" Taas-kilay niyang tugon.
Mas lalo akong nagulugan sa sinabi niya. Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to?
"Anong set-up na pinagsasabi mo dyan?"
"Jusko! Nahalikan mo lang ako non, limot mo na agad." Nakangising tugon niya. Nakita ko pa kung paano niya basahin iyong lower lip niya gamit ang kanyang dila.
At bumalik sa alaala ko iyong pagkakataon na hinalikan ko siya. Iyong malambot niyang labi, iyong pagtugon niya sa mapusok kong paghalik at sa paraan ng paghawak niya sa leeg ko na madiin. f**k! How can I forget that?
"Nagsex ba tayo, that night?"
"Ano sa tingin mo?" Pilyong sagot niya.
"Just answer my f*****g question, Hana."
Nakipagtitigan muna ito sa akin bago sumagot. "Hindi. After mo 'kong halikan, inihiga mo na 'ko sa kama then hindi na kita naramdaman pa." Paliwanag niya.
"E ba't hubad ako pagkagising natin?"
"'Yon nga ang prank e." Kagat-labi na tugon niya.
"What do you mean?"
"Nagising ako ng madaling araw at syempre, hindi naman ako makakapayag na hindi ako makaganti sa kademonyohan mo sa akin kaya ayon, sinet-up kita." Panimula niyang paliwanag. "Hinubad ko lahat ng damit mo para mag-overthink ka ng malala pagkagising. Para isipin mo na may nangyari sa atin kahit ang totoo ay wala talaga. Syempre, para makatotohanan yong prank ko sa'yo, tinotoo ko 'yong mga signs ng pregnancy."
"What the f**k?" Singhal ko sa kanya. "Ginawa mo 'yon for fun? Potangina! Hindi nakakatawa yong prank mo, Hana. Napaniwala mo si Lola na nagsex tayo, ah!"
"Edi goods! Ayaw mo non, mapapadali na maibigay yong reward mo para matapos na lahat ng 'to."
"Its not funny, Hana." Matalim na tingin ang itinapon ko sa kanya. "Bawiin mo lahat ng sinabi mo kay Lola."
"Ay! Ayoko nga!" Inirapan niya ako.
"Tsk! Kung ipagmayabang mo na may nangyari satin sa harap ni Lola, feel mo naman ikaw tong biktima. Hoy! Minanyak mo kaya ako non. Nahawakan mo 'tong itit ko, ulul!"
"Ang etit pala yon, akala ko lapis e." Natawa siya ng malakas.
"Pumunta ka kay Lola at bawiin mo lahat ng sinabi mo. Sabihin mo na prank lang lahat 'yon, na wala talagang nangyari sa atin at naghihiganti ka lang. Pocha! Halos mamatay ako sa pag-ooverthink sa pisteng prank mo! Bawiin mo sabi kay Lola e." Utos ko.
"Mama mo bawiin." Sumalampak siya ng higa sa kama at sa inis ko ay hinawakan ko ang dalawa niyang paa saka ito hinila dahilan para mapahiyaw siya.
"Bawiin mo sabi e."
"Aray! Ano ba! Ayoko sabi e."
"Dali na! Pocha! Pag ako gumanti talaga!"
"Nyenyenye!"
Naghabulan pa kami sa loob ng kwarto pero animo siyang matsing sa sobrang bilis kung tumakbo at umilag sa akin. Sumasabog na ako sa inis at kating-kati ang kamay ko para sabunutan siya. Pocha! Hindi nakakatawa tong prank niya ah.
"Ring! Ring! Ring!"
Napahinto ako sa paghabol sa kanya nong marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng selpon ko. "Hindi pa tayo tapos ah! Tsk!" Nakadurong singhal ko kay Mahana habang habol ko ang aking hininga sa pagod.
Kinuha ko sa may side table iyong selpon ko saka sinagot iyong tawag na nagmumula kay Kenneth.
"Oh! Bakit?"
"Pre, hawak na namin 'yong kopya ng CCTV footage."
Pakiramdam ko nawala bigla iyong pagod at inis ko kay Mahana matapos marinig ang ibinalita ni Kenneth sa akin.
"What? Totoo ba 'yan?"
"Yap! Hurry! Pumunta ka na dito sa condo ko."
"s**t! Okay okay!"
Inayos ko na ang sarili ko para makaalis na agad papunta sa condo ni Kenneth. Nalaman ko na nandon rin sina Rhaiven at Chris dahil mga chismoso rin ang mga iyon. Hindi lang ako ang excited upang mapanood ang kopya nong cctv footage.
"Uy! San ka pupunta?" Tanong ni Mahana sa akin nang mapansin na nagmamadali akong ayusin ang sarili ko.
"Magbihis ka. May pupuntahan tayo." Utos ko.
"Ha? Saan?"
"Basta! Huwag ka na magtanong."
Sumunod rin kaagad si Mahana sa utos ko. Makalipas ang ilang minuto ay gumayak na kami papunta sa condo ni Kenneth. Iniutos ko sa kanila na iset na yong video para kapag nandon na kami ay sabay-sabay naming panoorin.
Habang nasa byahe ay hindi ako mapakali. Konti na lang ay paliparin ko ang sasakyan para makarating na kami agad. Napapansin ko si Mahana na mukhang ninenerbyos sa pagpapatakbo ko ng mabilis.
"Calm down! Hindi naman kita ipapahamak e. May atraso ka pa sakin kaya hindi kita hahayaang mamatay." Pagpapakalma ko sa kanya na halatang kabado.
"E san ba kasi tayo pupunta? Kung magpatakbo ka dyan, akala mo naman sa'yo tong daan."
"Kailangan nating makarating agad don."
"Saan ba?"
"Sa condo ni Kenneth, hawak na daw nila yong kopya ng CCTV footage e."
"Ano?"
Pagkarating namin sa building kung saan ang condo ni Kenneth ay ipinark ko na agad iyong sasakyan. Dali-dali akong bumaba at hindi na nag-abalang pagbuksan si Mahana. Tumakbo na ako papasok habang nakasunod si Mahana sa akin.
Hindi ko ininda ang pagod dahil mas nanaig sa akin iyong kasabikan na malaman o mapanood iyong video na makakatulong sa case namin ni Mahana. Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito kaya natutuwa ng sobra ang puso ko. Sa sobrang excitement ko, ibinalita ko na rin kay Attorney ang tungkol sa video.
"Ano, okay na ba?" Pagkuha ko sa atensyon ng mga kaibigan ko matapos makapasok sa condo ni Kenneth.
Nakita ko si Rhaiven na nakaupo sa pang-isahang sofa, nasa sahig naman si Chris na naglalaro ng rubics cube samantalang si Kenneth naman ay nakaharap sa kanyang laptop na mukhang siya ang nakatoka don sa video.
Sinalubong nila kami, inalok ni Rhaiven ng upuan si Mahana na parehas din na naghahabol ng hininga dahil tumakbo kami papunta rito sa 4th floor.
"Pagod na pagod kayo ah." Napansin ni Kenneth ang paghabol namin ng hininga ni Mahana. "Excited ka naman masyado, hindi ka na naawa sa kasama mo, pre." Pagtutukoy nito kay Mahana na noon ay abala na sa pag-inom ng tubig na iniabot ni Chris.
"Ready na ba?" Pambabalewala ko sa concern ni Kenneth. Naupo ako sa tabi niya at tinitigan ang laptop nito.
"Magpahinga ka na muna, hindi naman 'to mawawala e." Usisa ni Chris at iniabot ang isang bottled water.
Kinuha ko ito at nagpasalamat. "I'm fine. Tara na, panoorin na natin. Kating-kati na akong malaman kung sino ang mga taong gumawa lahat ng 'to sa akin."
Tumango si Kenneth, nagsilapit sina Rhaiven at Chris sa pwesto namin maliban kay Mahana na nandon sa sofa na animoy hindi excited. Hindi ko nalang siya pinansin at itinuon ang pansin sa video na akma ng ipeplay ni Kenneth sa kanyang laptop.
Heto na! Heto na ang kasagutan sa lahat ng mga katanungan ko. Malalaman ko na kung sino ang nasa likod ng aksidenteng kasal namin ni Mahana.