"Tangina ka! Legal 'to, pre.."
Pinagpapasa-pasahan nina Kenneth, Chris, at Rhaiven 'yong marriage contract upang makita nila ito at mahawakan. Hindi ako nag-aksaya ng oras para tawagan sila para makahingi ng tulong. Akala nila nong una ay nakikipagbiruan lang ako sa kanila hanggang sa nagpakita ako ng proof ay nagsitakbukhan na sila papunta dito sa condo ko.
"Sabi sa inyo e, ayaw nyo pang maniwala kanina." Tugon ko at inilapag 'yong mga bote ng alak sa center table dito sa may sala para may mapagsaluhan naman kami. Hindi ko nakalimutan syempre 'yong pulutan namin.
"Aba! Malay ba natin kung nantritrip ka lang? Kilala ka pa naman namin." Patutsada ni Chris at kinuha iyong iniabot kong bote ng alak matapos kong alisin ang takip nito.
Isa-isa ko rin na inabutan sina Kenneth at Rhaiven ng bote ng alak na noon ay sinusuri pa rin 'yong marriage contract. Nakakatuwa dahil sa wakas naisama nila si Rhaiven.
Matapos ko silang bigyan ng kani-kanilang mga iinumin, naupo na ako sa pang-isahang sofa sa harapan nila. Nagdekwatro ako at ayon na naman 'yong kaba sa dibdib ko dahil lang sa marriage contract na 'yan na bigla-bigla dumating sa buhay ko.
"Sigurado ka bang sa'yo to?" Tanong ni Kenneth, nakaturo siya sa marriage contract na ngayon ay hawak na ni Rhaiven.
"Malamang, pangalan ko nandyan e.."
"E paano ka ba ikinasal nang hindi namin alam?" Puno ng kuryosidad na tanong ni Chris saka nilamutak ang pulutan na niluto ko.
"'Yon ang hindi ko alam, pre, basta paggising ko kanina, ayan dumating na 'yang pisteng marriage contract na 'yan. Ni hindi ko pa nga binasa kung kanino ako ikinasal e. Lintek na 'yan." Walang kahirap-hirap ko na itinungga 'yong bote ng alak na hawak ko.
"Mahana Salazar..."
Lahat kami napatingin kay Rhaiven matapos siyang may banggitin na pangalan. Sa aming lahat, siya lang yata 'yong nakapansin sa pangalan na 'yon dahil kami nina Kenneth, ang pagiging legitimo ng papel ang inuna naming bigyan ng pansin.
"Mahana Salazar ang pangalan ng babae na ikinasal sa'yo nong July 29 last year lang." Pagpapatuloy ni Rhaiven kaya dali-dali kaming pumaroon sa pwesto niya at tinignan kung legit ba ang mga sinasabi niya at tumugma naman.
"Teka, sound's familiar ah.." nagpalipat-lipat ng tingin sina Kenneth sa akin.
"Gago! Hindi ba 'yon ang binasted mo na babae nong highschool tayo? 'Yong dinaig pa ang aso na buntot ng buntot sa'yo, Luis?" Pagpapaalala ni Kenneth sa akin.
"f**k! Wala naman akong naaalala na close kami ng babaeng 'yon kaya paano ako ikinasal sa kanya?"
Sumasakit ang ulo ko kaalala kung saan ko ba siya nakita. After naman kasi ng highschool ay iilan na lang sa mga batchmates namin ang nakikita ko, kasama na ang babaeng 'yon. Psh! Paano ko naman makakalimutan ang babaeng naging dahilan kung bakit ayaw kong magkagirlfriend?
"Nasaan ka nong July 29?"
Napatingin na naman kami kay Rhaiven, bukod sa nawiwirduhan kami sa kanya ay napupuno rin ng kaba 'tong dibdib ko. Psychic ba ang tao na 'to?
"Nasan ba 'ko non?" Napakamot ako sa aking ulo at pilit inaalala kung nasaan ako nong petsa na 'yon. " Hoy! Kayong dalawa, nasan tayo non?" Tanong ko kina Chris at Kenneth.
"Ang pagkakaalala ko, nandito lang tayo sa condo mo non e." Sagot ni Chris.
"Gago hindi, pumunta tayo ng bar non kasi niyaya tayo nina Jade, tama?" Nagpalipat-lipat ng tingin si Kenneth sa aming dalawa.
Oo! Sa bar, hindi ako pwedeng magkamali pero paano kami ikinasal ng babaeng 'yon?
"Wala akong maalala na kasama ko siya don kaya paano?" Naguguluhan na tugon ko.
"Sigurado ka, Luis?" Paniniguro ni Rhaiven. "Alalahanin mo kung sino ang mga kasama mo non at napunta sa kasalan na naging legal."
July 29....nasa bar ako oo, pero...
"Ang naaalala ko, iniwan niyo 'ko don kasama sina Jade.."
"Iniwan? Akala namin umuwi ka na non kaya umalis na din kami ni Chris non." Sagot ni Kenneth.
"Teka, hindi naman 'yon ang point, Luis, ang nakapagtataka, paano na nandon si Hana tapos naikasal kayo?" Komento ni Chris.
"Noon ba, napansin niyo na siya non sa bar na kasama ko bago pa kayo umalis?" Tanong ko dahil nagbabakasakali ako na may ibang pang-aapproach akong ginawa kaya kami nagsama ng babaeng 'yon.
"Pre, sina Jade lang ang kasama mo na nakita namin."
Tangina! E paano na nandon si Hana?
"According dito, si Mayor Sherwin Queja ang nangkasal sa inyo.." pagbabasa ni Rhaiven sa kapirasong papel na hawak niya.
"Tatay 'yon ni Jade, diba? Luis, kasalo mo 'yong tatay niya non nong nag-iinuman kayo, hindi mo ba naaalala?"
Umiling-iling ako. "Chris, wala akong maalala. Tangina naman!"
"Malaking problema 'to lalo na at legal 'yong kasal niyo, pre." Usisa ni Kenneth na noon ay ibinalik sa loob ng folder 'yong marriage contract para hindi mawala.
"Ano ng balak mo? Patay ka sa nanay mo nyan kapag nalaman niya.."
Napahilot ako sa aking sentido dahil isang malaking sakit sa ulo ito kapag nalaman nina Mama. Atat na atat pa naman silang magkaasawa ako. Kinakailangan kong gumawa ng paraan para hindi nila 'to malaman. Gagawan ko ito ng paraan para mapawala ang bisa ng kasal. Magiging hadlang ito sa kalayaan ko kapag nalaman nina Mama.
"Luis, lahat ng bachtmate natin, napagtanungan ko na, hindi raw nila alam kung nasaan ang pamilya ni Jade." Pagbabalita ni Chris habang nakatutok siya sa kanyang laptop.
Wala kaming ginawa maghapon kundi ang tawagan lahat ng kakilala namin upang pagtanungan kung alam nila kung nasaan si Jade at ang pamilya nito.
"Pati mga highschool batchmates natin, hindi rin nila alam e."
Napamura nalang ako ng malutong dahil sa problema na ito. Kung karma ito sa pagiging pasaway ko, ang lala naman yata. Matatanggap ko ang ibang karma hwag lang ganito. Hindi nakakatuwa.
"Bakit hindi nyo subukang hanapin si Mahana?" Suhestiyon ni Rhaiven na abalang naglalaro sa dala niyang rubics cube.
"Ano naman ang maitutulong non?"
"Siya ang makakapagsabi na hindi niyo ginusto yon."
"Rhai, ni hindi tayo sigurado na inosente ang babaeng 'yon. Malay natin, siya ang may kapakanan lahat ng 'to, baka nga naghihiganti 'yon sa'kin e." Tugon ko dahil kanina pa lamang 'yon na ang hinala ko.
"May point ka naman pero mas mabuti nang sigurado tayo, di ba?"
Lumapit si Kenneth sa akin at hinaplos ang balikat ko para pakalmahin dahil kitang-kita nila na sobra akong nastress sa mga nangyayari.
"Parehas kayong may point, okay? Posible naman na kagagawan ni Hana lahat ng 'to dahil naghihiganti siya sa mga ginawa mo nong highschool tayo sa kanya at kagaya ng sabi ni Rhaiven, baka nga pwede rin na makatulong siya para masabi na hindi niyo ginusto 'yon." Pagpapakalma ni Kenneth.
"Ang tanong, saan naman natin hahanapin ang babaeng 'yon?"
"Basic!" Napunta ang tingin namin kay Chris. "Tara! Alam ko kung nasan siya."
Hindi na kami nag-aksaya ng oras para puntahan 'yong lugar na tinitirhan ni Hana na alam ni Chris. May tiwala naman ako dito sa kaibigan ko kaya sumama na ako sa kanya. Napunta kami sa isang kalye rito sa syudad na malayo sa nakasanayan naming apat. Pero hindi na namin inuna pa ang arte, pumaroon na kami sa isang bahay na tinutukoy ni Chris na bahay ni Hana.
"Tao po!"
Lumitaw ang isang matandang babae matapos naminh kumatok sa maliit na pintuan sa tapat ng bahay na hinintuan namin.
"Ano po 'yon?" Tanong ng ginang.
"Ah, nandiyan po ba si Mahana?"
"Ay hijo, matagal na siyang wala rito. Lumipat na, mga ilang buwan na din e. Sino ba sila?"
Tangina! Saan ka naman namin hahanapin, Hana?
"Mga...mga batchmates niya po... Opo.."
"Ahh, wala na siya dito e."
"San po siya lumipat?"
Nagkibit-balikat ang ginang sa tanong ni Chris. "Wala na akong ideya kung saan e basta nagpaalam na lang siya sa akin."
"E, selpon number niya po, meron po kayo?" Sumingit na ako upang magtanong.
"Wala rin e."
Wala kaming napala sa lakad naming 'yon. Okray! Kaya habang nasa byahe kami, hindi ko na halos mapigilan pa ang inis na nararamdaman ko. Pinapakalma ako nina Rhaiven at Chris, si Kenneth naman ang nagprisintang magmaneho at yong sasakyan niya ang ginamit namin.
"Tangina! Saan ko naman hahanapin ang babaeng 'yon? Kahit kailan talaga, malas 'yon sakin e. Buti nalang talaga di ko sya pinatulan non." Inis na inis na tugon ko.
"Bunganga mo! Hindi pa nga tayo sigurado kung tama yang hinala mo na kapakanan niya lahat ng to e. Tsaka, kumalma ka nga, unang araw pa lang naman 'to, may bukas pa para mag-isip ng paraan para masolusyunan ang problema mo." Pagpapakalma ni Chris sa akin na nasa tono na niya ang inis.
"Paano ako kakalma, pre? Legal 'yong kasal namin? Lintek na 'yan. Hindi natin alam kung nasaan si jade at nong papa niya e, idagdag mo pa yong Hana na 'yon."
"Gets ka namin, pre, wala naman patutunguhan 'yang pagsabog ng galit mo e. Ang gawin mo, kumalma ka para makapag-isip ka ng matino. Kahit pa naman magalit ka, sumabog ka sa inis ngayon, wala ka ng magagawa, nangyari na ang dapat na mangyari."
At ganoon nga ang ginawa ko, kumalma ako. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko kahit kaunti. Pagkahatid nila sa akin sa condo ko ay tinignan ko ulit ang marriage contract sa ibabaw ng center table. Nakailang gusot na ko sa mata ko, legal pa rin. Nakailang sampal na ako sa sarili ko, wala pa ring nagbabago. Napasabunot nalang ako sa ulo ko dahil sa inis.
"Tangina naman!"
Pumaroon ako sa kusina upang magbukas ng panibagong bote ng alak na lalaklakin. Gusto kong magpakalasing para kahit papaano ay makalimutan ko ang tungkol sa bagay na 'yon.
Bumalik ako sa sala at padabog na umupo roon sa sofa. Walang kahirap-hirap ko na itinungga ang bote ng alak. Nakatanggap ako ng ilang mensahe mula sa mga kaibigan ko at pare-parehas sila ng sinabi na magpahinga na ako't kumalma. Nakiusap ako sa kanila na sa amin muna ang tungkol sa kasal. Hangga't maaari ay ayokong malaman ng pamilya ko ang tungkol don.
Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko na tumunog ang selpon ko. Tumatawag si Mama kaya inayos ko ang sarili ko. Pinindot ko ito upang masagot ang kanyang tawag.
"Ma, kung pababalikin mo 'ko para na naman sa business natin, I can't, I have something to work on..."
"No actually I have a goodnews for you.."
"What is it?"
"Luis, why you didn't tell us.."
"Tell what, Ma?"
"Na you're already married, actually your wife is here..."
"What?!"
Napabalikwas ako ng tayo sa pagkakaupo matapos marinig ang sinabi ni Mama sa kabilang linya. Humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan pagkarinig sa sinabi niya. Don't tell me, nandon siya?
No f*****g way!