"Namatay siya because of cardiac arrest. Noong last na nag-usap kami, para siyang may gustong sabihin sa akin pero nahihirapan siyang magsalita. Ang buong akala ko, nandon siya sa bahay nagpapahinga pero hindi, animoy nagtatago siya kaya naron siya sa probinsiya."
Tahimik kaming lahat sa pagkwekwento ng nakababang kapatid ni Mayor Queja ukol sa kalagayan nito. Interesado akong malaman lahat ang tungkol kay Mayor pagkatapos nong aksidenteng kasal namin ni Mahana na siya ang pasimuno.
Mukhang tama nga ang hinala ko, may alam sina Mayor Queja sa kasal, at sa pagkakakwento ng kapatid nito, nagtatago siya dahil animoy may naghahanap sa kanila. Ang tanong, sino naman?
"E, nasa'n po si Jade?"
Lahat napunta sa akin ang kanilang tingin nang magsalita ako. Hindi ko na napigilan pa dahil gulong-gulo na ako sa mga nangyayari. Uhaw na uhaw ako sa mga impormasyon na makakapagsalba sa akin sa gantong kapalaran ko.
Nagkibit-balikat ang ginang. "Hindi ko alam kung nasaan siya. Maski siya, naglaho na parang bula nang wala manlang ako kaide-ideya sa mga nangyayari."
At doon na hindi nito napigilan ang mapaiyak. Kinomport siya nina Mama habang ako ay nakatulala lang, iniisip kung nasaan si Jade. Para akong binagsakan ng langit at lupa sa mga nalaman ko.
Nagpaalam ako na magpahangin muna sa labas dahil pakiramdam ko, mawawalan ako ng hininga sa loob. Nag-iisip ako ng paraan kung paano ko ba sisimulan ang paghahanap kay Jade. Siya lamang ang makakapagsabi sa korte na aksidente lamang ang lahat nong gabi na 'yon.
"Wala ba silang sopas?"
Napalingon ako sa left side ko nang mabosesan ang tinig na 'yon. Bumungad sa akin si Mahana na nakasandal sa may railings, dito sa may harapan ng chapel. Inilinga niya pa ang tingin sa loob, halatang nag-aabang ng magbibigay ng makakain.
"Psh! Inuna mo pa talagang maghanap ng sopas, kaysa unahin si Jade 'no?"
Naigalaw ko ang aking panga sa inis. Naiinis ako sa kadahilanang kalmado lamang siya habang ako ay sumasaboy na ang ulo sa sakit kakaisip kung ano ang dapat naming gawin.
"Gutom na 'ko e, hindi pa tayo kumakain ng dinner." Napahilot ito sa may tiyan na, kaagad ko siyang sinuway dahil baka may makakita sa kanya, nakakahiya.
"Pwede ba, tulungan mo 'kong mag-isip ng paraan? Hindi mo ba nakikita, patay na si Mayor Queja, patay na 'yong makakatulong dapat sana sa'tin sa annulment. Tsaka si Jade, nagtatago, hindi alam ng lahat kung nasaan siya, Mahana."
Napagtaasan ko siya ng boses dahil sa inis. Napahilot pa ako ng bahagya sa aking sentido dahil nakakaramdam ako ng pagkirot non. Iyong gutom ko kanina, naglaho na parang bula dahil sa mga nalaman ko tungkol sa mag-ama. Kung tutuusin kasi, wala naman akong alam na atraso sa kanila kaya paano at nagawa nila sa'kin 'yon?
"E ba't galit ka sa'kin? Gutom lang naman ako e."
Naglakad ako palapit sa kanya, nakapamulsa akong puwesto sa harapan niya. "Ang kalmado mo! Nakakairita ka!"
Natawa si Mahana ng mapakla saka niya ako pinagtaasan ng kilay. "Aba! Bakit, kung pati ako mabadtrip kagaya ng postura mo ngayon, sa tingin mo, lilitaw si Jade sa harapan natin? Magpapakita ba siya? Hindi naman 'di ba? Palibhasa kasi, puro galit pinapairal mo, hindi mo pa kayang ilugar."
Padabog siyang umalis sa pagkakasandal sa railings at maglalakad sana papasok sa loob nang magsalita ako na ikinahinto niya.
"Don't tell me may alam ka kung ba't nagtago sila kaya ka kalmado ng ganyan, Mahana?"
Ilang segundo ang nakalipas bago ito tuluyang humarap sa akin na nakataas ng kilay. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko at iton ang nababasa ko sa mukha niya.
"Ikaw na nga 'tong tinutulungan, ikaw pa may ganang magduda sa akin. Wow ah!" Agresibong tugon nito sa akin.
"Bakit? Nasaktan kita nong highschool tayo, valid na reason 'yon para gantihan mo 'ko ng ganito."
"Kung nasaktan mo man ako non, hindi ganitong paghihiganti ang gagawin ko. Tsaka pwede ba, hwag sakin mo ibubuntong 'yang inis mo? Ako na nga 'tong nagtitiis sa mga trip mong 'to, ikaw pa ang may ganang maging ganyan. Psh!"
Nakipaglaban ako ng titigan, linapitan ko siya ng nakatitig ng makahulugan. Galit na galit ang mata niya pero bakit hindi ko magawang kaawaan o makaramdam manlang ng guilt?
"Are you guys fighting?"
Mabilis akong natauhan nang marinig ang tinig na iyon ni Lola. Kaagad kong hinawakan ang kamay ni Mahana at hinagkat siya sa balikat para hindi mapansin ni Lola na nagkasagutan kami. Mabuti na lamang at sinakyan kaagad ni Mahana ang pagpapanggap ko.
"Nope, La, nagbibiruan lang kami, pikon lang siya kaya niya ako nagpataasan ng boses." Palusot ko at sinang-ayunan na lamang iyon ni Mahana.
"Okay, tara na sa loob para makapagpaalam na."
Sinundan namin si Lola sa loob. At kahit na anong pagpupumiglas ni Mahana na alisin ang kamay niya sa pagkakahawak ko, hinigpitan ko lalo. Alam ko na galit siya dahil sa pang-aaway ko sa kanya. Pinagdilatan ko siya nang nasa paligid na namin sina Mama. Sinenyasan ko na umayos ito para hindi kami mabisto.
Matapos naming makapagpaalam sa pamilya ni Mayor Queja, napagpasyahan ng pamilya ko na dumaan sa kainan upang doon nalang kumain ng dinner. Nagugutom na ang lahat maliban sa akin na nagnanakaw ng tingin kay Mahana na tahimik pa rin.
Iisang sasakyan ang gamit namin kasama si Lola na nasa harapan, nasa backseat kami ni Mahana samantalang sina Mama ay iyong kotse ni Papa ang gamit nila. Mabuti nalang talaga at abala si Lola sa harapan na naglalaro sa selpon niya nong Candy Crush Saga nang sa ganoon ay hindi niya kami pagtuunan ng pansin ni Mahana.
"We're's your wedding ring? Bakit hindi mo suot?"
Kumulo na naman ang dugo ko nang mapansin na hindi nakasuot sa palasingsingan ni Mahana iyong wedding ring na bigay ko sa kanya. Nakasandal ang ulo niya habang nakatitig sa labas ng bintana. Para akong may malalang sakit at ayaw na ayaw niyang madikit sa akin.
"Hindi tayo bati kaya hindi ko susuotin." Malamig na tugon niya. Padabog niyang inilayo sa gawi ko iyong shoulder bag niya na akala naman niya ay pinag-iinteresan ko. Baka nakakalimutan niya na ako ang bumili non. Psh!
"You're such a kid, Mahana. Umayos ka nga." Sermon ko sa kanya, nakatanggap tuloy ako ng side-eye sa kanya.
"Nyenyenye!"
Hanggang sa makarating kami sa restaurant ay naglalabanan kami pa rin ng tingin ni Mahana. Palaban siya at sobrang tigas ng ulo, sana lang talaga hindi ako mapikon sa kanya.
-
"Sumosobra na siya sa wanport, pre. Tangina talaga!"
Sumugod kaagad ako sa condo ni Kenneth matapos naming makauwi. Nagkasagutan pa kami ni Mahana kaya ang ending tuloy ay umalis siya ng condo ko at kung saan man siya nagpunta ay hindi ko na alam.
"E ikaw naman kasi, ba't mo pa kasi sinabi 'yon, na-offend tuloy.."
Abala si Kenneth na pumili ng papanoorin namin habang may nilalamutak kaming alak. Umorder nalang din ako online ng pulutan namin. Kagaya ng nakasanayan, kaming dalawa ang magkasama sa inuman, absent ang dalawa dahil busy sa kanya-kanya nilang mga buhay.
"Nasabi ko lang naman 'yon dahil naiinis ako kanina." Padabog kong itinungga ang bote ng alak na hawak ko. "Tsaka, bat siya naoffend? Ibig-sabihin lang non, guilty siya."
Napailing-iling si Kenneth sa mga pinagsasabi ko. "Alam mo, Luis, pag talaga sinagad mo pasensya non, iyak ka talaga. Baka bigla kang layasan non at tuluyan kang mag-goodbye sa reward mo."
"Hindi niya gagawin 'yon, baka nakakalimutan niyang nasa akin 'yong passport niya."
"Malay mo 'di 'yon umubra." Tugon ni Kenneth at inabot sa akin 'yong bagong bukas na bote ng alak. "E anong plano mo ngayon? Patay na si Mayor Queja, mahihirapan kayo sa annulment niyo nyan."
"Buhay pa naman 'yong isa kaso ang problema, hindi ko alam kung saan siya hahanapin." Napahilot ako sa aking sentido dahil sa inis.
Kung sakali kaya na nakayang magsalita ni Mayor Queja non sa kapatid niya, ano kaya ang sasabihin niya? Tungkol kaya sa aksidenteng kasal namin sana ang aaminin niya rito? Pero, kung siya man ang may gawa non, ano naman ang dahilan niya? Anong rason niya para gawin sa amin 'yon ni Mahana?
"Malaking palaisipan pa sa'yo kung sino ang may pakanan lahat ng kasal niyo. Kung sina Mayor Queja ang may gawa non tapos nagtago sila, malamang, may ibang nag-utos sa kanila para gawin 'yon sa inyo. Sa takot siguro nila na maisiwalat ang totoo, nagtago sila."
Iyon din ang palagay ko kanina. Kung wala silang kasalanan, bakit sila magtatago? Kung wala silang alam, bakit mas pinili nilang magtago kaysa sabihin sa amin ang totoo?
"Sino namang tao ang gagawa non sa akin? Sa pagiging mabait ko, ultimo pagpatay ng lamok, kinakawawaan kong gawin."
"Hinire ko na lahat ng magagaling na private investigator na kilala ko. Ewan ko na lang talaga kapag hindi pa nila mahanap si Jade. Sa ngayon, 'yong pagpapanggap niyo ni Mahana ang unahin mo. Imbes na lumaklak ka ng alak dito sa condo ko, ba't mo siya puntahan at suyuin?" Suhestiyon ni Kenneth sa mapangsermon na tinig.
"Psh! Ano siya, gold? Suyuin niya sarili niya. Nakakairita siya." Mas lalo kong isiniksik ang sarili ko sa malambot na sofa na kinaroroonan. Kung patigasan man kami ng ulo, pwes, hindi ako magpapatalo.
-
"Pocha! Ang tigas talaga ng ulo non! Akala ko umuwi na. Hays!"
Kinain ko din lahat ng sinabi ko kay Kenneth kanina, todo reklamo pa ako na hindi ko pupuntahan si Mahana upang suyuin pero nakita ko nalang ang sarili ko nakasakay rito sa elevator upang sunduin si Mahana sa kanila. Tsk!
May point naman si Kenneth, habang hindi pa nahahanap kung saan nagtatago si Jade, uunahin ko munang asikasuhin ang pagpapanggap namin ni Mahana. Paubos na rin iyong inutang ko kay Rhaiven, kaya dapat as soon as possible ay makuha na iyong reward mula kay Lola.
"Hi pogi!"
"Shet! Ang gwapo, kanino na naman kaya ang nakaahon sa kahirapan?"
"Pogi! Psst!"
Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko habang tinatahak ang daan papunta kina Mahana. Hindi ako nag-aksaya ng minuto upang pansinin sila dahil nagmamadali ako. Lumalalim na ang gabi at gusto ko ng magpahinga. Kahit papaano ay kabisado ko na ang daan papunta kina Mahana kaya hindi ako nahirapan.
Pagkapasok ko sa kanto na kinaroroonan ng tinitirhang bahay ni Mahana ay napahinto dahil may pamilyar na bulto akong nakita. Sinubukan ko pang kumurat ng ilang beses para siguraduhin kung siya iyon at hindi naman ako nagkakamali.
Kailan pa sila close ni Mama? Bakit nandito ang nanay ko? Anong pinag-uusapan nila?