"Kinabahan ka 'no? Akala mo nagsumbong ako 'no? Hahaha! Syempre, joke! Ganda ng acting ko no?"
Naigalaw ni Luis ang panga nito sa inis. Hindi niya inaasahan na prank iyong ginawa ni Mahana sa kanya kahapon. Pinaniwala niya ito na nagsumbong na siya ito sa kanyang lola kahit ang totoo ay may iba pala itong binabalak. "Psh! Bakit ka nagdedesisyon ng hindi ka muna nagtatanong sa'kin?"
Nag-uusok sa galit si Luis na naabutan ni Mahana pagkarating niya sa bahay ng Lola nito. Iyon ang nakatakdang araw na luluwas sila papunta ng probinsiya upang magbakasyon ng isang buwan. At kagaya ng inaasahan niya, alam niyang magagalit si Luis sa kanya.
"Psh! Pwedeng magpasalamat ka nalang dahil nagbago ang isip ko na aminin sa kanya 'yong totoo?" Patutsada ni Mahana habang abala na iniimpake yong mga gamit ni Luis. Siya na ang nag-abalang mag-impake ng mga yon dahil mas inuna pa ni Luis na talakan siya kaysa ayusin ang mga gamit nito.
"Ang sabihin mo, takot ka. Hindi mo kayang gawin yon dahil nasa akin ang passport mo. Magaling ka lang naman sa salita e, hindi sa gawa."
Napatikhim si Mahana saka mapaklang tumawa bago tuluyang sinagot si Luis. "Kaya kong umamin sa kanya kahit na anong oras na gusto ko. Hanggang nakakapagsalita ako, magagawa kong sabihin lahat sa kanya ng walang pag-aalinlangan."
Napailing-iling si Luis, bahagya pang gumalaw ang kanyang panga. "Kung ganon, bakit hindi mo pa ginawa? Matapang ka diba?"
"Gipit pa 'ko, kailangan pa kita." Sagot nito at umiwas ng tingin. "Kaya sana naman magpakabait ka na sakin dahil kung hindi, isang tawag ko lang sa Lola mo, delay ka na don sa reward mo. Sana pagdating natin sa probinsya, asal tao na yong gawin mo sakin."
Napamura si Luis sa loob-looban niya. Naiirita siya ng sobra sa babae, gusto niya tuloy itong batukan pero hindi niya magawang pagbuhatan ito ng kamay. "Psh! Alam ko naman na kaya mo hiniling na umuwi tayo sa inyo ay para pahirapan ako don. Gagawin mo kong alila don para lang hindi mo ko isumbong kay Lola."
Napatayo si Mahana ay napameywang na hinarap si Liis. "Aba! Dapat lang na bumawi ka at gawin kitang alila don. Isang malaking sakripisyo kaya ang ginawa ko para hindi ka pagalitan ng Lola mo, 'no."
"Pwede kang gumanti sa akin pero hindi sa ganitong paraan, Hana. Alam mo kung ano ang inaasikaso ko dito, hindi dapat ako naglalakwatsa kung saan." Depende nito, ramdam sa boses nito ang pagkairita. "At isa pa, ayokong sumama sayo, kilala kita, mas barumbado ka pa sa'kin nong highschool tayo. Baka imbes na mawala tong stress ko ay dagdagan mo pa lalo."
"Kung ganon, ibigay mo na 'yong passport ko." Inilahad ni Mahana ang kanyang kamay sa harapan ni Luis.
Napatingin si Luis sa inilahad ni Mahana na kamay nito. Napasinghal ito na ikinakunot noo ng babae.
"No way!"
"Oh edi sasama ka sakin kung ganon. Hangga't hindi mo binibigay yong passport ko, hindi rin mawawala yong kaba mo na baka sabihin ko sa Lola mo 'yong totoo." Ngumisi pa si Mahana na ikinakulo ng dugo ng lalaki.
"Tsk! Pinagbabantaan mo ba 'ko, ha?"
"Bakit, natakot ka?"
Naglaban sila ng titigan. Wala ni isa sa kanila ang gustong magpatalo sa sagutan na iyon. Parehas silang may nais na makamtam. Napukaw parehas ang kanilang atensyon noong may kumatok sa pintuan ng kanilang kwarto dahilan para mabalik sila sa reyalidad. Pagkabukas ng pintuan ay iniluwa noon si Lola Karmela, mabilis na hinagkan ni Luis ang beywang ni Mahana upang ipamukha sa Lola nito na maayos silang mag-asawa. Sinakyan naman siya ni Mahana sa pagpapanggap nito.
"La, bakit po?" Muntik na mautal na tanong ni Luis.
"Naayos niyo na ba 'yong mga gamit niyo?" Tanong ng matanda sa mag-asawa.
"Opo, La, tinulungan ko na rin po siya para mapadali yong pag-iimpake sa mga gamit niya. Excited na nga po siyang lumuwas ng probinsiya namin e." Sagot no Mahana at sa sinabi niyang yon ay naramdaman niya ang bahagyang pagtusok ni Luis sa kanyang tagiliran. Nagpapahiwatig non na hindi siya sang-ayon sa sinabi nito sa matanda. Alam niya na ayaw umalis ni Luis papunta ng probinsiya dahil marami itong inaasikaso pero wala na siyang magagawa dahil naroon ang kanyang Lola upang asikasuhin ang kanilang pag-alis.
"Naku! Pasalamat ka, mabait yang asawa mo at siya pa ang nag-iimpake ng mga gamit mo, Luis. Oh siya, mag-iingat kayo don. Mag-enjoy kayo at sana pagbalik niyo may goodnews na kayo sa akin. Alam niyo na ang ibig kong sabihin." Paalala ng matanda at bahagya pang kumindat sa dalawa na napangiti nalang ng pilit.
"Sure, Lola, pagbalik namin, may laman na 'to." Hinaplos ni Mahana ang kanyang tyan na ikinatuwa ng matanda ngunit ikinainis naman ni Luis. Side eye ang natanggap niyang tugon mula sa lalaki pero tanging ngisi ang naisagot nito.
"Sana nga! O siya, nandito na rin pala yong ticket na hinihingi mo, hija."
Ibinigay ng matanda iyong ticket na tinutukoy nito kay Mahana. Kinuha naman ito ni Mahana at nagpasalamat. Matapos non ay padabog na kumalas si Luis sa pagkakahawak sa beywang ni Mahana dahil pinagtatabuyan na sila ni Lola Karmela paalis dahil baka maiwan sila ng kanilang sasakyan.
"Tara na, baka maiwan tayo ng eroplano." Segunda ni Luis at kinuha iyong maleta nila ni Mahana saka nagpauna na itong maglakad palabas ng kwarto.
"Eroplano?" Nagtatakang tanong ni Mahana.
Napahinto si Luis, humarap siya kay Mahana. "'Yon ang sasakyan natin, 'di ba? Yon ang silbi ng ticket na hiningi mo kay Lola." Tinuro niya iyong hawak nitong ticket sa kamay.
"Sino maysabi sayong ticket ng eroplano 'to?" Taas-kilay na tanong ni Mahana.
Salubong ang mga kilay ni Luis sa sagot ni Mahana. "Kung ganon, para sa yan?"
"Ticket sa bus."
"Ano?! What the f**k?"
Sakay ng service van ni Lola Karmela, tinahak na nina Luis ang daan papunta ng terminal dahil ilang oras na lang ay aalis na iyong bus na sasakyan nila. Buong byahe ay hindi maipinta ang mukha ng lalaki habang si Mahana ay abot teinga ang ngiti nito.
Nag-uusok sa galit si Luis dahil wala siya sa wisyo na umalis ng syudad dahil abala ito na inaasikaso ang annulment nila ni Mahana. Natatakot rin siya na baka biglang umuwi si Misty, hindi siya makakapayag na makakaharap niya ito na hindi pa nareresolba ang kanyang problema.
Samantala, natutuwa naman si Mahana dahil maisasagawa niya ang mga plano niyang paghihiganti laban kay Luis. Magandang pagkakataon iyon para maipaghiganti niya ang pagrereject ni Luis sa kanya noong highschool sila. At plinano nyang iblackmail ito dahil iyon lang ang alam niyang paraan para matakot at mawalan ng choice si Luis.
"Pocha! Ba't 'di nalang kasi tayo magpahatid gamit yong service van ni Lola, hindi yong nagtitiis tayo sa init at baho dito." Iritableng usal ni Luis noong makaupo na sila sa bandang likuran ng bus. Nakapwesto si Mahana sa tabi ng bintanaat preskong hangin ang nalalanghap nito hindi kagaya ni Luis.
"Ayoko, sayang sa gas." Sagot ni Mahana. Kinuha niya iyong earpods nito mula sa bag saka isinalpak ito sa magkabila nitong teinga.
"Tsk! E mas sayang sa pamasahe 'to, shunga. Tsaka, di ka ba naiinitan? Tangina! Para akong nileletson dito!"
Makikita sa mukha ni Luis ang sandamakmak na butil ng pawis dala ng init. Hindi siya mapakali sa kinauupuan nito, napapamura pa ito ng malutong dahilan para lingunin siya ng ibang tao na nakasakay sa bus na iyon.
"Di ka lang sanay." Patutsada ni Mahana. "Alam mo, mag-eenjoy ka talaga sa mga makikita mong view mamaya habang nasa byahe tayo."
"Enjoy mo mama mo!" Singhal ni Luis saka napaayos ng upo. Pakiramdam niya ay matutunaw siya sa init na kanyang nararamdaman lalo na at napupuno na iyong bus na sinakyan nila. At mas ikinaiinis niya ay hindi yong the aircon ang pinili ni Mahana na bus kundi iyong walang aircon.
"Para mawala badtrip mo dyan, itulog mo nalang muna kung ganon. Magpalakas ka. Bumawi ka ng lakas dahil bukas na bukas din, paniguradong mapapagod ka." Nakangising usal ni Mahana.
Napakunot noo si Luis. Iba ang nararamdaman niya sa mga ngiti ni Mahana. Ngiting hindi maganda, nangangamoy pambabadtrip.
"Anong mapapagod na pinagsasabi mo dyan? Anong binabalak mo ha?"
Natawa ng mapakla si Mahana bago tuluyang sinagot ang tanong ni Luis. "Kalma! Magiging alila lang naman kita."
Napamulat ng mata si Luis dahil sa gulat. "Alila? Slave?"
Napatango-tango si Mahana sabay ngisi. "Tumpak ka dyan! Mararamdaman mo na ang bagsik ng paghihiganti ko kaya goodluck!" Kumindat si Mahana na animo'y sinadya nito upang asarin si Luis.
"f**k! No way!" Reklamo ni Luis sa kawalan at saktong gagayak siya palabas ng bus noong umandar na ito paalis na naging dahilan upang mapabalik siya ng upo at mapamura ng malulutong.