"May alam ka ba kung bakit napasugod bigla si Lola dito?"
Hindi ko tinantanan si Mahana hanggang sa kwarto nang utusan kami ni Lola na ayusin 'yong mga gamit namin na dadalhin sa bahay niya. Kahit naman lumuhod ako sa pakikipag-usap, hindi ako pagbibigyan ni Lola. May isang salita siya na dapat sundin.
"Ba't pinagbibintangan mo 'ko? Gumising lang naman ako tapos pumaroon sa kusina para magluto sana nong makita ko siya sa sala nakaupo. Natarantat nga 'ko nong makita ko siya e." Paliwanag nito, kumuha siya ng ilang gamit sa cabinet niya kung saan nakaayos ang mga dala niyang damit dito sa condo ko.
"s**t!" Napahilot ako sa aking sentido dahil sa inis.
"Mag-impake ka na ng gamit mo, baka mamaya sumugod pa si Lola dito sa kwarto e at maabutan 'yang pag-uusok mo sa galit." Usisa niya at inilapag iyong isang maleta na paglalagyan ko ng aking mga damit and personal hygiene. Natapos na siya sa pag-iimpake at inilalagay na lang niya sa isang pouch 'yong mga skincare at makeup niya na nakadisplay sa vanity table.
"Mahana, I can't. I have an important meeting today. I need to leave."
Napatitig siya sa akin. "Edi magpaalam ka kay Lola, hwag sa'kin."
Inilagay niya sa loob ng kanyang shoulder bag 'yong pouch na pinaglagyan niya ng mga personal stuff niya. Kinuha niya din 'yong charger ng kanyang selpon at isinuksok sa kanyang bag.
Padabog akong naupo sa dulo ng kama dahil malaking problema ito ngayon. Mahihirapan ako na magpaalam may Lola dahil tiyak malilintikan ako ng ulo kapag nalaman niya ang dahilan ko. Hindi niya pwedeng malaman 'yong tungkol sa annulment namin ni Mahana.
"Couple, time is running. We need to leave na." Kumatok pa si Lola ng bahagya sa pintuan ng kwarto na kinaroroonan namin ni Mahana.
"Tangina!"
Wala akong nagawa kundi ang mag-impake na rin ng gamit ko. Tinulungan ako ni Mahan para mas madali dahil baka magalit si Lola kapag naghintay ito ng matagal. Nang makababa kami ay kaagad niyang tinawag ang mga kasama niyang bodyguards upang tulungan kami na dalhin iyong mga bagahe namin.
"Okay, let's go. Excited na 'kong makasama kayong dalawa." Natutuwang tugon ni Lola at nagpauna na siyang lumabas ng condo ko.
"Tara na." Sinenyasan pa ako ni Mahana nang mapansin niyang maiiwan na ako.
Napakamot ako sa aking ulo at nagmumura ng malutong sa isip ko. Gustong-gusto kong magpalusot pero matalino ang Lola ko. Titig ko pa nga lang ay nababasa na niyang peke lang ang mga lumalabas sa bibig ko. s**t!
"Apo, let my body guard drive your car. Dito na tayo sa service car ko sumakay para makapagkwentuhan naman tayo."
Inutusan niya ang isang body guard na kunin iyong susi ng kotse ko sa akin. At wala naman akong nagawa kundi ang mapabuga ng hangin sa inis. Ibinigay ko ang susi ng sasakyan ko saka inalalayan si Lola na makasakay, ganon rin ang ginawa ko kay Mahana.
"Grabe! Bagay na bagay talaga kayong dalawa. Napakasarap niyong panoorin." Komento ni Lola nang hindi namin alam na pinapanood niya pala kami ni Mahana.
Nasa passenger seat si Lola samantalang kami ni Mahana ay nasa likod. Alerto si Mahana na gawin ang trabaho niya, ipinulupot nito ang kanyang braso sa akin at nagpakitang tao sa harap ng Lola ko. Sa kaloob-looban ko naman ay nag-uusok ako sa galit.
"Luis, ba't parang problemado ka?"
Napansin ni Lola na hindi ako mapakali sa pagkakaupo. I really need to go at the bar para makuha 'yong kopya nong CCTV footage. Hindi pwedeng ipagpaliban 'yon lalo na at matatagalan lang lalo ang process ng annulment.
"La, I-i have an important meeting kasi today e ." Napakagat labi pa ako pagkatapos at kinabahan sa titig na ibinigay nito sa akin.
"Important than me? Than your wife?" Pangongonsensya nito dahilan para mapalunok ako. "Re-schedule mo na lang 'yan. Minsan ko na nga lang kayo makasama ng misis mo, hindi mo pa ako pagbibigyan." Parang may pagtatampo sa kanyang boses kaya wala akong nagawa kundi ang mapasuko na lang.
"Natutuwa ako na sa wakas nakapag-asawa ka na, Luis, kaya pasensya niyo na kung hindi ko ipinaalam sa inyo ng maaga ang tungkol sa paglilipat niyo sa bahay." Sambit ni Lola habang nasa byahe kami.
Palihim ako na nagtitipa sa selpon ko upang sabihin sa staff ng bar na sa ibang araw na lang ako pumunta dahil nga sa pang-aaya ni Lola sa amin. Inihabilin ko pa na huwag iyon ibibigay sa iba lalo na at hindi ko alam kung sino ang mga tunay kong kakampi.
"Mahana, what is your job again?"
"Ah, sa coffee shop po ako, Lola." Sagot ng katabi ko at palihim na sinisiko ako upang suwayin dala ng takot na baka mapansin na naman ako ni Lola.
"Ow! Degree holder, right?"
"Yes po, BS in Business Management, Lola."
"Oh, parehas pala kayo ni Luis. Why don't you plan to build your own business? Parehas kayong maalam sa business thing, maganda kung ngayon pa lang na wala kayong anak ay may sarili na kayong negosyo." Suhestiyon ni Lola.
Napatango-tango na lamang si Mahana para makumbinsi si Lola na may katwiran ang mga sinasabi nito.
"We're planning na po, Lola."
Nasiko ko si Mahana dahil sa isinagot niyang iyon. Wala akong maalala na may pinag-usapan kaming ganon dahil una sa lahat, ayaw ko siyang makasama sa isang negosyo. Sapilitan pa nga kung makisalamuha ako sa kanya e.
"Nice, I'm happy that finally Luis already enlighthen by you, Mahana. Alam mo bang wala 'yan kaplano-plano sa buhay. Kung hindi ka lang siguro dumating at ikinasal sa kanya, malamang, hanggang ngayon, single pa rin siya at nagpapakalunok sa bisyo niya." Natawa pa si Lola sa mga pinagsasabi niya about sa akin.
"Lahat naman po, susundin ni Luis kapag ako na ang nag-utos, La. Napakamasunurin niyang asawa, right hubby?" Hinawakan ni Mahana ang pisngi ko nang mapalingon si Lola sa gawi namin. Syempre, wala akong nagawa kundi ang umaktong sweet sa kanya.
"Of course, you're the boss e." Pinisil ko ng bahagya ang kanyang pisngi at umaktong kinikilig siya sa ginawa ko.
"Pero, sana huwag niyong kalimutan na planuhin rin ang pagkakaroon ng anak. Alam niyo na, tumatanda na kayo, baka hindi na kayo makabuo. At syempre, tumatakbo ang oras, gusto ko, masilayan kahit saglit lang ang paglaki ng apo ko sa tuhod sa'yo, Luis."
Napatango na lamang kami ni Mahana kahit sa kaloob-looban namin ay hindi kami makakapayag na mangyari sa aming dalawa iyon. Hindi namin mahal ang isa't isa kaya imposible na magkaroon kami ng anak. Asawa nga hindi ko pinangarap, pagkakaroon pa kaya ng anak?
Pagkarating namin sa bahay ni Lola ay kaagad kaming sinalubong ng mga kasambahay niya upang tulungan sa pagdadala ng mga gamit namin. Iginaya kami ni Lola papasok sa bahay niya. Sa sobrang yaman ni Lola, kahit matanda na siya, kayang sumabay sa uso at modernisasyon ang disenyo ng kanyang bahay. Kaya nagkakandarapa akong makuha iyong reward na kaya niyang ibigay dahil alam hindi lang siya puro salita.
Habang abala sina Lola at Mahana sa pagkwekwentuhan, narito naman ako sa gilid, sinusubukan na tawagan si Kenneth upang siya na lang ang kumuha sa kopya nong CCTV footage sa bar.
"I can't, bro, paluwas kami ng probinsiya ni Alona ngayon. Try to call Chris and Rhaiven, baka hindi sila busy."
Matapos akong p*****n ng tawag ni Kenneth ay si Chris naman ang tinawagan ko kaso nag out of the country naman sila ni Jaime dahil katatapos lang ng anniversary nila. Samantalang si Rhaiven naman ay busy sa trabaho, ang sekretarya pa nito ang sumagot sa tawag ko kanina at ipinaalam na hetic ang schedule nito.
"Tangina! Bakit ngayon pa. Bwisit."
Parang gusto kong pumatay sa awra ko ngayon. Kung kailan malapit nang masolusyunan ang isang problema ay may dadagdag naman. Ang malala pa doon ay hindi ko matakasan si Lola.
"Attorney, I'm sorry pero hindi na ako makakarating. Emergency lang, I'll call you again kung makikipagkita ulit ako sa'yo. Okay, thanks."
Ibinalik ko sa bulsa ko ang selpon ko saka napamura ng malutong. Kahit siguro magsisigaw ako sa galit ngayon ay wala akong mapapala. Wala akong kawala sa mga salita ni Lola na dapat sundin.
"Uy! Kakain na sabi ni Lola. Tara na."
Napalingon ako nang magsalita si Mahana sa likod ko.
"Tsk! Ang chill mo ah." Inis na tugon ko.
"Bakit ba? Mabait ang Lola mo kaya madali ko lang siya napaamo. Alam mo, imbes na mainis ka sa'kin, ba't 'di ka nalang magpasalamat dahil nagagawa ko ng maayos 'yong trabaho ko. Ayaw mo non, mapapadali 'yong pagkuha mo sa reward mo." Nakahalukipkip na tugon nito't inirapan pa ako.
"Mahana, 'yong annulment natin, hindi ko pwedeng talikuran 'yon. Okay, I appreciate what you are doing but I need your cooperation."
"Oh, anong gusto mong gawin ko ngayon? Ipagpaalam ka sa Lola mo na aalis ka dahil sa annulment natin, ganon ba?"
"Just think any reason basta hindi 'yon."
"Psh! Ikaw ang mas matalino, ikaw ang mag-isip."
Nilayasan niya ako at nagpauna na siyang nagtungo sa dining upang saluhan na si Lola na kumain. Napabuga ako ng hangin nang tuluyan na akong tawagin ni Lola upang kumain at wala akong nagawa kundi ang saluhan sila.
"Rice, hubby?" Tanong ni Mahana sa akin nang magpakitang gilas na naman siya sa harapan ni Lola na animoy isa raw siyang maasikasong asawa. Syempre, sa ngalan ng reward, sinakyan ko ang pagpapanggap niya.
"Just one scoop, love." Tugon ko at ipinagsandok ako ng kanin at kanya itong inilagay sa plato ko.
"Uy! Pinakbet." Nagningning ang mata ni Mahana matapos makita ang ulam na iniiwasan ko sa lahat. "Naku! Lola, hindi niyo natatanong pero mahilig si Luis sa gulay. Kapag ipinagluluto ko siya, palaging pinakbet ang nirerequest niya sa akin."
Damn! No! I hate pinakbet!
Pasimple ko siyang pinitik sa braso niya upang ipaalam sa kanya na hindi ko gusto ang palusot niya. Nang tumingin siya akin ay pinagdilatan ko siya pero pasimple niyang inginuso si Lola na noon ay pinapanood kami.
"Wow! You're improving, Luis. Dati, ayaw na ayaw mo sa pinakbet. Si Mahana lang pala ang gamot sa pagiging pihikan mo ah." Natutuwa komento ni Lola.
"Lola, kung gusto niyo, panoorin niyo pa si Luis na kumain ng pinakbet e, lalong-lalo na 'tong ampalaya. Naku! Number one favorite niya 'to." Kumuha siya ng pinakbet gamit ang kutsara saka niya hinawakan ang panga ko upang masubuan.
Pinakiusapan ko siya gamit ang mga titig ko sa kanya pero hindi iyon naging epektibo kaya ang ending tuloy ay napakain niya ako ng pinakbet sa unang pagkakataon. My Lola is watching at wala akong nagawa kundi ang lunukin iyon ng walang kahirap-hirap.
I hate you, Mahana. You're going to regret this. f**k!
Nagpatuloy kami sa pagkain at gustong-gusto kong magsuka dahil sa kinain kong pinakbet. Tiniis ko ang bawat subo sa ulam namin at pinapaalala na parte ito ng pagsubok para sa inaasam kong reward.
"Since, I'm happy to your marriage at syempre, hindi naman ako makakapayag na wala akong ibigay na regalo sa inyo. So, kinuha ko 'yong alam kong magugustuhan niyo parehas."
Nagkatinginan kami ni Mahana dahil sa sinabi na iyon ni Lola. Wala akong ideya kung ano ang bagay na parehas naming gusto ni Mahana bukod sa mapasawalang bisa iyong kasal namin.
"Sogo hotel? What the f**k, Lola." Napatayo ako sa gulat nang makita 'yong picture na ipinapakita niya na regalo daw nito sa akin. Hindi ko na napigilan pa ang mapamura.
"Hindi ba't exciting? Gusto ko na magkaapo sa tuhod sa'yo, Luis, kaya kung kinakailangan na ako ang gumawa ng paraan, ay gagawin ko talaga. So after natin kumain magpahinga na kayo at magpalakas dahil mamayang gabi ay mapapasabak kayo sa nakakapagod ngunit romantikong laban." Kumindat pa si Lola ng bahagya at nagpakawala ng ngisi sa labi na ikinatibok ng malakas ng puso ko.
Shit! Ayoko! Over my dead body!