Chapter 6: Takas

1950 Words
"Kalilipat pa lang ng pangalan ko sa kompanya, uutangan mo na 'ko. Ni wala pang bente kwatro oras na nakapangalan tong kompanya sa'kin e." Napasugod ako kay Rhaiven nang maalala ko na mauubos na ang laman ng bank account ko. Hindi magiging sapat ang pera ko na nandon para bayaran si Mahana if ever pumayag ito, idagdag pa 'yong gagastusin namin sa pagproseso nong annulment ng kasal namin. Sa aming lahat, si Rhaiven itong mapera dahil animoy nagtatae ng pera ang bank account nito or wallet. Swerte kumbaga ang isang to pagdating sa pera. Hindi naman ito 'yong unang beses na uutangan ko siya. Lahat kami kapag may problema pinansyal ay sa kanya kami kaagad tumatakbo. Hindi naman kasi madamot ang isang 'to. "Babayaran ko naman, pre. Kinakailangan ko lang talaga ngayon." Nagdekwatro ako ng upo sa sofa na nasa gilid ng kanyang opisina habang abala na nilalaklak 'yong alak na inilabas niya kanina sa may center table. "Hindi naman issue sa akin kung mababayaran o hindi e." Napasandal siya sa kanyang mesa at diretsong humarap sa akin. "Aanhin mo ba 'yon?" Nilunok ko muna iyong alak na ininom ko bago ko siya sinagot. "Pambayad ko kay Mahana if ever pumayag na siya sa offer ko. Plus, 'yong gagastusin namin sa pagpapasawalang bisa nong kasal namin." "Itutuloy mo pa rin? Akala ko ba, okay lang sa kanya na kasal kayo?" "Sa kanya, pre, okay lang, you know me already. May pinaglalaanan ako ng salitang 'i do' ko." Kaagad nakuha ni Rhaiven ang ibig-sabihin ko kaya natawa siya at napailing-iling. Sa kanya ko mas inoopen up ang tungkol sa bagay na iyon. Kapag kasi sima Chris at Kenneth, puro may halong kantyaw ang advice nila, hindi tulad ni Rhaiven na puro seryosohan. "Did she know it already?" Napaangat ako ng tingin at napailing. "Naghahanap pa ako ng magandang pagkakataon." "Alam mo, opinion ko lang ah, may mapapala ka ba talaga sa babaeng 'yon? I mean, ang tagal na kasi, bro, graduate na tayo, ni wala ka pang kasiguraduhan kung gusto ka non o pinapaasa ka lang e. It's been three years, Luis. Tatlong taon ka ng mukhang umaasa sa wala." Seryosong komento ni Rhaiven. Tatlong taon. Oo, tatlong taon na akong naghahabol na parang aso sa taong mahal ko na hindi ko rin alam kung mahal din ako. Sa tatlong taon, wala siyang binigay na assurance sa akin basta ang mahalaga sa akin ay may komunikasyon kami at magkasundo kami. "Pinapaasa ba 'ko non e halos gabi-gabi naman kaming nag-uusap? May update-tan, lambingan, tampuhan. Oo, wala pa siyang binigay na assurance sa akin, pero, pre, mahal ako non, sigurado ako, sadyang busy lang siya sa career niya. Alam mo naman na pangarap niya 'yon mula pagkabata e." Depensa ko kahit ang totoo ay kinakabahan ako na baka may patutunguhan iyong sinabi ni Rhaiven. "Itratransfer ko nalang sa account mo kapag natapos na 'yong meeting ko mamaya." Tinapik ni Rhaiven ang balikat ko saka ito nagpaalam na aalis na kasama 'yong sekretarya niya dahil may meeting nga siyang dadaluhan. Matapos ang pag-uusap namin ni Rhaiven, inalis ko muna sa isip ko ang naging topiko namin. Hindi ko muna uunahin iyon, mas mahalaga na mapapayag ko si Mahana para makuha ko na yong reward ko kay Lola. Aayusin ko muna siguro ito bago ipaalam sa kanya. "Goodmorning, Hijo.." Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko na narito sa kwarto ko sina Mama, kasama si Lola na nakaupo sa may sofa ng kwarto ko. Anong ginagawa nila dito sa condo ko? "Ma, Pa, Lola? What are you doing here?" Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang tatlo dahil wala akong ideya kung bakit sila nandito. "We're here to visit you and Mahana. Wait, where's your wife?" Hinalungkat ni Mama ang buong kwarto ko upang hanapin si Mahana pero wala siyang napala. Fuck! Umalis ako sa pagkakaupo sa may kama ko at dali-daling nagsuot ng damit dahil topless akong natulog kagabi ayon sa nakasayanan ko. "Ahh..ano ma...ahh.." Nanginginig ang bibig ko dahil sa kaba. Ni hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin dahil hindi ako nakapaghanda. Hindi ko naman kasi inaasahan na bibisita sina Lola dito at ang malala pa doon ay wala si Mahana dito. "Mukhang napapabayaan mo ang asawa mo, Luis? Paano na 'yong reward mo nyan?" Natahimik ako sa inusal na iyon ni Lola. Napalunok ako, napatitig ako ng matagal sa kanya. "La, lumabas po siya kagabi, akala ko umuwi siya, hindi pala." Kagat-labi na palusot ko. "Hinayaan mo? Luis, ikaw ang lalaki, ikaw dapat ang batas. At huwag mong hahayaan na lumabas mag-isa ang asawa mo ng dis oras ng gabi. Paano nalang kung mapahamak siya? Marami pa naman ang kawatan kapag gabi." Paalala ni Lola sa akin at wala akong nagawa kundi ang mapatango na lang. Alam kong concern si Lola sa pagsasama namin ni Mahana dahil lahat ng anak niya ay nasa masayang pamilya. Ultimo buhay may asawa ng mga apo nito ay pinapakialaman niya dahil mahalaga ang masayang pamilya sa kanya. "Sa sabado ay inimbitahan tayo ni Rhaiven para icelebrate iyong pagiging bagong CEO niya sa kumpanya nila kaya inaasahan namin ang pagpunta niyo ni Mahana." Muntik ko pang maidura iyong kape na iniinom ko pagkarinig sa sinabi ni Mama. Nasa hapag kainan kami ngayon dito sa condo dahil nakaramdam bigla si Lola ng gutom. Alam ko naman na dinahilan niya lang iyon para mahintay na makauwi si Mahana. Kabadong-kabado ako dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko kapag nagtanong ulit sila. Hindi ko makontak si Mahana dahil ultimo phone number nito ay hindi ko alam. Patay talaga ako nito kapag hindi ko pa siya naisama sa dinner sa sabado. "M-may importante po kaming lahat ni Mahana, Ma, kaya baka hindi po kami makapunta." Palusot ko dahil wala pa akong kasiguraduhan kung mapapapayag ko ba si Mahana. "Icancel niyo na muna 'yang lakad niyo, nakakahiya sa pamilya ni Rhaiven kung hindi tayo buo na pupunta ron. Hindi ba't best friend mo iyon? Baka magtampo yon sayo kapag hindi ka pumunta." Patutsada naman ni Papa na sinang-ayunan nilang lahat. Hindi na ako lumaban pa dahil wala naman akong takas pa. Kahit na anong palusot ang gawin ko sila pa rin ang masusunod. Bahala na. "O, nasan na si Mahana, tanghali na hindi pa siya umuuwi, Luis." Nag-aalala na tanong ni Lola habang nakatingin sa wrist watch nito. "Ahh, kakabasa ko lang po ng text niya kanina, La, may inasikaso lang saglit, babawi nalang siya nextime sa inyo. Itetext nalang niya daw ako kapag susunduin ko na siya." Nagawa naman nilang paniwalaan iyong palusot ko at nakahinga ako ng maluwag nang magpaalam na silang uuwi na dahil may importanteng lakad sina Mama. Napamura ako ng malala dahil hindi ko na halos alam ang gagawin ko. Kinakailangan ko ng mapapayag ang babaeng iyon. "Sa cafeteria malapit sa dating tambayan natin nong highschool, pre, doon siya nagtratrabaho ngayon." Kaagad kong pinuntahan iyong cafeteria na tinutukoy ni Kenneth at doon ko natagpuan si Mahana na nakatayo sa may cashier. Kilala ang cafeteria na ito kaya hindi nakapagtataka na maraming tao ngayon. "What's your order---Anong ginagawa mo dito'ng unggoy ka?" Nanlaki ang mga mata niya pagkakita sa akin. Iyon na naman ang mga nanlilisik niyang mga mata sa inis at napansin ko na napabuntong-hininga siya ng malalim. "May I order your time, Miss?" "Psh! Lumayas ka nga rito! Wala akong panahon diyan sa pambwibwisit mo, okay?" "Kahit five minutes lang.." "Ayoko.." "Three minutes.." Umiling ito. "Fine, I'll wait you until available ka na." Naupo ako sa lamesa na bakante malapit sa may pintuan. Umorder nalang ako ng isang cup ng kape para hindi ako maburyo at sinamahan ko iyon ng cake para may lamutakin naman ako habang inaantay siya. Nagscroll na rin ako sa f*******: para maibsan iyong pagkaburyo ko. Pakagat na ang dilim pero nandito pa rin ako nag-aantay sa kanya. Pakiramdam ko nga mabubutas na 'tong inuupuan ko sa tagal ko dito. "Matagal ka pa ba?" Iritableng tanong ko sa kanya nang sadyain ko siya sa may cashier. "Nakikita mo naman na busy pa 'ko, di ba?" Nagmumura ako ng mahina pabalik sa upuan ko dahil mukhang busy pa siya. Nakaramdam pa 'ko ng inis nang magtext ang isa kong pinsan na inaasikaso na ni Lola 'yong reward nito sa akin kapag nagtagumpay ako sa gusto niya. Fuck! Nakakapressure. At sa tagal ni Mahana ay hindi ko na napigilan pa ang mata ko. Nakatulog ako sa may lamesa at hinayaan muna siya na magtrabaho. Mayamaya siguro ay magigising din ako, matutulog lang ako saglit. "Sir? Gising! Excuse me po.." naalimpungatan ako nang maramdaman na may tumatapik sa balikat ko at nang pag-angatan ko ito ng tingin ay napansin ko ang guard. "What?" Napahilamos ako sa mukha ko dahil napasarap yata ako sa tulog. Inayos-ayos ko iyong buhok ko na bahagyang nagulo. "Magsasara na po kami, Sir.." "Ano?" Nawala ang antok ko nang mapansin na nakaligpit na lahat ng upuan. Wala ng tao sa loob maliban sa amin ng guard na gumising sa akin. Napatayo ako at hinahalungkat sa paligid si Mahana. "Si Mahana po?" "Ay, kanina pa po umalis, Sir.." Napamura ako sa loob-loob ko dahil tinakasan ako ng babaeng iyon. Nagpasalamat ako sa guard at walang nagawa kundi ang naglakad palabas ng cafeteria na iyon. Madilim na ang paligid at nang tignan ko ang wrist watch ko ay mag alas onse na ng gabi. Tangina! Umalis siya doon na hindi manlang niya ako ginising? "Ano po 'yon--- Luis?" Namilog ang kanyang mata nang makita niya ako sa may pintuan niya matapos niya akong pagbuksan sa pagkakakatok ko. Hindi ako nag-aksaya ng panahon na puntahan siya matapos kunin kay Kenneth ang address niya. Hindi ako makakapayag na wala akong mapala ngayon. "Gabi na.." "Wala akong pakialam.. Ibang klase ka rin no, hinayaan mo ko 'don, iniwan mo 'ko na parang aso. Paano nalang kung may nangyari masama don sa'kin ah?" Singhal ko sa kanya. "Psh! Hindi na kita ginising dahil ang sarap ng tulog mo, baka singhalan mo pa ko e." "What the?" "Umuwi ka na, pagod ako, wala akong lakas makipagbangayan sa'yo." Akma niyang isasarado ang pintuan nito nang mabilis ko itong itulak. "Pumayag ka muna sa offer ko." "Psh!" Nilayasan niya ako at naglakad papasok sa loob, sinundan ko naman siya. "Kahit anong sabihin mo, ayoko. Hindi ka naman siguro tanga para hindi maintindihan yong sagot ko, diba? Sinabi ko na sa'yo, walang kaso sa akin kung kasal tayo. Iyong reward na sinasabi ng Lola mo sa'yo, kaya mo naman pagtrabahuan siguro yon, huwag mo na 'kong idamay." "Hinahanap ka nila sa'kin, bumisita sila kaninanh umaga don sa condo ko, akala nila nakatira ka na don kasama ako. Mabuti nalang nakaisip ako ng palusot." "Pwes, ganon nalang palagi ang gawin mo, mukhang nakukuha mo naman sila sa mga salita mo e. Iyong tungkol sa annulment, hindi kita pipigilan na gawin 'yon basta huwag mo akong idadamay." Naigalaw ko ang panga ko sa inis dahil sa pagiging matigas niya. Linapitan ko siya at laking gulat niya nang humarap ako sa kanya. Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Hoy! Sige, subukan mong may gawin sakin, hindi ako nagdadalawang isip na isaksak diyan sa lalamuna mo 'tong kutsilyo.." pagbabanta nito sa akin. Napangisi ako at walang kahirap-hirap na inilapit ang mukha ko sa may teinga niya. Aligaga siya sa ginawa ko at ramdam na ramdam ko yong mabibigat niyang paghinga. "Nasa akin ang passport mo at kung hindi ka papayag, baka nga tuluyan kang hindi makaalis..Ngayon mo 'ko subukan, Mahana." bulong ko sa may teinga niya. "Ano?" Gulat na gulat niyang tanong saka ako umatras palayo sa kanya at binigyan siya ng nakakangising ngiti. Tignan natin kung hindi ko pa siya mapapapayag!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD