"Ba't kasi hindi nalang natin pagbigyan si Lola para tantanan na niya tayo."
Muntik kong maibato kay Mahana iyong hawak ko na unan dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi na namin kailangan mag-agawan sa kama dahil malaki naman iyon. Kung tutuusin ay mailalarawan ko na iyong pinakamagandang kwarto ang kinuha ni Lola para sa amin.
"Are you out of your mind?" Inis na singhal ko sa kamya. "Papayag ka na makipagsex sa akin para lang mapatahimik ang Lola ko? Adik ka ba?"
"E kaysa naman 'yong kinukulit tayo, nauubusan na ako ng palusot don e." Sagot nito.
"Tsk! Ganyan ka ba kababaw para pumayag na lang ng ganon kadali? Mahana, bata ang hinihiling ni Lola at hindi isang laruan lang na ibibigay ng basta-basta. Kung makasunod ka kay Lola parang nag-uutos lang ng gawaing bahay 'yon ah." Kompronta ko.
Ang dali sa kanyang mapapayag sa mga ganong bagay para matapos kaagad ang problema. Hindi niya pinag-iisipan ng mabuti ang mga posibleng mangyari kung nagkataon na gagawa nga kami. Kung makapagdesisyon siya, para lang ito naglalaro na parang bata.
"Sayang naman 'tong pinareserve niyang kwarto sa atin kung hindi natin babahiran ng kalibugan natin 'di ba?" Usal nito at inililinga ang mata sa kabuuan ng kwarto.
Napahilot ako sa kanyang sentido. Para akong nakikipag-usap sa taong walang utak. Paano ko ba matatagalan ang ganitong klase ng tao na mahina ang pag-iisip sa mga bagay-bagay? Potangina! Pakiramdam ko, mas mauuna pa akong mamatay kaysa makuha iyong reward o 'di kaya mapasawalang bisa yong kasal namin.
*What the? Don't tell me ayos lang sa'yo na may mangyari sa atin kahit hindi naman natin mahal ang isa't isa?"
Napatango-tango ito. "Mag-asawa naman tayo e saka.." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at nakita ko kung paano ito napalunok. "-mukhang yummy ka naman. Daks ka siguro 'no?" Taas-kilay niyang tanong.
"Yuck! Ang baboy mo!" Nandidiring tugon ko. Hindi ko kayang makuha sa mga salita niya dahil pinapangunahan ako ng pandidiri.
"Wow naman, Luis, diring-diri ah. Parang 'di ka uhaw sa sex." Humagikgik pa ito ng tawa at sa pandidiri ko ay naihampas ko sa kanya iyong unan na nahawakan ko. "Aray naman!"
"Hindi ako natutuwa ah. Umayos ka nga, Mahana. Hindi ito ang tamang panahon para sa mga biruan na 'yan." Singhal ko sa kanya. "Imbes na tulungan mo 'ko mag-isip para makatakas kay Lola, pinapasakit mo naman lalo ang ulo ko."
"Kumalma ka kasi, stress na stress ka e." Naramdaman ko na hinimas nito ang aking braso, tinignan ko siya at nakita ko ang nakakabaliw niyang pagngisi na hindi ko nagustuhan.
"Kung ano man 'yang binabalak mo, huwag mo ng ituloy. Baka makalimutan kong babae ka at masapak kita ng wala sa oras." Pagbabanta ko sa kanya dahilan para mapasimangot ito.
Napalayo siya ng konti sa akin at napabuntong-hininga. "Eto naman, tinatry lang naman kitang akitin e."
"Patawa ka? 'Di bagay sa'yo. Kadiri." Inirapan ko siya saka niyakap ang unan na hawak ko.
Hindi niya ako sinagot at nakita ko na lang si Mahana na umalis sa kama at nagtungo sa may table. May kinuha siya roon, iyong remote control nong TV. Nagtaka ako dahil mukhang may hinahanap siyang channel.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.
"Naghahanap ng bold.." sagot nito habang patuloy na nagtitipa sa remote control.
"Tangina? What do you think you're doing, Mahana?" Singhal ko, napabalikwas ako ng sandal sa head board ng kama.
"Mukha kasing 'di gising ang junjun mo kaya bubuhayin ko para masimulan na natin ang oplan baby making." Gumalaw-galaw pa ng kilay nito pataas baba na ikinainis ko.
Namilog ang mata ko sa gulat dahil sa iminungkahi niya. Tinitigan ko siya sa mukha at may nababasa akong biro doon pero mas nangingibabaw ang pagiging seryoso nito.
What the f**k?
"Tsk!" Napailing-iling ako. "Umaasa ka talaga na makikipagsex ako sa'yo 'no. Pwes, hindi! Maging misis nga kita ayaw ko, maging nanay pa kaya ng mga anak ko. Psh! Alam mo, mas gugustuhin ko pang magpasagasa kaysa makipagtalik sa'yo." Depensa ko sa maawtoridad na tinig na ikinabilog ng nguso niya na animoy hindi naniniwala sa mga sinabi ko.
"Kahit ako 'yong top?" Makapal nitong tanong sa akin.
Napakunot ako ng noo, alam ko naman ang ibig niyang sabihin kaya nandidiri ako. "Kahit maghubad ka pa sa harapan ko, wala akong pakialam."
Napabuntong-hininga ako ng malalim. Pinakalma ko ang sarili ko dahil baka kung ano ang magawa ko sa kanya. Muntik ko pang maihampas sa kanya 'yong unan na hawak ko sa pagiging makulit niya. Ramdam ko naman na seryoso siya sa mga sinasabi niya e at hindi ako natutuwa don.
Hawak ang unan ay umalis ako sa pagkakasandal sa headboard ng kama. Tahimik akong umalis at naglakad paroon sa sofa na nasa left side dahil ayaw ko na madikit ang kahit na balat ko sa kanya.
"Diyan ka na sa kama, sa'yong-sa'yo 'yan. Ayokong makipagtalo sa'yong manyak ka." Padabog akong nahiga sa kama at napatitig na sa kisame.
"Sure ka? Ayaw mong makipagsex sa'kin?" Pagdadaldal niya pa na ikinalingon ko. "Dali na baka magbago isip ko." Tugon pa nito na inaakit pa ako sa pagbaba nito sa strap ng kanyang bra.
"Kasex mo mama mo. Ulol."
Pumikit na ako para makatulog na at huwag aksayahin ang oras ko sa kanya. Wala rin naman akong mapapala sa kanya kundi sakit ng ulo. I want a peace of mind so I rather shut my mouth and sleep. Nagtulog-tulugan ako para hindi niya ako kulitin. At may saltik talaga ang babae na ito, nanood talaga ng bold. Kadiri talaga. Hindi na siya nahiya sa akin. Tanga lang talaga ang m************k sa babae na ito. Tsk!
Kinabukasan, nauna akong nagising sa kanya. Naiwan pa niyang nakabukas ang TV kaya kinuha ko ang remote control sa right side niya at pinatay ito. Para siyang 'di babae sa posisyon niya na natutulog. Para siyang tae na nalaglayan nalang sa daan at doon na pumirmi. Tulog mantika siya at hanggang ngayon, naiinis pa rin ako sa kanya.
"Malas talaga ang magiging asawa mo. Napakatigas ng ulo mo. Tsk!" Pakikipag-usap ko sa bulto niyang natutulog. Hindi ko maitatanggi na may kagandahan siyang taglay pero hindi iyon umeepekto sa akin.
Iniwan ko na siya at nagtungo sa banyo upang gawin ang morning routine ko. Naligo na rin ako dahil uuwi na rin kami mamaya. Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko siya, kumukuha ng litrato habang.... Tangina!
Nakatwopiece siya at nasa kama ito nagsesexy pose.
Hindi ko alam kung bakit napahinto ako at napatitig sa napakaganda niyang pangangatawan. May hugis ang kanyang balakang, may kalaman-laman ang kanyang dibdib at matambok naman ang pang-upo nito.
Napalunok ako.
Nabalik ako sa katinuan nang magtama ang aming tingin. Pinagpawisan ako ng malala. Hindi ko alam kung paano gagalaw at kung ano ang iaakto ko matapos niyang mabisto na nakatitig ako sa katawan niya.
"Mag-magdamit ka nga." Nauutal na wika ko at bahagya pang nagtakip ng mata para kunwari ay hindi ako nadadala sa sexy niyang pangangatawan.
Narinig ko ang pagtawa niya dahilan para mapapikit ako sa inis. s**t! Huling-huli ako sa akto. Nakakahiya.
"Sus! Kunwari conservative pero naglalaway." Pambubuyo nito dahilan para mapasinghal ako. Naggalita-galitan ako kumbaga para maisalba ko pa ang sarili ko. "Eto lang naman ang sinayang ko kagabi, ang sexy no?"
"Sexy mo mukha mo."
Pinasundo kami ni Lola sa mga bodyguards niya at kahit anong gawin ko, hindi ako makakawala. Hinayaan ko na dalhin ako ng mga tauhan ng lola ko sa bahay nito at pagdating namin ay kaagad niya kaming sinalubong na animoy galing kami sa ibang bansa.
Lantang gulay ako na nagbeso sa pisngi nito, hindi kagaya nito na tuwang-tuwa pa at kung makayakap sa Lola ko ay animoy hindi sila nagkita ng isang taon. Nakakainis.
"Kumusta ang honeymoon niyo? Mainit ba? Hmm?" Nagpalipat-lipat ng tingin si Lola sa amin. Nakapulupot ang si Mahana sa braso ko, in character na asawa ko. Nakakasuka.
"Of course, Lola." Pagsisinungaling ni Mahana at napakagat labi pa dahilan para mapatili ang Lola ko.
"Nawasak ba ng malala, hija? Magaling ba tumusok ang unico hijo kong apo?" Wala sa lugar na tanong ni Lola.
Masigla namang sumagot si Mahana na animoy hindi nakakaramdam ng cringe sa mga pinagsasabi ng Lola ko. Diring-diri ako sa mga pinagsasabi nila, tapos sa kanila parang normal lang. Tsk!
"Syempre, La. Sapol na sapol." Sagot ni Mahana.
Napamura ako sa loob-loob ko. Para akong nababastos na walang kalaban-laban. Sa harapan ko pa talaga nag-uusap ng ganon, nakakacringe pakinggan. Gusto kong sumigaw sa inis pero hindi ko magawa.
"Kaya naman pala parang lantang gulay 'tong apo ko e." Hinawakan ni Lola ang balikat ko, himimas niya ito ng bahagya. "Can't wait sa mabubuo, sana isang dosena." Tinapik niya bahagya ang pisngi ko pagkatapos ay inutusan niya kami na magpahinga muna sa taas tapos tatawagin kapag kakain na.
Padabog kong ibinagsak ang katawan ko sa kama dahil sa naubusan ako ng lakas. Nakakapotangina! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung alin ang uunahin kong solusyunan. Nakakasakit ng ulo. Para akong nakakulong sa isang hawla na maraming ang nasa paligid ko pero walang may gustong tumulong para makawala ako.
"Umuwi ka na, Ken, I f*****g need you." Mahigpit ang hawak ko sa selpon ko nang tawagan ko si Kenneth. Wala akong kasama dito sa kwarto dahil naiwan si Mahana sa baba, mas pinili na makapagkwentuhan kay Lola.
"I can't, bro, do it by yourself muna. Lovelife ko naman ang unahin ko, bro." Sagot nito.
Napahilot ako sa aking sentido. "Magagawan mo naman 'yan ng paraan nang tinutulungan mo ako, Ken. Kaya umuwi ka na."
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Alam mo, stress ka masyado. Unahin mo kaya muna 'yang oplan reward mo dyan sa Lola mo kaysa 'yong annulment. Pre, marami pang time para sa annulment na 'yan pero 'yang reward, once in a lifetime mo lang kaya sulitin mo na. Ginagawa naman ni Mahana ang trabaho niya 'di ba? O dapat magsaya ka dahil hindi ka mahihirapan sa pagkuha diyan sa reward mo. Just think about it, pre."
Kahit na anong gawin ko, hindi ko napapayag si Kenneth. Naiintindihan ko naman kung bakit uhaw siya na makuha si Alona. Crush na niya ito mula nong nasa college pa kami, after mawala ni Haila sa amin. Pero si Alona ay isang matigas na babae, inshort, nandededma sa mga effort at feelings ni Kenneth.
"Are you available today, Attorney? Yeah, lets meet at the coffee shop. Okay. Thanks. Bye."
Wala naman kami sigurong lakad nina Lola ngayon dahil tiyak masarap ang kwentuhan nila ni Mahana. Magagawan ko naman siguro ng paraan para makatakas sa kanya.
Tumawag ako sa staff ng bar na ngayon ko kukunin iyong kopya ng CCTV footage para madala na kay Attorney incase makatakas nga ako.
"Sir, may kumuha na po nong kopya, kahapon po."
"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Bumibilis ang t***k ng puso ko sa ibinalita niyang iyon. "Anong may kumuha? Wala akong inutusan na kumuha non sa inyo. Kaya paano.."
"Sir, ang sabi pinapakuha niyo raw e kaya ayon po, ibinigay ko."
"What?"
Sinong kumuha? Wala akong maaalala na may inutusan ako. Ultimo sina Rhaiven, Chris o kahit si Kenneth ay hindi ko inutusan na kunin iyon kaya malaking palaisipan sa akin ngayom kung sino ang taong pilit na ipinagdadamot ang kalayaan na gusto ko.
Sino ka ba talaga?