"Hoy! Gisinggg! Pasunog na ang dagat, 'di ka pa bumangon!"
Kasabay ng nakakabinging sigaw ni Mahana ay ang paghampas nito sa hawak ng takip ng kaserola at sandok sa kabila nitong kamay. Kaagad na napabalikwas ng bangon si Luis dahil sa gulat.
"What the? Itigil mo nga 'yan, ang sakit sa teinga." Singhal nito sa babae, hindi niya napigilan ang inis na nadarama kaya kinuha niya ang yakap-yakap nitong unan kanina ay kanya itong ibinato kay Mahana pero kaagad naman itong nakaiwas.
"Bumangon ka na kasi dyan. May nag-aantay sa'yo."
Nagising ang diwa ni Luis sa sinabing iyon ni Mahana na may naghihintay sa kanya. At sa labis na excitement, napabalikwas siya ng bangon sa pagkakahiga. Mas mabilis pa sa takbo ng kabayo ang ginawa niyang paglabas sa kwarto ni Mahana, doon siya pinatulog ng babae kagabi dahil ayaw niya itong katabi.
"Excited ah." Natatawang sambit ni Mahana. Sinundan niya si Luis palabas ng kwarto. Natawa nalang siya sa naging reaksyon ng lalaki.
Hindi na niya pinansin si Mahana, tinawag siya nito pero dedma lang ang kanyang ginawa. Hindi pa siya nakakapag-unat at nakakapag-alis ng muta ay lumabas na siya ng kwarto. Pagkarating niya sa may pintuan ay kaagad niyang inilinga ang tingin sa paligid upang suriin kung sino ang nag-aantay sa kanya.
"Sinong naghihintay sa'kin?" Tanong niya kaagad, sumilip pa ito sa may bintana upang tignan kung sino ang tao sa labas na nag-aantay sa kanya.
"Wala dyan, nandon." Inginuso ni Mahana ang direksyon ng likod bahay nila. Kaagad na tumakbo si Luis upang puntahan ito dahil excited siya.
Naaamoy niya na sinusundo na siya nina Kenneth o kung sino man sa kanyang mga kaibigan upang iuwi siya. Talagang hiniling niya kagabi na sana kinabukan ay may sumundo na sa kanya dahil hindi niya talaga kayang magtagal doon kasama si Mahana kahit pa man mababait ang Mamang nito at si Megan. Alam niyang batak kung gumanti si Mahana at hindi siya makakapayag na mangyari iyon sa kanya.
"Pocha! Asan?" Naiinis niyang singhal. Kagaya kanina ay wala siyang nakita ni anino ng taong naghihintay daw sa kanya.
Tumingin siya kay Mahana, nagtatakang tingin ang itinapon nito sa dalaga na noon ay nakasandal sa hamba ng pintuan, pinapanood siya na naghahanap sa wala.
"Jusko! Ang laki ng mata mo hindi mo makita." Segunda ni Mahana, sinundan niya iyon ng pagtawa dahil natawa siya sa naging reaksyon ni Luis.
"Tsk! Ni anino nga wala akong makita e. Asan ba?" Iritableng depensa nito, napagtaasan na niya ito ng boses. Kagigising niya lang pero badtrip na kaagad ang bumungad sa kanya. Ano pa nga bang aasahan niya sa babae.
"Psh! Ayon oh. Dyan sa may palanggana." Itinuro niya iyong palanggana na nasa gilid ng malaking drum. Punong-puno ito ng samut saring damit na marurumi. Sa sobrang dami noon ay halos na hindi na ito magkasya sa palanggana.
Salubong ang kilay ni Luis. "Dont tell me, paglala----"
Napahinto siya, nakuha na niya agad ang ibig-sabihin ng palanggana na itinuro ni Mahana. Iyong excitement nya kanina ay napalitan ng inis.
"f**k! No way! Hindi nga ako pinaglalaba ni Mama e tas paglalabahin mo 'ko dito?" Singhal niya, hindi na maipinta ang inis sa kanyang mukha.
"E ano naman? Sa tanda mong 'yan, dapat marunong ka na. Hindi 'yong inaasa mo nalang sa ibang tao 'yong paglalaba ng mga damit mo 'no." Nakakrus na brasong tugon ni Mahana. Ngising ngiti ang iginawad nito na ikinainis lalo ni Luis.
"Langhiya! Mahana naman, ano ba 'tong trip mo?" Napakamot si Luis sa kanyang ulo dahil wala na siyang maramdaman sa mga oras na iyon kundi ang pagkulo ng kanyang dugo sa galit.
"Sus! Ang daming ebas. Magsimula ka na dyan, anong oras na oh, ang dami mo pang lalabhan." Utos nito.
"Ayoko! Labhan mo mukha mo dyan." Akma siyang maglalakad papasok ng bahay nang mabilis na iniharang ni Mahana ang kanyang braso sa may pintuan dahilan para mapahinto si Luis at hindi ito makapasok.
"Maglalaba ka o tatawagan ko ang Lola mo at aaminin sa kanya 'tong kalokohan natin?" Pananakot niya. Kaagad na sumilay ang kaba sa mukha ni Luis.
Napansin niya na gumalaw ang panga ni Luis sa inis. Matalim na tingin ang itinapon nito sa kanya kasabay ng pasinghal. "Oo na! Maglalaba na 'ko. Tangina."
"Very good! Marunong ka palang matakot e." Napapalakpak si Mahana sa tuwa. "Aray!" Napahiyaw sa sakit nong padabog na tinapik ni Luis iyong kamay niya na nakaharang sa may pintuan.
"Tabi! Nakaharang ka e."
"Oy! Saan ka pupunta?"
"Teka lang, kagigising nga lang ng tao e, ni hindi pa ako nakakapaghilamos tapos nakakapag-alis ng muta, paglalabahin mo na ko. Pakainin mo muna ako. Paano ako magkakaroon ng lakas para maglaba kung walang laman 'tong tyan ko?"
"Ay? Oo nga 'no. O siya, kumain ka na muna."
Habang abala si Luis sa paglilinis ng kanyang katawan ay inihanda naman ni Mahana iyong umagahan nila. Sinadya niyang hindi sumabay sa Mamang nito ay kay Megan na kumain kanina dahil sasabayan nalang niya si Luis. Gusto niya din kasing makita ang reaksyon ng lalaki kapag nakita na niya kung ano ang magiging ulam nila.
"Tara, kain na."
Tahimik na naupo si Luis sa tapat ni Mahana. Pagkatapos ay binigyan niya ng pansin iyong mga pagkain na nakahain sa mesa. Salubong ang kanyang mga kilay pagkakita sa mga 'yon. Pakiramdam niya umatras ang kanyang gutom. Lahat ng nakahain sa mesa ay hindi katulad ng nakasanayan niya.
"Oh, kumain ka na. Damihan mo para may lakas ka sa paglalaba." Inilapag ni Mahana iyong kape na matapos niyang timplahin para kay Luis.
"Pocha! Ano 'to?" Turo niya sa mga pagkain na nakahain.
"Pagkain."
"Ito breakfast natin?"
"Oo, alangan naman na lunch." Pilosopong usal nito na naging dahilan upang singhalan siya ng lalaki.
"Wala bang iba? Pancakes, toast bread, sausage ganon?"
"Wow! Ang demanding ah! Walang ganon dito, tuyo saka sinangag lang meron dito, bonus na 'tong pritong itlog. Masarap naman 'to, ano ka ba." Ipinaghain niya si Luis na noon ay hindi maipinta ang mukha habang nakatitig sa mga pagkain sa kanyang plato.
"Hindi ako kumakain ng ganyan."
"Walang lason 'to. Malinis ko 'yan na prinepaire kanina kung yon ang ikinakabahala mo." Naupo na si Mahana sa tapat ni Luis. Kumuha na rin siya ng makakain dahil kumakalam na ang kanyang sikmura.
"Magpadeliver na lang tayo." Usal ni Luis, nakikita niya kung paano na ganadong kumakain si Mahana sa mga pagkain na never niya pang trinay.
"Walang fast food chain dito."
Napahimalos si Luis sa kanyang mukha. Gutom na gutom siya kanina pero nong makita niya ang mga pagkain na nakahain sa mesa ay nawalan na siya ng gana.
"Alam mo, hindi dumi ang papatay sa'yo, kundi 'yang kaartehan mo. Kung ayaw mong kumain, edi huwag. Bahala ka dyan."
Ang ending, nakita niya ang sarili na kumakain sa mga pagkain na hindi pamilyar sa kanya. Hirap na hirap siya na lunukin ang mga iyon. Bawat subo nya, ipiangdarasal niya na sana kinabukan ay buhay pa siya. Sa kabilang banda, palihim na tumatawa si Mahana dahil sa reaksyon ni Luis habang kumakain. Kung tutuusin kasi ay mas maarte pa ito sa kanya. Bawat subo ng pagkain ay sinusundan niya kaagad ng inom ng tubig para lunok agad, ni hindi na niya ito ngininguya.
"Argh! I swear, you're going to regret this. Gagantihan talaga kita." Singhal ni Luis kay Mahana na naroon sa may bangko, nakaupo habang pinapanood ang paglalaba na ginagawa ni Luis.
Imbes na tulungan siya ng dalaga ay nakaupo lamang ito, abala sa paglamon ng mangga na isinasawsaw sa bagoong. Daig niya pa ang donya kung makautos kay Luis.
"Sus! Puro ka na naman salita e. Dalian mo dyan."
"Tsk!"
Puro himas lang ang ginagawa ni Luis sa damit na kanyang nilalaba. Tamang lublob sa tubig na may sabon dahil iyon ang alam niya sa paglalaba. Ni hindi niya ito ginugusot. Napansin iyon ni Mahana kaya nilapitan niya ito.
"Paano kasi maaalis 'yang mantsa kung 'di mo kukusutin. Kusutin mo kasi." Pagtuturo ni Mahana, ipinakita niya pa ang tamang pagkukusot ng damit para alam ni Luis ang kanyang gagawin.
"E kung mukha mo kaya kusutin ko dyan. Tsk!"
"Nyenyenye!"
Ayaw niyang makipag-away kay Luis kaya naman bumalik na ulit siya sa bangko at ipinagpatuloy ang pagmumukbang nito ng mangga. Natatawa nalang siya kapag ganon na nakikita niyang nagdadabog si Luis sa paglalaba. Umpisa pa lamang yon ng pagpapahirap niya sa lalaki.
"Mamang!" Sinalubong kaagad niya ang ginang na may dalang basket ng gulay galing ng bukid. Nagmano ito kaagad at kinuha iyong basket dahil napansin niyang habol nito ang hininga sa pagod. Napansin ni Cynthia ang paglalaba na ginagawa ni Luis sa gilid.
"Aba! Naglalaba pala 'tong manugang ko." Tugon nito, nakapinta ang ngiti sa labi nito.
"Wala daw siyang magawa, Mang, kaya nagprisinta na siyang labhan 'yong mga damit natin. Sabi ko ngang tulungan na siya pero ayaw dahil ayaw niya daw mapagod ako. Ang sweet niya, Mamang." Palusot ni Mahana, kaagad nanlaki ang mata ni Luis s pagsisinungaling na 'yon ni Mahana.
"Nakakatuwa naman kung ganon. Oh siya, maiwan ko muna kayo. Huwag kang mag-alala, Luis, ipagluluto ulit kita ng paborito mo." Usal ng ginang pagkatapos ay nilayasan na niya ang dalawa at pumasok sa bahay.
"Sinungaling! Anong nagprisinta na sinasabi mo dyan? Hoy! Pinaglaba mo 'ko!" Sugod na singhal ni Luis noong wala na sa paningin nila si Cynthia.
"Paano ka magugustuhan ni Mamang kung hindi ka magpapagoodshot ng konti, 'di ba?" Nakangising usal ni Mahana, kumindat pa ito ng bahagya.
"Mama mo goodshot." Nilayasan niya si Mahana bago pa sila magkasagutan ng malala.
Pumasok si Mahana sa kabahayan upang tulungan sa paghahanda ng tanghalian ang kanyang Mamang. Wala din naman siyang gagawin. Mas mabuting iwan niya si Luis para mabawasan ang badtrip nito. Ipinagdarasal nalang niya na sana hindi magkapunit-punit ang kanilang damit sa paglalaba ni Luis.
"Sige lang, damihan mo ng pagkain, hijo, alam kong napagod ka sa paglalaba." Usal ni Cynthia kay Luis at sinalinan niya ang plato nito ng paborito nitong ulam na pochero.
"Salamat po." Ganadong usal ni Luis.
Talagang napagod siya sa paglalaba, nagutom rin siya ng malala dahil hindi siya nakakain ng maayos ng umagahan dahil sa pantitrip ni Mahana sa kanya.
"Hello guyses!"
Napunta ang tingin nila kay Megan na bagong dating lang. May dala itong mga paperbag na animoy nagshopping ng malala sa mall. Napatayo kaagad si Mahana upang salubungin ang kanyang kapatid. Nagtaka ito dahil sa dami ng kanyang dala.
"Nanalo ako sa beauty contest, Manang. Ang galing ko 'no." Pagmamayang ni Megan, nagmartsa pa siya sa harapan ng kanyang Manang.
"Oo na. Sige na, ibaba mo na mga 'yan at kumain na. For sure napagod ka."
Ipinaghila ni Mahana ang kanyang kapatid ng upuan. Binati ni Luis si Megan noon ay nasa tapat nito naupo. Kilig na kilig naman ito dahilan para pagdilatan siya ng mata ni Mahana.
"Nga pala, Manang, eto na 'yong pinapabili mo." Iniabot ni Megan iyong isang bote ng gamot. Nagtaka si Luis kung para saan yon. Wala siyang maalala na may kondisyon si Mahana.
"Salamat. Bayaran ko nalang mamaya."
Tumango nalang si Megan at ipinagpatuloy ang paglamon.
"Hana, alalahanin ang tamang pag-inom nyan ah." Maawtoridad na paalala ni Cynthia.
Tumango si Mahana. "Opo, Mang."
Hindi nakatiis si Luis sa sobrang pagtataka. May ilang pagkakataon na niyang nakikita si Mahana na umiinom ng mga gamot. Kung simpleng sakit lamang iyon, hindi dapat gabi-gabi kung umiinom ito.
"Para saan 'yan?"
Nagkatinginan ang tatlo matapos marinig ang tanong na iyon ni Luis. Nakalimutan nila na naroon pala si Luis, walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Napaiwas ng tingin si Megan, kunwaring hindi narinig iyon ni Cynthia habang si Mahana ay napakagat ng labi dahil hindi niya alam kung dapat niya bang ipaalam kay Luis ang dahilan ng pag-inom nito ng ganong klase ng gamot.