A/N: Ang chapter na ito ay third person kumpara sa mga nauna. Form now on third person na gagamitin ko. Im going to edit the previous chapter kapag sinipag ako. Thank you!
"Hana, halika ka dito at baka may maalala ka kapag napanood mo 'to." Sinenyasan ni Luis si Mahana na lumapit sa kanilang pwesto, tinap niya iyong space sa tabi nito upang doon maupo ang babae.
Napansin ni Luis ang pananahimik ni Mahana. Tinitigan niya ito. Hindi niya masigurado kung kinakabahan ba ito o maeexcite kagaya niya. Iniisip niya rin na baka dala lang yon ng pagod dahil tumakbo sila kanina para makarating agad sa condo ni Kenneth.
"Hindi, dito na lang ako." Sagot ng babae, pilit pa ang kanyang pagngiti na ginawa.
Ngunit hindi siya tinantanan ni Luis. "Ayaw mo bang mapanood tong video? Heto na 'yong kasagutan sa problema natin oh. Halika na."
Napailing siya. "Oo, papanoorin ko nalang mamaya. Napagod ako sa pagtakbo natin kanina e." Ginamit niya pang paypay ang palad nito dahil nagsisiunahang bumagsak ang ilang butil ng pawis sa mukha nito.
"Hayaan mo na siya, pre, halata ngang napagod siya e." Sabat ni Rhaiven na nag-aalala sa kalagayan ni Mahana.
At hindi na nga nila pinilit pa si Mahana at kanilang itinuon ang pansin sa laptop ni Kenneth kung saan ipeplay iyong kopya ng cctv footage. Nakaabang silang apat roon lalong-lalo na si Luis na hindi na makapali sa kanyang kinauupuan.
"Mahana, ayos ka lang ba talaga? Namumutla ka yata?" Nag-aalalang tugon ni Luis nang mapansin ang babae sa may sofa na hindi na rin maipinta ang mukha nito sa hindi malaman na dahilan.
"O-oo, ayos lang ako." Sagot ng babae. "Kenneth, asan banyo mo dito? Makikigamit sana ako." Pagtatanong niya dahil nararamdaman niyang sasabog na ang kanyang pantog.
"Kumanan ka lang dyan sa kusina, makikita mo na agad." Pagbibigay direksyon ni Kenneth, itinuro niya pa ito para hindi maligaw si Mahana.
Sa pag-alis ni Mahana papuntang banyo ay kanya na nilang pinanood iyong video. Pagkapindot ni Kenneth sa play button ay nakaabang na silang apat. Halos walang kumurap sa kanila sa labis na pagkauhaw na mapanood ito. Hindi na halos mahintay ni Luis na makita ang buong pangyayari sa bar noon.
"Pocha naman! Mas malabo pa 'to sa bold ng japan e." Napatayo na singhal ni Luis habang nakaduro sa laptop ni Kenneth. Ginagawan naman ng paraan ni Kenneth upang luminaw ang kanilang pinapanood.
"Oh, kumalma ka. Ginagawan naman na ni Kenneth ng paraan e." Pagpapakalma ni Chris sa kanyang kaibigan na noon ay napapahilamos na sa mukha nito dala ng inis.
"Pocha naman! Nagbayad ako ng malaki tapos ganyan lang? Mas malabo pa sa future ko! Takte!" Pagrereklamo nito na naging dahilan para matawa sina Rhaiven.
"Pre, ayaw talaga luminaw e." Segunda ni Kenneth na ginawa na ang lahat na kanyang alam para luminaw yong video.
"Anak ng tokwa!" Singhal ni Luis, napamura na siya ng malutong pagkatapos. "Paano ko naman mamumukhaan yong mga taong trumaydor sakin kung malabo 'yan?"
"Kumuha ka ulit ng bagong kopya. 'Yon lang naman amg choice e." Suhestiyon ni Rhaiven na noon ay naupo na sa sofa.
"Tapos ano, mag-aaantay na naman ako ng ilang linggo? Jusko naman!"
Napunta ang tingin nilang lahat nang dumating si Hana na galing sa banyo. Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa apat. Nagtaka siya kung bakit ganon ang naabutan niyang mga reaksyon ng mga ito.
"Bakit? Anong nangyari? Nakita niyo ba kung sino ang mga nandon na tao?" Pagtatanong ni Mahana.
"Wala, sobrang blurred ng video, kaya ayan, galit na galit ang dragon." Sagot ni Kenneth at inginuso si Luis na naroon sa pang-isahang sofa. Nakabusangot ito at nakahanda ang mga kamao niyo na sumuntok.
Linapitan niya si Luis at hinaplos ang balikat nito. "Hayaan mo na, hihingi nalang tayo ulit ng bagong kopya."
Nakaramdam ng takot si Mahana nang matalim na tingin ang itinapon ni Luis sa kanya.
"Hayaan? Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Hana? Ginagago na nila tayo oh! Kung sino man ang may gawa satin nito, malamang may kinalaman na naman sila sa malabong kopya na binigay sa'tin." Napatayo si Luis sa sobrang galit. Kaagad siyang inawat ni Kenneth dahil baka mapagbuhatan niya ng kamay si Hana.
"Pre, kumalma ka. She's just trying to calm you down." Ani Rhaiven at pumagitna sa pwesto nila ni Mahana. Sinubukan niyang isalba ang babae sa nag-aapoy sa galit nitong kaibigan.
"Pocha! Hindi ko siya kagaya na kalmado lang kahit nagiging komplikado na ang lahat." Pagtutukoy niya kay Mahana na naroon sa tabi ni Rhaiven.
"Heto na naman po kami, sorry Luis ah, kasalanan ko kung bakit blurred yong video. Sorry ah kung ganto ako kakalmado. Sorry kasi imbes na makatulong ako ay mas lalo ko lang pinapasakit ang ulo mo. Sorry, okay?" Hindi na pa natiis ni Mahana at kanya ng pinatulan si Luis na noon ay sa kanya ibinubuntong ang galit nito.
"Mahana, relax. Huwag mo na siyang patulan."
"Tsk!"
"Palagi kang ganyan kapag 'di nabibigay gusto mo, palaging sa akin ang sisi mo. Yong galit mo sa ibang bagay, binubuntong mo palagi sakin. Palagi mo kong pinagdududahan kapag gantong kalmado lang ako."
"Alam mo kung bakit kita pinagduduhan?" Naglakad palapit si Luis kay Mahana, mabilis na pumagitna si Kenneth upang hindi mahawakan o mapagbuhatan ng kamay ni Luis si Mahana. "Dahil wala akong makitang bahid ng pag-aalala dyan sa mga mata mo. Pakiramdam ko mas nasisiyahan ka pa kapag gantong wala akong napapala. Pinaparamdam mo palagi sa'kin na okay lang ang lahat, kahit nakikita mong nagiging komplikado na. Dahil dyan sa pagsasawalang bahala mo, mas lumalalim ang pagdududa ko sayo, Mahana."
Natigilan si Mahana at doon na bumagsak ang luhang kanina niya pinipigilan.
"Luis, tama na." Segunda ni Rhaiven, napansin niyang umiinit na ang sagutan ng dalawa.
Mapaklang tumawa si Luis habang nakatitig ng masama kay Mahana na noon ay nakayuko na, inaalo siya ni Rhaiven na huminto sa pag-iyak. "Potangina! Malaman ko lang talaga kung sino ang may pakanan lahat ng 'to, papatayin ko sila."
Lahat sila ay nagulat sa sinabing iyon ni Luis. Napaangat si Mahana ng ulo at saktong nagtama ang tingin nilang dalawa.
"Luis, kalma. Lahat pwedeng idaan sa maayos na paraan, hindi yong kailangan mong pumatay. May batas tayo, hayaan mong sila ang gumawa ng parusa sa mga yon." Tugon ni Chris na natakot bigla sa masamang balak ni Luis.
Sinubukan rin pakalmahin ni Rhaiven si Mahana na noon ay kapansin-pansin na ang panginginig nito sa takot dahil sa inaasta ni Luis. "Ganyan lang 'yan magsalita but he's harmless. He's not going to hurt you, Hana." Pagpapakalma ni Rhaiven.
"Tangina! Ubos na ubos ang pasensya ko." Napaupo si Luis sa galit, pinakalma siya nina Kenneth at Chris sa paraan na alam nila.
"Don't worry, I'm going to hire the best prosecutor to investigate this. As soon as possible, malalaman rin natin kung sino ang may gawa sa inyo nito." Tugon ni Rhaiven. "For the meantime, magpalamig ka muna, Luis, Hana is scared of you. Ako na rin muna ang maghahatid sa kanya. And please, don't hurt her kapag ganyan na sumasabog ka sa galit. She's just concern about you."
Bago umalis at tinapik muna ni Rhaiven ang balikat ni Luis na nagsasabing kumalma nito. Nakayuko si Luis kaya hindi niya nakita ang mangiyak-iyak na awra ni Mahana. At kagaya ng sinabi ni Rhaiven, siya na ang naghatid kay Mahana pauwi habang si Luis ay naiwan muna sa condo ni Kenneth upang magpalamig ng ulo.
Habang nasa byahe sila, tahimik lamang si Mahana na nakaupo sa passenger seat habang nasa labas ng bintana ang tingin nito. Pinakiramdam naman siya ni Rhaiven na abalang nagmamaneho. Hindi maiwasan ni Rhaiven na mag-alala kay Mahana.
"Natense lang siguro siya kaya niya nasabi 'yon." Pambabasag ni Rhaiven sa katahimikan. "Hindi niya siguro sinasadyang sabihin 'yon sa'yo dahil alam mo na, kapag nagagalit tayo, hindi natin namamalayan yong mga sinasabi natin."
"Sadya 'yon, Rhaiven." Sagot ni Mahana. "Palagi siyang ganon sa akin. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. Nakikita niya ako bilang kalaban niya, hindi isang kakampi." Nagsimula na namang mabuo ang mga luha niya. "Ginagawa ko naman lahat para makatulong sa kanya, sinasakripisyo ko lahat para magawa ko ng maayos 'yong hinihiling niya sa'kin. Na kahit nawawalan na siya ng respeto, binabalewala ko 'yon para lang umayos ang pakikitungo niya sa akin. Hindi ko lubos akalain na yong pagiging kalmado ko ang nagiging rason para ituring niya akong kalaban."
Pinunasan ni Mahana ang butil ng luha na bumagsak sa kanyang pisngi. Naalala na naman niya ang mga salitang binitawan ni Luis sa kanya. Nadudurog ng sobra ang kanyang puso sa kadahilanang kailanman ay hindi siya itinuring ni Luis na kakampi.
"Gusto ko ng putulin lahat ng 'to, Rhaiven."
Sa sinabing iyon ni Mahana ay bahagyang napatingin si Rhaiven rito. Hindi niya maintindihan ang ibig-sabihin ng babae kaya tinapunan niya ito na nagtatakang tingin.
"What do you mean?"
Humugot muna ng malalim na buntong-hininga si Mahana bago ito sumagot.
"Aaminin ko na ang lahat sa lola niya. Aaminin ko na kay Lola na nagpapanggap lang kaming dalawa. Na yong pagsasama namin bilang mag-asawa ay peke at dala lamang ng aksidenteng kasal."