"Bakit magkasama kayo ni Mama kanina? Anong pinag-uusapan niyo? At bakit, nandito siya sa Pinas e pagkakaalam ko, nasa abroad dapat siya kasama si Papa? Bakit inform ka na nandito siya tapos ako na anak niya, hindi?"
Ang daming tanong na sumasagi sa utak ko dahil sa nakita ko kanina na tanging sina Mahana at Mama lamang ang makakasagot. Nakakapagtaka naman talaga, bakit alam ni Mahana na nandito si Mama pero hindi manlang niya sinabi sa akin? Bakit parang may pinag-uusapan silang importante at kung ano man iyon ay wala akong ideya?
Napatigil siya sa pagsusuklay ng kanyang buhok. Abala kami sa paghahanda sa pag-alis namin kasama si Lola. Ayon nga sa sabi niya kanina, sasama kami sa dinner with her amigas/ amigos. Kahit naman ayaw ko ay wala akong magagawa.
"Isusurprise ka dapat ni Tita, kaso, nabisto mo naman kami kanina." Sagot nito pero hindi ko magawang makumbinsi. Gusto ko ng malalim na paliwanag. Hindi ako satisfied sa sagot niya.
"Anong pinag-usapan niyo? Mukhang seryoso kayo kanina e." Tanong ko ulit.
Wala akong napansin na kakaiba sa mga kinilos ni Mahana maliban lamang sa pagtagas ng butil ng pawis sa noo niya na animoy kinakabahan. Hindi ko pa rin maiwasan ang magduda sa kanya dahil una sa lahat, hindi ko naman alam kung kakampi ko ba talaga siyang tunay o hindi.
"Yon nga, 'yong pangsusurprise dapat niya sa'yo."
Hindi ako nakasagot at napatango na lamang. Baka nga nagiging praning lamang ako kaya kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko at pati ang sarili kong ina ay pinagdududahan ko.
Nagkanya-kanya kami ng pag-aayos ng sarili ni Mahana bago pa kami tawagin ni Lola. Abala siya na naglalagay ng makeup sa kanyang mukha na nakapwesto roon sa vanity table, habang ako, naupo na sa sofa, naglalaro ng mobile games para hindi ako maburyo kakahintay sa kanya.
"Luis..".pagkuha niya sa atensyon ko.
"Hmm?"
"Baka naman pwedeng makuha na 'yong passport ko." Tugon nito at nilingon pa ako saglit bago ibinalik ulit ang atensyon sa kanyang ginagawa.
Napabuntong-hininga ako ng malalim saka napailing. "Pinag-usapan na natin ang tungkol diyan, di ba? Saka mo lang makukuha 'yon kapag naibigay na ni Lola 'yong reward ko."
Narinig ko na may ibinaba siya sa ibabaw ng table saka ito umupo paharap sa pwesto ko.
"E, nagagawa ko naman ng maayos 'yong trabaho ko e. Mukha namang effective 'yong pagpapanggap natin sa Lola mo. Masyado nang matagal 'tong pagpapanggap natin, baka mamaya iba ang kahantungan nito." Komento niya, napahagikgik pa ng mahina dahil alam ko ang iniisip niya.
No way! Kung iniisip niya na magkakagusto ako sa kanya, hindi. Kahit siya na lamang ang babae na matira dito sa buong mundo, mas gugustuhin ko nalang na magpakamatay.
Napailing ako sa palaisipan niya. "Kilala ko ang galawan mo nong highschool tayo kaya hindi mo ko matatakasan ngayon."
"Hindi naman kita tatakasan e, tutupad pa rin ako sa kasunduan natin. Inaayos ko na kasi 'yong papeles ko para makaalis na ko ng bansa bago matapos ang taon. Baka kasi magastos ko sa ibang bagay 'yong sahod ko na mula sa'yo e." Depensa niya at halatang-halata na uhaw siya na makuha sa akin iyong passport niya.
Naibaba ko ang hawak kong selpon at tinignan siya.
"Ano bang gagawin mo don at atat na atat ka yatang pumunta don?" Taas kilay na tanong ko.
Nahihiwagaan na ako ng sobra kung ano ang dahilan niya kung bakit nagmamadali siyang pumunta sa ibang bansa. Hindi nalaman ng private investigator ni Kenneth ang tungkol doon. Mukhang mahalaga iyon kay Mahana, at kuny ano man ang ipupunta niyandoon ay wala akong ideya.
"Basta!"
"Ahhh, alam ko na, pupuntahan mo siguro 'yong boyfriend mo 'no?"
Salubong ang kilay niya na tumigin sa akin. Hindi ko maiwasan ang matawa sa kadahilanang hindi ko yata maimagine na may magkakagusto sa kagaya niyang kengkoy kung manamit, para siyang manang.
"Wait...ang tanong, may boyfriend ka ba? Baka sa pagiging jejemon mo katulad nong highschool ay walang mag-aaksaya ng oras para ligawan ka." Natatawang usal ko.
Nakakrus ang mga braso niya na humarap sa akin, nakataas ang kilay niya na animoy napikon ito sa sinabi ko.
"Haha! Funny!" Inirapan niya ako. "Paanong 'di ako magiging jejemon e nainspire lang naman ako sa'yo non."
Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. Sinasabi niya bang jejemon ako non? No f*****g way!
"Ang lakas nga ng dating ko non e tapos tatawagin mo 'kong jejemon? Matakot ka sa sinasabi mo, hindi mo yata kilala 'tong binabangga mo." Tinapik ko pa ang dibdib ko sa pagmamayabang.
"Oo, sa lakas ng dating mo, pati mga classmate nating may putok ay naaappreciate mo. Psh!"
Makikipagsagutan pa sana ako nong kumatok si Lola sa may pintuan ng kwarto na kinarooonan namin at tinatawag na kami upang makaalis na kami. Nilabanan ko siya ng tingin dahil mukhang ako ang nahulog sa sarili konh patibong, ako pa ang napikon sa aming dalawa.
Sa kilalang restaurant kami dinala ni Lola, kasama namin si Mama na kahit may hangover ay sumama pa rin sa amin dahil kagaya namin, wala rin siyang magawa dahil iyon ang gusto ni Lola. Mukhang nagsasabi naman ng totoo si Mahana kanina, may surprise talaga si Mama dapat sa akin kanina pero nakita ko naman siya na kausap si Mahana kaya hindi na natuloy.
"New member of the family?" Pagtutukoy ng isang matandang lalaki kay Mahana na unang beses niya lamang na nakita.
As usual, nakapulupot ang braso ni Mahana sa akin para masabing sweet kaming mag-asawa. Kahit nangangalay na ang labi ko kakangiti sa mga amiga/amigos ni Lola ay tiniis ko pa rin. Nakikita ko na naiilang si Mahana dahil hindi siya sanay sa ganito.
"Yes amigo, wife siya ni Luis, my favorite apo." Pagpapakilala nito sa babaeng katabi ko na noon ay nakangiti na nakipagbeso sa amigo ni Lola, nakipagkamay naman ako sa pagpapakita ng respeto rito.
"Naku! Damihan niyo ang magkaanak para may magmana sa mga kamayanan nitong Lola niyo." Biro nong matandang lalaki, nakitawa nalang ako para hindi siya mapahiya.
"Iyon nga din ang sinasabi ko dito sa apo ko e. Don't worry, amigo, pinawasak ko na sa apo ko nong pinareserve ko ang isang kwarto sa sogo motel nitong nakaraan. Sureball na may mabubuo na." Masayang na pagbabalita ni Lola sa nangyaring pagpunta namin ni Mahanas a Sogo motel nong nakaraan.
Muntik akong mapamura ng malutong dahil sa sinabing iyon ni Lola. Parang normal sa kanya na sabihin iyon sa amigo niya. Hindi ba uso anh salitang privacy? Kailang pati p********k namin kuno ni Mahana ay ichismis niya?
"Lola.." sita ko sa kanya dahilan para matawa silang dalawa nong amigo niya.
"Nahiya pa oh. It's okay, apo, asintado ka naman siguro, 'no?" Hinaplos ni Lola ang pisngi ko pagkatapos ay may pinag-usapan na sila nong amigo niya. Nakita ko kung paano nagpipigil ng tawa si Mahana na katabi ko.
"What's funny?"
"Mama mo.." pabalang na sagot niya.
Nagsimula na kaming kumain at buong kainan ay wala kaming ginawa ni Mahana kundi ang lamutakin lahat nong inorder ni Lola na pagkain. Wala kaming ideya sa pinag-uusapan nila dahil hindi naman kami business minded.
"Couple, makinig kayo dito sa amiga ko, kilala siya sa business world dahil sa matagumpay niyang negosyo. Baka mainspire ako para sa pinaplano niyong negosyo." Usisa ni Lola at nakaturo pa sa isang matandang babae sa left side nito na abalang nagkwekwento. Ang ending tuloy ay nakinig kami sa nakakaboring niyang pagkwekwento. Ni isa sa mga sinabi niya ay wala akong pinagkainteresan. Samantalang ito si Mahana, nakatutok, akala mo naman talaga may plano kaming negosyo. Tsk.
Napahinto ako sa pag-kain nang mapansin ko na may tumatawag na unknown number sa akin. Hindi ako nag-abala na sagutin iyon dahil una sa lahat, hindi nakaphone book sa akin. Baka mamaya kasi ay may modus ang mga iyon na nanghihingi ng pera o kung ano-ano pa. Hindi ko ugali na sagutin ang tawag ng isang unknown number. Manigas sila kakahintay.
Pero nakailang reject na ako ng tawag mula sa unknown number ay matiyaga pa rin siyang magpapamissed call sa akin. Doon na ako nakaramdam ng inis.
"Potangina! Pag ikaw 'di tumigil!" Pakikipag-away ko sa selpon ko.
"Bakit? Anong nangyari sayo?" Tanong ni Mahana, on the way na kami pauwi at mag aalas dyes na ng gabi. Ganoon kahaba ang oras na tiniis ko ng ilang oras. Sa tagal ko doon na nakikinig sa mga boring na kwento nong amiga ni Lola, malamang, nagawan ko ng paraan iyong problema ko sa aksidenteng kasal namin ni Mahana.
"May tumatawag sakin e, kanina pa. Nirereject ko na nga, ayaw pa tumigil."
"Titigil din 'yan. Wait mo lang."
Pagkarating sa bahay ay nagpahinga na muna ako bago maligo. Nasa banyo si Mahana, naliligo at mukhang pagod rin sa lakad namin. Pinauna ko na siyang maligo dahil ayaw pa rin akong tantanan nitong caller. Bukod sa naiinis ako kay Lola, dumagdag pa 'tong caller na to.
"Potangina! Hindi ka ba titigil kakatawag sa'kin? Nakailang reject na 'ko sayo, tawag ka pa rin ng tawag. Sino ka bang ponyeta ka?" Iritableng tugon ko matapos maubos ang pasensya ko't sinagot na amg tawag mula sa unknown number.
Ilang segundo muna ang hinintay ko bago tuluyang magsalita ang caller.
"Tangina! Kung kailan sinagot ko ang tawag mo, ayaw mo naman magsalita. Nantritrip ka bang ga----"
"Luis.."
Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang marinig ang tinig na iyon at hindi ako pwedeng magkamali kung kanino iyon. Kilalang-kilala ko ang may-ari ng boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali!
"Jade?" Nablangko ako bigla nang makumpirma kong siya nga. "Tangina ka! Nasaan ka? Anong alam mo sa aksidenteng kasal namin ni Mahana? Ba-bakit ka nagtatago imbes na tulungan kami na ayusin 'to? Alam mo ba kung ano ang kinahantungan ng kalokohan niyo ng tatay mo ha?" Galit na singhal ko sa kanya dahil hindi ko napigilan pa ang sarili ko.
"Luis, kumalma ka.. tumawag ako para makapagpaliwanag sa'yo.."
"Tangina mo! Dapat lang na magpaliwanag ka sakin. Pre, hindi biro 'tong kinahantungan nong trip niyo non."
"Inosente ako, pre. Wala akong alam sa nangyari."
"Gago ka ba? Paanong inosente e kayo nga ang may pakanan nong aksidenteng kasal namin?"
"Sinet up ka nila.."
"Nila? Sino?"
"Makinig ka sa'kin, maraming mata ang nakabantay sa inyo, lalong-lalo na sa'yo. Ginagawa nila ang lahat para hindi mo sila mahuli, ginagawa nila ang lahat para hindi matuloy ang annulment niyo. Mahihirapan ka laban sa kanila, pre. Planado nila ang lahat, hindi lahat ay totoo at kakampi mo. Hindi mo sila kaya, maniwala ka sa'kin.."
"Sinong sila? Tangina! Sino?! Tsaka, bakit ka nagtatago kung wala kang alam sa nangyari?"
"Pre, bukod sa'yo, hinahunting din nila ako. Luis, papatayin nila ako once malaman nila na sinabi ko sa'yo ang totoo. Ngayon lang ako nakatawag dahil hindi ako makalabas sa pinagtataguan ko."
"Jade, sino ang nag-utos sa inyo na gawin sa akin 'to?"
Matagal bago siya nakasagot. Ramdam ko ang bawat pagbuntong-hininga niya ang bigat ng kanyang nararamdaman at takot. Nararamdaman ko na nagsasabi siya ng totoo. Alam ko na ngayon kung bakit hirap na hirap ang mga tauhan ni Kenneth na hanapin siya.
"Jade---"
Naputol ang sasabihin ko nang marinig ang malakas na paghiyaw ni Mahana mula sa banyo. "Ahhhhhhhhh!"
Nataranta ako dahilan para mabitawan ko iyong selpon ko't napabalikwas ng takbo papunta sa banyo.
Fuck! Mahana?