Chapter 5: Offer

1631 Words
"Ikaw na ang bahala sa Misis mo, Luis at kami ay matutulog na." Akay-akay ni Mama si Papa na halos lantang gulay na ang kalagayan dahil tinamaan na ng sobra ng kalasingan. Matapos kasi ang dinner ay nagyaya pa sila na uminom, go na go naman pati 'yong mga kamag-anak ko na pare-parehas din na lasing na, maliban kay Lola na nauna nang pumaroon sa may kwarto upang matulog. At kagaya ng sabi ni Lola, nagcelebrate nga sila pero hindi ako halos nakaramdam ng tuwa. Tinulungan ko si Mama na alalayan si Papa hanggang sa kwarto nila. Malakas kasi siyang uminom kagaya ko kaya wag na kayo magtama kung kanino ako nagmana sa pagiging lasinggero. "Oh, saan ka pupunta?" Napansin ko na tinatahak ni Mahana ang daan palabas ng main door ng bahay namin nang pababa na ako sa may hagdanan. "Uuwi na." Hinabol ko siya hanggang sa makalabas kami ng bahay. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad at nakabuntot lang ako sa kanya. "Ba't ka nakasunod sa'kin?" Huminto ito sa paglalakad at hinarap ako na makikita sa mukha niya ang pagdududa dahil nga nakasunod ako sa kanya. "We need to talk." Natawa si Mahana ng mapakla at tsaka ito tumingin ng nakangisi sa akin. "Ulul! Talk mo mukha mo." Singhal niya sa akin na ikinainis ko. "Aawayin mo lang naman ako e. Kaya bago pa tayo magkarambulan, uuwi na 'ko." Nagpatuloy siya sa paglalakad pero mabilis ko siyang hinawakan sa may palapulsuhan niya para mapigilan ito. "I'm f*****g serious, Mahana." Maawtoridad na tugon ko kaya padabog niyang binawi 'yong kamay niya sa akin at pinagtaasan niya ako ng kilay. "Oh, akala ko ba naiinis ka sa'kin? Ayaw mo nga na raramdaman 'yong presensya ko, 'di ba? Tutal naman tulog na 'yong kapamilya mo, tapos na din ang trabaho ko bilang MISIS mo." Pagdidiin niya sa kanyang mga salita. Napabuga ako ng hangin sa inis. Nakikita ko naman na parehas lamang kami na ayaw maramdaman ng presensya ang bawat isa. Pero gusto kong malaman niya na kinakailangan ko ng tulong niya. "I need your help." "Wow naman! Himala! Nangangailangan pala ng tulong ang isang Playboy na si Luis. Gosh! Firstime ko 'tong maencounter ah. Dakilang playboy, humihingi ng tulong sa akin?" Nakaduro pa siya sa kanyang sarili at humalakhak ng malakas. "Wala akong time para makipagbiruan sa'yo." Iritableng tugon ko sa kanya. "Excuse me lang, ha? Mahana ang pangalan ko hindi founder ng sagip kapamilya, hmm?" Singhal nito sa akin at inayos na niya ang kanyang shoulder bag. "Alis na 'ko." "I'll pay you, fifthy thousand a month, just be my wife." Napatigil siya sa paglalakad, ilang segundo muna ang nakalipas bago ito humarap sa akin. Pinagkrus niya ang kanyang braso sa kanyang dibdib at nakataas-kilay na tinapunan ako ng tingin. "Kahit kaluluwa mo pa ang ipangbayad mo sa'kin, ayoko! Matapos nong mga ginawa mo sa'kin nong highschool, akala mo ba, papayag ako ng ganon lang kadali? Pwes! Manigas ka." Malditang ani nito at inirapan ako. "Ano ba, Mahana, paano mo nakakayang magchill lang ng ganyan? Hindi mo ba nakikita, nauulol na ako kakaisip ng paraan para lang maayos 'yong kasal na 'yon. Tapos ikaw, kalmado lang?" "Wala akong pakialam kaya kalmado ako, okay? Tsaka, okay lang naman sakin kung kasal tayo, walang problema sa'kin tutal naman parehas natin na 'di ginusto yon e. Ayos lang sa'kin dahil sa papel lang naman tayo masasabing mag-asawa, hindi sa totoong buhay." Depensa nito. "Kung sa'yo okay lang, sa'kin hindi. Lumala pa ngayon dahil nagpakita ka sa pamilya ko, malamang, hahanap-hanapin ka na nila." "Pwes, gawan mo ng paraan ng mag-isa mo. Matalino ka naman, 'di ba? Kaya mo na 'yon. Busy akong tao at wala akong panahon sa mga trip mo, hmm?" "Hindi ito trip lang, Mahana, seryosong sitwasyon 'to." "Ahh talaga? Ang sabihin mo, uhaw ka don sa reward na sinabi ng Lola mo, tama ako 'di ba?" Tumaas-baba pa ang kanyang kilay na animoy inaasar ako. Napaiwas ako ng tingin dahil tama siya. Iyon talaga ang habol ko kaya ko siya kinukumbinsi. Pangarap ko iyon ng matagal at ayokong sayangin pa ang pagkakataon na ito. "Don't worry, hahatian pa kita kung yon ang gusto mo, okay? Just f*****g help me." Patutsada ko. Kahit labag sa kalooban ko, gagawin ko yon para lang pumayag siya. Madaming pera ang Lola ko, isang palakpak niya lamang ay nasa harapan ko na yong hinihiling ko sa kanya. "Tsk! Talaga lang ah." Nakangising tugon nito. "We're going to pretend na maayos at masaya 'yong pagsasama natin while I'm working to our annulment. Habang nagpapanggap tayo, aasikasuhin naman natin yong annulment natin, plus, magkakapera ka pa. So ano, deal?" Inilapag ko ang aking kamay upang makipagshakehands sana sa kanya. Nakipaglaban siya ng titigan sa akin hanggang sa napunta ang tingin niya sa kamay ko na nakalapag sa harapan niya. "Psh!" Napailing siya na ikinanuot ng noo ko. Iginalaw ko ang kamay ko na nasa harapan niya upang makumbinsi siya pero nagulat nalang ako sa ginawa niya. "Pwe!" "Potang-- yuck! You're so disgusting! What the?" Kumaripas ako ng punas upang alisin 'yong laway nito na dumapo sa kamay ko. Tawang-tawa siya na nakatitig sa akin dahil sa ginawa niya. Nanlilisik ang mga mata ko na titigan siya. "Deal mo mukha mo!" Inirapan niya muna ako bago tuluyang umalis at sumakay sa napara nitong taxi. Walang kahirap-hirap siyang sumakay roon at naiwan akong kumukulo ang aking dugo sa inis. "Potangina! Mapapatay ko talaga ang babaeng 'yon. Im trying my best na nga to be nice to her but look what she did. Ang kadiri." Binuhusan ko na naman sa ikapitong pagkakataon 'yong kamay ko na dinuraan niya. Nakatatlong beses ako ng hugas sa kamay ko dahil diring-diri ako ng sobra sa ginawa niya. Wala naman ginawa ang mga kaibigan ko kundi ang pagtawanan lang ako ng malala. "Ganyan na ganyan 'yong inis mo sa kanya nong highschool tayo, pre." Komento ni Kenneth na sinang-ayunan ng tatlo. "Ayan ka na naman kasi sa pagiging uhaw mo sa reward mula sa Lola mo e. Malay mo ba kasi kung inuuto ka lang nila para maging mabuting asawa ka kay Mahana?" Tugon ni Chris habang abala sa pagtitipa sa kanyang selpon, kinikilig pa ang yawa. Tinapunan ko siya ng tingin at pasimpleng binato ng kornik na akma ko sanang isusubo. "Kilala mo ang Lola ko, kahit hilingin mo ang mundo don, ibibigay at ibibigay niya ng walang kahirap-hirap. Huwag mo na nila-lang ang Lola ko, ulul." "So, what's your plan?" Napapansin ko na napapadalas na 'yong pagsama ni Rhaiven sa mga lakad namin. Mukhang nagiging okay na siya. Masaya naman ako para sa kanya pero may bahid pa rin ako ng pag-aalala. Baka kasi umaakto lang siya kahit ang totoo hindi siya okay. "Ano pa ba, edi kukulitin ko 'yon hanggang sa mapapayag ko. Ayokong sayangin ang pagkakataon, pre, pangarap kong restaurant 'yon. Pero, tangina, sinusubok ng babaeng 'yon ang pasensya ko e." Padabog ko na nilagok ang alak na nakalata na hawak ko. "Ang tanong, alam mo ba kung saan siya hahanapin?" Tanong ni Kenneth. Ponyeta! Maski pala address non hindi ko alam e. Bat ba ang malas ko ngayong araw. Heto ako at hindi na halos makaramdam ng antok. Kasalanan lahat 'to ng Mahana na 'yon. "Pasasaan pa na naging pinsan mo si detective conan kung hindi mo 'yon gagawin para sa'kin?" Singhal ko sa kanya dahil sa aming lahat, siya ang maalam sa mga background check thing. Malikot ang kamay niyan pagdating sa computer. "Sus! Si Haila nga hindi niya nahanap, si Mahana pa--- So-sorry. Hehe, ang daldal ko pala." Nabato ko ng lata si Chris dahil sa kadaldalan niya. Nasali niya si Haila sa usapan gayong narito lamang si Rhaiven. At dahil sa sinabi niyang 'yon nagwalk-out si Rhaiven, malamang naalala na naman niya si Haila. "Tangina mo! Kita mo na ngang nagiging okay na 'yong tao, pinaalala mo pa." Nakatanggap ng malulutong na mura si Chris mula sa amin ni Kenneth dahil sa katangahan niya. Ang hirap tuloy humingi ng pabor kay Kenneth ukol sa paghahanap nang makabalik na si Rhaiven. Napagdesisyon ni Kenneth na sa call nalang namin iyon pag-usapan. "Pre, Luis, tara, kailangan mo 'tong makita." Patakbo akong nagtungo sa sala ng condo ko nang marinig si Kenneth na tinatawag ako. Abala ako na niluluto 'yong request niyang ulam sa akin. Tutal naman may kailangan ako sa kanya at mapapakinabangan ko, pinagbigyan ko na. "Bakit?" Pinunasan ko ang kamay ko gamit 'yong tissue na kinuha ko sa may center table saka ako tumabi kay Kenneth sa sofa na abalang may pinipindot sa kanyang laptop. "According dito sa nasearch ko, mag-isa nalang siya sa buhay tapos palipat-lipat siya ng address pero nakuha ko naman 'yong current address niya." "Good job!" Naghighfive kaming dalawa saka umalis sa pagkakaupo roon sa sofa. "Pero ito ang malupit boi, magugulat ka talaga at sasabog sa galit." "Ha? Bakit?" Napabalik ako sa pagkakaupo sa may sofa, sa tabi niya. "Baka siguro okay lang sa kanya na kasal kayo at kaya hindi siya payag sa gusto mo na magpanggap bilang happy married couple ay dahil nilalakad niya 'yong papeles niya, last year pa, pupunta yata siya sa abroad, walang sinabi dito kung anong bansa e kaso hindi siya makaalis-alis ng bansa dahil sa ilang personal problem." Pagbabahagi ni Kenneth na ikinagulat ko. "Anong personal problem naman kaya?" Nagkibit-balikat siya. "Walang sinabi dito e, basta aalis siya ng bansa as soon as possible." "f**k! No way! " Napahilamos ako sa aking mukha sa sobrang stress. "I need to stop her." "Then, goodluck! Makakalaban mo ang isang dragon na kagaya mo." Masama ko siyang tinignan at nagpeacesign nalang ito para hindi matamaan sa akin. Muli niyang ibinalik ang tingin sa laptop niya samantalang ako, natulala na lang. Tangina! Ano naman ang gagawin niya sa ibang bansa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD