Chapter 29: Gimik

1899 Words
"Magtitinda ba ko o rarampa? Kung ano-ano pa kasi pinapasuot mo." Hindi maipinta ang mukha ni Luis habang nagrereklamo dahil sa ipinasuot ni Hana sa kanya at nagmumukha syang jejemon. Nakasuot ito ng sando at kitang-kita ang kalakihan ng kanyang mga biceps. Naglagay din si Hana sa kanyang ulo ng bandana na animoy isa syang manggagamot. Nakasuot sya ng half pants na maong at kitang-kita rin ang kaputihan ng kanyang mga binti. Hindi siya komportable sa kanyang suot dahil pakiramdam nya nagmumukha syang katawa-tawa. "Huwag mong alisin, ang angas mo kayang tignan. Tiyak maraming bibili sa'tin ngayon." Inayos-ayos niya pa ang bahagyang nagulo na buhok ni Luis. "Basta 'yong napraktis natin kanina sa bahay ah? Ganon dapat ang gawin mo para maengganyo ang mga tao na bumili sa'tin, okay?" "Oo na sige na." Pagsuko ni Luis at napakamot sa kanyang ulo. Pumaroon na sya sa pwesto kung saan itinuro ni Hana. Pumwesto na rin si Hana sa kanilang paninda, bahagya niyang inayos ang mga gulay na nakalatag roon sa puting tela kung saan naroon ang mga gulay. Natatawa si Mahana sa postura ni Luis, nahuli siya ng lalaki kaya nakatanggap sya ng pagsinghal mula rito. Alam niyang naiinis si Luis sa kanya dahil sa pinasuot nito pero kinakailangan nilang gawin yon para maengganyo ang mga tao na bumili sa kanila. "Go! Simulan mo na." Utos niya kay Luis. Napabuntong-hininga ng malalim si Luis bago tuluyang ginawa ang ipinag-uutos ni Hana. Sa tanang ng buhay nya, noon niya lang gagawin ang ganoong bagay at naiinis siya ng sobra. Wala siyang choice dahil nahihiya siyang walang gawin para tumulong sa pagtitinda. "Lunukin mo nalang ang hiya, Luis, mamaya lang din ay makakatakas ka na sa babaeng 'yan." Tugon ni Luis sa kanyang sarili. "Talong! Sitaw! Ampalaya kayo dyan. Kapipitas lang kanina, fresh na fresh. Bili na kayo!" Walang gana na sigaw ni Luis. "Ano ba naman 'yan, walang kaenergy-energy." Reklamo ni Hana. "'Yong prinaktis natin kanina ang gawin mo, go!" "Tangina!" Ginawa ulit ni Luis ang lahat para may makapansin sa mga paninda nila. Sigaw doon, sigaw dito. At mangilan-ngilan na ang tao na humihinto sa pwesto nila para bumili. Sa gilid naman ay naupo na si Luis dahil bahagyang sumakit ang kanyang lalamunan, naghahanap na rin siya ng tiempo para makatakas. "Oh, sigaw ulit, wala na naman tayong costumer." Utos niya kay Luis na noon ay nakaupo na. "Hana, I'm tired." "Psh! Maarte ka lang." Inirapan siya ni Hana pagkatapos ay pumaroon siya sa harap at siya ang nag-antubiling mang-engganyo ng costumer. Nakaisip siya ng ideya kung paano siya pagkakaguluhan ng mga tao. Napapansin niya ang ilang tao na palihim na kumukuha ng litrato kay Luis. "Mga suki, bili na kayo ng gulay dito!" May ilan na nakakapansin sa pagsigaw ni Mahana lalo pa siguro noong bitawan niya ang isang salita na halos nagpalaglag panga kay Luis na tahimik na nakaupo sa gilid. "Ang sino man na bibili sa mga paninda namin ay may libreng halik sa pisngi galing sa poging kasama ko!" Anunsyon ni Mahana. Nagmistulang karera ng kabayo ang naging sitwasyon sa pwesto nina Hana dahil nag-uunahan ang mga tao na pumila upang bumili ng kanilang panindan dahil nakuha sila sa pafreebie ni Hana na halik kay Luis. "f**k! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Hana?" Reklamo kaagad ni Luis, hindi siya sang-ayon sa ginawang trip ng dalaga. "Ayaw mong kumilos di ba, edi ginawan ko na ng paraan since mukhang uwing-uwi ka na. Magpasalamat ka nalang sa'kin dahil kaagad mauubos ang panindan natin kapag ginawa mo ang parte mo, okay?" Masayang tugon ni Hana. Napahilamos na lamang si Luis sa kanyang mukha dahil kahit bawiin niya ang sinabi ni Hana na may libreng kiss ang mga bibili sa kanila ay hindi na niya mapipigilan ang mga ito. At ganoon nga ang nangyari, nagmistulang pila sa bigayan ng relief goods ang nangyari sa pwesto nila. At kada bili nga ng mga tao ay diretso agad sila kay Luis na nasa gilid upang humingi ng halik sa pisngi. May ilan pang nagpapapicture sa kanya. Pakiramdam niya tuloy naging artista siya ng mga oras na iyon. Halos mapudpod na ang pisngi niya sa dami ng halik na kanyang natanggap mula sa mga taong bumili sa kanila. Hindi na mabilang kung ilan ang humalik sa kanya. May bata, matatanda, may asawa, at maski mga kalalakihan na natitipuhan siya ay hindi nagpatalo. "Ay sa wakas, naubos din!" Ultimo mga may sirang gulay ay hindi pinalampas ng mga costumer para lamang makahalik kay Luis. Tuwang-tuwa na nagbilang si Mamang ng kanilang mga napagbentahan habang si Luis ay hindi maipinta ang mukha niya sa inis. "'Yon, makakauwi na tayo. Nakakapagod." Nag-inat ng braso si Hana dahil bahagya siyang nakaramdam ng pangangalay roon. "Wow! Nahiya naman ang pisngi ko sa braso mo." Singhal ni Luis, abala siyang inaalis ang ilang lipstick na nagkalat sa kanyang pisngi gamit iyong wipes na dala niya. Nililinisan niya ng mabuti ang kanyang pisngi dahil ang daming tao ang humalik roon, magkabilaan pa. "Hahaha! Ano, maganda ba 'yong idea ko? Hmp? Tignan mo naman, naubos lahat ng paninda natin ng ilang minuto lang." Masayang pagbabalita ni Hana. "Mama mo maganda!" Singhal ni Luis. "Ito naman ang sungit, ang laki ng ambag mo sa pagtitinda natin e. Thank you." "Thank you din, napudpod pisngi ko sa letcheng trip mo." Prangka ni Luis pagkatapos ay padabog na napatayo at ibinasura ang gamit ng wipes. "Punta lang ako ng CR." Pagpapaalam niya. Hindi na niya pinansin pa ang mga sinabi ni Hana dahil naiinis siya ng sobra pero nakahinga siya ng maluwag dahil sa wakas ay makakatakas na sya. Nagtanong-tanong siya kung saan ang sakayan ng bus at kaagad niya itong pinuntahan para makaalis na kaagad. Medyo malayo ang bus terminal roon sa pinagpwestuhan nila pero doble ingat pa rin sya at baka makita siya nina Hana. "Kuya, pwede magtanong? Dito ang sakayan ng bus papuntang Manila, di ba?" Pagtatanong niya sa traysikel driver na nasa unahang pila. "Dito nga, Sir." Sagot ng lalaki. "Sasakay ka ba?" "Opo sana e." "Naku! Kakaalis lang nong bus e." "What?" "Opo, mga sampung minuto na." "s**t!" Napahilot si Luis sa kanyang batok dahil nasasayangan siya sa pagkakataon. Kung mas maaga siya ay sana naabutan niya pa iyong bus. "Wala na po bang ibang bus na babyahe ngayon?" "Naku! Wala e, isa-isa lang kasi kada araw, mabilis pa mapuno. Kung makakapaghintay ka, bukas meron pang bus na pupunta ng Manila." "Talaga? Mga anong oras kaya yon, Kuya?" "Kung hindi ako nagkakamali, mga gantong oras o mas maaga pa." Nabuhayan si Luis sa kanyang nalaman. "Sige, babalik nalang ako bukas. Salamat Kuya." Bumalik siya sa pwesto kung saan niya iniwan sina Hana kanina. Abala na silang nagliligpit ng mga ginamit nila sa pagtitinda. Umakto siyang normal para hindi siya pagdudahan ng mag-ina. "San ka galing? Kanina ka pa namin inaantay? Ang tagal mo yata?" Pagtatanong ni Mahana sa kanya. "Naligaw ako e, mabuti nalang nakapagtanong-tanong pa 'ko." "Oh sya tara na, uwi na tayo para makapagpahinga." Bago sila umuwi ay bumili muna sila ng mga kailangan sa kusina lalong-lalo na ang mga spices sa pagluluto. Bumili na rin sila ng mga kailangan sa bahay kagaya ng sabon, ulam, at iba pa. Nagpabili ng alcohol saka wipes si Luis dahil naubos na yong sa kanya. Pagkauwi ay kumain na kaagad sila at nagpahinga. Wala naman masyadong pinagawa si Hana sa kanya dahil nanood lamang sila ng telebisyon maghapon. Samantala, kabado naman si Luis dahil baka hindi na naman niya maabutan ang bus na sasakyan nito bukas paluwas ng Manila. "Ang lalim ng iniisip mo ah." Pambabasag ni Hana sa katahimikan. "I'm fine, bigla ko lang naalala yong annulment natin lalong-lalo na 'yong kopya ng CCTV." Palusot ni Luis kahit ang totoo iyong pagtakas niya ang gumugulo sa kanyang isipan. "Nandito ka sa probinsiya, kalimutan mo muna 'yan." Kinagabihan, hindi siya makatulog dala ng excitement sa kanyang pag-uwi bukas. Nakatingin lamang siya sa kisame, nakaunan ang kanyang ulo sa isang braso nito. Inaayos niya ng mabuti ang kanyang plano para sa kanyang pagtakas. "Siguro, rerentahan ko nalang 'yong bus para masolo ko. I have an enough money naman e. Tama. Hassle masyado kapag may kasama akong ibang tao sa bus bukod sa driver." Kinabukasan, pumaroon ulit sila sa palengke upang magtinda ng gulay after nilang mamitas. Napagkasunduan nila ni Mahana na gawin ulit yong gimil nila kahapon para makabenta kaagad. Pumayag naman sya dahil nga may hinahabol syang oras para hindi siya maiwan ng bus. After ilang minuto ay naubos din kaagad ang kanilang paninda. Hindi tuloy mapakali si Luis sa kanyang kinatatayuan dahil kating-kati na siyang umalis. "Bat di ka mapakali dyan? Oks ka lang ba?" Pagtatanong ni Mamang sa kanya nang mapansin na hindi siya mapirmi sa kinatatayuan. "Okay lang po ako, uwing-uwi lang." Palusot niya. "Oh sya, bago tayo umuwi, kumain na muna tayo." Anyaya ni Hana. "Hindi na, sa bahay na lang. Busog pa naman ako e." Sagot niya. "Hindi, dito na tayo kumain para diretso pahinga na tayo mamaya sa bahay. Tara na." Tugon ni Mahana at nagsimula na siyang maglakad. "Hana, mauna na lang ako sa bahay, masakit ang ulo ko e." Palusot niya ulit para matakasan si Hana. "Alam mo, gutom lang yan. Tara na kasi, kumain na muna tayo." Hinawakan siya ni Mahana sa kanyang braso at hinila na. "Pero..." "Tara na." Wala siyang nagawa kundi ang magpatangay kay Mahana. Pumasok sila sa isang kainan. Si Hana ang umorder ng makakain nila habang si Luis ay hindi mapakali sa kinauupuan nito. Napansin iyon ni Mamang. "Okay ka lang ba talaga?" Tanong ng ginang. "O-opo." "s**t! Yong bus, baka maiwan ako..." Pakikipag-usap ni Luis sa kanyang sarili. Ñ Bumalik si Mahana na madaming dalang pagkain. Sa sobrang dami noon ay halos pang sampung tao na. Pinagsilbihan niya si Luis na halos hindi makaramdam mg gutom ng mga oras na iyon. "Uy! Kumain ka na." "Ang dami mo yatang inorder? Sinong papakainin mo?" Tanong ni Luis. "Edi tayo! Reward ko na din to sa ginawa mo. Kaya kumain ka na at magpakabusog." Kumain nga sya kahit ni paglunok ay hindi niya magawa. Patingin-tingin siya sa labas dahil baka may bus syang makikita. Sa dami ng inorder ni Mahana ay hindi nga nila ito naubos. Pinatake out niya ang mga ito saka sila lumabas ng kainan. "Uwi na tayo." Tugon ni Luis na nagmamadaling makatakas. "Teka lang, ibibigay ko lang 'to." Naglakad si Mahana upang ibigay ang mga tinake out nilang pagkain sa mga taong pulubi na nagkalat sa kalsada. Bahagyang naalis ang pagmamadali ni Luis at napalitan iyon ng pagkamangha. Napapansin niya na tinuturo siya ni Mahana sa mga taong binigyan niya ng makakain dahil nagpaiwan na lang siya sa tapat ng kainan upang hintayin sila ni Mamang. "Ba't mo 'ko tinuturo sa kanila?" Takang tanong niya kay Mahana nong makabalik na sila. "Sabi ko hwag sila sa akin magpasalamat kundi sayo." Nakangiting usal ni Mahana. Kunot-noo si Luis dahil hindi niya makuha ang ibig-sabihin ni Mahana. "Bakit sa akin magpapasalamat e ikaw ang nagbigay ng pagkain sa kanila?" "E sayo galing 'yon e." "Sa'kin? Hindi, sa'yo." "Anong sa'kin? Sabog ka ba?" "Naku! Sayo galing 'yon. E kaninong wallet ba 'to?" Itinaas ni Mahana ang black na wallet na mamahalin sa harapan ni Luis at halos malaglag ang panga ni Luis nang makita ang kanyang wallet na hawak-hawak ni Hana. "What the f**k?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD