Chapter 23: Isiwalat

1814 Words
"Ibalik mo na 'yong passport ko." Inilapag ni Mahana iyong kamay niya sa harapan ni Luis na noon ay nakaupo sa dulo ng kama. Pinapanood niya kanina si Mahana na nag-impake sa mga gamit nito. Tinawagan siya ni Rhaiven pagkahatid nito kay Mahana at ipinaalam ang binabalak ng babae na magsusumbong na ito sa kanyang Lola. Napasugod kaagad siya ng uwi at hindi niya hahayaan si Mahana na gawin iyon. "You signed the agreement at nakasaad doon na saka ko lamang ibibigay ang passport mo kapag nagawa mo ng maayos ang trabaho mo, kapag naibigay na ni Lola yong reward." Malamig na tugon ni Luis na animoy walang pakialam sa paglalayas na gustong gawin ni Mahana. Napabuntong-hininga ng malalim si Mahana. Gusto niyang pektusan sa mata itong si Luis dala ng inis pero pinigilan niya ang kanyang sarili. "Hindi ko na kaya ang pinapagawa mo kaya mag-quit na ko sa kasunduan natin." Depensa nito. "Akin na 'yong passport ko." "No!" Tumayo si Luis sa pagkakaupo sa dulo ng sofa at sinundan naman siya ng tingin ni Hana. Tingin na gustong kumitil ng isang buhay. "Luis ano ba! Sabing ayoko na e. Pagod na 'ko. Pagod na ko sa pagpapanggap. Pagod na ko sa pakikisama sayo. Pagod na ko sa ugali mo. Kaya bago pa 'ko mamatay dahil sa'yo, ititigil ko na 'to ng maaga. Kaya please, ibalik mo na ang passport ko." Pagmamakaawa ni Mahana at konti nalang ay lumuhod siya sa harapan ng lalaki mapapayag lamang ito. "Then give it back those f*****g payments I gaved to you, in CASH!" pagdidiin ni Luis sa kanyang mga salita. "Psh! Oo, ibabalik ko naman e, kung yon ang gusto mo. Huwag kang mag-alala, uunti-untiin ko yon ibabalik para matigil yang pagputok ng nguso mo." "Ayoko ng hulugan, gusto ko ng isang bagsakan." Napatigil si Mahana sa gulat. Hindi siya inform na kapag naniningil ang lalaki ay isang bagsakan pala ang bayaran. "Luis, ano ba! Seryoso ako!" Nagpapadyak na sa inis si Mahana. "I'm serious too. Ibabalik ko yong passsort mo kapag buo mo na naibalik yong pera. Buo, hindi hulugan." Napailing-iling si Mahana sa inis. Alam niyang ginagawa lahat ni Luis para maipit siya sa sitwasyon. Gumagawa ng paraan si Luis para iurong niya ang mga binabalak niyang gawin. At mas pinapamukha ng reyalidad na wala siyang laban. "Hindi ganitong klase ng solusyon ang gusto ko, Luis. Nakikiusap na ko ng maayos dito. Kung ganto lang din na pinagdududahan mo'ko, ano pang silbi ko? Mas mainam na itigil na natin 'to, ipaalam na natin sa lahat na peke lang yong kasal natin. Kung iniisip mo 'yong reward, Luis, makukuha mo naman yata yon ng hindi nakadepende sa lola mo." Tinapunan siya ng tingin ng lalaki. "Hindi mo alam kung gaano kaimportate yon sakin, Hana. Na kahit alam kong mahihirapan ako sa set up natin, i take the risk just to get that f*****g reward." "Kailangan mo nga ko, oo, pero ikaw ang gumagawa ng paraan para sukuan kita, Luis." Natigilan si Luis dahil napagtanto niyang totoo na siya ang gumagawa ng paraan para magsawa si Hana sa kanya. Siya ang tanging gumagawa ng rason para maging miserable ang lahat ng bagay sa pagsasama nila. Na kahit hindi totoo ang pagsasama nila, alam niyang nasasaktan niya si Mahana katulad ng totoong mag-asawa. "Kaya bago humantong sa iba yang pagdududa mo sa akin, tigilan na natin 'to. Ibalik mo nalang 'yong passport ko, at oo, ibabalik ko rin ng buo yong pera. Hahayaan kita na ikaw nalang ang magsabi sa Lola mo. Binibigyan kita ng isang araw para gawin 'yon at kung hindi, ako mismo ang pupunta sa kanya at magsasabi." Kinuha na ni Mahana ang kanyang mga gamit at walang imik na lumabas ng kwarto. Sakto na wala ang lola ni Luis kaya malaya siyang makaalis ng bahay. Hindi na siya umaasa na hahabulin siya ni Luis dahil wala naman itong pakialam sa kanya. "Hindi niya kayang gawin 'yon, kilala ko siya." Kampanteng tugon ni Luis, kaharap niyang nag-iinuman ang kanyang mga kaibigan sa kanyang condo. "Pocha! Kampanteng-kampante ka naman e halos sumabog na nga siya sa galit kanina." Komento ni Kenneth. "Psh! Magaling lang sa salita 'yon pero sa gawa hindi. Huwag nga kayong magpapauto kay Mahana, nag-iinarte lang 'yon." Dagdag pa nito saka itinungga ang bote ng alak ng walang kahirap-hirap. "Kaya niyang gawin 'yon, Luis." Sabat ni Rhaiven sa usapan kaya napatingin silang tatlo sa gawi niya. "Sa tono ng boses niya, alam kong gagawin niya yon ng walang pag-aalinlangan. Kung sa'yo pag-iinarte yon, sa akin hindi. Very alarming, pre, kaya imbes na nakikipag-inuman ka dito, subukan mo siyang suyuin para maisalba yong reward mo. Just think of the reward, pre." "Kita niyo na, pati si Rhaiven, nauto niya." Tumawa pa si Luis ng mapakla. "Pre, nasa akin ang passport niya, alam ko din na wala siyang pera na buo para maibalik yong pera sa akin, kaya ang magiging ending, babawiin niya yon." "Paano kapag hindi?" Hindi nakasagot si Luis, naibaba niya ang hawak na bote ng alak saka kinain ng sariling pag-ooverthink. May katwiran sa tingin niya si Rhiaven. Lokohin man niya ang kanyang sarili, may patutunguhan ang bawat salita nito. Hindi niya masisisi kung bakit nasasabi lahat yon ni Rhaiven dahil siya ang nakakita sa eskpresyon ni Mahana habang plinaplano ang pag-amin nito. "Ring! Ring! Ring!" Nabalik sa reyalidad si Luis nang tumunog ang kanyang selpon. Kinuha niya ito at laking gulat nong mapagtanto kung sino ang tumatawag sa kanya. "Hello, La?" "Apo, pumunta ka nga rito sa opisina ko. Kailangan lang natin mag-usap." Kumabog ng mabilis ang puso ni Luis matapos marinig ang nais ng kanyang Lola. Ang unang pumasok sa kanyang isip ay si Mahana. May posibilidad na sinabi na ni Mahana sa Lola nito ang alam patungkol sa peke nilang kasal at pagpapanggap nila. "s**t! No way!" Patakbong umalis si Luis matapos makatanggap ng tawag mula sa kanyang lola. Wala siyang sinanto habang nagmamameho at nagpatakbo lang siya ng mabilis. Gusto niyang makarating kaagad sa opisina ng kanyang Lola upang alamin ang nangyari. At habang nasa byahe siya ay nagpapraktis na siya ng sasabihin sa kanyang lola. "She's going to understand you, Luis. Favorite apo ka niya, magagalit yon pero papatawarin ka lang din naman niya agad. Tama." Pagpapakalma niya sa kanyang sarili kahit ang totoo ay sumasabog na siya sa kaba. Bumaba na siya kaagad sa kanyang sasakyan matapos maipark iyong sasakyan niya. Wala siyang inaksayang oras para makarating agad sa opisina ng kanyang lola. At kagaya ng nakasanayan niya, binabati siya ng ilang empleyado ng kanilang munting kumpanya. Habol niya ang kanyang hininga pagkarating niya sa floor kung saan naroon ang opisina ng kanyang lola. At sa hindi inaasahang pagkakataon, may kumuha ng kanyang atensyon pagkabukas ng pintuan sa may opisina ng kanyang lola. Tumigil ang mundo niya pagkakita sa babae. "Hana?" Nagkatitigan silang dalawa. Hindi niya mabasa ang mukha ni Mahana. Pero isa lang ang tanging katanungan niya, bakit galing siya sa opisina ng kanyang lola. "Sinadya mo ba si Lola? Wala siya, nakaalis na." Malamig na tugon ng babae. Akma siyang lalagpasan ni Mahana noong mabilis niya itong hinawakan sa may palapulsuhan para patigilin. "Bakit ka galing sa loob? Anong ginagawa mo don?" Tanong niya sa babae. Padabog na binawi ni Mahana ang kanyang kamay. "Wala kang pakialam." Malaya siyang naglakad ulit para makalayo sana sa lalaki noong magsalita ulit ito na nagpatigil sa kanya. "Anong sinabi mo sa kanya?" Matagal bago tuluyang humarap si Mahana sa kanya. At pagkaharap nito kay Luis at taas-kilay ang kanyang ginawa. "Huwag kang tanga, Luis, alam mo kung ano ang mga dapat niyang malaman na sasabihin ko." "This is not funny, Hana." Ramdam na sa boses ni Luis ang galit. "Nakapag-usap na tayo tungkol sa bagay na yon. Ni hindi mo pa binabalik yong pera ko." "Then huwag kang matuwa, hindi ko na yon problema. Saka, alam ko naman na hindi mo sasabihin kay Lola ang totoo, so, I insist, ako na ang nagsabi. Ang tagal mo kasi dumating e, edi sana narinig ko pa yong punishment na ibibigay sana ng lola mo sa'yo." Sarkastimong tugon ni Mahana. "Hindi mo pwedeng gawin sa'kin 'to." Matalim na tingin na tugon ni Luis na handa ng sumuntok sa galit ang kanyang mga kamao. "Pwede, after those s**t na ginawa mo sa'kin, akala mo hindi ako gaganti? So, paano, mauna ako. Balitaan mo nalang ako sa punishment mo ah." Nilayasan siya ni Mahana na nag-uusok sa galit . Ni hindi niya naipagtanggol ang kanyang sarili. Hinayaan niyang apakan ng isang babae ang kanyang p*********i. Katapusan na niya. Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang kanyang Lola matapos umamin ni Mahana. Sa sobrang kaba na kanyang nararamdaman, hindi niya namalayan na nakarating na siya sa kanilang bahay. Nag-iipon na siya ng lakas ng loob upang harapin ang kanyang Lola. Iniisa-isa na niyang praktisin ang kanyang mga paliwanag. At habang papalapit siya sa pintuan ng kanilang bahay ay mas lalong lumalakas ang t***k ng kanyang puso. At pagbukas ng main door ay mas naligo pa siya sa sarili niyang pawis lalo na noong makita niya ang kanyang Lola na saktong pababa sa may hagdanan. Nakuha niya kaagad ang atensyon nito. "Apo, you're here. C'mon, we need to talk." Doon na mas nanginig siya sa takot. Umakto siyang normal kahit ang totoo ay nilalamon na siya ng takot. At sa pagtitig ng kanyang lola ay mas dumagdag pa sa takot na nararamdaman niya. Naupo ang kanyang lola sa pang-isahang sofa habang siya ay nasa tapat nito. Mas nabingi pa siya lalo sa lakas ng t***k ng kanyang puso noong masimula ng magsalita ang kanyang Lola. "Luis, pumaroon si Mahana sa opisina ko kanina at may inamin siya sa akin." Umpisa ng kanyang Lola. "I'm sorry, La." Iyon ang una niyang nasabi habang nakayuko. Ayaw na niyang gawing miserable ang lahat. Ayaw na niyang magpaligoy-ligoy pa. Takot siya sa kanyang Lola at ayaw niyang lumala pa ang lahat. "It's okay, apo, normal sa mag-asawa ang mag-away dahil sa kawalan niyo ng oras sa isa't isa." Napangaat siya ng tingin. Hindi niya maintindihan ang ibig-sabihin ng kanyang Lola. "Po?" "Sinabi ni Mahana sa akin na nawawalan ka na daw ng oras sa kanya dahil sa pag-aasikaso niyo ng business niyo. Paano naman daw kayo makakabuo ng baby kung puro ka trabaho, apo." Pagpapatuloy ng kanyang Lola na ikinagulat niya. Ang buong akala niya ay umamin na si Mahana kaya laking pagtataka niya kung bakit iba ang sinasabi ng kanyang Lola. "Kaya naman humingi siya ng pabor sa akin na kung pwede ay dalhin ka niya sa lugar nila at doon magbakasyon ng kahit isang buwan daw. Syempre health matters, at gusto ko na din magkaapo kaya pumayag na 'ko. Kaya mag-impake ka na dahil bukas na bukas din ay luluwas na kayo ni Mahana papunta ng probinsiya nila. Sana mag-enjoy ka don, Apo." "What?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD