"Sana lang talaga may mapala tayo dito sa ideya mo, Luis, at kung wala, ikaw ang bahala na magpaliwanag sa nililigawan ko. Date namin ngayon, pre, wrong timing ka naman e."
Mula makaalis kami ng condo ni Kenneth ay panay na siya reklamo dahil may date dapat sila nong Alona na nililigawan niya. Kung hindi ko lang kinosensya kanina, hindi naman siya sasama sa akin.
"Uunahin mo pa talaga 'yon kaysa sa'kin? Importante 'tong lakad natin, pre, galingan mo na lang magpalusot sa kanya mamaya."
Napakamot na lang siya ng ulo habang nagmamaneho. Para bang may sili sa pwet ko at hindi ako mapakali sa pagkakaupo. Kating-kati na akong makuha 'yong kopya nong CCTV footage. Tanging iyon ang makakapagsalba sa akin.
Nakatanggap ako ng tawag mula kina Rhaiven at Chris na naroon na daw sila sa bar. Mas nauna pa silang dumating don dahil malapit lang naman 'yon sa mga work nila hindi tulad sa amin ni Ken na kinakailangan pa namin makipag-initan sa mga motorista dahil sa traffic.
"Anong meron at napasugod tayong apat dito? May broken ba sa inyo?" Nagpalipat-lipat ng tingin si Rhaiven sa amin matapos naming magkita-kita sa harapan ng bar. "Tirik na tirik ang araw oh, tanghaling tapat sumugod na tayo dito para maglaklak ng alak, 'di niyo na hinintay na magdilim manlang."
"Kailangan kita, Rhaiven, huwag ka na magtanong basta ihanda mo 'yong cheke mo. Magagamit natin 'yan mamaya." Inakbayan ko siya papasok sa bar.
"Don't tell me, uutang ka na naman? Pocha naman, Luis, ba't 'di ka nalang magpa-ampon sa akin, gago ka. Inubos mo na ang pera ko e." Reklamo nito sa akin at pilit nagpupumiglas paalis sa pagkakaakbay ko sa kanya.
"Kahit gawin mo na 'kong alila after this basta tulungan mo 'ko sa pinansyal."
Nagpauna kaming pumasok ni Rhaiven sa loob ng bar. Walang katao-tao dahil maaga pa naman. Mga alas dos pa lang ng hapon. May mga ilang staff na nagkalat sa paligid upang mag-ayos ng mga upuan at lamesa. Pati 'yong Dj ay nagprapraktis na rin yata para sa trabaho nito kinagabihan.
"Magandang tanghali po, mga ser, ano pong sadya nila?" Magalang na tugon ng lalaking abala na nag-aayos ng mga alak sa counter. Napansin niya ang pagdating namin kaya aligaga siyang lumapit sa pwesto namin.
"Gusto naming makausap 'yong manager." Tugon ko at inilinga ang paligid dahil sinusubukan kong alalahanin iyong gabi na ikinasal kami ni Mahana. Kahit yata pigain ko ang utak ko, wala talaga akong malala na kasama ko siya.
"This way po mga ser."
Iginaya niya kami papasok sa isang opisina sa may bandang left side, right side non ay papunta sa mga kwarto tapos sa dulo ay may mga comfort room. Sinundan lang namin iyong lalaki na umasikaso sa amin at pagpasok namin sa opisina ay bumungad sa amin ang isang lalaki, nasa mid kuwarenta siguro ang edad.
"Mr. Mendoza, what brought you here?"
Una niyang nakilala si Rhaiven dahil mukhang magkasosyo sila sa negosyo. Sabi na nga ba at magagamit ko si Rhaiven para mapadali ang lahat.
"May concern 'tong kaibigan ko kaya sinamahan ko na if you don't mind, Sir." Pormal na pakikipag-usap ni Rhaiven sabay turo sa akin.
"Sure, maupo kayo.."Kanya-kanya kami ng upo sa sofa na naroon sa opisina ng manager. "So, ano ang maitutulong ko sa inyo?"
"Hihingi po sana kami ng kopya ng CCTV footage nong isang beses na pumunta kami dito. Magbabayad po si Rhaiven ng malaki, huwag po kayong mag-alala."
Kaagad akong nakatanggap ng mahinang pagsiko mula kay Rhaiven dahil sa sinabi ko. Pinagdilatan niya pa ako ng bahagya kaya natawa na lang ako.
"Sure, no problem."
Matapos kong sabihing ang concern ko ay iginaya niya kami sa isang kwarto kung saan naroon ang isang lalaki na may bantay sa mga CCTV ng bar.
"Aanhin niyo po ba, Sir?"
"Basta, hwag ka na magtanong. Just do your job." Nag-iinit na ang ulo ko dahil akala ko ay mapapadali ang pagkuha non, hindi pala. Sa dami ng mga konektadong TV sa harapan ng lalaki, mahihirapan pa kami dahil matagal na 'yon.
"Naku, Sir, matatagalan po ako na hanapin 'yon, last year pa po kasi yon e. Baka hindi ko po kayang ireview 'yon ng isang araw lang." Tugon ng lalaki habang abala sa pagpipindot sa mouse na kanyang hawak.
"s**t!" Bulong ko.
Napakaakbay si Kenneth sa akin at sinusubukan niya akong pakalmahin. Mga ilang oras pa kaming namalagi don pero hindi pa namin nahahanap. Halata ngang mahirap hanapin kaya napagdesisyunan namin na kunan nalang 'yon sa ibang araw kapag meron na or tawagan kami mismo nong lalaki.
"Kumalma ka nga, may point naman 'yong lalaki e. Hindi naman basta-basta mahahanap 'yon ng ganon kadali." Tugon ni Rhaiven nang palabas na kami ng bar.
"Pre, kailangan ko 'yon makuha as soon as possible."
"Anong magagawa mo e mahirap nga. Hintayin mo nalang. Atleast ngayon may maipapakita ka ng ebidensya laban sa aksidenteng kasal niyo. Maging kampante ka na lang muna sa ngayon." Sermon naman ni Chris. "Oh siya, mauna na ako. Hinihintay na ako ni Jaime ko e." Pagpapaalam ni Chris nang tuluyan na kaming makarating sa parking lot.
"Ako rin may meeting pa. Salamat sa pang-aabala mo sa'kin ah." Tugon ng CEO sa akin saka nito ginulo ang aking buhok.
"Ako rin, mag-eexplain pa 'ko kay Alona kung bakit hindi ko siya sinipot sa date namin. Pepektusan talaga kita kapag 'di ako non pinatawad." Tugon naman ni Kenneth at inihagis nito ang susi ng kotse ko dahil sa kabilang kanto lang naman sila magkikita ni Alona.
Ang ending tuloy, naiwan ako. Tsk!
"Edi kayo na ang busy."
Pumasok na ako sa sasakyan ko at binuhay ang makina dahil napagdesisyunan kong makipagkita kay Attorney upang ipaalam iyong tungkol sa CCTV footage copy. At para na rin mapag-usapan pa ang ibang bagay patungkol sa annulment namin ni Mahana.
"Good job, Luis. Matibay na ebidensya 'yon kapag nagkataon. But still, you need to find Jade dahil kinakailangan rin natin ang kanyang testimonya." Natutuwang usal ni Attorney na maski siya ay nasiyahan sa ibinalita ko. "Anyway, nasaan si Mahana?"
"Uhm, may work po siya kaya di siya nakasama but still I will let her know about this."
May ilang bagay lang na ipinaalala si Attorney sa akin tungkol sa footage pagkatapos non ay nagpaalam na ito dahil may mahalaga pa siyang lakad. Sa tuwa ay para bang may sumanib na kaluluwa sa akin dahil nakita ko na lang ang sarili ko na naroon sa tapat ng coffee shop na pinagtratrabahuan ni Mahana.
"Anong masamang hangin naman ang nagtulak sa'yo at nandito ka?" Pasaring tugon nito nang palakad na siya upang magpara ng taxi na sasakyan nito pauwi.
"Tsk! Pwedeng magthank you ka nalang?" Inis na tugon ko. "Nga pala, may goodnews ako."
Namuo ang kuryosidad sa mukha niya. "Ano naman 'yon?"
"May ebidensya na tayo na maibibigay sa korte." Masayang pagbabalita ko.
Nagulat siya sa sinabi ko na 'yon. Hindi ko mawari sa mukha niya kung natutuwa ba siya o ano dahil kakaiba ang nababasa ko sa mukha niya.
"W-wow! Mabuti."
"Pero, wala pa naman kasi pinareview ko pa lang 'yong CCTV footage sa mga staff don sa bar, on process pa lang. But, I hope, maibigay nila sa atin 'yong magandang footage para naman worth it."
"Good news nga." Tugon nito na hindi ko mawari kung masaya ba talaga siya o hindi.
"Oh, ba't parang 'di ka masaya?" Tanong ko.
"Anong hindi? Masaya ako, gagi, pagod lang siguro. Gusto ko na umuwi e." Sagot nito at mukhang dala lang siguro ng pagod kaya ganon ang reaksyon niya.
"Then, let's go."
Habang nasa byahe kami ay tahimik pa rin siya. Ganito siguro ang babae na 'to kapag pagod, hindi umiimik. Alam ko na napagod siya sa work kaya minabuti ko na tumahimik nalang muna at hwag aawayin. Kahit papaano, may awa rin naman ako sa kanya kahit nakakairita siya.
"Mahana, tuloy pa rin 'yong pagpapanggap natin ah kahit on process yong annulment natin. Medyo makakagalaw na tayo ng maayos ngayon dahil umalis naman sina Lola papuntang Amerika."
"Umalis pala sila e, ba't pinauwi mo pa ako dito sa condo mo?"
"Mahana, maraming mata si Lola dito kahit wala siya. Maraming nagagawa ang pera niya. Kaya niyang magbayad ng malaki para lang pabantayan tayo. Mas mabuti na 'yong nag-iingat tayong dalawa at baka 'di matuloy 'yong reward ko." Paliwanag ko.
Kayang gawin lahat ni Lola, kaya kahit wala siya dito, alam ko na may inutusan siya para magmasdan kami ni Mahana.
"Basta tuloy pa rin 'yong sahod ko, gora lang." Sambit niya. Naroon siya sa harap ng salamin, naglalagay ng skincare niya habang ako kakalabas lang ng banyo, katatapos lang maligo.
Hindi naman mabubuo ang gabi namin nang hindi nalalaman kung sino ang mahihiga sa kama gamit ang mahiwagang barya. Kaya matapos niyang maglagay ng skincare sa mukha ay pumarito na siya sa kama, naupo siya sa left side habang hawak na niya iyong barya.
"Magpabigay ka naman, Mahana, palagi nalang ikaw e."
"Ayoko nga!"
"Tsk!"
Ginawa na niya yong ritwal at kabadong-kabado ako na animoy makikipagsabak sa madugong laban dahil sa agawan namin ng kama ni Mahana. Titig na titig ako sa kamay niya habang unti-unti niyang inaalis ang pagkakatakip non sa barya.
"Pocha naman!" Napatayo ako sa inis.
"Oh alis, don ka sa sofa ulit." Pagtataboy nito sa akin at natawa pa.
"Ang daya mo. Last na higa mo na 'yan sa kama. Ulol. Matatalo kita bukas." Padabog aking nahiga sa sofa dahil sa inis. Kailan ba 'ko mananalo laban sa babaeng 'to? Sawa na ang katawan ko na mahiga dito sa sofa. Tsk.
-
"Tangina! Ang sakit ng likod ko."
Nag-unat ako ng braso matapos kong bumangon mula sa medyo may katigasan na sofa na narito sa kwarto ko. Ilang araw ko ng iniinda ang sakit ng likod ko dahil hindi ako manalo-nalo laban kay Mahana. Pakiramdam ko nga ay mababali na ang likod ko sa tigas ng higaan ko.
Naglakad ako palapit sa study table ko at ininom ang isang baso ng tubig roon. Pagkatapos ay napunta ang tingin ko kay Mahana na tulog mantika pa rin. Sarap na sarap ang tulog niya, samantalang ako, magkakarayuma na yata.
Maamo pala ang mukha ng babaeng 'to kapag tulog, pero kapag gising, dinaig pa ang manok na putak ng putak. May kagandahan nama siyang taglay pero hindi pasok sa standard ko. Siya pa rin yong Mahana na pangit sa paningin ko nong highschool. Nakakairita.
Bago ako tuluyang makapasok sa banyo ay nagring ang selpon ko kaya kinuha ko iyon mula sa side table. Tumatawag iyong staff ng bar na inutusan kong magreview nong CCTV at kaagad ko itong sinagot.
"Boss, pwede niyo na pong kunin 'yong kopya ngayong araw."
Shit! This is it. At dala ng excitement kaagad ko iyon na ipinaalam kina Rhaiven. Maski sila ay natuwa lalo na at nagawan ng paraan upang mapadali ang pagreview non.
"Attorney, busy ka po ba ngayon? Magkita po tayo, ibibigay ko na po 'yong kopya nong CCTV footage. Sige po."
Kaagad na akong naligo upang makagayak na. Sa sobrang tuwa, napapakanta pa ako habang naliligo na animoy nanalo ako ng isang milyon dahil sa tuwa. Paglabas ko ng banyo ay wala na si Mahana sa kama, malamang ay nandon na sa kusina upang magluto. Matapos kong magbihis ay pumaroon na ako sa baba at hindi ko inaasahan ang nakita ko.
"Lola? Anong ginagawa mo dito?"
Naroon si Lola sa sofa, nakaupo habang abala naman si Mahana na ipinaghahanda ito ng tsaa. f**k!
"Goodmorning hubby." Plastik na bati ni Mahana sa akin at hinalikan ako sa pisngi pagkatapos ay inilapag sa center table iyong tsaa ni Lola.
"Ba't parang hindi ka masaya na nandito ako, my favorite apo?" Dismayado ang mukha ni Lola dahil sa inaasta ko. Nilapitan ko siya upang halikan ito sa pisngi tanda ng paggalang ko sa kanya.
"Nagulat lang ako, La, ang pagkakaalam ko kasi ay sumama kayo kina Mama sa Amerika."
"Naku! Tinamad ako kaya hindi na ako tumuloy. Napagdesisyunan ko na dumito na lang para makabonding kayong dalawa ng asawa mo. I want to create a memories with you, couple. So, fix your things now at aalis na tayo."
Nagkatinginan kami ni Mahana sa sinabi na iyon ni Lola. s**t! Not now! May lakad ako.
"Fix our things? Bakit, Lola, saan tayo pupunta?" Tanong ko na puno ng pagtataka.
"From now on, titira na kayo sa bahay ko kasama ako." Anunsyo nito na ikinaguho ng mundo ko.
Fuck! No way!