"Welcome to Baresbes!"
Pagkababa nila ng sinakyan nilang bus ay bumungad sa kanila ang malawak na berdeng palayan. Sariwa ang hangin at napakagandang paligid ang makikita. Hindi kagaya sa syudad, imbes na nagtatayugang mga gusali ang makikita ay mga punong ang mga dahon nito ay sumasayaw dala ng simoy ng hangin.
"Okay.." tipid na tugon ni Luis, nabuburyo ito. Sa tono ng boses nito ay halatang hindi siya masaya. Walang bahid ng tuwa ang makikita sa mukha nito.
"Hindi ka manlang ba tatalon sa tuwa? Ang ganda kaya ng tanawin tapos napakalamig pa 'yong simoy ng hangin." Nakangusong depensa ng babae. Kinuha niya kay Luis iyong bagahe niya upang siya na ang magdadala non. Alam naman niyang hindi gentleman itong si Luis.
"Hindi ako OA kagaya mo." Singhal nito, isa-isa niyang inalis ang earpods na nakasuksok sa kanyang teinga. Pagkatapos ay hinawi nito ang ilang butil ng pawis na namuo sa kanyang noo. Datapwat niyang ginamit pamaypay ang kanyang kamay dala ng init. "Saan na tayo nito? f**k! Ang init!"
"Psh! Ang sungit." Segunda ni Mahana, sinimangutan niya pa ito ng bahagya. "Tara don, sasakay tayo ng traysikel." May tinuro niyang banda kung saan nakaparada ang mga namamasadang traysikel.
Nasa gawing labas pa sila ng barangay, wala pa sila sa Sitio kung saan ang pakay nila. Kaya para makarating doon ay kinakailangan nilang sumakay ng traysikel.
Nakasunod na parang tuta si Luis kay Mahana, tinahak nila ang napakainit na daan papunta sa paradahan ng traysikel sa gawing kanan, katabi ng computer shop.
Hindi maipinta ang mukha ni Luis hindi dahil sa init ng panahon kundi sa inis dahil nakarating siya roon na labag sa kanyang kalooban. Nag-iisip siya ng paraan kung paano tatakasan ang babae dahil kinakailangan niyang bumalik ng Manila.
"Manong, sa Sitio Taguipuro nga po." Tugon niya sa lalaking may ari ng traysikel. Tinanguan siya nito saka tinulungan na isakay ang kanilang mga gamit.
Naunang sumakay si Mahana sa loob ng traysikel habang si Luis ay nasa labas pa rin, pinapanood ang mga nangyayari habang salubong ang mga kilay. May kasikipan ang traysikel kaya hindi sila magkakasya sa loob.
"Tara na!" Anyaya niya kay Luis na nakatayo pa rin sa labas.
"Saan ako sasakay?"
"Dyan sa likod ni manong." Tinuro niya ng bahagya ang may space sa likod ng traysikel driver.
"What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Luis. Hindi siya sang-ayon sa gusto ni Mahana. Never niya pang naranasan sumakay sa ganoon klase ng sasakyan. Sa buong buhay niya, hindi niya pa nararanasan magcommute dahil may sarili naman itong sasakyan.
"Huwag ka na maarte dyan, sumakay ka nalang. Marunong ka naman sigurong kumapit 'no?"
"Paano kapag malaglag ako dyan?"
"O edi tanga ka!"
"Tsk!"
"Sumakay ka na kasi para makalarga na tayo. Ang daming arte e. Wala kang ibang masasakyan kundi ito lang, wala kang choice."
"Okay! Fine!"
Ipinahawak ni Luis ang kanyang mga bagahe kay Mahana sa loob dahil hindi siya makakakapit ng maayos sa likod kung may gamit siyang hawak. Pagkatapos non ay pumaroon na siya sa likod ng driver, sa sobrang katangkaran niya ay kinakailangan niya pang yumuko para hindi mauntog sa medyo mababang bubong ng traysikel.
Habang nasa byahe sila, hindi maiwasan ni Luis ang mamangha sa ganda ng paligid. Sanay siya sa view ng syudad kaya mangha-mangha siya ngayon dahil may maganda pala sa nakasanayan niya. Hinahayaan niyang dumapo ang malamig na simoy ng hangin sa kanyang mukha. Nagulo ng bahaya ang kanyang buhok na tinatangay ng hangin. Hindi siya naburyo buong byahe sa napakagandang tanawin na kanyang nakikita.
"Salamat manong!"
Isa-isang ibinaba ni Mahana ang kanilang mga gamit matapos silang maihatid ng traysikel driver. Bumaba na rin si Luis at inilinga ang paligid. May ilang tao ang nakisosyo sa paligid. Kapansin-pansin na baguhan siya sa lugar na iyon. Ang ilan pa ay tinatawag si Mahana na animoy kilala nila ito. Napapakaway nalang ang dalaga sa mga taong bumabati sa kanya.
"Di ka kakainin ng mga 'yan, relax lang." Napansin ni Mahana ang takot sa mukha ni Luis sa mga taong nasa kanila na ang tingin. "Tara sa loob." Anyaya nito, nagpauna na siyang maglakad at tahimik siyang sinundan ni Luis.
Nakakatatlong hakbang pa lamang sila ay may isang batang lalaki na nasa edad kinse ang sumalubong sa kanila.
"Manang? Omg? Mananggggg!"
Sinalubong nito si Mahana ng yakap kasabay ng walang humpay na pagtatalon. Hindi maipinta ang tuwa sa mukha ng dalawa habang si Luis ay pinapanood lamang sila.
"Manang, hindi ka manlang nagsabi na uuwi ka, edi sana nakapaghanda ako ng welcome party." Tugon ng nakababata nitong kapatid na si Melvin.
"Jusko! Akala mo naman nag-abroad ako." Nagtawanan silang dalawa pagkatapos ay napunta ang tingin ni Melvin sa kasama ni Mahana, si Luis.
"Oy! May kasama ka pala ate." Noong una ay hindi niya ito namukhaan pero nang makilala niya ito ay napatakip ito ng bibig sa gulat. "Omg!? Totoo ba tong nakikita ko, Manang?"
" Timang!" Sinabunutan niya ito dahil sa kanyang kaartehan. "Luis, tuloy ka. Nga pala si Melvin, kapatid ko." Pagpapakilala nito sa kanyang kapatid na noon ay naglalaway na sa pagkamangha dahil nakita nito ang ultimate crush ng kanyang ate noon .
"Manang, it's Megan. Duh!" Pinaikot pa nito ang kanyang mata dahil sa maling pagpapakilala nito sa kanyang bisita. "Hi, Kuya Luis." Kagat-labi pa ito.
"Hi?" Sinuri ni Luis ang kabuuan ni Melvin este ni Megan. Sa tono ng pananalita nito at paggalaw ay alam niyang hindi na normal. Hindi galawang lalaki ang nakikita niya rito.
Nakipagkamay si Luis kay Megan, pagkatapos ay inanyayahan na siya ng magkapatid na pumasok sa munti nilang bahay. Sa harapan nito ay mga naggagandang halaman na namumulaklak. Mangilan-ngilan din na mga alagang manok at pato ang makikita sa kanilang bakuran. Sa bandang right side nito ay may puno ng mangga na hitik na hitik ang mga bunga.
"Pasensya ka na, maliit tong bahay namin pero safe ka naman." Usal ni Mahana nong makapasok na sila sa loob ng bahay. Inilapag niya ang kanilang gamit sa sofa na kahoy sa makitid nilang sala.
Sinuri ni Luis ang kabuuan ng bahay nina Mahana. Maliit man ang espasyo nito sa loob, malinis naman at maayos, bonus rin ang bango nito. May sala set na gawa sa kahoy, may telebisyon na maliit at ilang stuff toy na nakadisplay. Sa ding ding nila ay makikita ang ilang mga picture frame na isinabit.
Sa gawing right side ay ang kusina nila, may dining table malapit sa medyo malawak nilang bintana kung saan sakto na makikita ang daan sa tapat ng kanilang bahay. May maliit na lababo sa gilid nito at sa tabi nito ay ang fridge nila.
Sa likod ng sofa na kahoy na nasa sala ay naroon ang dalawang kwarto. Kung susuriin ay sakto lang din ang laki ng mga 'yon.
"Megan, ipaghanda mo nga si Luis ng meryenda. Napagod siya sa byahe namin e." Utos ni Mahana sa kanyang kapatid na kaagad naman niya itong sinunod. "Maupo ka na muna at magpahinga."
Kinuha ni Mahana iyong electric fan sa kanyang kwarto ay isinaksak ito dahil napapansin niya na ginagamit na ni Luis ang kanyang kamay na pamaypay dala ng init.
"Wala bang malapit na hotel dito? Doon nalang ako titira pansamantala. Damn! I can't live here." Reklamo ng lalaki na hindi maipinta ang mukha nito sa inis.
"May nakita ka ba? Wala diba?" Taas-kilay na usal ni Mahana. Napapikit si Luis sa inis. " Huwag mong igaya yong Manila dito, malayong-malayo ito. Dito, sariwa ang hangin, hindi kagaya don sa nakasanayan, araw-araw nakakalanghap ka ng polusyon. Walang nagsisitayugang gusali dito pero maganda ang tanawin lalo na yong mga palayan." Pagmamayabang pa nitong dagdag.
"Sinasabi ko na sa'yo, I can't survive here." Pagsusungit ni Luis. "Kung ano-ano kasi trip mo e, pati ako dinadamay mo."
"Aba! Yong trip mo nga sinakyan ko e. Tsaka, subukan mo kasi. Wala ka pa ngang experience dito susuko ka na agad. Alalahanin mo, sa akin nakasalalay yong reward mo."
"Tsk! Sayo ang swerte ngayon dahil kapag nakabalik tayo ng Manila, pagsisisihan mo 'to." Pagbabanta nito.
"Sus! Daming sinasabi." Tumayo si Mahana at pumaroon sa kusina upang kunin iyong inihanda ni Megan na meryenda dahil inutusan niya ito na magsaing na dahil maya't maya lamang ay hapunan na. "Oh, magmeryenda ka na muna."
Inilapag nya sa center table iyong timpladong juice sa pitsel saka mga biscuit. Sinalinan niya iyong baso saka inialok kay Luis na noon ay nagdadalawang isip kung tatanggapin niya ba ito o hindi.
"Psh! Walang lason 'yan. Gaganti pa ako, di ka pa pwedeng mamatay." Segunda nito ba ikinasinghal ni Luis.
Tahimik lang na nagmeryenda si Luis habang hindi naaalis ang mga tingin niya sa mga picture frame na nasa dingding. Marami sina Hana sa picture frame pero nakapagtataka sa kanya at isang tao lamang ang sumalubong sa kanila.
"Si Megan 'yon, di ba?" Itinuro niya ang isang picture frame na pumukaw sa kanyang atensyon. Sinundan ng tingin ni Hana ang direksyon na itinuturo ni Luis.
"Oo, ako yong nasa tabi niya." Sagot ng babae.
"E yong mga kasama nyo?"
Natigilan si Mahana. "Parents namin."
Napansin niya kung paano mawala ang masayang awra kanina ni Mahana. Napalitan iyon ng lungkot sa mga mata nito at wala siyang ideya sa anumang dahilan nito. Ngunit, dala ng kuryosidad, nagawang magtanong ni Luis.
"Where are they? Bakit si Megan lang 'yong sumalubong sa'tin?"