"Hindi mo sinabi sa akin na close pala kayo ni Mama. Kailan pa?"
Binasag ko ang katahimikan matapos naming ihatis si Mama sa bahay. Nang maabutan ko silang nag-uusap, aligaga silang dalawa na animoy gulat na gulat sa pagdating ko. Tutal sinusundo si Mahana, isinabay ko na rin si Mama na nabalitaan ko na nagtaxi lang papunta roon.
"Sinuyo ako ng Mama mo kaya siya nandon." Sagot ni Mahana sa akin habang nasa labas ng bintana ang kanyang tingin. "Napansin niya yata 'yong kilos nating dalawa kanina sa restaurant. Hindi mo sinabi sa akin na malakas ang pang-amoy ng nanay mo kapag magkagalit ang dalawang tao."
Buong pwersa ko na kinalabit ang preno ng sasakyan ko dahil nagkulay red ang traffic light. Bahagya akong napatitig kay Mahana na noon na buryong-buryo sa postura niya. Kahit wala siyang ginagawa sa akin, inis na inis talaga ako sa kanya. Ewan ko talaga kung kaya ko siyang pakisamahan hanggang sa makuha ko yong rewars kay Lola.
"E bakit gulat na gulat kayo nong makita niyo 'ko?" Tanong ko, napalingon siya sa akin at ilang segundo lang ay nag-iwas rin ng tingin.
"Nag-assume ako na kaya ka nandon kasi susuyuin mo 'ko."
"Kapal mo! Pumunta ako don para sunduin ka dahil baka takasan mo 'ko. Baka makalimutan mo na may agreement tayong dalawa." Depensa ko dahil malakas mag-assume ang babaeng ito.
Napansin ko ang pagngisi niya na talagang hindi niya nagawang paniwalaan ang sinabi ko. Muli kong ginalaw ang manibela ng sasakyan ko dahil nagkulay berde na iyong traffic light.
"Tsk! Huwag kang assumera! Hindi ka maganda."
Padabog niya akong hinarap. Panakaw-nakaw lang ako ng tingin sa kanya dahil nagmamaneho ako.
"Luis, bakit pa natin kailangang magpanggap? Hindi ba pwedeng tigilan nalang natin tutal naman ang pamilya mo lang naman at mga kaibigan mo ang nakakaalam na mag-asawa tayo e. Tsaka, patay na si Mayor Queja, at sa tingin ko, pagtatawanan lang tayo sa korte kapag pinagpilitan natin na aksidente 'yong kasal. Sinabi ko naman sa'yo na okay lang sa'kin na kasal tayo tutal naman sa katapusan ay aalis na 'ko ng bansa."
Napailing ako sa mga sinabi niya. Hindi ko makuha ang pinupunto niya pero hindi ako payag sa gusto niya na itigil namin ang pagpapanggap.
"Ngayon pa ba tayo titigil e mukhang nakukumbinsi na natin si Lola? Mahana, mahalaga sa akin na mapasawalang bisa 'yong kasal natin. Hindi kita mahal, hindi mo rin naman ako mahal 'di ba? Nararapat lamang na gawin natin 'yong annulment." Pangungumbinsi ko sa kanya dahil wala akong ibang kakampi sa ngayon kundi siya lang.
"Mahihirapan tayo, ni hindi natin alam kung nasaan si Jade. Mag-aaksaya lang tayo ng panahon."
"Ako na ang bahala don, ang mahalaga ngayon, gawin mo ng maayos ang trabaho mo. Passport mo ang nakasalalay don, Mahana. Hindi ka makakaalis ng bansa kapag hindi mo ginawa ng maayos ang trabaho mo, maliwanag?"
Nakuha ko siya sa mga salita ko kaya napanatag ako. Kahit papaano ay madali siyang utuin. Sa ngayon ay kinakailangan ko ng sapat na oras at pagplaplano para mahati iyong gawain ko sa paghahanap kay Jade at sa pagkuha nong reward ko. Sana lang magtagumpay kaming dalawa.
-
"Ay ang sarap mahiga."
Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Mahana sa kama ko, nagpagulong-gulong na parang bata. Napansin ko tuloy na nagusot 'yong bedsheet ko kaya mabilis ko siyang nilapitan upang suwayin.
"Alis diyan. Hindi sa'yo 'yan." Pagtataboy ko sa kanya.
"Teka, ba't ako aalis? Kama nating dalawa 'to dahil mag-asawa tayo. Tsaka, inaantok na ako, Luis." Niyakap niya iyong unan na nahawakan niya't pumikit na upang matulog. Sa inis ko ay hinila ko ang isang paa nito dahilan para mapahiyaw siya.
"Hoy! Ano ba! Aray!"
"Umalis ka sabi diyan e. Anong kama natin? Hoy! Kama ko lang 'yan, baka nakakalimutan mong gamit ko 'yan---Aray!"
Napalakas ang sipa niya sa akin kaya tumama ang paa nito sa braso ko dahil nakipaglaban pa siya dahil sa panghihila na ginawa ko sa kanya.
"Ayoko nga!" Pagmamatigas niya at umayos ng higa ulit sa kama ko.
Napameywang ako ng tayo sa harapan niya. Para siyang bata na nakayakap na roon sa unan. Kinaiingatan ko ng sobra ang kama ko at ayaw na ayaw ko na may mahiga ron na babae. Ultimo si Misty hindi nahiga dyan, si Mahana pa kaya?
"Mag-asawa naman tayo, walang kaso sa akin kung tabi tayong matutulog. Iyon ay kung may binabalak ka sa'kin, gora ako." Kinindatan pa niya ako matapos sabihin iyong nakakadiri niyang ideya.
"Yuck! Ang baboy mo! Let me remind you that we're just pretending to be a happy couple. Hindi kita nobya para makatabi kang matulog. So get out to my bed, now!" Pinagdilatan ko pa siya pero nagmatigas pa rin siya na ikinakulo lalo na dugo ko.
Napakamot siya sa kanyang ulo pagkatapos ay pinagsingkitan niya ako ng titig. "Okay, gets ko na sa papel lang tayo masasabing mag-asawa pero magpakagentleman ka naman. Kung ayaw mo 'kong mahiga dito sa kama mo, pwes, saan naman ako matutulog?" Taas-kilay na tugon ni Mahana.
Makahulugan ko siyang tinitigan saka pasimpleng inginuso ang sofa na naroon sa left side ng kwarto ko. Nginisian ko pa siya ng bahagya dahil nakuha niya ang ibig sabihin ng pagnguso ko. Pero naalis ang ngisi sa labi ko nang pinagtaasan niya ako ng kilay.
"Ayoko nga!"
"What?"
"Ako ang nauna dito sa kama kaya ako ang mahihiga dito. Ikaw ang nahuli kaya sa sofa ka mahiga. Okay na? Goodnight."
Kinuha niya iyong kumot na nakapatong sa mga unan at ginulo niya ito saka kinumutan ang kanyang sarili. Hindi naman ako payag na siya ang mahiga sa kama kaya ibinaba ko ang hawak kong tuwalya sa gaming chair ko.
"I don't like your idea. Paano kapag ikaw palagi ang mauna diyan edi sa sofa ako lagi matutulog? Ang unfair naman non." Kompronta ko sa kanya.
Bumangon siya sa pagkakahiga saka hinarap ako. Wala siyang bahid ng takot sa mukha na mababasa ko na ikinaiinis ko lalo. Nandon pa rin yong tapang niya na nakita ko nong highschool kami. Palaban pa rin hanggang ngayon. Nakakairita.
"Edi huwag kang babagal-bagal."
"What the? No way! Ako ang may-ari ng condo na 'to kaya ako ang mahihiga dito sa kama." Pakikipaglaban ko. Kung lalaki lamang 'to baka kanina ko pa siya sinuntok sa mukha. Talagang sinusubukan niya ang pasensya ko. Paano ko naman kakayanin na makasama sa iisang bubong ang babaeng ito kung sa simpleng bagay ay nag-aaway kami?
"Grabe naman, Luis, hanggang ngayon brutal ka pa rin sa mga babae 'no? Ganyan na ganyan ang ugali mo nong highschool tayo." Prangka niya sa akin na ikinakunot ng noo ko.
"Psh!" Napailing ako sa inis at bahagya pang naigalaw ang panga ko sa inis.
"Okay! Sige, para naman matahimik ang kaluluwa mo diyan, gawin natin sa patas na paraan." Umalis siya sa pagkakaupo sa kama at may kumuha siya sa kanyang bag, pinanood ko lamang siya. "Ito ang sagot sa problema natin." Itinaas niya iyong barya na kinuha niya sa kanyang bag.
Napakunot ako ng noo. "How?"
"Head or tail? Pili ka."
"Tsk! Fine, head."
"Sana malakas kapit mo kay Lord." Natawa pa siya ng nakakaasar kaya inirapan ko siya. Pinanood ko lamang siya na ihagis iyong barya sa ere at ni-catch iyon saka ipinatong sa likod ng kanyang kamay. Buong atensyon ko na tinitigan ang kamay niya habang dahan-dahan niyang inaalis iyon upang tignan kung sino sa amin ang nanalo.
Lord! Please, ibigay mo na sa'kin 'to. Ayokong mahiga sa sofa!
"Oh, tail. Talo ka." Dinuro niya pa ng bahagya iyong barya matapos alisin iyong kamay niya na nakatakip kanina.
"f**k! Ang daya mo." Singhal ko sa kanya kahit ang totoo, talo talaga ako. Tangina! Malas ako sa mga ganyan e.
"Anong madaya don! Hindi ko nga ginalaw e. Wala, sa sofa ka matutulog. Talo ka. Alis." Pinagtabuyan niya ako paalis sa kama kung saan siya matutulog ngayong gabi. Napakamot ako ng ulo habang hinahayaan ko siyang paalisin ako don sa kama ko. "Oh! Kawawa ka naman, unan mo oh." Inihagis niya iyong isang unan nang tuluyan na akong makaupo sa sofa kung saan ako matutulog. "Goodnight hubby."
Wala akong nagawa kundi ang panoorin siya na mahiga sa malambot kong sofa. Ewan ko nga ba kung bakit ako pumayag sa gusto niya. Wala pang nakakagawa non sa akin, siya pa lamang. Nakakairita.
"s**t! Ang sarap mahiga dito sa kama! Sana palaging ganito!" Pagpaparinig niya sa akin habang nagpagulong-gulong roon.
"Damn! Mahana, 'yang bedsheet, nagugusot." Napansin ko na magulo na 'yong pinakamamahal kong bedsheet na binili ko pa abrod. Takte talaga ng babaeng 'to. "Sana di ka na magising. Psh!" Padabog akong nahiga sa sofa, kahit naman magreklamo ako dito, wala na akong laban dahil natalo na ako. Sana lang talaga hindi sumakit ang likod ko bukas.
-
"Goodmorning, hubby!"
Bumungad si Mahana sa akin sa kusina paglabas ko ng kwarto, nakasuot ito ng apron at bahala siyang nagluluto. Hindi ko inindan 'yong amoy ng kanyang niluluto dahil sobrang sakit ng likod ko. Bahagya akong napainat para maalis iyong kirot ng likod ko.
"Kumusta ang tulog mo? Masarap ba?" Tanong niya pero hindi ako nag-aksaya ng minuto para sagutin siya. Nagtungo ako sa may fridge upang kumuha ng apple saka fresh milk dahil iyon ang nakasanayan kong umagahan.
"Uy! Pumansin ka naman. Para kang others ah." Pagkuha niya ulit sa atensyon ko. Matapos kong maisara iyong fridge, walang eskpresyon ko siyang sinulyapan.
"Huwag ka ngang plastic. Tanong ka ng tanong about sa pagtulog ko, mukha ba 'kong okay, hmm?" Nilayasan ko siya at nagtungo sa dining upang maupo na. Sinalinan ko ng fresh milk iyong baso ko saka ito ininom.
"Ito naman ang aga-aga napakasungit." Inilapag niya iyong plato kung saan nakalagay ang mga pinagpriprito niyang hotdog, itlog, saka spam. "Tara, kain na tayo."
"I'm okay." Sagot ko saka tumayo upang hugasan iyong apple na kinuha ko sa loob ng fridge. Hindi ako kumakain ng kahit na ano bukod sa apple kapag umaga. Nakasanayan ko na itong kainin bilang breakfast ko na sinasamahan ko ng freshmilk kahit nong college pa 'ko.
"Nga pala, may tumawag sa'yo kanina, mukhang importante kaya sinagot ko na. Tulog mantika ka kasi e, baka magalit ka kapag ginising kita." Tugon niya habang abala ako sa pagpupunas gamit ang tissue iyong apple na hinugasan ko kanina.
"Bakit daw at sino?"
"Misty ang pangalan e tas sabi niya---"
"What?" Halos mabitawan ko iyong hawak kong apple pagkarinig sa pangalan ng taong tumawag kanina sa selpon ko habang tulog ako at si Mahana ang nakausap nito.
Fuck! No way!