"Why don't you tell him the truth nalang instead nagdadahilan ka pa sa kanya. Baka imbes na gustuhin ka non e maturn-off pa dahil diyan sa pagsisinungaling mo."
Wala na akong ibang natanggap mula sa mga kaibigan ko kundi panenermon. Sila ang takbuhan ko kapag may problema ako dahil sila ang alam kong makakatulong sa akin. Akala ko magiging madali ang lahat sa akin kapag napapayag ko si Mahana na magpanggap bilang asawa ko pero hindi pala. Unti-unti niyang binabahiran ng kamalasan ang mga bagay na kinaiingatan ko.
"She's going to understand me, bro, kilala ko si Misty." Sabi ko na lang para gumaan ang nangangabang pakiramdam ko.
"E ano ba kasi ang napag-usapan nila ni Mahana?" Tanong ni Rhaiven na nakahilata sa pang-isahang sofa. Narito kami sa condo ni Chris dahil tinulungan namin siyang planuhin iyong proposal niya kay Jaime sa susunod na buwan.
"Ayaw sabihin ni Mahana sa akin. Tangina non! Pahamak talaga. Ganon na ganon siya nong highschool tayo e. Nakakairita."
Naalala ko na naman ang hindi na mabilang na kalokohan ni Mahana sa akin nong highschool kami. Mula sa pagpapadala ng mga sulat, pagpapapansin sa classroom kapag vacant namin, kapag school fair na suki ng wedding booth tapos pinapahuli ako sa mga tropa niya para kunwari ay ikakasal kami. Mula nong araw na wala siyang ginawa kundi gumawa ng mga kalokohan upang mapansin ko siya, doon na ako nakaramdam ng pagkairita dahil hindi siya nakakatuwa. What for pa kaya ngayon na totoong kasal na kami?
"Kabahan ka talaga kapag sa Lola mo ay siraan ka rin niya. Baka nga ibuking niya sa Lola mo na nagpapakitang tao lang kayo kapag kasama niyo siya dahil uhaw na uhaw ka sa reward na ibibigay niya sa'yo." Suhestiyon ni Chris na sinang-ayunan ng dalawa.
Iniisip ko na rin iyon, madaling makuha ni Mahana ang tiwala ng pamilya ko at kung sa anong paraan ay hindi ko na alam. Magaling siyang mag approach ng tao kaya siguro hindi siya nahihirapan. May pagkatabas ang dila niya kaya natatakot ako na baka masabi niya kay Lola na nagpapanggap kami.
"Tsk! Subukan niya lang talaga. Nakasalalay sa'kin 'yong pagpunta niya sa ibang bansa. Pwes, kung gagawa siya ng mali, ba't ako magpapatalo di ba? Gantihan lang kung yon ang gusto niya."
Alam ko ang kahinaan ni Mahana, alam ko na gagawin niya lahat para sa mga bagay na gusto niya. Napapayag ko siya dahil kating-kati siyang umalis ng bansa ng hindi ko alam ang dahilan.
"Nga pala, Kenneth, anong balita kay Jade? Natunton na ba nila kung saan siya nagtatago?" Pag-iiba ko sa usapan nang makuha ng tingin ko si Kenneth na naroon sa gilid, hawak nito ang kanyang selpon na napapangiti pa.
"Wala pa, matinik ang isang 'yon pre, mukhang alam niya na hinahanap mo siya kaya naghanap ng mas tago na lungga." Sagot nito.
"E about sa pag-alis ni Mahana, alam mo na ang dahilan? May nakuha ka na bang impormasyon tungkol don?" Tanong ko ulit.
"Masyado siyang pribado kaya nahihirapan ako." Sagot nito kaya napatango na lang ako. "Bakit kaya hindi mo na lang siya tanungin kaysa mahirapan pa ako sa paghahanap ng detalye. Tutal naman nasa iisang bahay kayo nakatira e."
"Tsk! Assumera ang isang 'yon, baka mamaya isipin non nagkakainteres ako sa kanya. Kilala niyo ang ugali non, talon agad sa konklusyon." Iritableng tugon ko habang nilalaro-laro iyong rubucs cube sa kamay ko. "Nakakainis nga siya e. Gusto palagi siya ang masusunod. Partida, pati sa agawan don sa kama, ayaw magpatalo e."
Natawa silang tatlo sa kinuwento ko about sa nangyari last night. Sinabi ni Rhaiven na imbes na mag-away kami ay bakit hindi nalang kami tabi sa kama. Ako naman na naiirita sa kanya ay ayoko. Baka hindi ako dalawin ng antok kapag siya ang katabi ko. Baka nga imbes na masarap ang tulog ko ay bangungutin pa ako.
"Para mapadali ang lahat sa'yo, pakisamahan mo nalang. Isipin mo ang reward mo, Luis. Lunukin mo lahat ng pride at inis mo kay Mahana alang-ala sa dream restaurant mo. Pwes naman, wala kang choice."
Nag-apir pa sina Kenneth at Chris dahil sa iminungkahi ni Rhaiven. Napaulanan ako ng pang-aasar dahil baka daw ngayon na namin masimulan ni Mahana iyong lovestory namin nong highschool na tinangay ng hangin. Yuck! Kahit siya na lang ang natitirang tao dito sa mundo, mas gugustuhin ko nalang magpakagat sa pating kaysa makasama siya ng matagal.
-
"Trust me. I won't do anything na ikakagalit mo. Ako pa ba! Misty, sa tagal kong nag-aantay sa'yo, ngayon pa ba ako gagawa ng kalokohan? Masyado kitang mahal para saktan. Don't panic, okay? I'm still into you even at the most worst time. Okay, take care. Bye."
Napahilamos ako sa aking mukha matapos mairaos kay Misty tungkol sa amin ni Mahana. Sinabi ko na lasing si Mahana kaya hindi niya alam ang mga sinasabi niya nong nag-usap sila. Mukhang nakumbinsi ko naman si Misty kaya nakahinga ako ng maluwag. Totoo nga naman na matalino man ang matsing, naiisahan rin.
"Ops! Bawal ka pang mahiga diyan. Alamin mo muna kapalaran mo tonight." Itinaas na naman niya iyong barya na parang may galit sa akin dahil palagi nalang na hindi ako pinagbibigyan.
"Tsk! Umupo lang ako, pati ba naman 'yon, bawal?" Iritableng tugon ko.
"Bawal kaya tumayo ka na dyan at magdasal ka na sana ngayong gabi ay sa'yo itong kama na alam ko naman na 'di ka pagbibigyan ni Lord dahil demonyo ka e. Hmp?" Mayabang na tugon niya kaya napamura ako sa loob-loob ko.
"Ano sa'yo?" Tanong nito bago gawin ang ritwal na gabi-gabi na naming ginagawa.
"This time, I'll go to tail."
Malas yata ang head sa akin at nakailang bokya na ako. Siguro naman ay mananalo na ako dahil nagpalit ako ng manok ko. Sumang-ayon nawa sa akin ang tadhana.
"Sure ka dyan ah. Bawal umiyak kapag natalo ah."
"Baka nga ikaw ang umiyak dahil sigurado ako na ngayong gabi, ikaw ang mahihiga sa sofa." Depensa ko na animoy sigurado ako na ako talaga ang mananalo ngayong gabi.
"Well, let see."
Inihagis niya itong barya kagaya ng dati saka ni-catch ito saka ipinatong sa likod ng kamay at tinakpan gamit ang isa nitong palad. Lahat na yata ng santo ay tinawag ko para lang pagbigyan ako ngayong gabi dahil araw-araw ng masakit ang likod ko kakahiga sa sofa.
"s**t!" Napasuntok ako sa ere nang makita na head ng barya matapos alisin ni Mahana ang pagkakatakip non. Napamura ako ng malutong samantalang siya ay nagwawala sa tuwa.
"Yehey! Sa kama ulit ako mahihiga. Shesh!"
"Teka lang, madaya ka. Paanong 'di ako mamalasin e ikaw lagi ang may hawak ng barya. Ako nga ang maghahagis niyan." Inagaw ko sa kanya 'yong barya dahil feel ko may duga siyang ginagawa sakin e.
"Sige, patunayan mo sa akin na hindi ka talaga malas." Tugon nito, umayos siya ng upo sa kama paharap sa akin.
"Don pa rin ako sa tail.." tugon ko at napatango siya.
Ginawa ko ang paraan ng paghagis ng barya at pagtakip matapos ilapag sa likod ng palad. Unti-unti kong inalis ang pagkakatakip non gamit ang isa kong kamay kasabay non ang malakas na t***k ng aking puso sa kaba.
Please, kahit ngayon lang.
"Uy! Head, talo ka. Hahaha!"
"Tangina!" Sa inis ay naihagis ko sa kawalan iyong barya na hawak ko. Pinagtawanan naman niya ako at halos maiyak na siya sa tawa.
"Jusko! Mukhang iuuwi ko na 'tong kama sa bahay ah. Palaging ako na lang ang nananalo e." Yumakap pa siya sa kama na parang tanga. Wala akong nagawa kundi ang magdadabog sa inis na pumaroon sa sofa na tutulugan ko.
Hays! Kailan ba ako mananalo laban sa babaeng 'to?
-
"Potangina! Tumatakbo ang oras, Kenneth. Kailangang maayos ko 'to bago pa umuwi si Misty ng Pilipinas."
Naglakad ako pabalik-balik sa harapan ni Kenneth habang nag-iisip ng magandang paraan para makakuha ng ebidensya ukol sa aksidenteng kasal namin ni Mahana. Mag-iisang linggo na pero bokya pa rin ako. Hindi ko kayang umabot pa ito ng isang buwan.
"E anong magagawa natin, nagtatago si Jade." Sagot nito. "Kumalma ka nga! Kanina pa 'ko nahihilo diyan sa ginagawa mo e."
"Ken, kinakailangan ko ng tulong mo. Please naman."
"E nasan ba si Mahana, mag-isa ka yata ngayon?"
"Tsk! Wala naman maitutulong ang babaeng 'yon kundi ang pasakitin ang ulo ko e. Tsaka, magiging malaya kaming dalawa ngayon dahil lumipad ang pamilya ko papuntang amerika dahil may aasikasuhin sila don kasama si Lola. Wala munang pagpapanggap sa ngayon at gusto ko ng tahimik na buhay na wala ang babaeng 'yon."
Tumayo si Ken at inakbayan ako sa balikat pagkatapos ay iginaya niya ako paupo sa sofa at saka ito nagsalita. "Paano ka kasi makakapag-isip ng mabuti kung palagi ka nalang umuusok sa galit. Kung gusto mo, pumunta tayo ng bar at magpakalunod muna sa alak para marelax ka. Ano, tara? Tatawagin ko na sina Rhaiven kung papayag ka."
Inalis niya ang pagkakaakbay sa akin saka inilabas ang selpon nito sa kanyang bulsa. Natigilan ako sa sinabi niya at kung may anghel na bumulong sa akin sa salitang 'bar'.
"s**t! Bakit hindi ko 'yon naisip ng mas maaga?" Nasipa ko iyong rubics cube na nakakalat sa sahig matapos maisip ang matagal ko na sanang ginawa.
"Huh? Sinasabi mo?"
Binalingan ko sya ng tingin at hinawakan sa magkabila nitong balikat. "Ang talino mo talaga, Ken. Hulog ka talaga ng langit, tangina mo." Sa labis na tuwa ay napahalik ako sa pisngi ni Kenneth at sa pandidiri ay pinagtulakan niya ako palayo sa kanya.
"Ano bang sinasabi mo? Anong hindi mo naisip ng mas maaga?" Naguguluhan niyang tugon saka padabog na pinupunasan iyong pisngi niya na hinalikan ko.
"Ken, kung hindi natin mahanap si Jade, edi pupunta tayo sa bar tapos hihingi tayo ng kopya nong CCTV footage nong gabi na ikinasal kami ni Mahana. Hindi ba't matibay na ebidensya 'yon?"
"Potangina mo! Oo nga." Nag-apir kami ni Kenneth dahil sa tuwa na nararamdaman namin. Pakiramdam ko , nabunutan ako ng tinik sa naisip ko.
"Tara na! Ayain mo sina Rhaiven para may kapit ako."
Kinuha ko na iyong selpon ko na nakalapag sa center table at ipinasok iyon sa bulsa ko. Hinintay ko na matawagan ni Kenneth ang mga kaibigan namin bago kami tuluyang umalis ng condo niya.
Shit! Sana makakuha kami ng kopya nong CCTV footage para maalis na ko sa pagkakatali kay Mahana. Kahit wag na ako manalo sa agawan ng kama kay Mahana, basta makakuha ako nong kopya.