Chapter 20: Signs

1892 Words
"Uy! Pameryenda ka naman dyan." Kinalabit ako ni Mahana sa may binti ko, nakahiga ako ngayon dito sa kama habang naglalaro ng online games sa selpon ko. Wala akong lakad ngayon kaya tatambay na muna ako dito sa bahay. "Meryenda? Katatapos lang natin kumain ng lunch." Sagot ko. Wala pa yatang isang oras matapos namin kumain ng tanghalian ay gutom na naman ang babae. Madami namang ipinahanda si Lola kanina kaya paano na hindi 'to nabusog? Akala mo naglilihi na parang..... No! Napatitig ako ng makahulugan sa kanya. Ni hindi ko na inisip iyong paglalaro ko sa selpon kung matalo man ito dahil may kung anong enerhiya ang humigop sa akin para titigan siya at suriin ang kanyang mukha. "Oh, bat ka naman ganyan makatingin sa'kin?" Nagtatakang tanong nito nang mahuli nito na nakatitig ako sa kanya ng makahulugan. Napaiwas ako ng tingin sabay iling ng ilang beses. Potangina! Nag-ooverthink na naman ako. Naalala ko bigla ang mga paalala ni Rhaiven sa akin kahapon. "Oorder na 'ko ah. Ikaw magbayad." Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag na umorder ng makakain online. Nawala bigla ang pokus ko sa paglalaro dahil sa unang sign na sinabi ni Rhaiven sa akin. Ayoko sanang bigyan iyon ng ibig-sabihin dahil baka hindi siya nakakain ng maayos kanina kaya ito nagutom. Pero, nakakaoverthink talaga e. "Maam, heto na po 'yong order niyo po." Dinala ng isang yaya iyong bagong dating na order ni Mahana na makakain. Nakalagay ito sa color brown na paper bag at wala siyang kahirap-hirap na inilabas isa-isa ang kanyang mga pinamili sa kama kung saan kami naroon. "Uy! Bayaran mo na." Utos nito sa akin. Hindi ko alam kung anong mabuting hangin ang nagtulak sa akin upang tumayo at ibigay sa yaya iyong bayad sa ipinadeliver ni Mahana na makakain. Hindi manlang ako natakam sa mga inorder niyang mga pagkain. Laking gulat ko dahil kabundok ang inorder nito na animoy hindi kumain ng isang taon. Diring-diri ako sa paraan nito sa paglamutak sa mga pagkain. Ni hindi pa yata siya naghugas ng kamay. Nakatayo ako sa tapat niya, pinapanood lahat ng kinikilos niya. Salubong ang mga kilay ko at hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaibang takot na baka totoong buntis nga siya. Unang sign pa lang, pasado na siya. Tsk! "Uy! My water." Pinanood ko siya na umalis sa kama at sinundan siya ng tingin patungo sa vanity table dahil kukunin niya iyong tumbler niya. May hawak-hawak pa siyang burger sa kanyang kamay. "Shocks!" Parehas kaming napatingin sa nalaglag na patty ng kanyang burger. At mas napanganga pa ako sa mga sumunod na nangyari. Animoy takbo ng kabayo sa bilis ang pagpulot na ginawa ni Mahana sa patty na nalaglag sa sahig. "What the f**k? Nalaglag na 'yan, ba't kinuha mo pa?" Nandidiring tugon ko habang nakaduro sa kanyang pagkain. "Sayang e. Wala pa namang five seconds kaya okay pa 'to." At nakita ko kung paano niya kagatin iyong burger niya na may palaman iyong patty na nalaglag kanina sa sahig. Matapos niyang kumagat sa burger ay nilayasan na niya ako at nagtungo siya pabalik sa kama. "Yuck! Kadiri!" - "Tok! Tok! Tok!" Nabuhayan ang buong sistema ko nong marinig ang sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng banyo na kinaroroonan ko. Kasalukuyan akong naliligo ngayon dahil may lakad akong pupuntahan. "Uy! Teka lang, naliligo pa 'ko." Sigaw ko. Hinahayaan ko na dumaloy ang tubig sa buong katawan ko dahil nagbabanlaw na ako, katatapos ko lang maglagay ng sabon sa katawan ko. "Labas! Gagamit ako." "Teka lang kasi!" Bago pa niya mabuksan ang pintuan ay dali-dali kong kinuha iyong nakasabit na tuwalaya sa gilid at ibinalot sa ibabang parte ng katawan ko. Hindi ko pa totally nababalot ang katawan ko nong bumukas bigla ang pintuan at idinuwal nito si Mahana na sinenyasan pa akong gumilid upang bigyan siya ng madadaanan. "Ackkk!" Narinig ko ang pagsuka niya sa may inidoro. At kapag naririnig ko ang bawat pagsuka niya ay nandidiri ako ng sobra. "Pocha! Ano ba kasing kinain mo?" Panenermon ko, narito ako sa likod niya at abalang hinahagod-hagod ang kanyang likod. Kumuha ako ng tissue sa na nasa gilid saka ito ibinigay sa kanya. Hinang-hina siya pagkatayo niya. "Nafood poison yata ako." Gamit ang tissue na iniabot ko sa kanya kanina ay pinunasan niya ang gilid ng kanyang labi. "Paanong nafood poison ka e dalawa tayong kumain. Bakit ako hindi nagsusuka?" Nagtatakang tanong ko. Sinundan ko siya palabas ng banyo. "Baka mas masyadong sensitive tong tyan ko kaysa sa'yo." Sagot niya. Kinuha niya iyong tumbler nito na nakalapag sa vanity table at uminom. Napunta ang tingin ko sa tyan niyang bahagya niyang hinihimas. Napatigil ako. Kinabahan at the same time dahil pasado siya ulit sa ikalawang sign na binigay ni Rhaiven sa akin. Halos mapako ang tingin ko sa tyan niya at nilalamon ng sobrang pag-oovethink na baka totoong buntis nga siya. f**k! - "Sign number three, mood swing." "'Di ka pa ba maliligo?" Tanong ko, gabi na at naghahanda na kami parehas na matulog. At syempre, sa sobrang init ay hindi ko kaya na matulog nang hindi naliligo muna. "Mauna ka na, nanonood pa 'ko e." Hindi na ako nag-abala pa na magsalita ulit. Tumango na lang ako at nagtungo na sa banyo upang maligo. Ngayong araw ay wala pa naman sign akong napansin sa kanya. Nagiging kalmado na tuloy ako dahil may posibilidad na mali ang hinala ko. Pumasok na ako sa banyo upang maligo. Ginawa ko ang madalas ko naman gawin sa loob. Nilinis ko ang buong katawan ko gamit ang hiyang kong sabon. Mga 15 minutes ang itinagal ko sa banyo bago tuluyang lumabas roon. Laking pagtataka ko nong naabutan ko si Mahana na umiiyak habang nakasalpak ng upo sa sahig. Sa sobrang pag-aalala ko ay nilapitan ko siya kahit tanging tapis ng tuwalya lang ang suot ko. "Hana, what happened? Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tugon ko pagkalapit sa kanya. "Namatay na siya." Umiiyak na sagot niya. Napakunot noo ako. "Sinong namatay?" "Huhuhu!" Lumakas pa lalo ang pag-iyak niya dahilan para mataranta na naman ako. Sa takot na baka masilipan ako ng kaluluwa ko at mamanyak na naman sa babaeng ito ay dali-dali na muna akong nagsuot ng shorts saka shirt pantakip sa buo kong katawan. At sa bawat segundo na lumilipas ay palakas ng palakas ang pag-iyak ni Mahana na parang bata na inagawan ng laruan. "Uy! Sino ba kasing namatay? Para kang timang dyan!" Inis na tugon ko dahil naaartehan na ako sa ginagawa niyang pag-iyak. Nilapitan ko siya at pumantay ng pagkakaupo sa tapat niya. "Napatay ko siya! Huhu! Ayoko pang makulong." Umiiyak na sambit niya. Napakamot ako sa aking ulo. "Sino ba kasing napatay mo? At paano ka nakapatay e nandito ka lang naman sa kwarto?" Salubong ang kilay ko noong dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang palad sa harap ko. Nagtaka ako sa ginawa niya dahil mukhang may pinapakita ito. "Adik ka ba?" Tanong ko sa kawalan. Gusto ko siyang pagtawanan pero hindi ko magawa dahil mas nanaig ang inis sa akin. Mukha yatang pinagtitripan ako ng babaeng to. Umiling-iling si Mahana na patuloy pa rin sa pag-iyak na hindi ko malaman ang tunay nitong dahilan. "Napatay nga ako." "Pocha naman! Asan?" "Eto!" Ininangat niya sa harapan ko iyong dalawang palad niya. "Asan? Wala akong makita." Sinumpong na siya ng sinok habang may hinuhuli siya sa kanyang kaliwang palad. At muntik ko na siyang tadyakan sa inis nang mapagtanto ang tinutukoy niyang napatay niya. "Potangina!" Napahilot ako sa aking sentido nang makita ang isang maliit na kulay pula na laggam na talagang wala ng buhay. "Makukulong na ba ako?" Napatayo ako sa inis at nagmumura sa loob-loob ko. Hindi ko alam kung nakahithit ba ito ng droga kaya malakas ang tama niya. "Paano ka makukulong e langgam naman 'yan e." Patutsada ko habang nakaduro sa hawak niyang patay na laggam. "Eh? Oo nga 'no. Fine!" Nakita ko nalang inihagis niya sa kung saan iyong hawak niyang laggam kanina. Mas mabilis pa sa takbo ng kabayo ang pag-iiba ng kanyang mood. Kung kanina para siyang bata na inagawan ng laruan ngayon naman ay parang nanalo sa lotto na nanonood na sa kama ng palabas sa TV. Adik ba ang babaeng 'to? Grabe ang moodswing ah. "f**k! Hindi kaya sign number three 'to?" Tanong ko sa sarili ko at inalala ang sinabi ni Rhaiven. - "Isa nalang, pre, malalaman mo na talaga ang kasagutan. Kapag tumama ang huling sign na sinabi ko, pocha humanda ka na. Magiging tatay ka ng wala sa oras." Patutsada ni Rhaiven habang kausap ko sila via video call. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sunod-sunod na ang pagpaparamdam ng mga sign ng pregnancy kay Mahana. "Hindi kaya nagkataon lang?" "Mama mo nagkataon." Nagsitawanan sina,Chris at Kenneth sa sinabi ni Rhaiven. Ako naman ay napakamot nalang sa ulo ko. "Bakit ba kasi ayaw mo pang tanggapin na buntis siya e halata naman na. Lumitaw na ang mga sign ng buntis." "Bro, pinapatay na ako ng pag-ooverthink. Hindi sya pwedeng mabuntis. Malaking problema yon sa annulment namin kapag nagkataon." Sagot ko. Magiging dahilan iyon para hindi matuloy ang annulment namin dahil may rason upang manatili ang bisa ng kasal namin. "O edi higupin mo yong bata sa tiyan niya para matapos na 'yang problema mo. Basic!" Sa sinabing iyon ni Kenneth, walang kahirap-hirap kong itinaas ang middle finger ko sa kanya na dahilan upang matawa na naman ang mga kaibigan namin. Kung kailangan seryoso ang usapan ay doon naman sila nagiging tarantado. "Good afternoon, Sir." Bati ng isang yaya sa akin nang pagbuksan niya ako ng pintuan. "Si Lola, nasan?" Tanong ko, naupo ako sa sofa dahil napagod ako sa byahe. Nakipagkita ako sa staff ng bar upang makibalita tungkol sa kopya nong CCTV footage. "Umalis po, Sir." "E si Hana?" "Nasa kwarto niyo po." Hindi ko na kayang patagalin pa ang pag-ooverthink ko na ito. Gusto ko na ng kasagutan kaya naman pumaroon na ako sa kwarto namin upang tanungin na si Mahana. Ang kasagutan niya ang makakapagpakalma sa buong sistema ko. Tanggapin ko nalang lahat ng resulta ng nangyari s amin non kahit wala akong maalala. "Hana?" Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. Ni anino nito ay hindi ko nakita sa kwadradong silid na kinarooonan ko. Inilinga ko ang paligid. Sinuri ko ang mga gamit niya, wala naman kakaiba roon maliban sa gamot na palagi kong nakikita na iniinom niya. "Psh! Hindi ba siya aware na buntis siya at umiinom pa rin ng siya kung ano-anong gamot?" Sinuri ko ang kabuuan ng bote kung saan nakasilid ang mga capsule na gabi-gabing iniinom ni Mahana. Wala akong pagkakataon upang tanungin siya kung para saan ang gamot na iyon. Wala din naman akong pakialam e. Ibinaba ko na iyong bote at hindi ko namalayan na natabig ko ang kanyang shoulder bag dahilan upang malaglag ito at nagkalat ang mga laman nito sa sahig. At sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang bagay ang humigop sa buong atensyon ko. Mundo ko ay huminto at sa pagkakataong ito ay nakalapag na mismo ang kasagutan sa harapan ko. Pinulot ko ang pregnancy test sa sahig. At halos hindi ko maalis ang tingin ko sa dalawang hugit na makikita roon sa gitna. Napalunok ako. Hindi rin nakaligtas sa pandinig ko ang t***k ng aking puso na noon ay sobrang bilis na. "Positive?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD