"Hindi pa rin ba kayo bati?"
Kumabog ng mabilis ang puso ko nang mapunta ang atensyon ni Lola sa aming dalawa ni Mahana. Nasa hapag kainan kami ngayon kasalo siya. Magkatabi kami ni Mahana pero wala kaming pansinan. Ni hindi kami tabi matulog kagabi dahil sa mainit na sagutan namin.
Walang sumagot sa amin ni Mahana, kahit nakayuko ako, alam kong nakatitig si Lola sa aming dalawa. Malamang pinapakiramdam niya kaming dalawa ng misis ko. Gusto kong magsalita at ipaglaban ang sarili ko pero kusang umatras ang dila ko.
"Ayusin niyo 'yan. Walang ibang aayos nyan kundi kayo lang." Panenermon ni Lola sa amin. "Naiintindihan niyo ba, Luis at Hana?"
Nauna akong tumango at sinundan iyon ni Mahana pagkatapos ay nabalot na ulit ng katahimikan ang hapag kainan. Gutom naman ako sa tingin ko pero hindi ako kakapokus sa pagkain dahil sa wirdong presensya ni Mahana sa tabi ko.
"Aalis na po ako." Tumayo ako, pinunasan ang labi ko gamit ang table napkin. Lumapit ako kay Lola upang humalik sa pisngi nito. Maglalakad na sana ako paalis ng dining area nang magsalita si Lola.
"Hindi ka manlang ba magpapaalam sa misis mo, Apo?"
Napalunok ako sa sinabi ni Lola. Nagtama pa ang tingin namin ni Mahana na bahagyang napahinto sa pag-kain. Halata naman sa boses ni Lola na sinadya niya iyon para magbati kami ni Mahana. Wala akong nagawa kundi ang lapitan si Mahana upang magpaalam na.
Isa sa mga malalang pagpapanggap sa buong buhay ko ang ginawa ko sa harapan mismo ni Lola. Nagkunwari akong sweet kay Mahana na animoy sinusuyo siya.
"Alis na 'ko, love." Malambing na tugon ko kay Mahana na bahagyang napahinto sa kanyang ginagawa. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi nito.
Kitang-kita ko sa gilid ng mata ko na abot hanggang teinga ang ngiti ni Lola dahil sa nakita nitong eksena sa amin ni Mahana. Konti na lang ay iisipin ko na iniimagine niyang gumagawa kami ng bata dahil sa mga ngiti niya. Nababaliw na kumbaga ang lola ko na para bang isang teenager.
Ngiting pilit ang naisagot ni Mahana sa ginawa ko. Alam kong naiilang siya sa paghalik ko sa pisngi niya dahil hindi naman namin karaniwang ginagawa iyon.
Hindi pa ako nakuntento ay hinaplos ko ang buhok nito saka hinalikan na naging dahilan para mapatili si Lola sa kilig lalo na nang marinig niya ang tatlong salita na dapat kay Misty ko lang sasabihin.
"I love you.."
-
"Hindi pa niya alam, Kuya?"
Napahinto ako sa pagpipindot sa gaming console ko, narito ako sa kwarto ko dito sa may condo. Wala naman akong ibang pupuntahan bukod dito. Dito, payapa at malaya ako hindi katulad don sa bahay ni Lola na kinakailangang limitahan lahat ng galaw ko. Mabuti na lamang at hindi ipinagbawal ni Lola na pumunta dito kapag gusto ko
"Who?"
"Ate Misty.." sagot niya. Napatingin ako saglit sa kanya bago ibinalik ulit sa paglalaro ang aking atensyon. "Hindi pa niya ba alam yong tungkol sa inyo ni Ate Hana?"
"She doesn't need to know it.." sagot ko habang abala sa pagpipindot sa gaming console. Naisipan ko nalang na maglaro para mawala saglit yong inis ko sa mundo.
"Partida ah! Hindi mo pa siya girlfriend, nagloloko ka na what else pa kung sinagot ka na niya." Satsat ng kapatid ko dahilan para matigilan ako.
Tinapunan ko siya ng tingin. "Hindi ako nagloloko, Alyssa, it's just part of my problem. Iba yong nagloloko sa may problema. Iyong sa amin ni Hana, problema yon, walang ibang ibig-sabihin yon na involve yong sa amin ni Misty."
Napailing siya na animoy hindi sang-ayon sa depensa ko. "Mali, Kuya, pagloloko yon, ni hindi mo nga pinaalam sa kanya ang tungkol don e. Kahit naman hindi mo pa siya girlfriend, may karapatan pa rin siyang malaman yon since in the first place, aksidente lang 'yon.". Pakikipagsagutan ni Alyssa sa akin.
"You dont understand me, Alyssa. Hindi naman sa pagiging selfish kaya hindi ko masabi sa kanya yon, ayoko lang maturn off siya sa akin. Sasabihin ko naman sa kanya after ko maayos to e. Naghahanap lang ako ng perfect time, beside, hindi pa 'ko ready."
"Kailan ka magiging ready? Kapag sa iba na niya nalaman? Edi mas malala na yon, Kuya."
Nabitawan ko na yong hwak kong gaming console dahil inatake ako ng pag-ooverthink. May point si Alyssa na dapat kong pag-isipan ng mabuti. Aaminin ko, in the first place si Misty ang inalala ko dahil baka isipin niyang trip lang 'yong paghihintay ko sa kanya. Ayokong isipin niya na naghanap ako ng iba dahil matagal akong naghintay ng sagot sa kanya.
"I'll take care of it, Alyssa. But please, don't tell her yet about Mahana and I's marriage.."
"Pasalamat ka mabait ako at kung hindi, baka naisumbong na kita."
-
"La, ba't gising pa kayo? Gabi na ah."
Kaagad akong sinalubong ni Lola pagpasok ko sa main door ng bahay. Mag alas dyes na ng gabi, nalate ako ng uwi dahil may inasikaso ako regarding sa kaso namin ni Mahana. Maghapon na wala akong natanggap na update sa babaeng 'yon. Well, ayoko naman siyang pakialam.
"Hindi pa kasi umuuwi si Mahana, Apo, baka kung ano na ang nangyari sa kanya." Nag-aalalang tugon ni Lola matapos ko siyang halikan sa pisngi nito.
"What? Akala ko hindi siya umalis ng bahay?"
"Iyon nga din ang akala ko e. Akala ko nga din magkasama kayo."
"s**t!" Napahilamos ako sa aking sentido dahil nakaramdam na ako ng kaba.
"Nag-aalala ako ng sobra sa asawa mo, Luis. Sabi na nga bang ayusin niyo yong tampuhan niyo e. Tignan mo tuloy tong kinahantungan."
Kinausap ko si Lola na ako na ang bahala na maghanap kay Mahana at magpahinga na lamang siya dahil lumalalim na ang gabi. Nagdalawang isip pa siya kung susundin niya ako pero sa huli ay pumayag rin. After ko maihatid si Lola sa kanyang kwarto ay nag-abang ako sa labas ng bahay namin, nagbabakasakali ako na baka maabangan ko ang pagdating niya.
"s**t! Hana, nasan ka ba?"
Nagsanib pwersa ang inis at kaba ko habang hinihintay na sagutin ni Mahana ang tawag ko. Nakailang dayal na ako sa kanya ay wala pa rin. Muntik ko na rin maihagis ang hawak kong selpon sa inis.
"Beep! Beep!"
Napatakbo ako sa may gate nang marinig ang sunod-sunod na pagbusina ng bagong dating na sasakyan. Tumambad sa akin ang isang taxi at nakaalalay ang driver nito sa babaeng paika-ika na bumaba mula sa sasakyan at laking gulat ko nong makita ko si Hana.
"Manong, ako na." Usisa ko nang mapansin na nahihirapan si Manong driver sa pag-alalay kay Mahana.
"Kaano-ano niya po kayo, Sir?" Tanong nito sa akin.
"Asawa niya 'ko." Sagot ko at tuluyan na niyang ipinaubaya si Mahana sa akin na ngayon ay hawak ko na ito sa beywang habang nakapulupot ang braso nito sa may leeg ko upang hindi siya mawalan ng balanse.
"Naku! Mukha yatang may problema kayong mag-asawa, Sir. Galing kasi sa bar 'yang misis niyo, nagpakalunod sa alak." Tugon ni Manong habang nakaduro pa ito kay Mahana. Napatingin ako sa babaeng akay-akay ko.
Namumula ang mukha nito at para siyang lantang gulay na naubusan ng lakas. Ang gulo ng buhok niya, basang-basa pa ang itaas na parte ng kanyang damit, bahagya kong hinila pababa ang dress nito dahil konti nalang ay makikita na ang kanyang pwetan.
"Ako ng bahala sa asawa ko, Manong."
Binayaran ko na iyong bill niya kay Manong pagkatapos ay ipinasok ko na siya sa bahay. Muntik kaming mahulog sa may hagdanan dahil sa pagiging malikot niya. Tulog na lahat ng tao dito sa bahay bukod sa akin dahil hinintay ko talaga siya.
"s**t! Mahana, huwag ka ngang malikot."
Naubos na ang pasensya ko dahil sa pangingiliti niya't pagtawa na animoy isang baliw kaya wala akong nagawa kundi ang buhatin na siya na parang isang sako ng bigas. Hindi naman siya ganon kabigatan dahil may kapayatan naman ito.
"Pocha! Ang likot mo." Reklamo ko matapos ko siyang maihiga sa kama ng kwarto namin. Habol ang aking hininga matapos ko siyang mailapag sa kama. Pinagpawisan pa ako ng malala at bahagyang nangalay ang braso ko kaya napastretch ako ng bahagya. Napatitig ako sa kanya at napailing na lang dahil kakaiba pala siya kapag lasing.
"Uy! Bumangon ka nga muna at magpalit. Ang baho-baho mo." Kinalabit ko siya sa braso nito pero wala akong tugon na natanggap mula sa kanya. Amoy na amoy ko ang alak kahit ilang dangkal lang ang layo ko sa kanya.
Narinig ko ang pagtawa niyang parang baliw pagkatapos ay bahagya itong bumangon kaya mabilis akong lumapit sa kanya upang alalayan. "Kiss mo muna 'ko." Usal nito at ngumuso habang nakapikit.
"Tss! Umayos ka nga! Ano ba kasing pumasok sa kokote mo't pumunta ka don at naglasing ng sobra. Nag-alala pa ng sobra si Lola sayo dahil 'di ka manlang nagpaalam sa kanya. Iinom-inom ka kasi hindi mo naman pala kaya." Panenermon ko sa kanya kahit alam ko hindi ito nakikinig sa akin.
"Argh! Ang initttt!" Reklamo nito at laking gulat ko nang hawiin niya pataas ang dress nitong suot. Dahilan upang makita ko ang kulay itim nitong cycling.
"Hoy! Huwag mo ngang itaas 'yan." Hinila ko pababa 'yong dress nya upang takpan ang hindi ko dapat makita."Bumangon ka na dyan at magpalit na." Pangungumbinsi ko pero wala pa rin.
Inalis ko ang suot nitong sandal habang patuloy pa rin siya sa paggalaw galaw na animoy sinasaniban. Minsan pa nga ay ginugulo niya ang buhok ko't tumatawa nalang bigla.
"Uy! Mahana ano ba! Wag ka ngang malikot. Ipupukpok ko tong sandal mo sa ulo mo kapag di ka tumigil dyan." Iritableng tugon ko.
Pinagtawanan niya lang ako. Napabuntong-hininga ako ng malalim matapos kong alisin yong sandal niya. Hindi ako ganoon kadama na hayaan siyang matulog na madumi. Alam ko na wala na siyang lakas upang magpalit kaya wala akong nagawa kundi ang linisan siya gamit ang bimpo na medyo basa saka ko nilagyan ng alcohol. Ipinunas ko iyon sa braso niyang mga kamay. Pagkatapos ay kumuha rin ako ng wipes upang tanggalin iyong mga makeup sa mukha niya.
"Alam mo, ang gwapo-gwapo mo pero ang sungit mo." Sambit nito habang abala ako na inaalis iyong makeup sa mukha niya. "Kung makasungit ka sa akin kala mo naman ang laki ng t**i mo."
Namilog ang mata ko sa gulat. "What the f**k? Tumigil ka nga. Ang baboy mo. Psh!" Iritableng tugon ko.
Gusto ko tuloy ipakain sa kanya iyong bulak na pinangpupunas ko sa mukha niya para tumigil. Hindi ba siya nahihiya, lalaki ang kaharap niya tapos ganon ang pinagsasabi niya? Letche!
"May nakasex ka na?" Tanong niya ulit.
"Stop it, Hana." Hinuli ko ang kamay niya dahil dahan-dahan niyang hinahawakan ang dibdib ko na animoy nang aakit.
"Sus! Takot ka sa p**e no? Hahaha! Playboy, takot sa p*ke. Naku naman! Kawawa naman 'tong junior mo." Mas mabilis pa sa takbo ng kabayo ang paghawak niya sa bandang zipper ng pantalon ko. Napatayo kaagad ako sa ginawa niya. Nahawakan niya ang hindi naman dapat. Tumawa pa ito ng malakas ng walang kahiya-hiya.
"Grabe tong babaeng 'to kapag lasing." Nastress na tugon ko. Napailing nalang ako sa kawalan. Natatakot na tuloy akong lapitan siya dahil sa pagiging manyak niya.
"Oh! Magbihis ka na." Tugon ko matapos kumuha ng pantulog niyang damit sa kanyang cabinet.
"Kiss muna." Ngumuso na naman siya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro lang e.
"Pocha naman! Ikaw na, kaya mo na 'yan. Baka kung ano na naman hawakan mo e. Tsk!"
"Bibihisan mo ko o isusubo ko 'yan?"
"Mahana!"
Pinagtawanan niya lang ako. Dahil sa mga nakakadiri niyang sinasabi, hindi ko namamalayan na umiinit na ang pisngi ko. Hindi ko alam kung dahil sa kilig o dahil sa kakaibang init na hindi ko dapat pasabugin. Sa lahat ng babae na nakilala ko, siya lamang nakagawa sa akin ng ganito. Nakakagulat siya.
"Pag di ka tumigil dyan, hahalikan kita." Pagbabanta ko sa kanya.
Nakita ko kung paano niya dahan-dahan na inilapit ang kanyang mukha sa akin. "Hindi mo kaya. Takot ka nga sa ano e, halikan pa kaya ako." Panghahamon niya.
Napalunok ako. May kung anong kakaibang enerhiya ang bumuhay sa akin dahil sa kakaibang titig niya sa akin. Ang mga mata niyang nang-aakit na kahit na sinong lalaki ay mag-iinit.
"See? Hindi mo ka----"
Walang kahirap-hirap ko siyang sinunggaban sa kanyang mga labi upang ipaalam sa kanya na mali siya ng akala sa akin. Hindi siya aware na sa ganitong sitwasyon wala akong inaatrasan. Mali siya ng inakit. Maling-mali siya.