Chapter 4: Reward

2036 Words
“Welcome to our family, Mahana…” Mula rito sa may main door ng bahay namin, rinig na rinig ko na ang masayang tugon na iyon ni Mama. Patakbo akong nagtungo sa may sala at nakita ko ang babaeng kayakap ni Mama, nakadress ito ng babypink ang kulay na may kabagsakan ang buhok. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa akin. Sumunod naman siyang winelcome ni Papa at huli sa pila si Alyssa na nagpipigil ng tili. “Anong welcome?” Pang-aagaw ko ng kanilang atensyon at doon ko na nakita ang kabuuan ng babae. Psh! Kagaya pa rin ng dati, ang pangit pa rin. “Hi there, son..” Lumapit si Mama sa akin saka niyakap ng sobrang higpit na talaga namang mararamdaman mo sa mga bisig nito ang tuwa. Kahit wala siyang sabihin, alam ko at ramdam ko na ang tuwa sa puso niya na sa wakas ay natupad na ang pinakamalaking pangarap niya sa akin at iyon ay ang makapag-asawa na. “Bakit niyo winewelcome ang babaeng ‘yan?" Taas kilay kong tanong, nagpalipat-lipat pa ako ng tingin sa kanilang tatlo at huling itinapon ang tingin kay Mahana na animo'y inosente sa kanyang itsura. Nakaramdam lalo ako ng inis. Bakit nandito ang babaeng 'to? Anong ginagawa niya rito? "Luis, why are you talking like that? Gosh! Hindi mo naman sinabi sa amin na ikinasal ka last year, e 'di sana napaghandaan natin." Makikita sa mukha ng bawat myembro ng pamilya ko ang tuwa lalong-lalo na kay Mama na halos mapunit na ang kanyang labi sa tuwa. Tumingin ako kay Mahana na inosente pa rin ang awra niya. Nakakainis. "Ma, let me explain everything, okay?" Itinaas ni Mama ang kanyang kanan na kamay, nagpapahiwatig non na itikom ko ang aking bibig. "Ops! No need, Mahana already explain everything to us. Calmn down. Kung iniisip mo magagalit kami, anak, hindi. Actually, natutuwa pa kami dahil sa wakas, ang unico hijo namin at panganay ay may asawa na." Pinanggigilan pa ako ni Mama at naramdaman ko na lang na kumirot ang pisngi ko sa pangpipisil nito. Sa aming lahat, ako lamang itong kaisa-isang hindi kayang gumuhit ang ngiti sa mga labi dahil wala akong ni katiting na tuwa na nararamdaman. "Anak, naiintindihan ka namin kung bakit mo 'to itinago sa amin." Umakbay si Papa sa akin at nagsalita. "We know that you're not yet ready to settle pero atleast, mapapanatag na kami ng Mama mo dahil sa wakas ay may pagkukuhanan ka na ng inspirasyon." "Pa, it's not what you think.." Pinutol ni Papa ang pagsasalita ko dahilan para mapabuga ako ng malalim na buntong-hininga. "It's okay, ang mahalaga ngayon, may asawa ka na, 'yon naman ang importante sa amin ng Mama mo e. Can't wait to have my first apo, Luis." kinindatan pa ako ni Papa saka tinapik ng mahina ang balikat ko. "What the hell?" Gusto kong magmura ng malutong hanggang sa maibuhos ko lahat ng inis na nararamdaman ko. Gusto kong singhalan si Mahana dahil wala siyang ginawa kundi ang sumimsim ng juice sa may sofa habang sosyal na nakaupo. Seriously? Hindi manlang niya ipaglaban na hindi namin ginusto 'yong kasal na 'yon at nakatunganga lang siya na parang walang problema? "Hey! What did you tell them about our f*****g marriage?" Kinuha ko ang kanyang atensyon matapos magpaalam sina Mama na may aasikasuhin saglit bago kami kumain ng dinner. Naiwan kaming dalawa ni Mahana dito sa may sala at kaagad ko siyang nilapitan upang komprontahin. "Juice?" Alok niya sa baso ng juice na kanyang hawak. Napabuntong-hininga ako ng malalim dahil kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. Umaakto pa rin siya ng normal samantalang ako, nilalamon na ng kaba knowing na alam na ng family ko ang tungkol sa kasal namin. "Pwede ba, magseryoso ka." Tinabig ko ng mahina 'yong kamay niya paalis sa harapan ko't tinignan siya ng masama. Sinimangutan niya ako at ipinagpatuloy ang pag-kain sa pizza na inihanda siguro ni Mama sa kanya. Langhiya! Wala talagang pakialam oh! "Ano ang sinabi mo kina Mama at tuwang-tuwa sila?" Tanong ko ulit at konti nalang ay sasabog na 'ko sa galit. Sinulyapan niya ako at matagal bago ito sumagot. Kanya na muna inilapag sa center table 'yong hawak niyang baso ng juice saka kumyha ng tissue para pamunas nito sa gilid ng kanyang labi. Pagkatapos ay tumingala ito sa akin at nainis talaga ako lalo dahil wala ni bahid ng stress o pamomoblema ang makikita sa mukha niya. "Sinabi ko na atat na atat kang mag-asawa kaya ikinasal tayo bigla last year nang hindi nila alam." Namilog ang mata ko sa gulat dahil sa sinabi nito. Muntik ko pa siyang masuntom sa isinagot nito sa akin pero malaking pagpipigil ang ginawa ko sa sarili ko dahil babae siya. "What? Bakit mo sinabi 'yon? Mukha ba 'kong atat, huh?" Agresibong tugon ko sa medyo mahinang boses dahil baka marinig kami nina Papa na nasa kusina lang. Nagkibit-balikat siya. "Ayaw nila akong paniwalaan na aksidente tayong naikasal ni Mayor Queja don sa bar non e kaya ayon, nagdahilan na lang ako. Gutom na 'ko kanina, mukhang hindi nila ako bibigyan ng meryenda kapag hindi ako nagsabi ng ikakatuwa nila kaya wala akong choice kundi sabihin na atat kang mag-asawa.." Napahilamos ako sa aking mukha dahil pakiramdam ko, wala na akong takas sa problema kong ito lalo na at pati itong si Mahana ay dadagdag rin. Ponyeta! "Bakit mo sinabi 'yon? Sana ipinagpilitan mo na lang na aksidente tayong ikinasal sa bar non.." "Ayaw nga nilang maniwala, anong magagawa ko? Kahit yata ipagsigawan ko sa mundo na hindi natin parehas ginusto 'yon, hindi nila papaniwalaan." Napansin ko sa mukha nito na mauubos na ang kanyang pasensya sa akin. Wow! Siya pa may ganang mainis ah. Kahit kailan talaga. Tangina! "What the.. Argh!" Napahilot ako sa aking sentido dahil sa inis na nararamdaman ko. Hindi ko na halos alam ang gagawin ko, dinagdagan pa ng babaeng ito. Tinignan ko siya ng masama pero ayon lang siya, nakatulala na kinakagat 'yong dulo ng kuko niya, animo'y walang problema. "Ano kasing masamang hangin ang nagtulak sa'yo at pumunta ka pa rito?" Inis na tanong ko. Sinulyapan niya ako. "Hihingi ng tulong sa parents mo, nagbabakasakali kasi ako na baka matulungan niya tayo na ayusin 'yong aksidentent kasal natin. Hindi ko naman inaasahan na imbes na magalit sila ay matuwa pa." Napamura ako ng malutong at napayukom ng kamao. Pigil na pigil ako na hwag siyang pagbuhatan ng kamay dahil babae siya. Hangga't kaya kong magtimpi ay gagawin ko. "Sana hinanap mo muna ako bago ka pumunta rito. Hindi mo alam ang ginagawa mo. Tangina! You making my life more miserable dahil dito sa ginawa mo." Nanlilisik na mata na tugon ko sa kanya. Nakipaglaban siya ng tingin sa akin, tumaas pa ng bahagya ang kanan niyang kilay. " Akala mo ba ikaw lang? Hindi ako matahimik dahil sa kasal natin kaya ako pumunta rito. Hello! Hindi ka ganon kaspecial para pag aksayahan ko ng panahon 'no. Mas matino kausap ang parents mo kaysa ikaw kaya hindi na ako nag-aksaya ng laway o oras para hanapin ka." "Anong akala mo, ikaw lang? Hoy! Pati ako, hindi mag-aaksaya ng oras para hanapin ka. Ano ka, gold?" Napabuntong-hininga ng malalim si Mahana at muli itong nagsalita. "Ano bang ikinagagalit mo diyan? Hindi ba pwedeng matuwa ka nalang kagaya ng reaksyon ng pamilya mo?" "Mama mo masaya!" Pasaring na tugon ko na ikinakunot ng noo niya. "Lovers, excuse me, halika kayo sa may garden.." Napukaw ang initan naming dalawa nang marinig ang boses ni Mama palapit sa pwesto namin. Umakto kaming normal na parang hindi nagbangayan. "Bakit, Ma, anong meron?" Tanong ko. Sasagot sana si Mama nang may kumuha ng atensyon naming lahat na paparating mula sa may main door ng bahay. At halos malaglag ang panga ko sa gulat pagkakita sa bulto ng taong 'yon. "My unica hijo'ng apo.." No way! Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko na niyakap ako ni Lola ng sobrang higpit. Kung gaano kalakas ang t***k ng puso ko kanina, mas lumala na ngayon. s**t! Wala na akong takas. "B-bat nandito kayo, La? Anong meron?" Nakaya ko pa ring itanong 'yon kahit sobrang obvious naman ang sagot kung bakit siya nandito. Napansin ko sa may pintuan na kararating lang din ng iba naming kamag-anak sa father side ko. Naroon sina tita, mga pinsan ko, at mga anak ng mga ito. Ni wala akong ideya kung bakit at anong meron ngayon. "Napasugod kaming lahat dito nang ipaalam nitong Mama mo na ikinasal ka raw last year. Aba! Dapat icelebrate natin 'yon dahil sa wakas ang nag-iisang lalaki na magpaparami sa angkan ng Arevalo ay may asawa na." Hindi ko alam ang reaksyon na gagawin ko sa sinabing 'yon ni Lola. Napatingin ako kay Mama na sobrang tuwa at konti na lang ay maiiyak na siya. s**t! Bakit ba nakalimutan ko na bukod kay Mama ay excited rin ang buong angkan ko na ako ay mag-asawa? Umalis si Lola sa pagkakayakap sa akin at linapitan niya si Mahana at winelcome kagaya ng ginawa nina Mama kanina. Ganon din ang ginawa ng mga kamag-anak namin. Batian doon, picture dito, iyakan doon. Sa aming lahat, ako lang yata 'tong hindi natutuwa sa mga nangyayari. "Matagal naming hinintay ang araw na ito, hindi na namin napigilan pa ang mapasugod dito para lang icongratulate kayong dalawa." Nasa mahabang lamesa kami dito sa may garden na ipinahanda ni Mama para sa gaganapin na salo-salo kasama ng mga kamag-anak namin, including Mahana. At kagaya ng inaasahan ko, tabi kami ni Mahana at kinakarir naman niya ang pagiging misis nito sa akin na ikinaiinis ko. "Kung nagsabi sana kayo sa amin last year, e sana kayo na ang may pinakamagarbong kasal sana sa buong mundo. Sa yaman ng pamilya natin ay hindi kami mag-aaksaya ng oras para magwaldas ng pera para maibigay ang engrandeng kasal na deserve nyo." Pagpapatuloy ni Lola. Sa sobrang badtrip ko, hindi ko na halos nagalaw pa 'yong pagkain na nasa plato ko. Napansin 'yon ni Mahana kaya pasimple niya akong siniko pero inirapan ko lamang siya. "Naku! Lola, hindi na po kailangan, ang mahalaga naman ay ikinasal kami." Patutsada ni Mahana kaya namilog ang mata ko sa gulat. "Huwag kang magsalita, pwede ba?" Pasimpleng bulong ko sa kanya dahil pakiramdam ko, napapalapit ako sa kamalasan kapag nagsasalita siya. "No, its okay, hija. Kaisa-isang lalaki na apo ko 'yang si Luis kaya kung kinakailangan na maging magarbo ang kasal niya ay gagawin ko talaga." Sagot ni Lola at napatingin ito sa akin. "Ngayon na may asawa ka na, Luis, napagdesisyunan namin ng Mama mo na bumukod ka na para matuto ka." Napakunot ako ng noo. "What do you mean, Lola?" Napatingin rin ako kay Mama na mukhang planado na nila ang lahat. Si Papa ang sumagot sa tanong ko. "Titira kayo ni Mahana sa condo mo para makapagsimula na bilang mag-asawa. Wala ka ng makukuha ni sentimo sa amin, lahat dapat mong pagtrabahuan para pamilya mo. Kailangan mong matuto na dumiskarte sa buhay dahil isa ka ng ganap na padre de pamilya." "What? Seriously? Magtratrabaho ako not for myself but for my....No way!" "You should, parte 'yan ng may buhay asawa, Luis." Napahilamos ako sa aking mukha. No way! Bukod sa ayaw kong magtrabaho, ayoko rin na makasama ang babaeng 'to sa iisang bahay. Ano na lang ang magiging buhay ko nito? s**t! Sinenyasan ko si Mahana na pigilan ang gusto nina Mama pero nairita lang ako lalo nong sinabi niyang... "Thank you, Ma, Pa, at Lola. Magandang ideya po 'yan para sa bubuuin naming pamilya ni Luis." Saka pa ito yumakap sa braso ko at napamura na lang ako sa loob-loob ko. Potangina! Imbes na tulungan ako ng babaeng 'to ay mas pinalala niya pa! Bwisit! "Kung magiging mabuting asawa ka rito kay Mahana, the reward you'ved been asking for, Luis, ay ibibigay ko..Promise 'yan.." usal ni Lola na nakapagpatigil ng mundo ko. Shit! My dream restaurant. What I'm going to do? Pangarap ko na noon pa man na magkaroon ng sariling restaurant at kaya iyon na ibigay ni Lola nang walang kahirap-hirap. Pero, bakit naman pagiging mabuting asawa ang kapalit nito? Anong gagawin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD