Chapter 26: Balik tanaw

1846 Words
"Mamang!" Napunta ang tingin ni Luis sa matandang babae na bagong dating lamang. Nakasuot ito ng pangbukid, at saktong nagtama ang kanilang tingin. Mukhang kilala rin siya ng ginang dahil pigil ang ngiti nito na inilahad ang kamay upang magmano si Mahana. "May kasama ka pala, nak." Ani ng ginang, tinutukoy si Luis na noon ay napaiwas na ng tingin. Sinundan ng tingin ni Mahana iyong titig ni Cynthia, ang kanyang mamang. "Ah, Luis, si Mamang ko pala, Mamang si...si Luis po." Kagat-labi na pagpapakilala ni Mahana sa kanyang bisita. Tumayo si Luis, ay walang kahirap-hirap na inilahad ang kamay nito upang makipagshakehands. Tinanggap iyon ni Cynthia na may ngiti sa kanyang mga labi. Matapos makipagkamay ay bahagya siyang napabulong kay Mahana. "Saan ka nakabili ng gayuma at kasama mo itong si Luis ha?" "Mang! Tumahimik ka." Suway nito. "Ah Luis, huwag kang mahihiya ah? Feel at home lang." Usal ng ginang. "Sige po." "Naku! Pasensya na, madumi ako, galing ako ng bukid e. Teka at magpapalit ako." Pagpapaalam nito at iniwan na ang dalawa sa may sala. "Mama mo?" Pagkuha ni Luis sa atensyon ni Mahana na noon ay nililigpit na ang kanilang pinagkainan. Napailing si Mahana. "Tita ko, kapatid ng mama pero para ko na siyang nanay." Paliwanag ni Mahana. "Iinom ka pa ba?" Tanong niya, itinaas nito ang ginamit ni Luis na baso. "Busog na ko. Thanks." Sagot nito. "Then, where are your biological mother?" Pagtatanong niya ulit. Napahinto si Mahana sa pagliligpit na kanyang ginagawa. Hindi niya inaasahan na sa isang iglap ay magkakainteres si Luis sa kanyang personal na buhay. Noon lamang nagtanong ang lalaki sa kanya patungkol sa kanyang pagkatao. "Ang dami mong tanong. Magpahinga ka nalang muna." Segunda ni Mahana, tumayo na ito habang hawak-hawak iyong mga kubyertos na kanilang ginamit. Sinundan ni Luis ng tingin ang babae na pumunta sa kusina upang ligpitin ang kanilang pinagkainan. Alam niyang may tinatago si Mahana sa kanya at kung ano man iyon ay hindi siya papatihimikin ng kanyang isip sa kuryosidad. Busy ang mag-anak sa paghahanda ng kanilang hapunan kaya naman naisipan ni Luis na magmunimuni muna sa likod bahay. Mainit din kasi sa loob kaya lumabas siya upang makalanghap ng sariwang hangin. Nakaupo siya sa bangko, nakaharap sa malawak na bukirin. Sinubukan niyang gumawa ng paraan para masundo siya nina Kenneth pauwi. Ayaw niyang magtagal roon. Mahalaga ang bawat segundo sa kanya, mas gugustuhin niyang igugol ang oras sa paghahanap ng lunas sa kanyang problema. Para makasagap ng signal ang kanyang hawak na selpon, itinaas niya ito sa ere para magsend ang kanyang text kay Kenneth. Pero ilang minuto na siyang nagtatry isend iyon ay wala pa rin, failed pa rin iyon na nasesend. "s**t! Magsend ka naman!" Pakikipag-away niya sa kanyang selpon. Sinubukan niya ulit na isend ito pero wala pa rin. "Mauuna ka pa yatang mamatay bago masend 'yan." Pagsulpot ni Mahana sa kanyang likuran. Umusog siya ng konti nong maramdaman niya na tumabi ng upo si Mahana. "What do you mean?" "Walang signal dito." Sagot ni Mahana. "What?" "Oum, sa bayan lang meron." "The f**k! Argh!" Muntik maihagis ni Luis ang hawak na selpon dala ng inis. Napabuntong-hininga siya ng malalim at napamura sa loob-loob niya. Masyado na siyang paborito ng kamalasan kung kaya't sunod-sunod na. "Sino ba kasi 'yang katext mo?" Tanong ni Mahana. Sinubukan niyang silipin iyong selpon ni Luis pero mabilis niya itong iniilag palayo. "None of your business." Pagsusungit nito. "Naku! Ang sabi ni Lola, mag-enjoy ka daw dito. Isantabi mo nga muna 'yang selpon mo. Paano mo maappreciate yong ganda ng lugar namin kung nakatunganga ka dyan." Masamang tingin ang itinapon niya sa dalaga. "Hindi mo ba nakikita, I want to go home. I can't survive here." "Kaya mo, maarte ka lang." Patutsada ni Mahana. Tumingin siya sa malawak na bukirin at saktong palubog na ang araw. "Nasa malapit na nga lang 'yong tunay na maganda, hindi mo pa nakikita." "What?" "'Yong sunset. Ayon oh." Tinuro niya ito ng bahagya. "Hindi mo kayang iappreciate yong mas malapit sa'yo kasi nakafocus ka lang sa malayo." "Tungkol pa rin ba 'yan sa sunset?" Tanong ni Luis. Nagtataka siya ng sobra sa mga sinasabi ni Mahana. Alam niyang may pinaghuhugutan ito at kung ano man iyon ay may idea siya. "Haha! Syempre, ano ba iniiisp mo?" Nakangising usal ni Mahana. Napailing-iling si Luis sa kakaibang ngisi ni Mahana. "I don't think so. Kakaiba 'yang pananalita mo." "'Yan tayo e, mahilig mag-assume." Tugon ni Mahana na sinundan niya ng mahinang pagtawa. "Tsk! Ganyan na ganyan ang style mo nong highschool tayo." Pagbabalik tanaw ni Luis. "Ah, ayaw mo sa hugutera kaya nireject mo 'ko non?" Tanong ni Mahana, natawa pa siya nong una pero noong magtama ang tingin nila ni Luis ay napaiwas siya ng tingin. Ayaw niyang isipin nito na affected pa rin siya sa pangrereject nito sa kanya. Napatayo si Mahana sa sobrang hiya, napakamot siya ng ulo at hindi na siya makatitig ng diretso kay Luis. "Ano, tara na sa loob, malamok na dito baka kagatin kita... Este kagatin ka nila." Napapikit siya sa inis sa kapahamakan na ginawa ng kanyang bibig. Narinig niya ang pasinghal ni Luis na kasunod non ay pagtawa. Gusto niya tuloy sampalin ng malala ang kanyang bibig sa maling nasabi nito. Nauna na siyang naglakad at sinundan naman siya ni Luis. Sakto na naghahain na ang kanyang Mamang at kapatid nito na si Megan. "Kain na tayo." Anyaya ni Cynthia sa kanila. "Luis, maupo ka na at kakain na. Ipinagluto kita ng mga paborito mo." Masiglang tugon ng ginang. "Charan! Chicken curry!" Ipinakita nito ang tupper ware kung saan may laman na chicken curry. "Paano niyo po nalaman na paborito ko ang chicken curry?" Nagtatakang tanong ni Luis sa ginang na noon ay sinasalinan na siya ng ulam sa plato nito. "Alam mo naman na patay na patay yang babaeng yan sayo noon. Palakwento yan noon tungkol sayo e kaya halos alam namin lahat ng ayaw at gusto mo. Alam ko na nakakakita ka lang ng lutong kalabasa ay nasusuka ka na, hindi ba? Hindi lang 'yon, may tattoo ka daw dyan sa dibdib mo, sa kaliwang banda." Pagdadaldal ng ginang na may kasamang pagtawa. Laking gulat ni Luis na kilala pala siya ng pamilya ni Mahana. Hindi naman nakapagtataka dahil totoo ang sabi ng ginang na patay na patay ang dalaga noon sa kanya. Ultimo mga paborito nitong pagkain, mga ayaw nito ay pati direksyon ng tattoo ay alam niya. Patagong natawa si Luis nang makita ang mukha ni Mahana na nahihiya sa pagiging madaldal ng kanyang Mamang. "Mang!" Suway nito dahil nahihiya na siya ng sobra. "Oh, bakit? Totoo naman, 'di ba?" "Oo na, Mang. Sige na tama na." Napatakip si Mahana ng mukha dahil sa hiya. Pinagtawanan siya ni Megan. "Si Manang parang 'di naihi sa kilig nong nagkwekwento." Sabat ni Megan, pinagdilatan siya ng kanyang Manang ng tingin at muntikan pa nitong ihagis ang hawak na kutsara. "Megan, tumahimik ka na. Tatamaan ka talaga sa'kin kapag 'di ka tumigil dyan." Pagbabanta niya sa kanyang kapatid. Maraming alam ang mga ito patungkol sa pagiging stalker niya kay Luis noon. "'Buti nabuhay ka pa?" Nakangising usal ni Luis, tinapunan niyanng tingin si Mahana na nasa kanyang tabi na noon ay gusto ng magpalamon sa lupa dahil sa hiya. "Huh? Nabuhay saan?" "E 'di ba nga, patay na patay ka sa'kin non?" "Psh! Ikain mo na nga lang 'yan. Isa ka pa e." Pinagtawanan na lamang siya ni Luis. At kahit nasa kalagitnaan na sila ng pag-kain ay hindi pa rin maalis ang asaran patungkol sa pagiging ultimate stalker ni Mahana noon kay Luis. Kahit na tignan niya ng mapagbantang tingin ang kanyang Mamang at Megan ay hindi pa iyon naging sapat upang tumigil ang mga ito. Napuno ang tawanan sa dining table dahil sa mga pagkwekwento ng dalawang bully na si Cynthia at Megan. Halos lumuwa na ang mga mata ni Mahana kung pagdilatan niya ang dalawa na tumigil na. Tamang kinig nalang din ang ginagawa ni Luis. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nagkainteres sa pagiging stalker noon ni Mahana sa kanya. "Paniwalang-paniwala ka naman sa mga kinukwento nila." Usal ni Mahana na noon ay inaayos na ang mga kubyertos na kanilang nagamit. Walang magawa si Luis kaya tinulungan nalang niya ang dalaga. "Why not? Alam naman kasi nating lahat 'yong kabaliwan mo non." "Psh! Ang tagal na non." "Bakit, nakamoveon ka na ba?" Natigilan si Mahana sa tinanong ni Luis. "Malamang! Sinong tanga naman ang susubok ulit tumaya sa isang kagaya mo na mapili sa babae?" Inirapan niya pa ng bahagya si Luis. Natawa ang lalaki. Hindi niya inaasahan na ganoon pala ang epekto ng ginawa niyang pangrereject kay Mahana noon. "Maligo ka na don, tutulungan ko lang sina Mamang dito sa kusina." Utos niya kay Luis. Itinuro niya kung saan ang banyo at kaagad na sinunod ng lalaki ang kanyang utos. Pagkarating niya sa kusina ay kaagad niyang tinalakan ang kanyang Mamang at si Megan. Inamin ng dalawa na sinadya nilang gawin iyon para makita ang reaksyon ng lalaki. "Sus! Halata naman na kinikilig siya kanina e." Segunda ni Megan, siya ang naghuhugas ng kubyertos sa may lababo nila. "Kaya nga, huling-huli. Feel ko, nagsisisi yon na nireject ka." Komento naman ng kanyang Mamang. "Ang OA, Mamang. Paano magsisisi 'yon e may hinihintay nga 'yon." Parehas na nagulat si Mamang at Megan. "Ha? Sino?" "Si Misty, yong model na halos tatlong taon na daw niyang nililigawan." Pagkwekwento ni Mahana. "Tatlong taon? Ang tiyaga naman niya." Usal ni Megan na sa chismisan ay sobrang alerto siya. "Meaning, hindi pa sila? E bakit daw?" Tanong ni Mamang. Nagkibit-balikat si Mahana na nakanguso. "Ewan, basta ang alam ko, priority nong girl ang career niya e itong si boy, willing to wait naman daw." "Sana may maantay siya, sa mga ganong klase ng babae, wala kang aasahan don. Kasi kung talagang mahal ka ng isang babae, bakit ka niya paghihintayin ng matagal, hindi ba?" Suhestiyon ni Megan. "May priority nga." Depensa ni Mahana. "Bahala sila, basta ako, gawin mo lahat para mapaibig mo si Luis ah." Kumindat ng bahagya si Mamang. Hindi nila alam na natapos na si Luis sa pagligo at naroon siya sa gilid nakikinig sa kanilang usapan. "Maiba nga tayo, 'yong tungkol sa inamin mo noon sa'kin, ano, kumusta na?" Pag-iiba ni Mamang sa usapan. "Eto, nagpapanggap pa rin." "E kailan mo balak tapusin 'yan? Anak, mahihirapan ka kapag pinalala mo pa. Kaya hangga't maaga pa, ihinto mo na. Makukuha mo naman yata 'yon ng walang nilolokong tao, hindi ba?" Paalala ng ginang. Kaagad sumilay ng pagtataka ang isip ni Luis sa kanyang narinig. Wala siyang ideya sa pinag-uusapan ng dalawa. Ang alam niya lang ay itong pagpapanggap nilang dalawa ni Mahana bilang mag-asawa. "Mang, konti nalang, ihihinto ko na. Kinakailangan ko lang talaga gawin 'to para may magamit ako sa pagpunta ko ng abroad. Konti nalang at ihihinto ko na din tong kasinungalingan ko." Usal ni Mahana na tumatak ng malala sa utak ni Luis na nagdulot sa kanya ng malaking kuryosidad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD