"Hindi ka pa pwedeng mamatay, hindi pa ako nakakaganti sa'yo."
Natawa na lamang si Mahana sa narinig niyang usal ni Luis noong kinukulit siya nitong sabihin ang kanyang sakit dahil sa walang humpay na katanungan kung para saan ang gamot na iniinom nito.
"Psh! Akala ko pa naman concern ka sa health ko. Hmp." Nagkunwaring nagtatampo na tugon ni Mahana, kanyang ipinagpatuloy ang pagtutupi na kanyang ginagawa sa mga damit na nilabhan ni Luis kaninang umaga.
Hindi siya tinantanan ng lalaki hangga't hindi nakukuha ang kasagutan na hinihingi niya. Parang may sili ang pwet ni Luis dahil hindi siya makapirmi sa kinauupuan. Nakailang kalabit at panunuyo na siya kay Mahana para lang pagbigyan siya nito.
"So, para saan nga 'yon? Doctor's prescribed ba 'yon? Nakakahawa ba yang sakit mo? Nakakamatay? Ilang years ka pa daw mabubuhay?" Sunod-sunod na tanong ni Luis.
Nakakunot-noo si Mahana sa pagiging overacting ni Luis.
"Ang OA ah." Inirapan niya ang lalaki.
"Para saan nga kasi? Kanina pa 'ko nagtatanong, hindi mo naman ako sinasagot e." Iritableng mungkahi ni Luis. Makikita na sa mukha nito ang inis.
"Bakit ba concern ka? Crush mo 'ko 'no?" Gumalaw taas-baba ang kilay ni Mahana ng bahagya.
Nandidiring tingin ang itinapon ni Luis sa kanya. "Kadiri!"
Natawa si Mahana sa naging reaksyon ng lalaki. Hindi niya inaasahan na may ganoong side pala si Luis. Nasanay siya sa palaging galit, nakabusangot, iritable, at hindi iyong concern sa ibang bagay katulad ng kanyang kalusugan.
"Sige na, aamin na 'ko." Pagsuko ni Mahana.
Kaagad umayos si Luis ng upo sa pang-isahang bangko, atat na atat siyang malaman ang kasagutan sa likod ng gamot na iniinom ni Mahana.
Para siyang bata na naghihintay bigyan ng kendi sa pagiging interesado nito.
"Ang gamot na 'yon ay para sa pempem ko." Usal ni Mahana.
Nakakunot-noo si Luis dahil hindi niya inaasahan ang naging sagot ni Mahana.
"What about your...uhmm...down there?" Itinuro niya pa ng bahagya ang baba para iparating na ang tinutukoy niya ay iyong pribadong parte ng kanyang katawan.
"Lapit ka, ibubulong ko." Sumenyas si Mahana na lumapit si Luis sa kanya. Kaagad na sumunod si Luis dahil uhaw nga siyang malaman ang katotohan.
Ipinuwesto ni Luis ang kanyang teinga malapit sa bunganga ni Mahana. Sa kabilang banda, natatawa na si Mahana sa pagiging uto-uto ng lalaki. Hindi niya alam na ganon pala kadaling utuin ang isang dakilang playboy na si Luis.
"Ano, dali na, sabihin mo na." Singhal ni Luis.
"Ang gamot na 'yon ay para sa pempem ko.." pambibitin ni Hana.
"Oo sa pempem mo nga, o ano? Anong benefit nyan sa kwan mo ba kasi? Nambibitin pa kasi e." Iritableng tugon ni Luis na paubos na ang kanyang pasensya.
"Nagpapalaki ako ng mani."
Nagpakawala ng malakas na tawa si Mahana matapos sabihin ang kabalastugan na kanyang naisip isagot kay Luis. Samantala, masamang tingin naman ang itinapon ni Luis sa babae.
"Tangina! Ang baboy mo." Nandidiring singhal ni Luis, napaatras sya palayo sa gawi ni Hana na noon ay namamatay na sa pagtawa. "Kahit kailan talaga puro ka kamanyakan. Dyan ka na nga."
Nilayasan na siya ni Luis dala ng inis. Nakailang tawag si Hana sa kanya pero hindi siya nag-aksaya ng panahon para lingunin ito dahil naiinis siya ng sobra. Nagsisisi siya tuloy na nagtanong. Nanahimik na lamang siya para hindi nakatanggap ng walang kwentang sagot mula kay Mahana.
-
"Anak ng tokwa naman. Mas nauna pa tayong gumising sa manok, Hana. Saan ba kasi tayo pupunta?" Reklamo ni Luis.
Maaga siyang ginising ni Mahana dahil pupunta sila ng bukid. Alas singko pa lamang kasi iyon ng umaga at madilim pa halos ang buong paligid. Hindi pa nakakapag-alis ng muta at nakakapaghikab ng maayos si Luis ay pinagayak na siya ni Mahana.
"Mamimitas tayo ng gulay para may maibenta mamaya." Sagot ni Mahana. "Oh, 'yan ang suotin mo para 'di ka mangati." Iniabot niya ang long sleeve na damit kay Luis at iniutos nito na iyon ang kanyang isuot.
"Mamitas ng ganto kaaga?"
"Mas mainam kasi yong ganto pa kadilim para hindi mainit." Nagsimula ng maglakad si Mahana at nakasunod naman si Luis sa kanya na nagdadalawang-isip kung sasama ba sya o hindi.
"Pocha! E ang aga pa e. Malamang, tulog pa ang mga insekto don."
"Hindi ka lang sanay. Tara na. Nandon na sina Mamang, baka inaantay na nila tayo don."
Walang nagawa si Luis kundi ang pilitin ang mga paa na ihakbang para pumunta ng bukid ng ganoon kaaga. Mga ilang minuto ang nilakad nila bago tuluyang nakarating sa medyo malawak na taniman ng gulay nina Mahana.
"Oh, nandito na pala kayo." Salubong ni Mamang sa kanila. "At kasama mo pa ang pogi kong manugang ah." Napansin niya si Luis na hawak ang mga dalang basket.
"Gusto niya daw maexperience pumitas, Mang, kaya isinama ko na. Tsaka, ayaw mahiwalay sa'kin 'to e. Mahal na mahal ako." Patutsada ni Mahana.
Ikinagulat naman ni Luis ang kanyang kasinungalingan. "Tangina! Feelingera."
Nagpahinga muna sila saglit bago sinimulan ang pamimitas ng mga gulay kagaya ng talong, sitaw, ampalaya, upo, at marami pang iba na maaari nilang ibenta sa palengke.
Nakatoka sina Mahana at Luis sa pamimitas ng talong. Tinuruan ni Hana si Luis kung paano ang tamang pamimitas ng non. Interesado din pala si Luis kaya ang ending ay na-enjoy niya din ang pamimitas.
"Hana, tignan mo ang laki ng talong ko oh." Itinaas bahagya ni Luis ang talong na kanyang napitas. Ipinakita niya ito kay Mahana na noon ay iba na naman ang kanyang nasa isip.
Napangisi si Hana sa kanyang malikot na pag-iisip. "Naks! Ang laki naman ng talong mo." Napakagat labi pa ito ng bahagya.
Napansin iyon ni Luis at doon niya lang napagtanto ang kanyang sinabi na naging dahilan para madelulu si Hana. Dumagdag pa doon ang pasulyap-sulyap ni Mahana sa kanyang gitnang bahagi ng katawa, sa bandang maselan.
"'Tong napitas ko ang tinutukoy ko ah."
"Bat ang defensive mo? Hahah! 'Yang pinitas mo naman ang tinutukoy ko e." Natatawang tugon ni Mahana.
"Psh! 'Yang mata mo, sobrang likot. Ang manyak talaga." Napailing-iling si Luis pagkatapos ay nilayasan na lamang niya si Mahana at kanyang dadalhin ang napuno na nyang basket sa may kubo.
Matapos nilang mamitas ng mga gulay ay umuwi na sila. Sakto na sumilip na rin ang haring araw. Pagkarating nila ng bahay ay kaagad nag-asikaso sina Mamang at Hana ng kanilang umagahan. Samantalang si Luis ay nagpaalam na maliligo dahil ramdam niya ang kati sa buo niyang katawan.
"Luis, sasama ka mamaya ah?" Pagkuha ni Mamang sa kanyang atensyon habang sila ay nasa hapag-kainan.
"Sige po, saan po ba?"
"Sa palengke, ibebenta natin lahat ng napitas natin." Sagot ng ginang.
"Sure, no problem po."
Ayaw sanang sumama ni Luis pero may isang magandang ideya siyang naisip na alam niyang makakapagresolba ng kanyang problema. Habang inaayos nina Mamang at Hana iyong mga dadalhin nila sa palengke na may gulay ay abala naman siya doon sa kwarto upang planuhin ang binabalak niyang pagtakas.
"Hana told me na walang bus dito papuntang Manila, lahat 'yon nasa bayan. So, this is the perfect timing since pupunta kami ng bayan ngayon, habang abala sila sa pagtitinda mamaya, kunwari naiihi ako pero I will grab the opportunity para pumunta sa sakayan ng bus. After that, sasakay ako then problem solved, nasa Manila na 'ko. Yeah, tama, tama. I need to fix my things now."
Inilagay ni Luis ang kanyang wallet sa bulsa nito pati na rin ang kanyang selpon. Pero habang nag-aayos siya ng gamit ay may naisip siyang problema.
"Wait, if dadalhin ko 'tong bag ko, magdududa sila, malalaman nila na may intensyon akong tumakas. Yeah right. So, i guest, iiwan ko nalang ang bag ko dito, marami pa naman akong brander na damit sa bahay kaya hindi masakit sakin na maiwan tong mga 'to dito. Tama. Damn! Ang talino mo talaga Luis." Pakikipag-usap niya sa kanyang sarili.
Ibinalik niya sa gilid iyong maleta niya dahil hindi na niya iyon madadala pa. Hindi kawalan sa kanya kung maiiwan ang kanyang mga gamit dahil mas importante na makabalik siya ng Manila at matakasan si Mahana.
"Ang importante ay may wallet ako at selpon." Chineck niya kung nalagay na niya ba sa kanyang bulsa iyong wallet nito at selpon. Nakahinga siya ng maluwag noong mapagtantong ready na siya sa kanyang pagtakas mamaya.
"Luis, tara na." Nabalik siya sa katinuan noong kumatok si Mahana sa may pintuan ng kwarto na kanyang kinaroroonan.
"Andyan na."
Pinakalma niya muna ang sarili bago tuluyang lumabas ng kwarto para hindi kahina-hinala ang kanyang mga kilos.
"Yes! Here we go! See you in a bit Manila."