LUIS'S POV
"Yeah! Inom pa! Magpakalasing tayo ngayong gabi..."
Walang kahirap-hirap ko na itinungga ang bagong bukas na wine na kinuha ko mula sa cabinet ng condo ko. Oo, nandito kami sa condo ko, hindi dahil nagtitipid kami kundi dahil dito mas komportable kaming uminom, iwas pa sa gulo.
Kumuha rin ako ng ilang plato dahil sakto na kararating din ng inorder kong pulutan namin sa isang fastfoodchain. I was with my friends, Kenneth and Chris, Rhaiven's presence is absent, as usual. Dinadamdam niya pa rin hanggang ngayon 'yong pagkawala ni Haila sa kaniya. Although, hindi naman namin siya masisisi kung bakit ganoon katagal siya magmoveon.
After our graduation, wala na yata kaming ginawa kundi ang icelebrate ang achievement na nalagpasan namin ang college life. Almost one month na rin mula nong grumaduate kami. And yes, hanggang ngayong nagcecelebrate pa rin kami. Ganito kami kasaya na sa wakas ay mga degree holder na kami.
College life is one of the worst part of my life as a student. Hindi naman ako bobo, sadyang nakakalusaw lang ng braincells sa dami ng gagawin. Kaliwa't kanang ipapasa. Reporting doon, exam at quiz dito, roleplay dito, sayaw diyan. Hays! Basta ang dami kaya deserve naming magsaya ng matagal dahil after this, back to normal na naman. Well, we don't have any plan yet.
"Uy! Teka lang, wala pa si Rhaiven e. Hintayin muna natin," suhestiyon ni Chris habang abala na nagpipindot sa kanyang selpon. Malamang ay sinusubukan niyang tawagan si Rhaiven.
"Kailan pa sumipot sa inuman ang kumag na 'yon? Malamang, nandon na naman siya sa kwarto non, nagmumukmok."
Matapos kong mailapag ang pulutan namin sa center table ay tumabi na ako kay Kenneth na naroon sa sofa nakaupo, abaal rin ito sa pagtitipa sa kanyang selpon. Siniko ko siya ng mahina para makuha ang kanyang atensyon.
"Pumunta ka ba dito para mag-inom o para magselpon?" Inis na tugon ko sa kanya.
Napangisi siya at bahagya pang natawa. "Selos agad e, tinitignan ko lang kung binati na 'ko ng crush ko."
"Ulul! Kung may balak man siyang batiin ka, sana nong araw mismo ng graduation natin. Umaasa ka talaga na babatiin ka non, e isang buwan na mula nong grumaduate tayo e."
Nakatanggap siya ng mahinang sapok mula sa akin.
" Malay natin, batiin niya ako ng belated."
"Alam mo ikaw, sabog ka lang. Uminom na lang tayo at icelebrate tong achievement natin." Ginulo ko pa ng bahagya ang kanyang buhok bago itinapon kay Chris ang atensyon ko. "Hoy! Chris, ano inom na tayo, tama na 'yang selpon. Kahit anong gawin mo, hindi mo malalason ang utak ni Rhaiven kaya hayaan mo na siya."
Tumayo ako at mahinang inihagis kay Chris iyong bote ng alak. Nasalo naman niya ito at walang kahirap-hirap na binuksan gamit ang kanyang ngipin. Nagsiupo na kami sa pang-isahang sofa at nasa gitna namin ang table kung saan nakalapag ang mga pulutan namin.
"Ano ng balak niyo sa mga buhay niyo? Graduate na tayo kaya dapat may mga plano na tayo sa buhay."
Napunta ang tingin namin kay Kenneth nong mag-open siya ng bagong topic. Natawa pa nga kami ni Chris ng bahagya dahil hindi kami sanay na seryoso siya.
"Anong nakakatawa sa sinabi ko?" inis na singhal ni Kenneth sa aming dalawa ni Chris na pilit nagpipigil ng tawa. Kung nandito lang si Rhaiven, malamang pinaulanan na niya ng asar itong si Kenneth.
"Ang seryoso mo naman masyado e, dinaig mo pa may asawa. After natin makawala sa academic stress, gagawa ka na naman ng bago. Hindi ba pwedeng magrelax muna tayo, hmm?" patutsada ko.
"Pre, kailangan na natin magsettle sa mga bagay-bagay. Hindi naman habambuhay na nakadepende tayo sa mga magulang natin e." Depensa ni Kenneth kaya parehas kaming napakamot ng ulo ni Chris.
"Hay naku! Nanenermon na naman ang pastor sa barkada." Pasaring ko kaya nagtawanan kami.
Hindi na bago sa amin na matured mag-isip at magsalita itong si Kenneth. Naging open lang naman siya sa mga bagay-bagay simula nong nawala si Haila. May mga pagkakataon naman na nakakatawa pero mas maraming pagkakataon na hindi siya nakakatuwa, kagaya ngayon.
"Naiintindihan ka namin, Ken, pero kasi, ayaw pa namin magsettle e. Hindi naman porket ayaw pa namin ay nakadepende na kami palagi sa mga magulang namin. Pupunta rin kami diyan, not now but in the right time."
Sinang-ayunan ni Chris ang sinabi ko. "I agree to him... teka nga, bakit ba atat na ata kang magsettle ha? Kating-kati ka na ba mag-asawa, huh?"
Naibuga ni Kenneth ang iniinom niyang alak dahil sa sinabi ni Chris. Napuno ng tawanan ang pagitan naming tatlo dahil sa naging reaksyon nito.
"Wow! Gusto lang magsettle, mag-aasawa agad? Hindi ba pwedeng to secure my future lang?" Depensa nito.
"Secure mo mama mo! Paubos na nga pera mo sa bangko, may gana ka pang magsettle ah."
Nagtawanan kami at nagsilagok ng alak pagkatapos ay muli na namang nag-open ng panibagong topic itong si Kenneth. Kahit papaano ay may sense rin ang mga sinasabi ng kumag na 'to e.
"Speaking of asawa, do you have any plan?" Nakangising tanong nito.
"Basta ako, anytime ready akong yayain si Jaime mylabs ko." Mayabang na tugon ni Chris. "Kayo ba?"
"Ulul! Parang 'di ka naman aware na 'di ako crush nong crush ko." Depensa ni Kenneth at kumurot sa manok na pulutan namin.
"E ikaw, Luis?"
"Anong ako?"
"Sus! Sa ating lahat, ikaw 'tong never nagkaroon ng girlfriend."
"Ops! Baka nagkaroon pero hindi sinasabi sa atin.." sabay kindat pa ni Kenneth. Ibinato ko sa kanya 'yong tansan na hawak ko at mabuti nakaiwas siya dahil kung hindi baka tumama 'yon sa pagmumukha niya.
"Hoy! Ultimo pag-utot ko alam niyo, sa usapang babae pa kaya. At kailan pa ako nagtago ng sikreto sa inyo, hmm?"
Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa at sabay silang nagkibit-balikat.
"Right now, I want to be free. I don't want someone to control me in things. Now that I don't want to settle down in life, I want to do everything I want, I want to explore anywhere I want without anyone stopping me." Seryosong tugon ko.
"E paano si--"
"Parehas pa naman namin ayaw magsettle e. Busy pa siya sa career niya kaya mag-aantay ako hanggang sa maging ready siya. Darating din kami sa puntong 'yon, hwag kayong excited baka mausog."
Iyon na ang plano ko bago pa maganap ang graduation namin. Ang dami ko ng planong puntahan, gawin, at tignan. Sa sobrang dami non ay tiyak mauubos lahat ng perang naipon ko. I want to create a memorable days in my life bago ako magsettle para sa kinabukasan ko, namin ng pinakamamahal ko.
"Alam mo kung sino ang pipigil sa'yo?"
Kunot-noo kong tinignan si Kenneth.
"Sino?"
"Mama mo."
Nagtawanan silang dalawa ni Chris maliban sa akin. Nag-apir pa silang dalawa na animoy tuwang-tuwa sa pangdodogshow nila sa akin.
"Tangina mo! Huwag kang kukurot ng pulutan ah!" Bahagya kong inusog palayo sa kanya 'yong plato ng manok.
"Parang nagjoke lang e." Napakamot siya sa kanyang ulo.
After ng dogshowan ay nakatanggap kami ng text mula sa mga batchmates namin na may gaganapin na party sa bar. Kaya na uhaw na uhaw sa alak ay pumaroon kahit nahihirapan na kaming maglakad dala ng kalasingan.
Naabutan namin ang mga batchmates namin na animoy mga zombie sa sobrang kalasingan. Palibhasa, pare-parehas kaming nagcecelebrate pa rin kahit one month na ang nakakalipas after ng graduation namin.
That night was so fun! Inuman doon, sayawan dito. Nilunod ko kumbaga ang sarili ko sa alak. Ni hindi ko na nga tinatawag na Mayor 'yong papa ni Jade na kasalo namin. Hindi ko namamalayan ang oras at naiwan na ako roon kasama sina Jade and friends. Sina Kenneth at Chris ay hindi na mahagilap ng mata ko. Sa sobrang kalasingan, hindi ko na halos magawang tignan ng mabuti kung sino ang babaeng nakatable ko. may ririnig akong mga boses na napapasagot ako kahit hindi naman klaro sa pandinig ko.
"Oo naman ako pa."
Naramdaman ko na inalalayan nila akong na magsulat, ewan kung ano 'yon. Basta ang alam ko, naglalaro kami. Pare-parehas kaming lasing at wala sa matinong pag-iisip ng mga kasama ko. Kahit na ganon ay nag-enjoy ako, lalo na noong naramdaman ko na may labing dumampi sa labi ko. Sa sarap non ay mapusok ko na hinalikan pabalik ang taong bumuhay sa walang muwang kong pag-iisip. At bago pa kami tuluyang makagawa ng milagro ay may taong humila sa akin palayo.
"Congratulations! Mr. and Mrs. Arevalo."
Hindi naging klaro sa akin ang huling sinabi ni Mayor dahil tuluyan na akong nawalan ng malay dala ng sobrang kalasingan.