"Tangina! 'Di pa sinabi kung sino e. Papatayin pa 'ko sa pag-iisip."
Nag-uusok na reklamo ni Luis matapos mabasa iyong sulat na kanyang natanggap mula may Jade. Padabog niyang ibinaba sa center table iyong papel at napasandal sa kanyang kinauupuan. Sa labis na inis ay nakaramdam siya bahagya ng kirot sa ulo kaya napahilot sya sa kanyang sentido.
"Bakit, anong sabi?" Kuryosidad na tugon ni Mahana. Hindi nya nabasa iyong nilalaman ng sulat kanina dahil nakaharang ang ulo ni Luis.
Wala siyang natanggap na sagot mula sa lalaki kaya naman kinuha ni Mahana iyong papel at kanyang binasa ang nilalaman nito.
Mag-ingat ka sa mga nakapaligid sa'yo dahil hindi lahat sayo ay totoo.
-jade
"Ke laki-laki ng papel tapos yan lang sinulat niya?" Iritableng tugon ni Mahana. Sinilip niya pa sa likod ng papel, nagbabakasakali siyang may nakasulat pa doon pero wala na talaga. Tanging sa harap nito na ang may sulat, kakarampot pa.
"Argh! Sino ba kasi ang mga potanginang tinutukoy niyang traydor sa paligid ko?" Ani Luis habang napapikit na bahagyang hinihilot ang kanyang sentido dahil nastress na siya ng malala. "Marunong naman siya siguro sa spelling pero bakit hindi niya magawang isulat nalang ang pangalan nito."
Ganoon din ang naiisip ni Mahana. Maski siya ay nakukuryo ng sobra kung sino iyong tinutukoy ni Jade na traydor. Kagaya ni Luis, sumasakit na rin ang ulo nito sa sobrang pag-ooverthink.
"Hindi kaya tinatakot siya ng kung sino man 'yong mastermind ng kasal natin kaya hindi niya masabi ng diretso?" Segunda ni Mahana, napatingin si Luis sa kanya at inalis ang kamay na humihilot sa kanyang sentido kanina.
Napatayo si Luis, napahawak siya sa magkabila nitong beywang at napaisip sa sinabi ng babae. "Ang tanong, sino 'yong mastermind? Anong nagawa ko sa kaniya o sa kanila para gawin nila sa'kin 'to?"
Napakibit-balikat si Mahana. Napapaisip tuloy siya kung bakit nadamay siya sa gulo na si Luis lang sana ang involve.
"Alalahanin mong mabuti lahat ng kinaaway mo, Luis, baka isa sa kanila 'yong mastermind." Suhestiyon ng babae.
Napailing-iling si Luis. "Hana, malapit sa akin 'yong mastermind, 'yon ang sinabi ni Jade. Wala siyang pinangalanan basta ang sabi, nakapaligid sa akin. Hindi naman ako ganoon kafriendly e, mapili ako sa kaibigan lalong-lalo na sa taong pagkakatiwalaan ko. Pwedeng kaibigan o maski kapamilya ko 'yong mastermind."
"Pwes, sino?"
"Hindi ko alam." Napasuntok si Luis ng mahina sa pader na malapit sa kanya. Nagulat pa roon si Mahana kaya halos tumalon ang kanyang puso. At kapag ganoon na nag-uusok si Luis sa galit dahil sa problema nila, nakakaramdam siya ng kakaibang takot. Ang takot na iyon ay tanging kalmadong presensya lamang ni Luis ang makakahinto.
"I really need to go back to Manila as soon as possible. Hindi ko na kayang patagalin 'to. Kating-kati na akong malaman kung sino 'yong mastermind sa letcheng kasal na 'to. Humanda sila sa'kin." Nagbabantang boses na usal ni Luis habang nakatingin sa malayo. Nakayukom ang kanyang mga kamao sa galit na handang-handa na itong sumuntok.
Napalunok na lamang si Mahana sa takot. Wala siyang ipinagdadasal nong oras na iyon kundi ang mapakalma si Luis dahil natatakot na siya. Sa paraan ng pananalita nito, sa paraan ng pagyukom ng kamao niya at paggalaw ng panga nito ay halos kumalawa na ang kaluluwa nito sa takot.
-
"Ang init-init, saan ba tayo pupunta?" Nakangusong reklamo ni Luis habang nakasunod sa nagmamadaling Mahana. "Bakit tayo nandito sa palengke? Magbebenta pa tayo? Wala naman tayong napitas kanina ah, bakit tayo nandito?"
"Sumundo ka nalang." Maikling sagot ni Mahana. Walang nagawa si Luis kundi ang sundan na lamang siya.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na sila sa terminal ng jeep. Mabibilang sa kamay ang bilang ng mga nakaparadang jeep roon na nag-aantay ng mga pasahero na sasakay. Kaagad na may sumalubong sa kanila na isang medyo matipunonf lalaki.
"Pasensya na, Kuya, natagalan kami." Panimula ni Mahana. "Siya nga pala Luis, 'yong sinasabi ko sa'yong masipag, Kuya. Kayang-kaya niyang gawin 'to, sisiw lang sa kanya 'to." Pagmamayabang na pagpapatuloy ni Mahana.
"Hey! What I'm going to do here?" Kinalabit ni Luis ang braso ni Mahana upang tanungin kung ano ang gagawin nila roon.
Ngunit wala siyang natanggap na sagot mula sa babae. Patuloy siyang nakipag-usap sa jeepney driver na sumalubong sa kanila kanina.
"Oh siya, pwede na siyang magsimula ngayong araw." Anunsyo ng lalaki.
"What? Hey? What I'm going to do here? Hana?" Nagtatakang usal ni Luis noong senyasan sya ng lalaki na makakapagsimula na siyang magtrabaho sa araw na iyon.
Tinapik niya si Mahana na tapos ng makipag-usap sa lalaki.
"Magtawag ka ng pasahero."
"What the hell?"
-
"Payas! Payas! Kasya pa ang tatlo. Ate, sakay ka na, kasya ka pa." Senyas nya sa babaeng may dala-dalang bayong na mukhang katatapos lang nito na mamalengke. Tinulungan niya itong dalhin sa loob ng jeep ang kanyang mga dala. "Usog lang po ng konti para makaupo si Ate."
Kaagad na sinunod ng mga taong nakasakay ang kanyang utos. Karamihan sa mga sakay ng jeep ay mga kababaihan na noon ay abalang kinukuhanan siya ng picture.
"Pogi, pwede magpapicture?" Malanding tugon ng babae malapit sa pintuan ng jeep.
"Bawal, nandyan misis ko." Tinuro niya si Mahana na nakaupo sa may gilid, abalang inaantay siya nito. Ayaw niyang magpapicture sa kahit na sino dahil may trauma na siya. Kahit labag sa kalooban niyang ipakilala na misis niya si Mahana ay nilunok na lamang niya.
"Manong, oks na. Puno na, pwede ka ng lumarga." Anunsyo ni Luis matapos mapuno iyong jeep. Mabilis na napuno ang mga jeep na nakaparada sa gilid na ikinatuwa ng mga jeepney driver. Dinumog sila sa terminal dahil sa kakaibang karismang taglay ng dispatcher nila.
"Salamat! Ang galing mo, wala pang limang minuto puno na agad. Iba talaga kapag gwapo e no?" Nakangiting usal ng jeepney driver. Natawa na lamang si Luis sa sinabi nito. "Oh, bayad mo. Sa uulitin ah?"
Kinuha ni Luis iyong bayad na ibinigay nong driver. "Sure, Manong. Salamat din."
Matapos ang pakikipag-usap nila nong last driver ay pinuntahan na niya si Mahana sa gilid. Uwing-uwi na siya dahil nakakaramdam na siya ng pagod lalo na ang sakit sa kanyang lalamunan.
"Tara, uwi na tayo. Wala ng jeep oh, napuno ko na lahat." Tugon niya nang makalapit na sa pwesto ni Mahana.
Tumayo si Mahana, pinagpagan niya ang pwetan para maalis iyong dumi na kumapit sa kanyang pantalon. Hinarap niya si Luis na noon ay naliligo na sa sarili nitong pawis at kapansin-pansin ang habol nitong paghinga.
"Anong uuwi? May trabaho pang nag-aantay sayo. Tara na." Nagpaunang maglakad si Mahana.
"Potangina? Ano? Matapos kong magsisigaw dito ng ilang minuto, halos mapunit na lalamunan ko, anong akala mo sa'kin hindi napapagod?" Reklamo niya dahil buong akala niya ay iyon lamang ang trabaho na ipapagawa ni Mahana sa kanya nong araw na iyon.
"Gusto mo ng makauwi ng Manila, di ba? Bilisan mo ng mag-ipon."
"Pero, sobra naman 'to. Hindi ko na kaya, ipagpabukas mo na 'yan dahil pagod na 'ko. Ang hirap kaya nong ginawa ko." Alyansa ni Luis dahil hindi na talaga kaya ng kanyang katawan pa na magtrabaho pa ng isang beses sa araw na 'yon.
"Wala ng madaming reklamo, tara na." Walang pakialam na tugon ni Mahana at nagsimula na siyang maglakad at walang nagawa si Luis kundi ang sumunod na lang habang nagpapadyak ito sa inis.
-
"Oh, anong gagawin ko naman dito?" Tanong ni Luis habang inililinga ang buong paningin sa kabuuan ng kainan na pinasukan nila ni Mahana.
"Tinatanong pa ba 'yan, syempre maghuhugas."
"What? Hell no!"
Sinubukan niyang pigilan si Mahana sa binabalak nitong pero huli na noong abala na itong nakikipag-usap sa may-ari ng kainan sa may cashier. Napasabunot na lamang si Luis sa kanyang ulo dahil sa inis.
"Start ka na daw ngayon." Tugon ni Mahana matapos makipag-usap sa may-ari ng kainan. Nag thumbs up pa ito kaya sa inis ni Luis ay padabog niya itong tinapik.
"Sobra na 'to, Mahana. Ayoko na."
"Jusko! Maghuhugas na nga lang gagawin mo e, magrereklamo ka pa." Nakakrus na brasong tugon ni Mahana.
"Lang? Pocha! Buti sana kung limang pinggan lang huhugasan ko. Hana, kainan 'to, sandamakmak for sure yong huhugasan dito." Pakikipaglaban niya.
"Alam mo, napakareklamador mo. Pumasok ka na nga lang don sa kusina." Hinuli ni Mahana ang kanyang braso saka hinila papasok sa kusina kung saan siya maghuhugas.
At muntik na siyang mahimatay matapos makita ang kabundok na kanyang huhugasan. Halo-halong pinggan, mangkok at kutsara't tinidor, isama pa yong mga kaldero na ubod ng itim na naroon sa gilid.
"Patayin mo nalang ako, Hana. Potangina! Ang dami niyan!" Nagpapadyak na parang bata si Luis.
"Konti lang 'yan, aso nga kayang hugasan 'yan ng ilang minuto lang e, ikaw pa kaya." Patutsada nito.
"Tsk! Hindi naman ako aso para dilaan lang 'yan e."
Sa loob ng halos dalawang dekada niyang nabubuhay sa mundo, ngayon lamang naranasan ni Luis maghugas ng ganon kadami. Nakatayo siya kaharap ang kabundok na mga huhugasan. Sumasakit ang kanyang braso ngunit hindi pa siya nangangalahati. Mas nainis pa siya dahil nagkalat pa ang ipis sa may lababo. Gusto niyang matapos na kaagad iyon dahil pagod na pagod na talaga siya. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kayang magtiis para makauwi siya ng Manila.
"f**k! I swear, I'm not going to do that again. Never!" Habol hiningang tugon ni Luis matapos hugasan lahat.
"Jusko! Parang 'yon lang, napagod ka na."
"Wow! Kung makapagsalita ka dyan, akala mo ang dali lang maghugas. Tsk!"
"Tara na."
"Oh, yan na naman yong word mong tara na. Kinakabahan ako palagi kapag sinasabi mo yan e."
Natawa si Mahana. "Hahaha! Huwag kang mag-alala, wala ka ng raket ngayong araw dahil kailangan na nating umuwi, baka abutin tayo ng dilim."
"Mabuti naman kung ganon. Psh!"
Habang nasa byahe sila pauwi ay nakatulog si Luis sa balikat ni Mahana. Kitang-kita sa mukha ng lalaki ang pagod dahil una sa lahat hindi naman talaga siya sanay sa mga ganoong trabaho. Anak mayaman ito, lahat hindi madali sa paningin niya kahit sa iba ay sisiw lang. Pero kahit na ganoon, natutuwa si Mahana dahil kahit konti, natuturuan na niya si Luis na magtrabaho at tumayo sa sarili nitong mga paa.
"Hoy! Luis, gising, nandito na tayo." Marahan niyang tinapik ang pisngi ng lalaki upang magising ito sa pagkakatulog. Nagtagumpay naman si Mahana at nagising niya ang lalaki.
"f**k! I'm so tired. My shoulder hurt." Reklamo ni Luis matapos nilang makababa sa may traysikel. Papasok na sila sa kabayahan pero natigilan silang dalawa noong may sumalubong sa kanila na babae.
"Hana? Omaygad?" Nilampasan ng babae si Luis at walang kahirap-hirap na pinasalubungan si Mahana ng sobrang higpit na yakap.
"Tintin, kailan ka pa dumating? Grabe sobrang ganda mo na." Namamangha na sambit ni Mahana. "Tara sa loob."
Pumasok na sila sa kabahayan, sumunod na lamang si Luis dahil una sa lahat wala naman siyang pake kung sino yong bisita nila. Ang gusto niya ay makapagpahinga na dahil sa pagod.
"Ang tagal kitang kinontak, lahat ginawa ko na para makita kita don sa Dubai pero ni anino mo hindi ko nasalubong don." Pagbabalita ng babae.
Dumiretso ng kusina si Luis kusina upang kumuha ng maiinom na tubig sa may ref. Tamang pakikinig lamang ang kanyang ginawa habang abala na nag-uusap ang dalawang babae sa sala. Sina Mamang naman ay nakisosyo na rin at naroon malapit sa sala.
"Di pa approved yong papel ko e. Nilalakad ko pa lang kasi." Sagot ni Hana.
"Oh, bakit? Anong problema? Gusto mo ba tulungan kita para makaalis ka na agad? Alam ko naman na sabik na sabik ka ng makita siya."
Natigilan si Luis sa pag-inom ng tubig. Kung kanina wala siyang pakialam sa usapan ng dalawang babae, ngayon ay meron na matapos marinig na mukhang may sasadyahing tao si Mahana doon sa Dubai.
"Hindi mo maiintindihan ang dahilan ko, Tin, pero alam ko, kaya niya 'kong hintayin. Hihintayin niya ako dahil kagaya ko sabik rin siyang makita ako."