Chapter 8: Bad News

1853 Words
"As of now, wala pang balita ukol sa pagpapahanap kina Jade. Sa lawak ng mundo, hindi natin alam kung saan sulok sila hahanapin. Kumalma ka nga, 'yong reward na ibibigay ng Lola mo muna ang asikasuhin mo." Kinuha ko iyong iniabot ni Kenneth sa akin na bote ng alak. Sumadya ako rito sa condo niya para makibalita. Hindi ko siya makontak kaya sinadya ko na siya. Wala sina Chris at Rhaiven dahil busy sila sa mga buhay nila, lalong-lalo na si Rhaiven. "Anong kalma? Paano ako kakalma sa lagay na 'to? Ni hindi ko alam kung nasaan sina Jade e. Pre, walang silbi kung makukuha ko 'yong reward kapag kasal pa rin ako sa babaeng 'yon. Gusto ko, as soon as possible ay mapasawalang bisa na 'yon." Kumuha ako ng pulutan namin at kinain ko iyon. Oo, napapayag ko nga si Mahana na magpanggap kami pero ang ikinakatakot ko, baka hindi niya gawin ng maayos ang trabaho niya. Bukod don, hindi pa alam ni Misty ang tungkol sa kasal namin ni Mahana. "E anong magagawa natin, mukhang nagtatago sila e." "Iyon ang nakakapagtaka sa lahat, bakit sila nagtatago after nong kasal? May iba ba silang dahilan bakit sila nagtatago? May nag-utos ba sa kanila na gawin 'yon?" Gabi-gabi ko nang iniisip ang mga posibleng rason patungkol sa kasal. Para kasing may isang tao ang may kapakanan lahat ng ito at kung sino man iyon ay hindi ko na alam. "Don't tell me, pinagdudahan mo si Mahana." "It's not like that, bro.." "E ano? May kahina-hinala ba sa mga kilos niya?" "Wala naman." "Sabagay! Mahihirapan ka bang mapapayag 'yon kung may alam siya sa kasal niyo? Halata naman na biktima lamang siya e. Pero, posible pa rin 'yang iniisip mo, isipin mo lahat ng nangyari sa inyo nong highschool tayo, baka nga naghihiganti siya. Mag-iingat ka." Hindi ko alam kung sino ang kakampi ko dito. Hindi ko alam kung dapat ko bang pagkatiwalaan si Mahana kahit wala naman nakakaoverthink sa mga kinikilos niya. Tama si Kenneth, biktima rin siya, valid lahat ng kilos niya para masabi kong wala siyang kinalaman sa nangyari. Ang tanong, sino ang may gawa nito sa akin? "Ayoko sa lahat is yong makalat, ah. Gusto ko malinis palagi 'tong condo ko. Ayoko sa burara, at ayaw na ayaw ko na pinapakialam yong mga gamit ko." Hinayaan ko lamang si Mahana na ipasok niya iyong mga dala niyang bagahe kahit hirap na hirap na siya sa pagpasok ng mga 'yon. Binadtrip na naman niya ako nong sinundo ko siya kaya bahala siya. "Ano pang sense na titira ako dito kung ayaw mong mapakialam lahat ng gamit mo?" Padabog siyang naupo sa may sofa, nakangusong yakap-yakap nito ang kanyang sarili na nagbabadyang sasabog na naman ito sa galit. "I'll allow you those kitchen stuff but know your limits. Ako ng bahala sa groceries at lahat ng bayarin dito sa condo, just do you job well." Tugon ko at tinitigan siya, wala naman akong natanggap na sagot mula dito kundi tanging pagtango lang. " Of course, I'll let you use the bathroom syempre pero pinapangunahan na kita, ayoko sa dugyot." Napasimangot ito sa sinabi ko, salubong ang dalawang kilay na tumitig sa akin. "Mukha ba 'kong dugyot, hmp?" "I didn't say that. Sinabi ko lang na ayaw ko sa dugyot." Depensa ko. Napabuntong-hininga ito ng malalim saka inayos-ayos ang buhok. Naglakad ako papunta sa gawi ng cabinet dahil may kukunin ako don. "Oh, wear that one kapag lalabas tayo kasama sina Mama." Iniabot ko sa kanya iyong maliit na box na kulay pula na naglalaman ng singsing. Sumadya ako na bumili ng ganon para masabi at maipakita kita Lola na totoong kasal kami kahit hindi naman talaga. Syempre, kinakailangan namin ng props para magampanan kunwari na mag-asawa kami. Singsing ang isa sa mga simbolo ng mag-asawa. "Psh! Bumili ka pa talaga nito ah, baka ibawas mo 'to sa sweldo ko." Patutsada niya habang sinusuri ang kabuuan ng singsing. Napameywang ako na humarap sa kanya. "Pagdududahan tayo ni Lola kapag wala tayong suot na wedding ring. Tsaka, wala ka pang nagagawa, sweldo na agad sinasabi mo. Tsk!" "Aba! Mas mabuti ng malinaw 'no." Napakamot ako sa aking ulo dahil sa inis. "Oo na! Basta promise me, you're going to do your job well, hmm?" Tumango-tango si Mahana. "Basta sapat at tama 'yong pagpapasweldo mo, walang problema sa'kin." Nagthumbs-up pa ito at malaki ang ngiti abot hanggang sa may teinga niya. Dinedma ko na siya at nagtungo na sa kwarto ko para sana maligo nang dali-dali niya akong pinahinto sa pamamagitan ng paghawak nito sa laylayan ng damit ko. "Oh bakit?" Iritableng tugon ko saka padabog na inalis 'yong pagkakahawak niya sa laylayan ng damit ko dahil masisira iyon. "Speaking of sweldo pala, pwede mag-advance?" Kagat-labi nitong tugon, nagpapuppy eyes pa ito na akala naman niya ay cute siya. Psh! "Aanhin mo naman? Nasabi ko naman na lahat ng gastusin dito sa condo ay aakuhin ko na, 'di ba? Tsaka, pocha, Mahana, wala ka pa ngang nasisimulan e." Natatawa siyang tumitig sa akin na animoy nahihiya. Napansin ko pa na napapahimas siya sa kanyang kamay na animoy kinakabahan. "E, wala akong disenteng mga damit e, paano nalang kapag aalis tayo na kasama 'yong parents mo? Hello, ayokong maging dugyot sa harapan nila 'no. Sa tingin ko naman, ayaw mo ng mukhang jejemon na misis kapag pag-eeffortan ko nang bumili ng mga magagandang damit." May sense naman ang sinabi niya, kahit papaano ay gumagana rin ang utak ng isang 'to. May pagka-manang kasi kung manamit siya. Nakapantalon lamang ito ng medyo fitted tapos tshirt. Minsan pa nga ay bigay na damit ng mga nangungumpanyang politiko ang suot niyang damit. "Sige, sakto may lakad tayo kasama sina Mama mamayang gabi." "Huh? Saan?" "Kina Rhaiven, may gaganapin na party sa kanila at inaasahan nila ang pagdating natin." "O, sakto pala e, edi tara na pero sagot mo muna ah, kahit pang taxi na sa akin oh.." naglabas siya ng pera sa kanyang munting wallet. "I have my own car." "Ay! Oo nga pala." Napakamot siya sa kanyang ulo at nilayasan siya upang maligo saglit dahil nababahuan ako sa sarili ko. Iniwan ko na siya sa may sala dahil bagong ligo siya nang sunduin ko ito sa kanila. Abala rin siyang inaayos 'yong mga dala niyang gamit habang naliligo ako. - "Shesh! Ang mahal naman. Sa ukay-ukay, bente lang 'to e." Napapatakip ako ng mukha kapag ganon na nagrereklamo si Mahana sa mga presyo ng damit na hinahawakan niya. Halatang 'di siya bumibili dito sa mamahaling bilihan. Ang nakakahiya roon ay may isang saleslady na sunod ng sunod sa amin ay rinig niya lahat ng sinasabi ni Mahana. "Pwedeng tumahimik ka nalang kapag namamahalan ka? Nakakahiya oh, may nakasunod na saleslady sa'tin." Bulong ko sa kanya nang pasimple ko siyang nilapitan para suwayin. "Ano ka ba! Nagpaparinig lang ako, malay mo bigyan tayo ng discount." "Psh! Just pick whatever you want, ako naman ang magbabayad e. Dalian mo." Nilayasan ko na siya, hinayaan ko siya na pumili ng gusto niya tutal para sa sarili naman niya 'yon. Kumuha siya ng ilang dress, damit, at skirt na sana bumagay sa kanya kapag isusuot niya ang mga 'yon. After namin mabayaran 'yong mga pinamili naming mga damit, dinala ko naman siya sa bilihan ng sapin sa paa. "Uy! Ang gaganda ng mga sandal nila dito." Namamanghang tugon nito pagpasok pa lang namin sa store. Inutusan ko siya na pumili ng sandals na gusto niya dahil hindi naman ako maalam sa mga ganon. Naupo lamang ako ron sa may couch ng store habang inaantay si Mahana. Inaasikaso siya ng isang saleslady habang pumipili ito. Pinanood ko lamang siya na isukat 'yong mga natitipuhan niyang mga sandal. "Uy! Thank you rito ah." Itinaas niya pa ng bahagya 'yong mga paper bag na kanyang hawak matapos naming makapamili ng mga pang-awra niya. Tumango ako at tuloy-tuloy ang lakad papunta sa may parking lot. Naupo lang naman ako kakahintay sa kanya pero nakaramdam pa rin ako ng pagod. Bukod kasi sa pera na naubos sa akin, pati lakas ko nadamay. - "Mahana! Dalian mo, baka hinihintay na tayo nina Mama sa bahay." Nakagayak na ako't lahat, hindi pa bumababa si Mahana mula sa kwarto ko. Siya ang unang naligo pero siya pa 'tong nahuli ng bihis. Nakailang katok na ako sa kwarto ko pero puro 'wait lang' ang natatanggap kong sagot mula sa kanya. "Teka lang naman, nag-aayos pa e." Napunta ang tingin ko sa kabubukas pa lamang na pintuan ng aking kwarto at iniluwa non ang napakagandang babae na hindi ko lubos inaasahan. f**k! Bagay na bagay sa kanya 'yong damit niyang animoy isang model na rarampa sa isang stage, tapos light lang din 'yong makeup niya at nakaayos ng mabuti 'yong bagsak nitong buhok. Napatulala talaga ako sa ganda niya pero...Mali 'to! "Da-dalian mo nga, kanina pa 'ko nag-aantay sa'yo e." Kaagad akong umiwas ng tingin dahil baka mapansin niya na nagandahan ako sa kanya. " Akala mo naman ikaw 'yong bagong CEO na magkakaroon ng party sa postura mo." "Sus! Natulala ka nga ng titig sa akin e." "Mama mo natulala. Tsk! Tara na." Nagpauna na akong lumabas ng condo namin at hindi siya inantay hanggang sa makapasok kami parehas sa elevator. Kahit nasa loob kami, hindi ko pa rin talaga maiwasan na pagnakawan siya ng tingin habang abala ito na kumukuha ng litrato sa sarili. Psh! May tinatagong ganda pala ang maligno na 'to ah. "Finally! Nandito na ang couple. Hi!" Sinalubong kaagad kami ni Lola nang makapasok na kami ng tuluyan ni Mahana sa bahay. Gusto ni Lola na sabay-sabay kami na pupunta roon kina Rhaiven, kahit magreklamo man ako, wala pa rin akong laban. Nagbeso kami parehas ni Mahana kay Lola na tuwang-tuwa sa pagdating namin. In character naman itong si Mahana sa pagiging misis ko dahil nakapulupot ang braso nito sa akin at dikit na dikit pa. Sinakyan ko lahat ng kasweetan na pinapakita niya kay Lola para maimpress ito. Mukhang epektibo kay Lola 'tong pagpapanggap namin. "Oh! Nandito na pala kayo. Natanggap mo ba ang message ko sa'yo, anak?" Pababa si Mama sa may hagdanan kasunod si Papa na abalang inaayos ang kanyang relo sa palapulsuhan nito. Pagkalapit nila sa amin ay nagbigay galang kaming dalawa ni Mahana sa kanila. "Not yet, Ma, bakit, ano ba 'yon?" "Hindi matutuloy ang party ni Rhaiven tonight.." "Huh? Bakit?" "Minabuti nilang idaos nalang 'yon next week para magbigay ng respeto sa pagpanaw ni dating Mayor. Queja." No way! "What?" Hindi makapaniwalang tugon ko, para akong naistatwa sa kinatatayuan ko pagkatapos marinig ang sinabi ni Mama. Nagkatinginan pa kami ni Mahana dahil don. "Yap, aattend tayo ng lamay ni Mayor. Queja since naging business partner rin naman natin siya sa negosyo. Kaya, tara na, nakakahiya kung mahuli tayo don." Maingat na inakay nina Mama si Lola palabas ng mansyon pero naiwan kaming dalawa ni Mahana sa sala na parehas na kinakabahan knowing na 'yong isa sa mga magiging testigo sana sa annulment case namin ay patay na. Fuck! Paano na 'yong annulment namin ni Mahana kung patay na si Mayor Queja?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD