Chapter 19: Truth or Lie?

1471 Words
"f**k! No way!" Napabalikwas ako ng bangon nang pagkamulat ko ng aking mga mata ay bumungad sa akin si Mahana na nakayakap sa hubad kong katawan, habang siya ay tanging iyong puting kumot lamang ang nakabalot sa kanyang katawan. Walang kahirap-hirap ko na inalis iyong pagkakayakap ng kanyang braso sa katawan ko. Konti nalang din ay itulak ko siya palayo sa akin dahil sa sobrang galit ko. Kahit na anong pwersa ang ginawa ko para mailayo siya sa tabi ko ay hindi pa rin ito nagising. Tulog mantika ang babae. Psh! Mag alas otso na ng umaga pagkakita ko sa wall clock na narito sa kwarto ko. Nagkalat sa sahig ang mga damit namin. May ilan na roon sa sofa at may kung ano ang pumasok sa utak ko, sumagi sa utak ko na may ginawa kami sa sofa kagabi kaya naroon ang mga damit namin. Napailing ako. Nakakadiri. Sa sobrang pagkataranta ay kaagad kong pinulot iyong damit ko't dali-daling pumaroon sa banyo upang balutin ang katawan ko. "s**t! No! This can't be real! No!" Napahilamos ako sa aking mukha, binasa ko ang mukha ko ng tubig para magising ang buong diwa ko. Hindi ko inaasahan na gigising ako na ganon ang bubungad sa akin. Inalala ko ang bawat sandali kagabi, oo, naaalala ko lahat mula sa paghihintay ko sa kanya don sa labas ng bahay hanggang sa panglilinis ko sa kanyang katawan. Ultimo pangmamanyak nito sa akin ay sariwang-sariwa sa utak ko pero iyong mga sumunod na nangyari ay hindi. "s**t! Did we....No!" Pangungumbinsi ko sa sarili ko dahil hindi ako sang-ayon sa iniisip ko na posibilidad na may nangyari sa aming dalawa ni Mahana kagabi kaya ganoon ang postura namin kinaumagahan. "No! No! No!" Nanginginig ang mga kamay ko sa kaba at takot na baka magkatotoo ang hinala ko na may nangyari sa amin kinagabihan. Kumakabog ng mabilis ang pitil ng aking puso at kahit na anong pangpapakalma ang gawin ko sa sarili ko ay hindi naging epektibo lalo na at sumagi sa isip ko na if ever may nangyari man sa amin ay hindi manlang ako nakagamit ng proteksyon. "Tok! Tok! Tok!" Nagulat ako sa sunod-sunod na pagkatok sa may pintuan ng banyo kung saan ako naroroon. Wala naman ibang tao ang inaasahan ko na kakatok roon kundi si Mahana lang. s**t! Gising na siya. May napansin kaya siya? Napansin niya kaya ang mga damit niya sa sahig? Napansin niya kayang nakatapis lang siya ng puting kumot? "Luis, matagal ka pa ba dyan? Naiihi na 'ko." Kumatok ulit siya ng dalawang beses at nataranta ako kaya naman tinuloy ko na ang binabalak kong pagligo kanina. - "Masarap ba?" Muntik akong mabilaukan sa sinabing iyon ni Mahana habang nasa hapag-kainan kami kasalo si Lola. Normal lang naman iyong sinabi niya pero parang may sariling diwa ang utak ko at may ibang ibig-sabihin ang sinabi niyang iyon. Nagluto siya ng adobo para sa tanghalian namin. Sa sobrang pag-oovethink, hindi ko namalayan ang oras. Ni hindi ako nakapagbreakfast, naging breakfast ko na ang pag-aalala lalo na't nakita ko na normal lang ang bawat kilos ni Mahana na animoy wala siyang maalala sa mga nangyari kagabi. "O-oo, masarap naman." Sagot ko nalang kahit konti lang iyong isinubo ko. Gutom ang diwa ko pero presensya pa lamang ni Mahana na nakakaoverthink ay busog na ako. "Apo, are you okay?" Tanong ni Lola, napansin yata nito ang pagiging aligaga ko at wala sa wisyo. Tinignan ko sya at tinangunaan na lamang. "Puyat lang, La." Napansin ko ang kakaibang ngisi ng Lola ko. Nagpalipat-lipat ito ng tingin sa amin ni Mahana. Tinignan ko si Mahana at nahuli ko na nakangiti ito. s**t! "Don't tell me, nag---" "No, Lola. Is not what you think. Walang nangyari sa amin." Pamumutol ko sa kanyang sasabihin. Ayokong mag-overthink ang lola ko. Alam ko na aasa siya na may mabubuo kami ni Mahana dahil gusto nito na magkaanak na kami. "Really? E bakit, iba ang mga ngiti ng misis mo? Ngiting nadiligan.." nakangising usal ni Lola at inginuso si Mahana na nagpipigil na ngumiti. Binalingan ko siya ng tingin. "Wala tayong ginawa kagabi, Hana." Pangungumbinsi ko dahil ayoko na sa ibang usapan mapunta ang bagay na ito lalo na at kasalo namin si Lola. Nag-angat ito ng tingin sa akin at nakipaglaban ng titig. "Talaga?" Napakunot ako ng noo. Ibig bang sabihin, naalala niya lahat ng nangyari kagabi? E bakit ako walang maalala? "Lakas mo ngang umungol kagabi e." Saka ito napahagikgik ng tawa at pati si Lola ay natawa rin. "Baka nga buong village e nagising sa ingay mo." Fuck! "Tsk! I don't remember anything. Stop making stories, Hana." Singhal ko sa kanya. "Galit na galit ka yata, Apo? Ayaw mo ba non, magkakaanak na kayo nitong misis mo? Tsaka, ano ka ba, normal lang naman sa mag-asawa ang gumawa ng milagro tuwing gabi." Usal ni Lola na abot hanggang teinga na ang ngiti. "Nahihiya ka pa e nasarapan ka naman kagabi, Hon." Sabat na naman ni Mahana na ikinakulo lalo ng dugo ko. Gustong-gusto ko tuloy itusok sa mukha niya itong hawak kong tinidor. Hindi pwedeng makumbinsi niya si Lola na may nangyari sa amin dahil aasa nito na magkakaroon ng apo. At ayokong mangyari iyon lalo na at may pagkamarites itong lola ko. Kahit hindi pa totoo ay maipagmamayabang niya sa ibang tao. "Ayoko yang tabas ng dila mo ah." Pagkarating namin sa kwarto ni Mahana ay kaagad kong inilock iyong pinto at hindi ako nag-aksaya ng segundo upang komprontahin siya. Inis na inis ako sa mga inasta niya lalo na at paniwalang-paniwala si Lola sa mga pinagsasabi niya. "Oh bakit?" "Pwede bang sa mga ganong bagay ay itikom mo yang bibig mo? Hana, madaling maniwala si Lola sa mga ganon, at aasa siya na may mabubuo." "Ano naman?" "What the f**k? Anong ano naman? Hindi naman totoo na may nangyari sa atin diba?" Napataas siya ng kilay at umabante ng dalawang hakbang palapit sa akin. "How sure you are na wala?" Natigilan ako. Kumabog ng mabilis ang puso ko. Ngayon pa lamang ay hindi ko na alam ang gagawin if ever totoo man iyon. Ang tanging hiling ko nalang ay lamunin ako ng lupa. "Kung ako sa'yo, iatras mo na yong annulment niyo ni Mahana dahil tiyak walang sense iyon if ever man may mabuo kayo." Komento ni Kenneth, nakabalik na siya ng Manila. Narito kami sa condo ko, inaya ko sila at sakto na free sila. Hindi talaga ako pinapakalma ng pag-ooverthink ko. "Pre, wala nga sabing nangyari sa amin." Depensa ko. "Ulul! Paanong wala? Nagising ka nga na halos wala kayong saplot e. Hindi naman normal na matulog kayong magkatabi ng naked, diba?" Tugon ni Kenneth, kumuha siya ng isang piraso ng bagong bukas na chips sa kanyang kamay. "Grabe naman siya magbigay ng reward after alagaan, langit agad e. Nasatisfy ka ba?" Pambubuyo ni Chris sa akin dahilan para maibato ko sa kanya iyong couch pillow. "Potangina! Sana pinabayaan ko nalang siya kagabi para hindi ako pinapatay ng pag-ooverthink ngayon." Nagsihalakhakan ang mga kaibigan ko dahil sa sinabi ko. "Mukhang matatali ka na talaga kay Mahana ah. Napaniwala niya pa kamo yong Lola mo. Hahaha!" "Bwisit talaga!" "Alam mo, bantayan mo nalang siya ng ilang weeks. It takes a week naman daw bago mo mapansin iyong sintomas ng pregnancy sa isang babae e." Suhestiyon ni Rhaiven na nakadekwatro pa ang mga paa habang may hawak-hawak na lata ng alak. Masamang tingin ang itinapon ko sa kanya. "She's not f*****g pregnant, bro." Natawa si Rhiaven sa inasta ko. Napangisi siya pagkatapos. "Praywell, dude. Baka ikaw ang unang magkaanak sa atin." Saka nito itinaas ang lata ng alak na kanyang hawak bago ito sinabayan nina Kenneth at Chris na uminom Napailing ako. "Magbibigti nalang ako kung ganon. Tangina! 'Di ko pa nga nasolusyunan 'yong isang problema ko, madadagdagan na naman? Psh!" Napailing-iling ako sa kawalan. "Tanga ka! Ikaw unang humalik e. Edi kasalanan mo." Paninisi ni Kenneth. " 'Yon na nga e, kiss lang ang ginawa ko sa kanya na naaalala ko kaya paano na may nangyari sa amin? Paano na mabubuntis siya?" Bukod sa pangmamanyak ni Mahana sa akin, iyong panghahalik na ginawa ko sa kanya ang sariwa sa utak ko. Hindi ko naman idedeny iyon dahil nadala lang ako sa init ng katawan. Pero kilala ko ang sarili ko, kaya kong magpigil sa sitwasyon na alam kong may mabigat na consequences. Hindi ako kumbinsido sa mga sinabi ni Hana kay Lola kanina. Umakbay si Rhaiven sa akin. Seryoso niya akong tinitigan sa mata at saka ito nagsalita. "Well, para makakuha ka ng kasagutan dyan sa mga katanungan mo, listen all of the signs I'm going to tell you. If lahat 'yon, nangyari, at napansin mo sa kanya, pwes, ihanda mo na yang sarili mo dahil sa laro niyo ni Mahana, ikaw ang talo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD