"Why did you stole my wallet? Alam mo bang pwede kitang kasuhan dyan sa ginawa mo for stealing someone's property?" Nag-uusok ang ilong ni Luis na kinompronta si Mahana pagkarating nila sa bahay.
Walang pakialam na naupo si Mahana sa may sala ng kanilang bahay. Napasandal siya roon saka bahagyang napapikit habang si Luis ay nasa harapan nito, nakatayo at nag-aalburuto sa galit.
"Hindi ko naman ninakaw e." Simpleng sagot ni Mahana, dumilat pa siya ng bahagya upang tignan si Luis.
Napakunot-noo si Luis sa sinabi ng babae. Hindi siya kumbinsido sa sagot nito dahil wala siyang makitang ibang rason kung bakit na kay Mahana iyong wallet niya kundi sa paraang ninakaw niya ito.
"E bakit nasa 'yo?"
"Napulot ko nga lang, hindi ko naman alam na sa'yo pala yon e." Depensa nito, umayos ng upo si Mahana saka pinagkrus ang mga braso sa may dibdib nito.
Napailing-iling si Luis. "So, sa akin man 'yon o hindi, wala ka talagang balak ibalik 'yon? Ang malala pa don, winaldas mo pa 'yong pera."
Napangiwi si Mahana, hindi niya tanggap na sobrang sama niya sa paningin ni Luis sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Nagsasabi siya ng totoo, hindi niya ninakaw ang wallet na iyon ni Luis kundi napulot niya talaga ito.
"Ginamit ko naman 'yon sa kabutihan e, hindi ko naman winaldas yong pera sa mga walang kwentang bagay. Binilhan ko naman ng makakain yong mga taong gutom tapos nagbigay na rin ng konting tulong na magagamit nila." Depensa nito sa mapagmayabang na tinig. "Naging maganda naman 'yong intensyon ko sa pera. Napunta naman 'yon sa magandang paraan e." Pagpapatuloy pa ni Mahana.
Napamura ng malutong si Luis sa loob-loob niya. May katwiran naman si Mahana pero hindi niya magawang intindihin yon dahil mas inaalala niya yong paggagamitan niya nito.
"But I badly need the money to rent a bus pabalik ng Manila." Nadulas niyang nasabi ang lihim niya na ikinagulat ni Mahana.
Kaagad na napaiwas ng tingin si Luis dahil hinuhuli ni Mahana ang kanyang tingin. Susubukan pa sanang bawiin iyon ni Luis pero huli na ang lahat noong tumayo si Mahana at napasingkit na tinignan si Luis ng diretso sa mukha.
"Ahh, kaya naman pala parang nasilihan 'yang pwet mo kanina sa pagmamadali dahil may balak ka palang tumakas." Nakataas kilay na patutsada ni Mahana.
Naliligo sa sariling pawis si Luis dala ng kaba. Gusto nyang tumakbo paalis para matakasan si Mahana pero animoy may sariling
utak ang kanyang mga paa at ayaw magsigalaw ng mga iyon. Hangga't maaari ay iniiwasan niya ang bawat pagtitig ni Mahana sa kanya.
"Sagot!" Napapikit siya nong nagtaas ng boses si Mahana sa harapan niya. Alam niyang hindi siya tatantanan hangga't hindi siya mapapaamin nito.
Nagbuga ng malalim na buntong-hininga si Luis saka ito sumagot. "E kasi naman, dinaig mo pa si Satanas kung pahirapan ako. Hindi mo ba nakikita, I cant leave here. Ikakamatay ko ng maaga hangga't nandito ako na kasama ka. Can you just let me go home?"
Natawa ng mapakla si Mahana at pinasadahan ng tingin ang lalaking hindi maipinta ang inis sa kanyang mukha. "Paanong 'di ka mahihirapan e panay ka reklamo. Hindi ba pwedeng mag-enjoy ka nalang?"
"Enjoy? Anong nakakaenjoy dito? Pinaghuhugas mo 'ko ng plato at mga kaldero. Pinaglalaba mo 'ko, alas singko dapat gising na e mas nauuna pa kong gumising sa manok. Ang malala don, dinadala mo pa 'ko sa palengke para pagbentahin. Kung makautos ka sa'kin akala mo naman sinusuwelduhan mo 'ko." Hindi napigilan ni Luis na ilabas ang kanyang sama ng loob sa babae.
Hindi na niya kaya ang lahat ng pinapagawa nito sa kanya. Ilang araw pa lamang siya doon pero ramdam na niya 'yong kakaibang bagsik ng paghihiganti ng babae. Pakiramdam niya tuloy mamamatay na siya ng maaga hangga't nandon siya.
"Think about your reward, Luis. Kaya mo naman sigurong tiisin lahat ng pagpapahirap ko sayo para sa reward na 'yon hindi ba?" Taas-kilay na segunda ni Mahana na pilit kinukumbinsi si Luis na tama lamang ang kanyang ginagawa.
"Pocha! Dahil dito sa letcheng trip mo, gusto ko nalang magback out sa pisteng deal natin. Mas malala ka pa humatol kaysa kay Satanas." Singhal ni Luis.
Natawa na lamang si Mahana sa pagiging prangka ni Luis. Panay reklamo ang lalaki sa kanya na nahihirapan na siya sa lahat ng ipinapagawa niya lalo na't laking aircon siya na hindi sanay magtrabaho.
"Sus! Sabi ni Lola, mag-enjoy daw tayo dito at para din makapag-isip isip tayo upang makabuo ng baby natin." Malapad na ngiting usal ni Mahana.
Muntik masuka si Luis sa kanyang narinig. Kapag naririnig niya ang usapang baby kay Mahana ay nasusuka siya ng sobra. Hindi niya lang maimagine na magkakaroon siya ng anak sa babaeng kinaiinisan niya ng sobra.
"Yuck! Naisingit mo pa talaga yan ah. Tsk! Kahit aso ayaw magkaroon ng anak sa'yo. Manyak." Singhal ni Luis. "Pwede bang pauwiin mo nalang ako? Kung ayaw mong umuwi, maiwan ka nalang basta ako, uuwi ako."
"Umuwi ka kung may pera ka." Sagot ni Mahana, abalang inaayos na ang kanyang buhok na bahagyang nagulo.
"E paano ako uuwi, winaldas mo na lahat ng pera ko! Ni piso wala kang tinira. Tsk!" Iwinagwag pa ni Luis sa ere iyong wallet niya na wala ng laman dahil nagastos lahat iyon ni Mahana.
Nagpeace sign si Mahana ngunit tanging singhal ang natanggap niyang sagot mula sa lalaki. Sumasakit ang ulo ni Luis dahil hindi na niya alam ang kanyang gagawin lalo na't ni sentimo wala siya.
"Sige, ganto nalang, hahayaan kitang makauwi ng Manila once nakaipon ka na ng pera pamasahe mo. Para naman hindi mo isipin na kasing ugali ko si Satanas, sige tutulungan kitang mag-ipon." Suhestiyon niya.
Salubong ang mga kilay ni Luis sa suhestiyon ng babae. Nagdadalawang-isip siya kung papayag ba o hindi dahil iniisip niya na baka isabit na naman siya ni Mahana.
"Nakakarami ka na! Kung ano man 'yang binabalak mo, huwag mo ng ituloy." Nakadurong tugon ni Luis sa babae dahil duda talaga siya.
"Grabe naman! Nagmamagandang loob na nga 'yong tao. Tutulungan nga kitang mag-ipon ng pera pamasahe mo." Paglilinaw ni Mahana.
"How?"
-
"Pakilagay na lang sa pila 'yong mga papalabhan niyo po. Kaya 'yan hanggang mamayang hapon. Kahit makakapal na bedsheet o mga punda ng unan, keri yan. Pila lang ho.." sigaw ni Mahana sa mga taong nagtatakbuhang magpalaba ng marurumi nilang damit.
Unang naisip na gawin ni Mahana ang magtayo ng laundry shop sa tapat ng kanilang bahay. Naging matagumpay naman ang naisip niyang raket dahil dinumog talaga sila ng mga tao.
"Pocha! Adik ka ba? Anong kaya hanggang mamayang hapon? Hana, nasa unang costumer pa lang tayo, ni hindi pa nga ko nangangalahati dito sa nilalabhan ko e." Reklamo ni Luis noong makita na sandamakmak na ang mga nakapilang lalabhan niya.
Hindi na halos mabilang sa kamay ang damit ng laundry basket na nakapila. Sa dami noon ay hindi niya kayang labhan ang mga iyon ng isang araw lang. Hindi pa siya tapos sa unang laundry basket ay sumasakit na ang kanyang braso kakakuskos ng mga damit.
"Ayan ka na naman sa reklamo kasi e. Paano ka makakaipon kaagad ng pamasahe mo kung puro ka reklamo dyan?"
"Tignan mo naman kasi, dinaig pa pila sa tollgate sa dami ng mga lalabhan ko. Hello! Dalawa lang kamay ko, Hana, hindi sampu."
"Kabahan ka talaga kapag naging sampu 'yan." Pilyong usal nito.Hindi na niya pinansin pa ang reklamo ni Luis, nagtawag pa siya ng mga tao upang magpalaba sa kanila.
Natatawa na lamang siya dahil sa kasabikan ni Luis na makauwi ng Manila, nagiging determinado ito sa paglalaba. Alam niya na nahihirapan ang lalaki sa bawat pagkuskos, pagbabanlaw sa samut saring nitong labahan. Nakakarinig siya minsan ng ilang malulutong na pagmumura. Natutuwa siya dahil kahit papaano, may natututunan na si Luis kahit mga simpleng gawaing bahay manlang.
"Ang dami nating kinita. Jusko! May pangshopping na 'ko." Natutuwang ani Mahana matapos mabilang lahat ng kinita nila sa paglalaba ni Luis maghapon.
Napatayo si Luis sa pagkakaupo, naroon siya sa sala, nililinisan ng wipes iyong mga sugat na natamo niya mula sa paglalaba. Hindi pa siya ganon kasanay kaya hindi maiwasan na magalusan siya o masugatan.
"Hey! Asan 'yong akin?"
"Syempre meron ka din. Heto." Kumuha siya sa box ng pera saka ito iniabot kay Luis. At ganoon na lamang ang gulat ni Luis noong makita ang halaga ng pera na ibinigay ng babae sa kanya.
"Tangina! Isang daan lang?"
"Oh bakit, atleast binigyan pa kita e. Oh itabi mo na yan para sa ipon mong pamasahe." Usal ni Mahana.
Napailing-iling si Luis. "Ako 'yong nagkandakuba maglaba maghapon, manghina sa pagbabanlaw ng sarkaterbang damit at magkasugat-sugat sa pagkuskos, tapos eto lang yong pera ko? Isang daan?"
"E kaysa naman piso 'yong ibigay ko. Pasalamat ka nga isang daan e." Nakangusong depensa ni Mahana.
"Hayup na 'yan! Hindi hating kapatid ang ginawa mo, hating kaaway e."
"Excuse, mahirap kayang magtawag ng costumer. Ang sakit kaya sa lalamunan." Hinilot pa bahagya ni Mahana ang kanyang lalamunan.
"Wow! Hiyang-hiya buong katawan ko sa'yo. Psh!" Bumalik na sa pagkakaupo si Luis at ipinagpatuloy ang paglilinis niya ng kanyang mga sugat.
Nakita iyon ni Mahana kaya bahagyang nawala ang tuwa sa kanyang mukha at napalitan iyon ng awa. Naiintindihan niya kung bakit nagkasugat-sugat si Luis dahil hindi pa nga ito sanay maglaba. Napapansin niya rin na napapahilot rin siya bigla sa mga braso nito dala ng sakit dahil maghapon siyang naglaba.
"Manong! Manong! May sulat ka!"
Napunta ang tingin nilang dalawa sa may pintuan ng bahay nang iluwa noon si Megan na habol ang hininga habang may hawak na sulat sa kanyang mga kamay.
"Sulat? Para sa akin?" Napatayo si Luis sa gulat.
"Opo, may sulat ka." Anunsyo ni Megan saka iniabot kay Luis iyong sobre.
Kaagad na kinuha iyon ni Luis saka walang kahirap-hirap na pinunit ang sobre upang makita agad kung anong nilalaman ng sulat. Sa labis na kuryosidad ni Mahana, wala siyang nagawa kundi ang tumingin na rin sa kabuuan ng sulat.
"Kanino galing 'yan?" Pagtatanong ni Mahana habang pinapanood si Luis na buksan iyong sobre.
"Galing kay...kay Jade.."