"Luis, ibalik mo sa'kin 'yong passport ko."
Sinundan niya ako ng tingin papunta sa sala ng tinitirhan niya. Iyong kutsilyo na hawak niya kanina ay ibinaba na niya dahil natatakot siyang baka masaksak niya ako ng tuluyan. Nakangisi ako na naglakad-lakad sa kabuuan ng sala at ramdam na ramdam ko sa mga tingin niya 'yong inis.
"Pumayag ka muna sa gusto ko." Kinindatan ko pa siya na lalong nagpausok sa ilong niyang galit na galit.
"Psh! Ano ako tanga? Papayag sa gusto mo nang hindi ko pag-iisipan ng mabuti? Hoy! Kunin mo na lahat sa akin, huwag lang 'yang passport ko kaya akin na."
Lumapit siya sa pwesto ko at kinapkapan ako sa buong katawan. Itinaas ko pa ng bahagya ang dalawang kamay ko para malaya siyang gawin ang gusto niya. Napakadesperada niya. Wala akong nagawa kundi ang pagtawanan siya.
"Oh, kalma, baka ibang passport makapa mo dyan." Pilyong biro ko at walang kahirap-hirap niyang kinurot ang braso ko. "Aray naman!"
Namula iyong kinurot niya sa akin kaya hinimas-himas ko ito para mabawasan yong kirot. Sinundan ko siya ng tingin na noon ay hinahalughog ang buong sala nito. Napamura siya ng malala nang maalala niya yatang wala sa kanya 'yong passport niya kundi nasa kaibigan niyang si Kayejell.
"Don ka sa kaibigan mo magalit, hindi sa akin. Tinanong ko lang kung alam niya kung nasaan passport mo, binigay na niya agad. Ang bait niya ah."
"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"'Yong nakababypink na kulay ng damit, pre, 'yon ang bestfriend niya. Nakita ko sila sa embassy kahapon, namoblema yata si Mahana sa pag-alis niya dahil sa personal problem at pinahawak muna kay Kayejell 'yong passport niya."
Nandito kami sa harapan ng inuupahang bahay nina Mahana at nasa tarangkahan si Kayejell na kaibigan nito ayon sa nakalap na impormasyon nitong si Kenneth. Nagwawalis ito sa bakuran nila.
"Sigurado ka ba dyan, Kenneth? Baka mamaya mabokya tayo ah."
"Sus! Sa akin ka pa talaga nagduda. Sige na, puntahan mo na. Gawin mo lahat ng kaya mong panglalandi diyan sa kaibigan niya para ibigay 'yong passport ni Mahana sa'yo."
Nag-antubili akong lumabas ng sasakyan ni Kenneth at umaktong normal na naglakad palapit sa babae na nagwawalis. Walang ano-ano ay nakuha ko rin agad ang kanyang atensyon. Gulat na gulat siya nang makita ako. Mukhang may ideya ito sa aksidenteng kasal namin ni Mahana.
"Lu-luis?"
"Hi! Ikaw ang kaibigan ni Mahana di ba?"
"Oo, hinahanap mo ba siya? Wala kasi siya ngayon e, nasa work pa. Kung gusto mo, hintayin mo na lang siya para---"
"No, alam kong nasa work siya." Napasinghap ako at prinaktis ng mabuti sa isip ko ang palusot na naisip ko para mauto ito. "Actually, pinapakuha niya 'yong passport niya sa akin e. Nakiusap siya na tulungan ko siya kaya nandito ako para kunin 'yon."
"Ganon ba? Naku! Salamat naman at may tutulong sa kaibigan ko. Pangarap na pangarap niyang pumunta ng Dubai e. Teka lang at kukunin ko ah.."
"Okay.."
-
"Ibalik mo sa'kin 'yon, Luis." Nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Ayon sa awra niya, halatang inis na inis na siya sa akin.
"Kalma, ibabalik ko naman kapag pumayag ka sa gusto ko e."
"Akin na 'yon sabi!"
"Isang sagot lang ang gusto kong marinig mula sa'yo, Mahana, yes or no lang. Hmm?"
Inirapan niya ako at napabuntong-hininga ng malalim saka ito napatingin ng makahulugan sa akin.
"Ano ba! Bat ba ang kulit mo? Kahit anong sabihin mo, ayoko! Ayokong masali sa gulo, okay? Nasabi ko na lahat ng rason ko kung bakit ayaw kong pumayag, ano ba ang hindi mo gets don? Kaya ibalik mo na 'yong passport ko ngayon din!" Agresibong tugon niya, kinuwelyuhan niya ako matapos niyang lumapit sa akin ng nag-uusok sa galit.
Nginisian ko siya na ikinainis niya. "Goodbye Philippines or goodbye Dubai? Choose wisely, Mahana."
Nabitawan niya iyong kwelyo ko na kanina ay mahigpit niyang hawak dala ng gigil sa akin. Hindi pa rin siya nagbabago, agresibo pa rin at siga kagaya nong highschool. Akala mo lalaki kung umasta ay marunong makipagbasag ulo. Psh!
-
"Marunong ka naman sigurong magsulat kaya ba't kanina ka pa nakikipaglaban ng titigan diyan sa papel?"
Nakatanggap ako ng singhal mula kay Mahana nang tapunan niya ako ng tingin. Narito kami sa condo ko dahil dito gaganapin yong pirmahan ng kontrata. Iyong inis niya kanina ay dala niya pa rin hanggang dito sa condo ko. Natatawa na lang ako sa itsura niya.
"Psh! Mukha ba akong hindi tumutupad sa usapan at nagsayang ka pa talaga ng isang pirasong papel para sa kontrata?"
Natawa ako sa sinabi niya. Linamutak ko muna iyong alak na hawak ko bago ko siya sinagot. Nasa tapat ko lamang siya dito sa may sala ng condo ko.
"Galawan mo pa lang nong highschool tayo, kabisado ko na. Hindi imposible na gawin mo yon sakin ngayon. Mas mabuti ng sigurado ako na hindi mo na 'ko matatakasan ngayon."
Sumandal ako sa pang isahang sofa at nginitian siya pero tanging irap lamang ang natanggap ko mula sa kanya. Pagkatapos niyang magmura ng malutong ay wala din siyang nagawa kundi ang pirmahan iyong papel na nasa center table.
"Pipirma ka din pala e. Ang dami mo pang ebas. Tsk!" Tumayo ako at kinuha iyong papel saka inilagay sa may folder para hindi madumihan.
Matapos kong ilagay sa malapit na drawer, pagharap ko at kamay na ni Mahana ang tumambad sa akin na animo'y may hinihingi sa akin.
"Oh, ano 'yan?"
"'Yong passport ko."
Natawa ako sa sinabi niya dahilan para mapakunot siya ng noo.
"Mama mo passport.."
Tinabig ko iyong kamay na iniaabot nito sa akin at kinuha iyong mga lata ng alak na nagkalat sa center table upang ibasura ito sa may kusina. Nakasunod naman si Mahana sa akin na parang aso.
"Anong? Hoy! Ang ayos-ayos ng sinabi mo kanina na once pumayag ako ay ibabalik mo 'yong passport ko. Anong mama mo passport na sinasabi mo ngayon?" Taas-kilay niyang dependa at iyon na naman ang hitsura niyang animoy mangangain ng taong buhay.
Hinarap ko siya at nilabanan ang kanyang tingin. Nakita ko pa saglit iyong kamao niya na handa ng sumuntok dahil nakayukom ito dala ng kanyang galit. Binalewala ko iyon lalo na at wala akong balak patulan siya dahil babae siya.
"Baka nakakalimutan mo na nakasaad don sa kontrata na saka ko lamang ibibigay sa'yo kapag nagawa mo ng maayos 'yong trabaho mo, kapag binigay na ni Lola yong reward niya sa akin. Hindi ba't alam mo dapat 'yon bago ka pumirma? Hmm?"
"Ano? Teka, don't tell me--"
"See? Pirma kasi ng pirma e, hindi nagbabasa ng kontrata. O paano, galingan mo ah para as soon as possible magkita na kayo nong passport mo."
Tinalikuran ko siya at tuloy-tuloy na tinahak ang daan papunta sa kusina. Narinig ko ang pagmumura niya at mahina niyang pagsigaw. Natawa ako sa pagiging pikon niya. Siga nga pero nauuto naman.
-
"Ang tagal ah! Alam mo bang mahal ang oras ko, huh?"
Ngayon ang araw na bibisitahin namin iyong attorney na nahanap ni Kenneth na makakatulong sa amin para iproseso iyong annulment namin. Nagprisinta ako na sunduin siya sa inuupahan niyang bahay para masigurado ko na hindi niya ako tatakasan. Kilala ko pa naman ang babaeng 'to, magaling sa takasan.
"Ikaw na nga 'tong nakakapermisyo ng tao, ikaw pa ang may ganang magalit. Psh! Sorry ah kung hindi ko kayang bayaran 'yang mahal mong oras." Inirapan niya ako at walang kahirap-hirap na binangga ako nang palabas na siya ng pintuan.
Ang sama talaga ng ugali!
"Dapat lang na magsorry ka! Tsk!"
Sinundan ko na siya pasakay sa sasakyan na dala ko. Inaasar niya yata ako kaya sa backseat pa siya naupo. Syempre, nagtalo na naman kami dahil nagmumukha akong driver niya. Pinalipat ko siya sa may passenger seat at nong una ayaw niya pa pero ginamit kong panakot iyong passport niya, pumayag naman.
"Sigurado ba kayong hindi niyo parehas ginusto ang kasal na 'yon?"
Nagpalipat-lipat ng tingin si Attorney Galang sa aming dalawa ni Mahana nang makarating na kami sa naturang opisina nito.
"We're both drunk that night, Attorney." Sinang-ayunan ni Mahana ang inusal ko dahilan para mapatango- tango ang kaharap naming abogado.
"Legal 'tong marriagce certificate oh.."
Matapos naming ibigay iyong marriage certificate namin at sinuri niya ito at napagtanto na legal. Kung gaano kami kaproblemado, ganoon na rin ang nakikita ko sa mukha ng abogado.
"Mr. and Mrs. Arevalo, I think---"
"Mahana na lang po." Pamumutol ni Mahana sa sasabihin sana ni Attorney. Halata naman na nawiwirduhan si Mahana kapag ginagamit sa kanya iyong surname ko. Well, ganon din naman sa akin. Yuck!
"Just call us in our name, Attorney, Mahana and Luis."
Napatango ang abogado na nakuha naman ang ibig-sabihin ng sinabi ko. Nahalata niya siguro ang pandidiri ni Mahana sa paggamit ng surname ko.
"So, back to the topic, sasabihin ko na sa inyo 'to ng maaga, Luis and Mahana, ang annulment ay mahaba at matagal na proseso. Marami itong kinakain na oras, baka nga habang nasa proseso tayo ay baka magkamabutihan pa kayo sa tagal non."
Nagkatinginan kami ni Mahana na parehas hindi gusto ang naisip ng abogado.
"Ang importante po sa amin, Attorney, mapasawalang bisa iyong kasal namin dahil aksidente lamang iyon. At imposible iyang sinasabi niyo, ramdam at nakikita niyo naman ang trato namin sa isa't isa ngayon dito sa harapan mo, di ba?"
Napasinghap ang abogado saka napatango. "Pero, kinakailangan niyong ihanda ang malaki-laking pera dahil magastos itong annulment na gusto niyo."
"No worries, Attorney, I can handle those fines." Tugon ko napansin na nakataas-kilay si Mahana sa akin pero dinendma ko nalang. "So, ano po ba ang mga kailangan naming ihanda para mailaban sa korte na aksidente iyong kasal namin, Attorney?"
"Well, hindi naman sapat na ebidensya na sabihin niyo sa korte na parehas kayong lasing non kaya kayo ikinasal. Dapat, may isa or dalawa kayong testigo na makakapagsabi na dala iyon ng laro. Pwedeng picture na nasa bar kayo non, at mas malaking ebidensya kapag video para talaga masabi na hindi 'yon sadya."
Nagkatinginan kami ni Mahana sa sinabi ni Attorney. Panigurado, parehas lamang kami ni Mahana ng iniisip nong mga oras na iyon. Wala na kaming naintindihan sa mga sinabi ni Attorney ukol sa mga dapat namin na gawin dahil sa pag-iisip ng mga posibleng tao na makakatulong sa amin.
"Nasaan sina Jade, Mahana?"
Palabas na kami nang opisina ni Attorney Galang pero nalulutang pa rin ako. Ni hindi ko napansin na tapos na 'yong meeting namin kasama siya.
"Kung alam ko kung nasan siya, sana non palang sinabi ko na."
"Tangina! Anong gagawin natin? Silang mag-ama lamang ang makakapagsabi na hindi natin ginusto ang kasal na 'yon." Namomoblemang tugon ko, napahilot pa ako sa aking sentido sa inis.
"Bakit sa'kin ka nagtatanong? Sa ating dalawa, ikaw dapat ang may alam dahil konektado ang negosyo niyo sa kanila. Hindi ba't kayo ang magkakaclose?"
"We're not! Saka mamomoblema ba ko ng ganito kung alam ko?" Depensa ko na nakapagpatahimik sa kanya.
Sa inis ko ay nasipa ko ang gulong ng aking kotse pagkarating sa parking lot. " Tangina! Saan ko naman hahanapin ang mag-ama 'ng 'yon?"