Ang Kasal Ni Marlon Ibanez

3119 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m ------ Hindi ko lubos maisalarawan ang aking naramdaman sa aking nadiskubre. Bagamat may tuwa ngunit may galit din dahil sa pagtago ng mga iyon ni Sophia. At may naramdaman din akong sama ng loob. Siya si James ngunit itinakwil na niya ako! Tiningnan ko muli ang loob ng envelope. At kagaya ng inisip ko, naroon din ang aming litrato. Iyong tatlong kuha namin na inakbayan niya ako, ang isa ay nasa harap niya ako, nakatayo habang nakaupo siya, at ang isa ay talagang nakakandong ako sa kanya. At ang isa pang nakaka-gulat na nakita ko sa loob ng envelope ay ang bracelet; iyong ibinigay ni Marlon sa akin nung unang nagkita kami. Nawala ang bracelet na iyon nang dinampot kaming dalawa ni Ricky ng mga taong hindi namin kilala. Ibig sabihin, may kinalaman si Sophia sa pagdampot sa amin. “Napakasalbahe talaga ng babaeng iyon!” sigaw ko. Dali-dali kong isiniksik muli sa loob ng envelope ang mga litrato, sula at bracelet. Tinupi ko ang envelope upang lumiit atsaka isiniksik ko ito sa waistiline ng aking pantalon upang hindi ito mapansin at matakpan ng aking t-shirt. Matinding kaba ang aking naramdaman. Pagkatpos kong maitago ang envelope sa ilalim ng aking waistline, nilapitan ko muli ang aking resignation letter na nasa ibabaw ng mesa, dinampot ko ito, tiningnan-tingnan na kunyari, ay abalang nagbabasa at pagkatapos ay ipinatong kong muli ito sa ibabaw ng mesa. Aalis na sana ako nang sa paglingon ko sa pintuan, naroon pala si Sophia. Nakamasid siya sa aking ginagawa! Hindi ko alam kung nakita niya ang aking pagtago sa brown envelope sa aking baywang ngunit hindi ako nagpahalata. Inunahan ko na siya ng, “I’m submitting my resignation!” ang matapang kong sabi. Hindi siya natinag sa kanyang kinatatayuan. Taas-noo pa rin siyang tiningnan ako. “Ow really???” Ang sarcastic niyang tugon. “How come? You have been fired! And Marlon fired you! Just yesterday. No one told you?” “He fired me? How nice! Thank you for poisoning his mind!” Humalakhak siya. “Kawawa ka naman Jassim... nag-iilusyon ka pa rin. Alam mo, if I were you, I’ll find a girl.” “O good you weren’t me. Because if I were you too, I’d never reach that age... I’d surely poison myself to death while I was young. It will surely help the world with one evil gone.” “Ow??? Don’t be mean. Huwag kasing sa lalaki pumatol. Tingnan mo tuloy, talo ka. At kung anu-ano na lang ang pumapasok sa iyong kukute. Sayang ka. Ang tali-talino mo, ang guwapo mo... tapos sa lalaki ka lang pala mai-in love. Tandan mo, Jassim, ang lalaki ay para lamang sa babae. Ang babae naman ay para lamang sa lalaki. Walang in-between. Kung may in-between man, iyong kagaya mong bakla. Doon ka nababagay. Kaya akin si Marlon. Ako ang para sa kanya!” at humalakhak muli. “Alam mong James ang pangalan niya, ‘di ba? ‘Di ba?” ang sigaw ko. “Oo! At matagal na! At alam ko ring hindi ka niya kapatid kundi ikaw ay isang baklang naghahabol lang sa kanya. Tama ba ako?” at humalakhak muli. “Mali! Dahil mahal ako ni James! At kung babalik lang ang katinuan niya, siguradong itatakwil ka niya!” Tumawa pa rin siya. “Ilusyunadang bakla!” “Hindi ka niya mahal! Napilitan lang siyang magpakasal sa iyo!” “Ow? Paanong pinilit. Pipilitin ko pa ba? Sa ganda kong ito?” “Maganda? Ikaw ang ilusyunada! Matanda ka na! At kitangkita sa mga kulubot sa mukha mo, sa leeg mo, sa braso mo, ang katandaan mo! Nakakadiri ka nga eh!” At bigla ko nalang naramdaman ang malakas na sampal sa aking mukha. Bigla ring nanlilisik ang kanyang mga mata. “Huwag na huwag kang hahadlang sa aming pagmamahalan ni Marlon kung ayaw mong tuluyan na kitang burahin sa mundo!” “At ikaw rin ang nagpadukot sa amin? Nagpagahasa sa amin?” “Owww? Di mo nagustuhan? ang guguwapo noong mga tauhan kong iyon ah? Ako talaga ang pumili sa mga iyon! What a shame!” “Hayup ka talaga! Demonyo!!! Mamamatay ka na sana!” ang sigaw ko sabay tumbok sa pinto kung saan ay naroon siya at nakaharang, at dire-deretsong naglakad at sinadyang isagi ang aking balikat sa kanyang katawan. “Abat…” ang reaksyon niya nang masagi. “Hoy bakla! Good luck to your lovelife na lang ha!” “Ipapatay kita!!!” ang sagot ko. Iyon ang huli kong natandaang sinabi ko sa kanya. Alam ko, narinig iyon ng mga kasama kong crew. Sa sobrang galit at sama ng loob ko, hindi ko alam kung saan ako tutungo. Noong napadaan ako sa children’s park, naupo muna ako sa sementong bangko sa gilid nito. Sa pagkakataong iyon ay gusto kong umiyak. Ngunit marahil ay dahil sa panggalaiti ko sa galit na nagmukhang pinaglaruan lang ako ni Sophia, walang luhang dumaloy sa aking mga mata. Pakiramdam ko ay ang sikip-sikip ng aking dibdib, hindi ko mailabas ang sobrang bigat ng aking damdamin. Nanatili akong nakaupo roon. Pinagmasdan ko ang mga inosenteng paslit na masayang-masayang naglalaro sa slide, sa swing at see-saw. Binitiwan ko ang isang malalim ng buntong-hininga. Nakaramdam kasi ako ng pagkainggit sa kanila. Mga inosente, walang pakialam sa buhay, ang nasa isip lamang ay ang maglaro, tumawa, tumakbo, sumigaw sa saya. Pakiramdam ko ay gusto kong bumalik uli sa aking pagkabata; sa aking kamusmusan. Nasa ganoon akong pagmumuni-muni noong napansin ko ang dalawang batang kararating lang na sa tingin ko ay magkapatid. Ang isang mas bata na nasa lima o anim na taong gulang lang ay karga-karga sa likod ng kanyang kuya na nasa 12 na taong gulang naman. At sa tingin ko ay lumpo ang mas batang kapatid dahil maliliit ang mga paa niya at hindi nito magawang ikilos. Tuwang-tuwa ako habang pinagmasdan ang magkapatid. Nakakahawa kasi ang kanilang mga ngiti at tawa. Bagamat ramdam kong nahirapan sa bigat ng kanyang kinarga ang nakatatandang bata, bakas pa rin sa kanyang mukha ang ibayong saya. Nagtatawanan sila habang takbo nang takbo ang kuya, karga-karga sa kanyang likod ang kapatid. Parehong naghalakhakan, walang pakialam sa mga tao sa paligid, sa kabila nang may mga kapawa batang nagtitinginan sa kanila. Sumakay sila sa swing, nag see-saw, at pilit pang umakyat sa slide. Naantig ang aking damdamin sa pagkakita ko sa kanila. Iyon bang pakiramdam na hayan sila, hindi alintana ang hirap na dinanas, masayang-masaya pa rin sa buhay; kasing saya ng mga normal na bata na nakapaligid sa kanila. At ang kuya, hindi niya iniwanan ang kapatid. Kahit mabigat, kinakarga pa rin niya ito. Nagsakripisyo siya upang damayan ang kapatid; upang kahit papaano ay maipadama niya rito na may taong nagmamahal sa kanya, na may kuya siyang maaasahan, masasandalan, at hindi bibitiw gaano man kahirap at kabigat ang papasanin niya. At ewan kung ano ang pumasok sa aking kukute noong dumaan sila sa aking harapan at naitanong ko pa ang, “Siguro ang bigat-bigat niya ano?” sabay turo ko sa batang kinakarga. Biglang napahinto ang kuya at tiningnan ang karga-kargang kapatid. Hindi mabura-bura sa aking isip ang tingin niyang iyon sa kapatid niya. Iyon bang parang isang eksenang nakakaantig ng damdamin. Sa tingin niyang iyon sa mukha ng kanyang nakababatang kapatid ay tila may hinahanap at hinuhugot siyang kasagutan. Nagkatinginan ang dalawa. Ang sukling tingin ng nakababatang kapatid ay parang may bahid na lungkot, may di maipaliwanag na takot at insecurity. Parang ang titig niyang iyon sa kanyang kuya ay nagtatanong ng, “Nabibigatan ka na ba sa akin kuya? O, mabigat ba talaga ako kuya???” Ako man ay nabigla rin sa aking tanong, nagsisi kung bakit lumabas ang mga katagang iyon sa aking bibig. May naramdaman akong awa sa bunso, nangambang baka magkamaling sumagot ang kuya niya at masaktan ang bata. Parang lumabas tuloy na napaka-insensitive ko sa kanilang kalagayan. Nilingon ako ng nakatatandang kapatid, may bahid na galit ang kanyang tingin sa akin sabay bitiw ng padabog at pasigaw na sagot. “Hindi siya mabigat! Kapatid ko siya at mahal na mahal ko!” atsaka tumakbo patungo sa swing at ipinagpatuloy ang kanilang masayang paglalaro. Mistula akong binatukan sa aking narinig. Isang batang paslit ang nagpakita sa akin ng isang mukha ng tunay na pagmamahal. Isang musmus ang nagmulat sa aking mga mata kung ano ang kahulugan ng pagsasakripisyo sa ngalan ng pag-ibig. At ewan ko rin ba kung may kaugnayan, bigla kong naalala ang tanda na hiniling ko sa aking panalangin. Napalingon ako sa simbahan na nasa gilid lang ng park. “Salamat po... Kung ito po ang mensaheng ipinarating ninyo sa akin, nakuha ko na po. Kagaya ng kuya ng bata, hindi ako bibitiw kay James, gaano man kabigat ang aking maaaring pasanin, kahit masaktan ako, magsakripisyo, hindi ko siya bibitiwan. Salamat po,” ang bulong ko. Kinagabihan, nag-usap kami ni Ricky. Sinabi ko sa kanya ang lahat na nadiskubre ko. “Sabi ko na nga ba eh! Alam ng bruhang iyon ang lahat. At siya rin ang nagpadukot sa atin!” “Oo. Tama ka Ricky. At dahil dito, napagdesisyonan kong huwag bumitaw. Hahabulin ko pa rin si James. Lalabanan ko si Sophia. Aagawin ko si James sa kanya!” sambit ko sabay hugot sa aking cp at dinayal ang numero na ibinigay sa akin ng tingauriang mayor ng mga preso. “Sino ba iyang tinatawagan mo?” ang tanong ni Ricky. “Isang kaibigan,” ang sagot ko. Pinindot ko ang speakerphone para marinig din ni Ricky ang aming pinag-uusapan. “Hello!” ang sagot sa kabilang linya. “Hi... kilala mo pa ba ako? Ako iyong tinulungan mong makalaya sa kulungan...” “Ah... ang poging bata!” ang sagot niya. “Anong maipaglilingkod ko, bata?” “M-magpapatulong lang sana ako...” “Bakit? May ipapatay ka ba?” ang sambit ng preso. Napatingin ako kay Ricky. Hindi ko akalain na ganoon ka diretsahan ang pananalita niya. Si Ricky naman ay napatakip sa kanyang bibig, halatang nabigla sa narinig at sa hindi niya akalaing may contact na pala akong hitman. Siguro ay naisip niyang ganoon na lang pala kadali para sa akin ang magpapatay ng tao. At dahil nag-aalangan akong sabihin sa preso ang pakay ko, natakot na baka iba ang isipin ni Ricky, sinagot ko na lang siya ng, “M-mamaya na lang, mag-usap tayo. Basta tulungan mo ako please?” “Basta ikaw, bata. Walang problema.” Iyon lang. Kahit papaano, may naramdaman akong sense of security. Para bang sa sisip ko ang napakadali lang pala. “Igan! Ipapatay mo ba talaga siya? Totohanin mo ang banta mo sa kanya sa restaurant?” “Bakit? Narinig mo iyong banta ko?” “Narinig ng lahat ng staff at crew! At ang sabi nga nila ay, sana raw ay totohanin mo!” “Bakit? Naniniwala ka ba talagang kaya kong ipapatay siya?” “Hindi nga ako makapaniwalang tatawagan mo talaga ang preso na iyon eh. Kaya nga tinanong kita kung ipapatay mo ba talaga siya?” Nahinto siya sandali. ”Sabagay, marami kaming matutuwa.” “Maghintay ka lang. Basta may plano ako,” ang sagot ko na lang. “Paano iyan, sa sunod na linggo na ang kasal nila?” At doon na naman ako nalungkot. “A-ang bilis naman...” “Kaya nga dalian natin ang kung ano mang pangontra sa kanya, igan!” “Hmmm.” “Nagmamadali siguro ang haliparot na baka magbago pa ang isip ni Sir Marlon.” “At isa rin ang taong iyon. Iba na ang napansin ko kay Marlon eh. Parang nag-iba na siya Ricky. Napansin mo ba?” “Oo... palaging late sa trabaho, parang palaging lasing o naka-droga, pulang-pula ang mga mata, naka-shades palagi, at suplado siya huh! Parang nahawaan sa ugali ni Sophia! At ang kanyang pananamit, naka-maong lang kapag pumasok, naka-t-shirt, at minsan ay nakasandal lang. Ibang-iba talga siya Igan! Parang walang modo. Parang ugaling kanto at adik lang.” “Di kaya dahil sa kanyang karamdaman iyan?” “Na-amnesia uli? Ano yang klaseng amnesia niya? Parang time machine na kapag naumpog, nasa ibang panahon? At kailangan i-umpog nang paulit-ulit hanggang sa mahanap ang tamang panahon niya?” “Ewan ko rin... ‘Di ko masagot.” “S-sa kasal nila igan... dadalo ka ba?” “Dadalo ako. May plano akong gagawin doon.” “S-sure ka? Baka masaktan ka lang?” “Aagawin ko siya kay Sophia, ‘di ba?” “Oo... pero paano mo siya agawin?” “Basta...” Dumating ang takdang araw ng kasal. Malungkot ako, syempre, ikakasal na si James. Ngunit pilit na nagpakatapang ako. Tiwala akong si James ay para sa akin. At ang isang pakunswelo sa isip ko lang ay ang technicality na kung makasal sila na Marlon Ibanez ang gagamiting pangalan ni James sa pagpapakasal, magiging walang bisa rin iyon kapag nanumbalik na ang kanyang alaala. Kasi ang legal niyang pangalan ay James Andres. “Akala ni Sophia ay magtagumpay na siya. Akala niya maisahan niya ako!” sa isip ko lang. Kasama ko si Ricky, pumuwesto kami sa bandang gitna ng mga nakahilerang upuan sa loob ng simbahan. Ako sa pinakagilid mismo ng pasilyo, katabi ko naman siya. Kahit wala kaming invitation, nagmukha naman kaming mayaman sa aming suot kung kaya ay hindi kami nahalata na mga gate crashers lang. “Ang ganda ng mga dekorasyon igan! Sana kapag ikinasal ako, ganito rin,” ang bulong ni Ricky. “Huwag kang mangarap. Hindi ikinakasal ang mga bakla sa Pinas!” ang pagsupalpal ko pa. “Ito naman, sobang KJ! Nangarap nga lang ang lola mo eh…” “O sige, mangarap ka. Libre naman iyan eh.” Maraming tao ang dumalo. Mga mayayaman lahat. De-kotse, mga pulitiko, mga negosyante, mga de kalibre. Syempre, maganda rin ang mga palamuti sa simbahan, punong-puno ng mga bulaklak na mamahalin ang altar, ang pasilyo, ang dingding ng simbahan. Nagsimula ang kasal. Unang nagmartsa si Marlon na sinundan ng kanyang best man at mga groom’s men. Noon ko lang din nakita ang best man niyang iyon. Ewan kung saan niya naging kaibigan ang taong iyon. Kahit nakaporma siyang kasuotan, tila ex-convict ang hitsura. May hikaw, may tattoo ang leeg, naka shades, at ang paglalakad, parang lasing. Nakakalungkot dahil ako ay hindi man lang niyang magawang kahit respeto man lang na imbitahin kunyari na maging best man niya o kahit isa sa mga groom’s men man lang. Ni invitation letter nga ay hindi ako binigyan. Ramdam ko ang pagsikip ng aking dibdib lalo na noong nakita ko si James na napaka-guwapo sa kanyang suot na Amerikana. Tila nanumbalik ang pagkapormal niyang gumalaw. Pakiwari ko ay talagang kagustuhan niyang makasal kay Sophia. Abot-tainga ang kanyang ngiti at parang walang mapagsidlan ang kanyang kaligayahan, kabaligtaran sa aking nararamdaman. Parang gusto kong umiyak. Parang gusto kong maglupasay at hihiga sa sahig sa tindi ng sakit na aking naramdaman. Ngunit pinilit kong maging matapang, magpakatatag, magpaka-civil. Pinigilan ko rin ang sariling huwag dumaloy ang aking mga luha. Ang sunod na nagmartsa ay si Sophia, na inihatid ng kanyang ama. Kitang-kita ang ibayong saya sa kanyang mukha. Maganda ang kanyang damit pangkasal. Maganda rin siya... marahil ay dahil sa makapal na make up o dahil may inggit lang akong nadarama. Hindi ko alam. Basta ang alam ko, ay tila umuusok sa galit ang aking dalawang tainga. Sa sobrang tindi ng galit ko ay naglalaro sa aking isip na sasaksakin ko na lang siya habang dumaan siya sa pasilyo kung saan ako naupo. Ngunit tinimpi ko pa rin ang aking sarili. “Mamaya ka lang...” sa isip ko. Sa kalagitnaan ng seremonya ng kasay ay dumating ang puntong nagtanong ang pari. “Kung sino man ang may pagtutol sa kasal na ito, magsalita na ngayon bago pa man maging huli ang lahat...” Tahimik. Sa sobrang tahimik ay tila maririnig mo kung may babagsak na karayom dahil tindi ng katahimikan. “Nagtanong muli ang pari. “Uulitin ko, at hindi ko na uulitin pa ang tanong na ito, may tututol ba?” Wala pa ring sumagot. Sa totoo lang, ay iyon ang plano kong gawin, ang tumutol. Ngunit tila may humahadlang din sa aking isip nap ag-aalinlangan. “Ganito na ba talaga ako ka desperado? Ganito na ba ako kababa na ang lalaking mahal ko na kusang lumayo sa akin at nagpakasal ng iba ay haharangan ko? Tama ba?” “Igan… tomayo ka na! Tumutol ka na!” ang pabulong na panunulsol ni Ricky. “Last chance na natin ito!” Ngunit hindi pa rin ako natinag. May pagdadalawang-isip pa rin ako. Nagsimula nang ipinagpatuloy na ng pari ang sunod na bahagi ng seremonyas. At tila may biglang humatak sa akin na tumayo. “Ako Padre! tutol po ako!” ang sigaw ko. Biglang natahimik ang mga tao. Maya-maya lang ay may narinig na akung mahinang bulungan. Nakita kong ibinaling ang tingin ng mga taong nasa harap sa akin, ang iba ay nanlaki ang kanilang mga mata at inusisa ang aking mukha. Nabigla rin ang pari na natahimik at ibinaling ang tingin sa akin. Nang tiningnan ko si Sophia, halos hindi ma-drawing ang kanyang mukha sa tindi marahil ng kanyang galit. Lumingon din si Marlon sa akin. Seryoso ang kanyang mukha na may bahid na galit din. “At ano naman ang dahilan, hijo at tutol kang ipagpatuloy ang kasal ng dalawang ito?” ang tanong ng pari. “Makinig ako at ang mga tao.” “May amnesia po ang groom, Padre. Hindi po Marlon Ibanez ang kanyang pangalan...” Na siyang lalo pang pagtindi ng bulung-bulungan ng mga naroon. Nagpatuloy pa ako, “Ang tunay po niyang pangalan ay James Andres na taga-Mindanao at dati po siyang nagtatrabao bilang security guard sa aming baranggay. Napilitan po siyang umuwi, sumakay ng bus patungo ng Mindanao dahil na-stroke ang kanyang inay ngunit nabangga ang kanyang sinasakyang bus at iyon ang dahilan ng kanyang pagka-amnesia. Patay ang lahat na pasahero ng bus. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, may isang taong buhay sa aksidenteng iyon; si Marlon. At si Sophia po ang nakakita sa kanya sa bangin. Sa kanyang pagka-amnesia, itinago siya ni Miss Sophia at binigyan ng panibagong identity, sa pagkatao ni Marlon Ibanez. Hindi siya ipinagamot ni Sophia upang hindi na manumbalik pa ang kanyang alaala at tuluyan niyang maangkin si Marlon na James sa tunay na pagkatao. Para sa kaalaman ng lahat... itinago at inilibig po ni Sophia ang tunay na pagkatao ni James. At nais ko pong maipagamot si James upang makauwi na sa kanila sa Minadanao at makita ang naghintay, nag-iisa, at nakakaawa niyang ina na biktima ng stroke...” (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD