Ang Pagbabalik Sa Burol

3193 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m --- “Ah siya ang nakatatandang kapatid ng itay mo. Nakakaawa kasi... nag-iisa lang sa bahay niya, at hindi malaman kung ano ang sakit. Namimilipit sa sobrang sakit ng kanyang tiyan. Hindi naman maipa-ospital gawa nang walang pera. Wala naman kaming maitutulong. Naroon pa siya, iniwanan namin na namimilipit sa sakit. Pinainom ko na lang muna ng mga pinakuluang dahon na herbal.” Sa pagkarinig ni Marlon, biglang inihinto niya ang kanyang kotse. “Saan ba ang lugar niya inay at puntahan natin?” “Doon sa dulo ng kalsadang ito, sa pinanggalingan namin.” Agad-agad pinaharurot ni Marlon ang kanyang kotse patungo sa nasabing lugar. Naabutan namin ang aking Tita na halos mawalan na ng ulirat sa iniindang matinding sakit sa kanyang tiyan. “Dalhin natin siya sa ospital, “Nay,” ang sabit ni Marlon. “Diyos ko! Wala kaming pera!” ang sagot ng inay. “Ako pong bahala,” ang sagot naman ni Marlon. Agad namin siyang isinakay sa kotse ni Marlon at dumiretso na kami sa ospital. “Baka kasi kailangang operahan si Tita, inay. Baka acute appendicitis iyan or bato sa gallbladder o di kaya ay sa kidney,” ang sambit ni Marlon. Hindi nga nagkamali si Marlon. Lumabas sa ultrasound na halos pumutok na ang kanyang apdo dahil sa malalaking bato na naroon. Ipina-opera agad ni Marlon ang Tita ko. Doon humanga ang aking mga magulang kay Marlon. Wala namang mapagsidlan ng tuwa ang aking Tita dahil sa ipinamalas na kabaitan ni Marlon. “Hulog ka nang Diyos, anak...” ang sambit ng itay kay Marlon na napaiyak. Sa totoo lang, noon ko lang nakita ang itay na umiyak. Mahal na mahal kasi ng itay ko ang kapatid niyang iyon. Atsaka, ang bait-bait noon, lalo na sa akin. Minsan kapag wala akong baon sa school, nanghihingi ako sa kanya, binibigyan ako kapag mayroon siya. May isang beses pa nga nanghingi ako sa kanya, binigyan niya ako ng limang piso. Noong binisita ko siya sa gabi, naabutan ko siyang naghapunan at asin lang ang ulam. “Tita, bakit po asin lang ang ulam ninyo?” “Hayaan mo na, masarap naman ang asin eh,” ang pabiro niyang sagot. “Hindi nga po... hindi naman lang kayo bumili ng kahit itlog o tuyo, o sardinaas?” Biglang natahimik siya, ang mukha ay naging seryoso. “Hindi na ako pinautang ng tindahan. Marami pa raw akong utang. Pero, hayaan mo na iyon. At least ako may nakakain. Ang iba nga diyan wala eh, ‘di ba?” At doon na ako tinablan ng awa sa Tita ko. Nagsisi tuloy ako kung bakit nanghingi pa ako ng baon sa kanya. Huling pera na pala niya iyong limang pisong ibinigay sa akin. Napaluha na lang ako, niyakap ko siya. “S-sorry Tita ah! Iyong huling pera ninyo ay hiningi ko pa talaga! Hindi ko kasi alam. Hayaan po ninyo, kapag may pera ako, ako naman ang magbibigay sa inyo,” ang sabi ko sa kanya. “Hay naku itong batang ito. Nagda-drama pa. Sanay ako sa ganito, ano ka ba,” ang sagot naman niya bagamat napansin kong nagpapahid siya sa kanyang mga mata. Simula noon, kapag kumakain kami sa bahay, lagi ko na siyang dinadalhan ng ulam sa kanila. Iyan ang karanasang hindi ko malilimutan tungkol sa kabaitan ng Tita ko. At ipinangako ko na rin na kapag may trabaho na ako, hindi ko rin siya pababayaan. Nag-iisa lang kaya siya sa buhay, walang asawa, walang anak… “Hinding-hindi ko malilimutan ang ginawa mong ito sa amin, Marlon,” ang sambit ng itay. Halos hindi siya maaawat sa pagpapasalamat. “Itay naman... Tita ko po iyong nagkasakit, kapatid po ninyo. Natural lamang na tulungan ko kayo at siya dahil pinalaki ninyo kami nang maayos.” Natameme naman ang aking itay. Syempre, hindi naman totoong anak siya talaga. Niyakap na lang niya si Marlon. “S-sana ikaw... gumaling ka na rin anak,” ang nasambit lang niya. Syempre, ako man ay parang nakonsyensya rin. Pero inisip ko na lang na siguro, isa sa mga dahilan kung bakit na-amnesia siya ay upang isalba ang buhay ng aking Tita. Kasi, kung hindi dumating si Marlon sa amin, malamang na pumutok na ang apdo ng tita ko na siyang ikamamatay nito. Isang buhay rin ang nasagip niya. Nagpaiwan ang inay sa ospital. Isagawa raw kasi ang opersyon sa gabi ng araw na iyon. Kaming tatlo lang ng itay ang umuwi. Noong nasa bahay na kami, inilabas naman ni Marlon ang kanyang biniling mga delatang pagkain, mga sitserya, mga damit at kung anu-ano pang mga pasalubong. Nagtira rin siya ng para sa Tita ko. Sobrang saya ang naramdaman ng aking itay na talagang inalok niya si Marlon na mag-inuman sila. May mga tuba kasi siyang stock, galing sa mga niyugan niya at ito ang idinideliver niya sa kanyang mga suki. Kumuha siya ng isang galon para sa amin. Nagkatay ang itay ng isang manok at nilitson ito. Pinaunlakan naman siya ni Marlon. At nagbukas rin si Marlon ng mga delatang dala namin. Syempre, nakisali ako sa inuman. Baka mamaya may lalabas na tanong si Marlon at hindi masagot ni itay, at least nandoon akong sasalo nito. Dahil may gitara, naggitara ako, at nagkantahan pa kami. Kinanta rin namin ang kinanta niya sa akin noong umalis siya, ang “Beautiful In My Eyes”. Tuwang-tuwa ang itay sa aming pagba-bonding. Habang nakaupo kaming dalawa ni Marlon na magkatabi sa kawayang bangko sa harap ni itay, nakatingin naman siya sa aming dalawa na siguro kung naging dalaga lang ako, iisipin kong ang tingin niyang iyon sa amin ay isang pahiwatig na boto siya kay Marlon para sa dalaga niya. Panay lang ang ngiti niya sa amin, kahit paminsan-minsang inaakbayan ako ni Marlon at ako naman ay yumayakap sa kanyang beywang at halos maglalampungan at maghahalikan na lang kaming dalawa sa sobrang pagka-sweet sa harap niya. Dedma lang ang itay, panay pa rin ang ngiti. Noong naramdaman kong lasing na ako at medyo lasing na rin si Marlon, nagpaalam na ako kay itay na magpahinga na kami sa kuwarto. Parang isang bagong kasal lang kami na pagkatapos ng kasayahang kasama ang magulang, sinamahan ko na ang aking groom patungo sa aming kuwarto. Wish ko lang talaga ang ganoon. Dahil nabusog na kami sa pulutang barbecue na manok at mga sitserya at delata, hindi na kami naghapunan pa. Diretsong pumasok na kami sa loob ng bahay. Hindi ko naman maiwasang hindi kabahan. Wala kaya kaming solong kuwarto para sa kanya. Ipinakita ko muna sa kanya ang litrato namin na ibinigay niya. Nahanap ko kasi ito sa ilalim ng aking kabinet. Iyon iyong kuha sa terminal ng bus bago siya umalis. Noong nakita niya ang mga ito, lalo na iyong nakakandong ako sa kanya, lalo pa siyang nakumbinse na mag-utol nga kami. “M-may ganito ka rin sa wallet mo Yak noong araw na sumakay ka ng bus,” ang sambit ko. “T-talaga?” “Oo... hindi ba ibinigay sa iyo?” “H-hindi eh. Si Sophia ang nagsabi sa akin na na-comatose daw ako ng sobrang tagal dahil sa aksidente. Ang sabi niya ay matagal nang patay ang aking mga magulang, sa pagkalunod daw ng barko kung kaya ay wala silang libingan. At magkasintahan nga raw kami at malapit nang ikasal. Alam daw iyon ng aking mga magulang. Iyon ang sabi niya at wala namang binigay na ganyang litrato.” “Hayop talaga ang Sophiang iyon!” sa isip ko lang. “Gusto mo magpa-recopy ka na lang uli ha? Ipakita mo kay Sophia,” ang sambit ko. “S-sige bukas, magparecopy tayo...” Marami pa kaming pinag-usapan sa gabing iyon, ang mga lugar, ang Tita ko, ang mga nakagawiang gawin ng pamilya. Ngunit syempre, imbento ko lang na kasama siya sa mga iyon at hindi ko na sinabi pa ang mga maseselang ginagawa namin. “Sa iisang kuwarto lang pala tayo natutulog Yak?” ang tanong niya noong napansing iisa lang ang kama sa kuwarto ko, iisa lang ang kumot, bagamat dalawa ang unan kasi, nasanay akong idinadantay ko ang aking mga paa rito. “Oo...” ang sagot ko. I mean, may isa pang kama riyan,” turo ko sa gilid ng dingding. “Kaso, nang hindi ka na nga bumalik, tinaggal na namin.” “Talaga?” “B-bakit, ayaw mo ba na magtabi tayo? P-puwede namang mag-hotel ka, o tayong dalawa kung ayaw mo rito.” “Tange. Bakit ako magho-hotel kung ganito naman talaga ang tulugan natin dati. Atsaka, gusto ko nga eh. Pinangarap ko ngang makayakap sa pagtulog ang aking bunso eh...” sabay tawa. Napangiti naman ako. Parang gusto kong sabihin sa kanya na “Ako rin. Miss ko na iyong ginawa mo sa akin, iyong itinuro mo sa akin...” Ngunit hindi ko na itinuloy iyon. Alam ko, masagwa iyon para sa dalawang “magkapatid”. Nauna akong nahiga sa kama. Maya-maya ay naghubad siya ng kanyang t-shirt, tapos ang pantalon. Brief na lang ang natira sa kanyang katawan. “Naka-brief lang ako kapag natutulog....” ang paliwanag niya. Mistula naman akong nabilaukan sa narinig. Hindi kaya kalakihan ang kama ko, tapos katabi ko pa siya, at sanay ang aking paa na idantay sa unan na gagamitin naman niya. Baka kung saan-saan madantay ang aking paa! Syempre, may pagnanasa ako sa kanya. Nang matapos na siyang maghubad, humiga na siya sa tabi ko. Binigyan ko siya ng espasyo. Pareho kaming nakatihaya. Walang imikan. Ewan kung ano ang laman ng isip niya ngunit ako, kinabahan. Parang may mga paru-paro sa loob ng aking tiyan. Maya-maya ay tumagilid siya. Idinantay pa niya ang kanyang paa sa aking tiyan ang isa niyang braso sa ibabaw naman ng aking dibdib. “Pwede bang yumakap d’yan...” ang sambit niya. “Ambigat-bigat arrrggghhhh!” ang kunyaring pagprotesta ko pa. “Sarap pala kapag kasama sa kama ang bunso, ummmmm!” sabay pagkagat-kagat niya sa aking leeg, sa aking tainga. “Arrgggghh!” ang pigil kong pagsigaw dahil sa kiliti bagamat sa loob-loob ko lang ay sobrang kilig ang aking nadarama. Naalala ko tuloy ang mga ginagawa sa akin ni James dati. Halos ganoon din. At lalo pa niyang diniin-diin ang kanyang bibig sa leeg ko. Pati ang dibdib ko ay kinagat-kagat na niya. Hindi naman ako mapigil sa katatawa. Ang cute kaya ng kanyang pagkagat-kagat sa aking dibdib, at pati pa ang aking pisngi. Nalalanghap ko tuloy ang kanyang hiningang may bahid na amoy tuba. At kunyari ay itinulak ko pa siya. “Yak naman, ang kulitttt.” “Ako ba talaga ang makulit Yak? Hindi ba ikaw?” “Ikaw kaya...” ang sagot ko. “O sya... Yakap na lang sa kuya.” At tumagilid ako, yumakap sa kanya. Grabe, ramdam ko sa aking balat ang init ng kanyang hubad na katawan. Ramdam ko ang pag-init ng aking katawan, parang gusto ko nang bumigay at halikan siya. Tahimik. “Alam mo Yak... ang saya-saya ko na nakilala at nakita ko ang aking pamilya.” Hindi ako nakasagot agad. Bagamat may tuwa akong nadarama, alam kong hindi iyon ang buong katotohanan. Hinaplos-haplos ko na lang ang kanyang buhok. Naalala ko tuloy ang aming pagtatagpo ni James. Bagamat nagagawa namin ang lahat noon, patago naman. Sa pagkakataong iyon na bukas na sana sa kalooban ng aking pamilya, hindi naman puedeng maging mahalay kami dahil “magkapatid” nga. “A-ako rin Yak... namiss ko na ang ganito. Ang kasama ka, ang makatabi ka sa pagtulog, ang kulitan natin,” ang sagot ko na lang. Tinitigan niya ako. Habang iginuri-guri niya ang kanynag mga daliri sa aking buhok, Mistulang binihasang mabuti ng kanyang titig ang bawat detalye ng aking mukha at tinandaan ito sa kanyang isip. “Mahal kita yak...” ang sambit niya. Hindi ko lubos maisalarawan ang aking nadarama sa narinig. Parang nasa gitna ako ng ikapitong alapaap. Mistula itong isang napakagandang musika sa aking tainga. Parang gusto kong umiyak. Tinitigan ko rin siya. “Mahal din kita Yak,” ang sagot ko. Niyakap niya ako nang mahigpit. Hinalikan sa pisngi, sa leeg, sa buhok... nanggigigil. Niyakap ko rin siya ng mahigpit at hinalikan ko rin siya sa pisngi. Pagkatapos, inihaplos-haplos ko ang aking mga daliri sa kanyang ilong, sa kanyang mukha, sa kanyang kilay, sa mata. At noong idinantay ko na ang aking daliri sa kanyang mga labi. Iniimagine ko na mga labi ko ang dumampi sa kanyang mga labi. “O sige na... matulog na tayo,” ang mahina niyang sambit. At maya-maya nga lang ay nakita kong nakapikit na ang kanyang mga mata. Nanatili pa rin akong nakatitig sa kanya. At noong naalala ko ang huli naming pagtatalik, binulungan ko siya, “Ang tagal na noon yak. Sabik na sabik na ako...” Ngunit iyon na ang huli kong natandaan. Nakatulog na rin pala ako bunsod ng pagod at kalasingan. Kinabukasan pagkatapos ng aming agahan, dinala ko si Marlon sa burol. “Alam mo yak... d’yan tayo naliligo sa ilog na iyan. D’yan din naglalaba ang inay,” ang sambit ko nang dumaan kami sa ilog kung saan una kaming naging magkaibigan. “Wow! Ang ganda ng ilog Yak. Ang sarap pala ng lugar natin! Gusto mo maligo tayo?” ang mungkahi din niya. “Mamaya na. Puntahan muna natin ang burol, sa likod ng bodega, a dati ong trabaho at kung saan ay lagi kitang dinadalaw.” “Okay. Malapit lang pala sa bahay natin…” hindi niya naituloy ang sasabihin. Tila may napansin. “Sandali... ‘di ba ang sabi mo ay noong nagtatrabaho pa ako rito, sumakay ako ng bus patungo ng Mindanao kasi na-stroke nga ang inay. Paanong pumunta pa ako ng Mindanao samantalang nandito pala tayo nakatira?” “Huh!” ang nasa isip ko sa pagkabigla. Tama nga naman siya. Bakit pa siya sumakay ng bus kung naroon lang kami? Hindi ako nakasagot agad. “Eh... ah... d-dito muna tayo nakatira. At... pagkatapos, l-lumipat tayo sa Mindanao. Tama. L-lumipat tayo. At doon na inatake ang inay.” Ang naisip kong sagot. Ngunit sinagot na naman niya ako, “Pagkatapos... lumipat na naman sila pabalik dito at ngayon ay dito na sila uli?” “Ah, eh... o-oo. T-tama ka Yak. Tama ka nga,” ang sagot ko na lang. Nalilito na kasi ako. Ngunit dinugtungan pa niya ang kanyang tanong. “Bakit mo sinabing pinsan natin ang bibisitahin natin dito? Bakit sinabi mong nasa Mindanao ang ating mga magulang noong nagbiyahe na tayo patungo rito?” “Eh... nalimutan ko rin eh!” ang pag-aalibi ko. “Tara dalian natin ang pag-akyat upang makita mo ang likod ang bodega,” ang paglihis ko na lang sa usapan. Hindi na ako nagsalita pa. Baka kasi may iba pa siyang itatanong. Noong nakarating na kami sa taas, itinuro ko sa kanya ang puno ng talisay na itinanim niya ngunit pinaputol ng may-ari ng bodega. Itinuro ko rin kung saan siya nagtayo dati ng bahay kubo na siya kong binibisita. Nasa ganoon kaming pag-uusap nang biglang may nagsalita. “Brod! Nandito ka na? Ampogi-pogi natin ah! Hanep ang pananamit. Hanep ang kutis. Pangmayaman! Hindi ka na kutis sekyu!” Si Badong. Iyong guwardiyang pumalit kay James. Nandoon pa rin pala siya. Akala ko ay umalis na siya roon. “Ah... S-si Badong J-James, ng dati mong kasamahan sa trabaho ditto,” ang pagpakilala ko sa kanilang dalawa. At tinawag ko na lang talaga siyang James. “Ah... ikaw pala si Badong. Nabanggit ka nga nitong utol ko na kasama kita sa trabaho.” “Utol mo ito?” ang gulat na sagot ni Badong. “Utol mo ito?” sabay turo niya sa akin. “Utol. Bakit ba kung tawagin niya ako ng utol, bawal ba?” ang mataray kong pagsingit. Alam ko kasing malisyoso ang tanong niyang iyon. “Ah... sabagay. Noon pa man ay sobrang dikit niyo na sa isa’t-isa. Parang sobra pa nga kayo sa mag-utol eh,” ang dugtong pa ni Badong sabay bitiw ng ngiting parang sa isang manyak. Alam ko ang ibig niyang tumbukin. Alam niyang kagaya ng ginawa niya sa akin, nauna nang may ginawang milagro si James sa akin. “S-saan ka na pala nagtatrabaho ngayon brod? Ang gara ng porma natin ah. At ang gara ng suot!” baling niya kay Marlon. “Sa MCJ Restaurant.” “Sa restaurant na iyan ikaw ngayon naggu-guwardiya? Mga mayayaman lang ang kumakain d’yan ah! Sikat na sikat ang restaurant na iyan, halos lahat ng syudad ay may branch sila!” “Manager siya sa main restaurant nila Badong,” ang pagsingit ko. “Manager? Waahh! Paano nangyari iyon?” “Manager. Posisyon ng mga matatalino,” ang sarcastic ko pang pagsingit. “Ipasok mo naman ako roon brod!” “Oo ba...” Nasa ganoon silang pag-uusap nang biglang naghanap ng CR si Marlon. Tinuro ni Badong ang looban ng bodega. Noong kaming dalawa ni Badong na lang ang naiwan, nakangiting demonyo ito sa akin. “Lalo kang gumuwapo Jassim! Naiinggit tuloy ako kay James. Palagi na lang akong nauungusan niyan.” “Bastos!” ang sambit ko. “Bastos? Di ba dati, sarap na sarap ka sa pagsususu sa t**i ko ngunit ngayong nand’yan na iyan,” turo niya sa direksyon na pinasukan ni Marlon “...batos na agad ako? Hindi ba puwedeng nalilibugan lang sa iyo? At bakit? Totoo rin namang titinitira ka niya ah! At ako, sabik na sabik na sa iyo ngayon. Halika...” at kinaladkad niya ako sa isang tagong sulok. Nang nandoon na kami, parang hinahabol itong dali-daling tinanggal ang kanyang sinturon atsaka ang butones ng pantalon. At noong nakalabas na ang kanyang tigas na tigas nang ari ay pilit niya akong pinaluhod sa kanyang harapan. “Atat na atat na ako sa iyo, tangina lalo kang sumarap! Nakakalibog ka, Jassim! Sige na, luhod na at dalian natin! Tangina garbing libog ko. Sige na para matapos na tayo habang wala pa iyang boyfriend mo!” Kahit nakipagsambuno ako sa kanya, ngawa pa rin niyang mapaluhod ako. “Badong ayoko...” “Ayaw mo? Sige ibubulgar ko ang mga ginagawa ninyong dalawa. Mag-utol pala ha! Gusto mo ba iyon? Dali naaaa! Isubo mo naa! Tangina. Libog na libog na ako! Masasayang ang oras!” ang pigil niyang pagsigaw. “Hahawakan ko na sana ang kanyang naghuhumindig na p*********i nang narinig ko ang tawag ni Marlon. “Yak!!!” “Arrggghh!” sigaw ko. Noong nakita niya kami ni Badong sa ganoong ayos at hawak-hawak pa ni Badong ang aking buhok, dali-dali niyang sinugod si Badong at pinaulanan ito ng suntok sa mukha. Ngunit lumaban si Badong. Pinakawalan din niya ang isang malakas na suntok at sapol si Marlon sa mukha, dahilan ng kanyang mabilis na pagkatumba. At ang masaklap, tumama ang kanyang ulo sa isang malaking bato. Hindi ako halos nakakilos sa bilis ng mga pangyayari. At ang sunod ko na lang na nakita ay ang pagkabulagta ni Marlon sa lupa. At maraming dugo ang dumaloy mula sa kanyang ulo! “YAAAAKKKKKKKKKKKKKKKK!!!” Ang sigaw ko na halos sumabog ang baga ko sa matinding lakas ng aking pagsigaw. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD