"So kailan ang kasal?" Sabi sa akin ng pinsan kong si Blue. Nasa botique kami ng isang kilalang fashion designer sa bansa.
"A month from now." Walang kagana ganang sagot ko sa kaniya.
"Oh eh bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa yung itsura mo? eh diba gusto mo naman siyang mapasayo? galing mo nga pinsan, kasi diba gusto mo maging girlfriend lang niya? tapos ngayon magiging asawa mo pa siya. Bilib na ko sayo." Nagthumbs-up pa siya na tila nang-aasar.
"Oo plano ko nga maging akin siya pero hindi yung ganito." Oo at ikakasal nga kami gaya ng napagdesisyunan ng mga parents namin. Pero hindi ko gusto yung trato niya sa akin. Yes, I love him pero sa araw araw na lumilipas na ipinaparamdam niya sa akin na this marriage is a mistake, masakit yun.
Yung tipong lalapit pa lang ako sa kaniya ay lalayo na siya, yan ang sitwasyon namin ni Fritz. He agreed to marry me but I know to myself na napipilitan lang siya, and he even told me na ako lang ang may gusto nito at nasisiyahan sa mga pangyayari.
Ni hindi nga niya ko matagalang kausapin kapag kinakausap ko siya. Hindi niya rin ako sinasamahan sa pagaasikaso ng kasal namin. Araw-araw ipinamumukha niyang pakakasalan lang niya ko dahil yun ang utos ng matatanda. But I love him so much to the point na kaya kong tiisin kahit hindi niya ako pansin basta magkakasama kami forever.
"Alam mo pinsan, sa ganda mong iyan, kapag nasa iisang bubong na kayo mamahalin ka na rin nun. Sino bang hindi maiinlove sayo eh nasayo na ang lahat, maganda, sexy, magaling magluto, mabait kapag tulog, spoiled brat....aray bakit ka ba nanghahampas." Nahampas ko kasi siya bigla. Ang ganda na sana nung mga sinasabi niya eh, ang ending naman sablay pa.
"Oo na ako na spoiled brat at maldita. Mabait din naman ako kapag mabait kaharap ko noh." I'm a b***h sometimes at aminado ko dun. Pero sa karapat dapat lang na tao.
"You know what pinsan, bakit hindi nyo na lang itigil kasal niyo? Tignan mo nga yang mukha mo, ni hindi mo makuhang maging masaya kahit pa nga sabihin nating mahal na mahal mo nga yang si Fritz. You know how much I love you couz, and I don't wanna see you crying because you're hurting here." Tapos tinuro niya yung puso ko. I know, mahal ako niyang pinsan ko na yan, karamay ko yan sa lahat ng pagkakataon. Isa rin siya sa mga dahilan kaya spoiled brat ako.
"Thank you Blue, pero hindi ko pwedeng hindi pakasalan si Fritz. Una sa lahat hindi papayag si Dad, pangalawa mahal ko si Fritz. Alam ko in due time mamahalin din niya ako, maybe not now but eventually. I will do everything to make him fall in love with me." Ngayon ko lang narealize sa sarili ko that despite me being a brat and a b***h, martir din pala ako.
Silly Nat! Hindi kalang martir, hopeless romantic din.
"Ayan na naman tayo sa mga "I will do everything mo eh" Dyan ka nga napahamak diba." Hindi ko alam kung supporter ko ba talaga tong pinsan ko oh manlilibak ko eh. Pero kahit ganyan yan, alam kong di ako iiwan at pababayaan niyan. Silang tatlo nila Sham and Art.
How I miss those two. Sana nandito sila para naman marami akong karamay.
"Basta pinsan, ipapangako ko sa sarili ko na gagawin ko yung makakaya ko para mahalin niya lang ako." I swear I'm going to do everything to make him love me back. Kahit pa sabihing kailangan kong ibaba ang sarili ko, I'm willing to do that.
"Eh paano kung hindi mangyari yun Natalie? Paano kung ginawa mo nga lahat pero still he wouldn't love you. What will you do?" Tanong sa akin ng pinsan ko
"Blue napaka nega mo talaga. Pero if he still doesn't love me after I did everything, marunong din naman siguro akong mapagod. Hihintayin ko na lang na susuko na ko dahil wala na talagang pag-asa. Pero hanggat may nakikita pa kong hope, I'm not going to stop. That's how much I love him." Wala eh, tinamaan na talaga ko sa kaniya. Kahit nagmumukha na kong tanga okay lang at least I'm going to be Mrs. Villafuerte, I'm going to be his wife soon.
"Bilib din ako sayo insan eh. Ngayon ko lang nalaman na ganyan ka pala mainlove, malala. Anyway goodluck to you and best wishes." Yes, goodluck to me. I know very supportive si Blue pagdating sa mga desisyon ko but I also know that she doesn't want me to be hurt.
"Thanks pinsan, alam mo buti pa magsaya na lang muna tayo. Tama na muna ang drama natin. Tulungan mo na lang muna ko magsukat nitong mga ready made gowns para makaalis na tayo dito then let's head to the bar." Mukha namang nagustuhan niya yung suggestion ko kasi biglang lumiwanag yung mukha niya.
"Yeah right. Lets paint the town red for once." Sakto naman pagkasabi niya nun dumating yung nag-assist samin kanina dala-dala yung iba't-ibang ready made gowns. They look all beautiful but then sabi nga nila, you only have to choose one.
Namimili na ko ng mga pinakamagagandang gown dun sa mga inilabas ng staff ng botique. Then I saw a gown that really caught my attention.
"Hey Blue, what do you think of this gown?" I look at her with the gown on my hands.
"Hmmmm maganda, why dont you try it para makita natin." Niyakag pa niya ko sa fitting room para maisukat ko yung gown.
Maya-maya lumabas na ko wearing the gown. "Uy pinsan, can you help me zip it? hindi ko abot eh." Lumapit naman siya at tinulungan ako.
"Oh my God Nat! You look so beautiful on that gown."-Blue
"Oo nga ma'am, parang isinukat po sa inyo ah. Mukhang wala ng babaguhin at ang ganda ganda niyo po dyan sa gown na yan." Segunda naman nung nag-aassist sa amin.
Tumingin pa ko sa salamin to make sure na totoo nga yung sinasabi nilang bagay sa akin itong gown.
"Alam mo tanga na lang ni Fritz kapag hindi pa nainlove sayo yun. s**t Nat! bakit di ka kaya mag-artista, ang ganda mo sobra, parang ako lang." Ay leche, ok na sana eh, humirit pa talaga. Pero she's right, it looks good on me. No, good is an understatement, let me rephrase that. It looks perfect on me. Gaya nga ng sinabi nung staff, parang ginawa ito para sa akin.
"Pinsan kunin mo na yan. Hay naku baka makuha pa yan ng iba. That gown is really meant for you, kaya kung ako sayo kunin mo na yan. Right girl?" Lumingon pa siya dun sa staff, naghanap pa ng kakampi.
"Alright, I'll take it. Ipadeliver niyo na lang sa address na ibibigay ko." Nagbayad na rin ako after kong mahubad yung wedding gown.
"So paano? eh di gora na tayo sa bar?" Tanong sa akin ng pinsan ko. Tumango lang ako bilang sagot. "Okay, tara na."
Nilisan na namin yung botique and we headed to the bar na as usual pag-aari ng husband-to-be ko. Masyado pang maaga kaya malamang wala pa yun at nasa opisina niya.
"Ang aga yata natin...hehehe pero ayos lang yan. Last na naman natin to eh. Cheers to you my dear cousin, I hope you will be happy on your marriage. Dahil kapag umiyak ka ng dahil sa Fritz na yan, I'll kill him, I swear." Natawa na lang ako sa mga pinagsasabi niya. Minsan kasi kung ano-ano na lang pumapasok sa isip niyan, pero hindi din naman niya magagawa yun.
"Thanks cousin. But I prefer that you wont kill Fritz, mahal ko yun eh. He's my happiness. Lets drink for my happiness." At nagcheers pa kami. I hope maging maayos din ang lahat. Sana nga mahalin din niya ko gaya ng pagmamahal ko sa kaniya.
........................
Anong oras na ba? Kanina medyo maaga pa nung dumating kami dito sa bar. Nakakailang shots na rin ba kami? Hmmm I guess marami-rami na rin dahil sa totoo lang, feeling ko umiikot na ang mundo ko.
"Cous, for your happiness." Nag-angat ulit kami ng baso ni Blue for another toast. Pero bago ko pa mainom yung alak na nasa baso ko, someone grab my arm and took off the shot glass I'm holding.
"Hey, who the hell you think you are?" Nakakainis ha, sino ba tong pakielamero na to? bigla bigla na lang nang-aagaw ng drinks, mahirap ba sya at hindi makabili ng sarili niyang alak.
Pagharap ko, hindi ko agad siya nakilala. Umiikot kasi talaga ang paningin ko. Hinawakan ko yung mukha niya to make sure that his real.
"Fritz?is that you?" Imahinasyon ko ba to o dala lang ng alak na ininom ko kaya naghahallucinate ako na si Fritz ang nasa harap ko.
"What the f**k you're doing Natalie?" Wait, I'm not hallucinating at all. Fritz is really in front of me, looking at me as if I've done something wrong, AGAIN.
"Oh Fritz its really you." Akma akong yayakap sa kaniya pero hinawi niya lang yung kamay ko.
"Go home Nat, lasing na lasing ka na. Hindi maganda sa paningin na ang isang babae ay hindi na makatayo sa sobrang kalasingan." Huh? what? is he concern with me or he just trying to mock me.
"I'm not super drunk Fritz. I can still walk...See?" I stand up in front of him and tries to walk straight, pero gaya ng isang lasing, pasuray suray ako.
Yeah, that's right Natalie. Embarass yourself in front of him.
I tried to walk again, insisting that I can still walk straight, unfortunately I tripped. As if on cue, Fritz catches me from supposedly fall on the floor.
"Damn it Natalie, when I tell you to go home, you should do it. Isama mo na rin yang pinsan mo. I'll tell my driver to get you home." I look at Blue, s**t! she already passed out. Akala ko pa naman matibay yan sa inuman.
"You don't have to do that Fritz, I can drive."
Liar! You can't even stand on your feet and can't walk straight. Who are you kidding?
Silly me, nakukuha ko pang magsinungaling eh kitang kita naman na hindi ko na talaga kaya. Everything is turning around.
"f**k Natalie! Sundin mo na lang sinasabi ko will you. My driver will drive you home kasama yang pinsan mo. Baka mabangga pa kayo kapag ikaw nagdrive. Eh you can't even look at me straight." Oh yeah! tatay ko ba tong kausap ko? Oh wait, is he concern about me?
"Are you concern about me? well thank you." Ngumiti pa ko sa kaniya ng pagkatamis tamis kahit namumungay na yung mata ko. Sa totoo lang inaantok na ko, hindi ko nga alam kung paano pa ko nakakatagal na kausapin si Fritz eh.
"Dream on Natalie. You know I don't care about you. My concern is Ninong and Ninang, how would they feel if their little princess here would die because she was driving drunk." Ouch! that hurts. I know he doesn't care about me, but it really hurts hearing it from him, from his own mouth.
"Yeah right, hindi mo na kailangan pang ipangalandakan na wala kang pakialam." Then I walk away kahit pa nga sumusuray ako sa paglalakad. The hell I care. I just wanted to be away from him now. Nasasaktan ako, nasasaktan ako sa mga sinasabi niya at sa mga naririnig ko mula sa bibig niya.
"Where are you going Natalie?" Gago ba siya? diba sabi niya umuwi ako? Tapos tatanong tanong kung saan ako pupunta.
"I'm going home, ano pa ba? diba sabi mo umuwi.....Gago" Pero syempre hindi ko na pinarinig yung Gago diba. Lagot ako dyan. Naiinis kasi ako sa kaniya eh, napakamanhid at walang puso.
You deserve his wrath Natalie, after all hindi naman maganda ang ginawa mo sa kaniya.
"What did you say?"- Fritz
"Sabi ko asan ba yung driver mo ng makauwi na kami ng pinsan ko. At para hindi ka na rin naiistress sa presence ko." Asshole, gusto ko sanang sabihin yan sa kaniya pero hindi ko na ginawa. Alam niyo naman ugali ni Fritz diba. Baka mamaya magbackout pa yan sa kasal namin, naku patay na.
"Tatawagan ko na lang siya. You stay here at ipasusundo na lang kita." Then he walk away. Hay napakawalang pakialam talaga ng lalaking yan. Pasalamat siya at mahal ko siya kaya naman natitiis ko ang ugali niya.
"Fine, I'll wait here. Leche naman tong buhay na ito oh. Promise I'll do everything to make you fall in love with me." Determinado kong gawin ang lahat mahalin lang niya ako. Mapapalambot ko rin yang bakal na shield na ginawa mo para hindi ako makapasok sa buhay mo, sa puso mo.
Duh! I'm not a Cortez for nothing. Makikita mo Fritz, maiinlove ka rin sa akin. Si Natalie pa ba? Hinding hindi to sumusuko agad. Just wait and see Fritz.
Maya-maya nakita ko na yung driver niya papalapit sa table namin ni Blue. Nagpatulong pa siya sa ibang waiter para maalalayan si pinsan habang siya naman ang umalalay sa akin. And the devil brute, ni hindi na nagpakita. Wala talagang puso. Makauwi na nga at makatulog, saka na ko magpaplano, how to make him fall for me.