Kabanata 2

1514 Words
Sumapit ang kaarawan ng kasintahan ni Alison. Maaga siyang nagpaalam sa opisina para bumili ng regalo niya para dito. Nagtungo siya sa mall na binanggit nitong nakitaan nito ng gusto nitong mountain bike. Nang matapos, umuwi na rin siya agad. Naihanda na rin niya ang kailangan nitong pera na inutang pa nga niya kay Jenny. Isa nalang ang hindi niya naihanda, ang kanyang sarili. Matapos na halos isang linggo itong hindi nagparamdam sa kanya, kahit anong text niya dito hindi manlang nagrereply, kahit tawag hindi manlang siya sinasagot. Halos buong linggo siyang hindi siya mapakali dahil sa inaasal nito, kaya naalarma siya na baka totohanin na talaga nito na makipaghiwalay sa kanya. Kaya nagpasya siyang ibigay na ang inuungot nito, ang pinakaiingat-ingatan niyang p********e. Sabi nalang niya sa sarili, para din naman talaga ito sa boyfriend nya kaya lang advance lang niyang ibibigay ito dito. Siguro naman kapag nagkaganon hindi na sila parating mag-aaway. At baka dumalas pa ang tawag at text nito na halos isang beses lang yata nito sa isang araw gawin. Naligo na siya at nagbihis, mga alas siyete kasi ng gabi ang balak niyang magtungo sa apartment ng kanyang kasintahan. Inihanda niya ang perang regalo niya para dito, ngunit iniwan na muna niya ang bike para ito na ang kumuha bukas dito sa apartment niya. Balak niya kasing sa apartment na nito matulog. Bumuga siya ng hangin bago lumabas ng bahay, pinanlalamigan kasi siya ng katawan. Kinakatakutan niya ang nakatakdang maganap sa kanila ni Rico. Ngunit hinamig niya ang sarili, bakit siya natatakot? Hindi ba dapat,pananabik ang kanyang maramdaman. Iiling-iling na pumara nalang siya ng tricycle patungong pilahan ng jeep. Sa bahay ng mga De Vega. "Nanay Dorry, ang tagal naman po ng Daddy. Miss na miss ko na po sya, gusto ko po maglaro kaming dalawa," medyo nanunulis ang ngusong sabi ni Alexa sa matandang kasambahay. Nahahabag na linapitan ito ng matanda at hinagod ang buhok. "Alexa, hintay ka pa ng konti darating na din iyon. Baka nga may pasalubong pa iyon sayo," nakangiting nitong sabi sa bata. Kanina pa kasi ito naghihintay sa pagdating ng Ama galing sa trabaho nito. Kahit na hindi ito pinapansin ng Ama, hindi pa rin napapagod ang bata sa paghihintay dito. Bilang matagal ng kasambahay sa pamilyang ito, naiintindihan na ni Aling Dorry ang pinagdadaanan ng bata. Sabik na sabik ito sa pagmamahal ng isang ama kaya gumagawa ito ng paraan na mapaalis ang lahat ng kinukuha ng Ama nitong Yaya dahil ang gusto ng bata ay ang mismong ama nalang nito ang mag-alaga dito. Na sa tingin naman niya ay imposibleng mangyari, lalo pa at kamukhang-kamukha ito ng sariling ina. Palagi niya itong nahuhuling umiiyak sa tuwing magtatangka itong lumapit sa ama ngunit hindi naman ito pinapansin ng ama. Pero magkagayon man, hindi pa rin ito napapagod sumubok na mapalapit sa ama. Ilang sandali lamang at narinig na nila ang kotse ni Blade, nangningning ang mukha ng bata at patakbong lumabas ng bahay. Sumunod naman ang matanda dito. "Daddy! Daddy! Daddy!" masiglang tawag nito sa ama habang tumatalon-tumatalon pa. Lumabas ng kotse si Blade at malamig na tiningnan ang bata, sabay tila hanging nilampasan lamang ito. Diridiritsong pumasok sa loob si Blade . Naiwan namang nakatayo ang bata habang walang kakilos-kilos ito. Alam ng kasambahay na umiiyak ito dahil sa napansin nitong bahagyang umuuga ang dalawang balikat ng bata. Linapitan niya ito at inalo. "Wag ka ng umiyak Alexa ha, pagod lang siguro ang Daddy mo kaya wala sya sa mood makipaglaro ngayon," nahahabag na sabi nito sa bata na ngayon ay malakas na umiiyak. "H-Hindi po ba a-ako love ni D-daddy Nanay?" paputol-putol na tanong nito habang patuloy pa rin sa pag-iyak. "Shhhh, anak wag mong sabihin iyan. Mahal na mahal ka ng Daddy mo, pagod lang siya ngayon kaya ganon sya," paliwanag niya dito habang hinahagod ang likod. "Hindi nya talaga ako love Nanay, mabuti pa sina Tito Felix love nila ako pero sya hindi! Puro work nalang parati inuuna niya kesa sakin! I hate him!" pasigaw na sabi nito at tumakbo sa loob ng bahay. Nasalubong nito ang ama ngunit diridiritso lang itong pumasok sa sariling kwarto at pabagsak na isinara ang pinto. "Manang Dorry, may pagkain na po ba?" balewalang tanong ni Blade sa kasambahay. "Meron na hijo, ipaghahayin na ba kita?" "Oo Manang, medyo kumakalam na kasi ang sikmura ko," sabi niya dito. Umupo siya sa sofa at akmang bubuksan na ang tv ng biglang makarinig siya ng lumagabog sa kwarto ng anak. Sinundan pa ng pagkabasag ng isang bagay. Patakbo siyang nagtungo sa kwarto nito ngunit nakalock ang pinto. "Alexa! Buksan mo ang pinto, ano bang nagyayari sayo ha?! Buksan mo ito kung ayaw mo sirain ko to!" galit na sigaw niya sa anak. Hindi pa rin nito binuksan ang pinto, sa halip nakarinig ulit siya ng nabasag na bagay. Nakita niyang papalapit si Manang Dorry,nag-aalala rin ito para sa bata dala-dala ang susi ng kwarto ng anak. Binuksan ni Blade ang pinto at dali-daling pumasok sa loob. Naabutan niyang hawak-hawak ni Alexa ang isang base at tangkang babasagin ito kaya tinakbo niya ito at inagaw dito ang hawak. "Tumigil ka Alexa! Kailan kapa naging ganito kabayolente ha?! Napakabata mo pa pero grabe na ang ugali mo! Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko sayo!" galit na sabi niya dito habang mahigpit na hawak sa balikat ang bata. Hindi manlang ito sumagot sa ama, sa halip tumingin lang ito sa kanya na blanko ang expression habang patuloy na bumabagsak ang luha. Pumiksi ito sa pagkakahawak niya at tumalikod, sabay higa sa kama at nagtalukbong ng kumot. Tila nauubusan ng pasensyang napasabunot sa sariling buhok si Blade. "Manang, pakilinis nalang po itong kwarto. Magpapahangin lang po ako sa labas," sabi niya sa kasambahay na dinaluhan ang kanyang anak. "Nakahayin na ang pagkain Sir, kumain po muna kayo ng hapunan," sabi nito kay Blade na noo'y nasa may pintuan na ng kwarto. "Hindi na po Manang, nawalan na ako ng gana. Pakisamahan nalang po muna ang batang yan, baka ho umaga na akong makabalik," sabi ulit niya dito. "Sige po Sir, tatawag nalang po muna ako sa anak ko na hindi muna ako uuwi." "Salamat po Manang." Tumango lang ang matanda,nagtungo naman siya sa sariling kwarto para magpalit ng damit. Napatingin siya sa wedding picture nilang mag-asawa. Lumamlam ang kanyang matang nakatuon dito. Love, napakasama ko ba talagang Ama? Hindi ko talaga magawang alagaan ang ating anak? Hindi mo naman siguro ako masisisi, kasalanan mo rin kasi ito. Iniwan mo agad kami ng napakaaga, hindi ko alam kung bakit ako ganito sa kanya,sana mapatawad mo ako Love," tahimik na pakikipag-usap niya sa picture. Matapos magbihis, lumabas na siya ng bahay. Kailangan nanaman niyang magpakalunod sa alak, para ng sa gano'y makalimutan niya ang sakit na kanyang nararamdaman,isama pa ang problema niya sa anak. Tiningnan niya ang relong pambisig, nine o'clock na ng gabi. Nagtungo siya sa garahe, kung saan nakaparada ang apat na mamahalin niyang sasakyan. Pinili niyang gamitin ang bagong-bago niyang BMW M3 Sedan na kakabili lamang niya noong isang buwan. Ilang sandali pa at binabagtas na niya ang kahabaan ng Makati. Pagliko ni Blade sa huling kanto bigla siyang napapreno, may isang babaeng tumawid bigla sa kalsada na animo wala sa sarili. May kadiliman sa kalsada kaya laking pasasalamat niya dahil kahit madilim napansin pa rin niya ang babae. Sa lakas ng impact ng pagpreno niya, halos mahilo-hilo si Blade dahil napasubsob siya sa manibela ng kanyang sasakyan. Na-shock si Blade sa nangyari, hindi agad siya nakagalaw, imagine muntik na siyang makapatay. Bigla niyang naalala ang babae kaya dali-dali siyang bumaba ng sasakyan para madala niya ito sa ospital. Nahabag siya sa itsura nito, nakatalungko ang babae habang yakap-yakap ang sariling binti. Linapitan niya ito. "Miss are you alright?" nag-aalalang tanong niya dito, sabay hawak sa balikat nito. Napansin niya ang bahagyang panginginig ng katawan nito, naisip nalang niya na marahil dahil sa takot kaya nagkakaganon ito. Bagama't nasa ganon silang sitwasyon, hindi nakaligtas kay Blade ang kaaya-aya nitong amoy. Hindi niya mawari kung pabango nito iyon o talagang normal na amoy lamang ng katawan nito ang nakakahibang na amoy na iyon. Kung hindi siya nagkakamali, parang amoy ng lutos ito. Naipilig niya ang ulo, kung ano-ano pa ang sumasagi sa kanyang isip nasa ganito na nga silang sitwasyon. Tinanong niya itong muli ngunit hindi pa rin ito nagsalita bagkos mahihinang hikbi nito ang kanyang narinig. Nagpanic na si Blade. "Miss! Answer me! Ayos ka lang ba? Anong masakit sayo?" nag-aalalang tanong niya muli dito, medyo lumakas na ang boses niya. Madilim sa bahaging iyon kaya naman kahit anong pilit niyang aninawin ang mukha nito, hindi talaga niya makita ito. Nagsisi tuloy siya na napatay pa niya ang headlight ng kotse niya bago bumaba. Nag-angat ito ng mukha, tumitig sa kanya na kahit hindi niya makita ay ramdam niyang tagos sa kaloob-looban niya ang tinging iyon. "Mr, p-pwede bang angkinin mo ako?" biglang sabi ng babae na ikinagulat naman niya. Tila nabuhay yata lahat ng himaymay ng kanyang laman dahil sa narinig. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD