Inayos ni Alison ang ilang piraso niyang damit sa built in cabinet sa kwartong pinagdalhan sa kanya ni Manang Dorry. Ang matandang sumalubong sa kanya, kasambahay din ito ng pamilya pero sa tingin niya ay hindi lang ito kasambahay don. Kitang-kita kasi na malapit ito sa bata at sa kanyang boss. Kanina, pinakilala na sa kanya ang kanyang aalagaang si Alexa. Napakaganda ng bata, medyo may hawig ang mata sa ama nito pero tiyak niyang mas kamukha ito ng Mommy nito. Mukhang amerikana din ito, napakaputi at mamula-mula pa ang pisngi. Mukhang mabait naman ang bata, angelic face nga ito ei tsaka bahagya siyang nginitian nito kanina. Hindi niya maintindihan kung bakit wala itong nagtatagal na yaya. Pagkatapos niyang ayusin ang ilang damit, lumabas na siya ng kwarto para sumabay mag almusa