Hindi na nag aksaya pa ng panahon si Blade, agad niyang binuhat ang walang malay ng si Alison sa kanyang kotse at dinala sa pinakamalapit na ospital. Halos paliparin niya ang kotse dahil sa matinding pag-aalala sa nobya. Hindi niya alam kung napano ito basta nalang ito nawalan ng malay bago pa man masagot ang tanong niya dito. Agad namang inasikaso ng Doctor si Alison habang siya ay di mapakali habang hinihintay ang paglabas ng Doctor. Maya-maya ay bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ng kanyang kasintahan at ng Doctor. Dumungaw ang nurse na kasama ng mga ito at sininyasan siyang pumasok na sa loob. Sumunod naman siya dito. Nakangiting humarap sa kanya ang Doctor. "Doc, kumusta na po sya?" nag-aalalang tanong niya sa Doctor. "Okey lang sya Hijo, wala ka ring dapat ipag-al