Hindi magkandatuto ang lalaki pagkakita sa kanya, hinablot nito ang kumot at agad na ibinalabal sa harapan nito. Siya naman ay hindi pa rin makaget over sa nakita, first time na mangyari iyon sa buong buhay niya. Nahamig tuloy niya ang sarili, kakaiba kasi ang epekto ng napanood sa kanyang katawan. Parang parehas ng nararamdaman niya sa tuwing naaalala niya ang lalaking nakatalik niya noong gabing iyon. Tila bigla siyang kinapos ng hininga at bigla-bigla ang pagragasa ng kakaibang init sa kanyang katawan. "Anong ginagawa mo dito?!" madiin ang boses na tanong nito pero halatang nahihiya ito sa kanya, hindi kasi ito makatingin sa kanya ng deritso. "K-Kwan po Sir, a-ano po kasi.. Uhhmmm, p-pinapatawag ka po ni Manang Dorry kasi kakain na daw po ng p-pananghalian," pautal-utal na sagot