Kabanata 13

1713 Words

Napakunot noo si Blade ng marinig ang masasayang tawanan sa may pool. Tinanghali siya ng gising dahil na rin sa medyo naparami ang inom nila ni Felix kagabi buti nalang sunday ngayon wala siyang pasok. Masayang boses ng anak niya ang kanyang naririnig, maging boses ni Felix na animo nakikipaglaro sa kanyang anak. Pero mas nangunot ang noo niya ng marinig ang masayang halakhak ni Alison. Agad siyang napapihit ng deriksyon patungo sa pool, sa kusina sana siya patungo para magpatimpla ng kape kay Manang Dorry. Naabutan niyang masayang nagtatampisaw ang tatlo sa pool. Si Alexa ay tinuturuan ni Felix na lumangoy habang nakaabang naman si Alison dito. Animo isang masayang pamilya ang nakikita niya sa tatlo. Agad na kumulo ang dugo niya, parang gusto niyang sugurin ang mga ito at sapakin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD