Chapter 1.1

466 Words
"I must insist, for I am certain that you are wrong. We hath not fought thy fate so you could, in your weakened mind, make me your loathesome enemy.” ~ "FIND HER!," He roared. Kung nais ni Vittoria'ng mabuhay, kailangan niyang mas bilisan pa ang kanyang pagtakbo.  The moonless night hid her. She was like the moon tonight that kept herself hidden away.  Ngunit alam niya kung gaano kahusay ang mga tumutugis sa kanya--mga beteranong sundalong hindi magdadalawang-isip na barilin siya.  Ang itim na panyong nakatakip sa kanyang mata’y hindi alinlangan sa kanyang pagtakbo sapagkat sanay na siya. Ang tanging nakikita niya ay ang mga luntiang mga puno at sampong metro sa kanya ay ang kumikinang na pulang kulay—ang mga tao. Isa pa, memoryado niya ang bawat daan mula sa kanyang nakaraang pagtakas. Kung bakit may takip ang kanyang mata’y isang sumpa. Hindi na niya maaninag ang napakataas na pasilyo ng Hospital Valle de Arturia kung saan siya nakakulong, ibig sabihin ay malayo-layo na siya rito. Sa kasalukuyan, naiwala niya ang mga ito ngunit hindi nakakagulat kung nasa likuran lamang ang mga itong sumusunod sa kanya.  Ang paghinga'y tila nawaglit sa isip ni Vittoria. Nag-aalab ang baga nito at ang mga nangangalay na binti nito ay nagsusumamong tumigil muna. Subalit hindi niya maaaring isakripisyo ang isang paghabol ng hininga sa kanyang kaligtasan. Hawak-hawak nito ng mahigpit ang kanyang puting lumang bestida na malapit ng mangitim sa dumi. Ito ang damit ng mga baliw na nakatira sa asilo. Nakataas ito sa kanyang baywang upang mas mapabilis ang kanyang pagtakbo sapagkat palaging nasasabit sa mga kahoy. Ang madilim na malalaking puno sa paligid sa gitna ng gubat ay tila sandaling maaaring kublihan. Ngunit batid niyang hindi pa ito ang pinakaligtas na pagtaguan.  Parang isang palaso, tumakbo siya ng matulin, walang pinapalampas na segundo.  Sanay na siya sa dilim, tila ito'y naging tahanan na ni Vittoria buong buhay niya kung kaya't hindi alintana sa kanya ang halos walang maaaninag na gubat.  Tila ipinagpasalamat niya pa na wala ang buwan ngayon. Subalit kagaya niya ay sanay na ang mga sundalo sa ganitong sitwasyon. Ang mga berdeng puno sa gubat ay tila nagsusulputang mga tao, hindi maubos-ubos sa bawat pagtalon, pagliko at pagtakbo niya.  Ang pagtusok ng mga maliliit na sanga ng puno ay tila karayom sa kanyang katawan. At sa kabila ng pagpilit niyang gumalaw ng tahimik sa dilim, ang bawat malulutong na tunog likha ng pagtapak nito sa mga tuyong dahon sa lupa ay mas dumodoble ang kanyang pangamba kayat kanyang binilisan ang pagtakbo.  Isang bangin ang nagpatigil sa kanya ngunit dalawang metro mula sa dulo ng batong kanyang kinatatayuan ay may gubat din. Tila naghiwalay ang dalawang bato at gumawa ng bangin. Naramdaman ng dalaga na may basa sa kanyang kaliwang pisngi.  Luha? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD